The Rebels (KATHNIEL)

By baboybabs18

2.5K 194 35

Two people- tagged as rebels when they were young. They had the same lifestyle; drinking, ditching, partying... More

Prologue
1. No, this means war.
2. Guy version, wtf?
3. "You're nothing"
4. Dream come true, eh?
5. Serious talk, seriously?
6. Getting to know more
7. Not worth it, ouch
8. Getting closer!
9. The fire has started
10. Why can't I resist?
11. Pay back time
13. I never saw this coming
14. Baka Di Lang Ikaw Ang Mahulog
15. Patayin Sa Sarap
16. I'll be Good
17. Dumb or Numb
18. Genuine Smile
19. Si Gwapo at si Maganda
20. Promise
21. Can't Help Not To Smile
22. Mutual Feelings
23. Actions Speak Louder than Words
24. What You See Is What You Get
25. Keep It This Way
26. Important Someone
27. Someone's Jealous
28. Nangangamoy
29. The Most Awaited Words
30. Pangga
31. Love

12. With Daniel Padilla

69 5 0
By baboybabs18

Buong byahe ay di kami nag imikan. Ayaw kong makipag-usap sa kanya dahil nakakabwisit sya, at halata rin namang wala syang planung makipag-usap sa akin. Pero agad tumaas ang kilay ko nang bigla syang lumiko para mag park sa jollibee na medyo malapit sa school namin. Dito nya ako iddrop? Hell, Kakailanganin ko pang maglakad for how many minutes or sumakay ng taxi!

Pagkatigil nya ng sasakyan ay di ko na sya hinintay na magsalita pa at agad akong bumaba ng kotse para magsimula nang maglakad papunta ng school. Pero rinig na rinig ko pag sara ng pintuan ng kotse nya at ang kanyang mga yapak palapit sa akin kaya liningon ko sya at tinaasan ng kilay.

"Let's eat first." sabi nya

Humalukipkip ako bago nagsalita "Kakain na naman?"

"Beakfast yun. It's still 11:40, so let's have our lunch first." sabi nya habang papalapit sya sa akin

"And do you really expect me to eat with you, Padilla?"

Ngumiti sya "Why not?"

Damn you. Wag na wag kang ngingiti sa akin na parang wala kang mga nagawang kasalanan sa akin hinayupak ka!

Nagbuntong hininga ako para ikalma ang sarili ko sa inis bago nagsalita "I'd rather eat alone." at tinalikuran ko na sya at naglakad palayo.

Nakailang hakbang na rin ako at napansin kong wala na ngang nakasunod sa akin. Good.

Pero di ko maiwasang magtaka kaya liningon ko sya saglit.

I rolled my eyes and walked fast "Unbelievable." bulong ko sa sarili ko nang makita ko syang may kasama nang babae papasok ng jollibee.

Nang may nadatnan akong taxi ay agad ko itong pinara kahit alam kong malapit na ang school. Tinatamad ako para maglakad papunta ng school. At nang makarating na ako ng school, ay wala ako sa sariling naglalakad habang iniisip ang pagkawala ng isang bagay na pinagkakaingat-ingatan ko.

Di na rin ako nag-abalang kumain dahil busog pa naman ako. Umupo nalang ako sa favorite spot kong grass sa ilalim ng malaking puno ng mangga sa harap ng field.

Nagising ako sa pag ring ng bell. 'Nakatulog ako?' tanong ko sa sarili ko at kinuha ang cellphone ko mula sa bag ko at tiningnan ang oras. Ala una na pala. First subject ko sa hapon...

Habang naglalakad ako papunta ng room ko ay naalala kong naiwan ko sa bahay ng bwisit na yun ang mga iba kong gamit... at... at! FCK! Ang mga damit at underwear ko sa cr! Ugh.

Kahit naman may nangyari sa amin, ayokong makita nya pa rin ang.. ugh...Mabuti nalang at naalala kong sinabunan ko ang panty ko sa loob ng banyo. Pero.. pero.. Ugh! Nevermind. Di ko na kukunin yun. Ayoko nang bumalik sa bahay nya. BWISIT ANO ITONG PINASOK KO?!

Napaawang ang bibig ko nang sa labas ng room namin ay nandun si Daniel at nakikipagtawanan sa isang babae. IBANG BABAE NA NAMAN?! Grabeeee. Kulot yung kasama nya kanina ah!

"Kath..." Napalingon ako sa likod ko at agad kumunot ang noo ko nang nakita kong si Alexander the great asshole pala. Di ko sya pinansin at nagmadali akong maglakad papuntang room nang bigla nya akong nahawakan sa braso.

"Why are you mad at me?" Tanong nya sa akin at pinaharap nya ako sa kanya

Inirapan ko sya at tumawa ng bahagya. Yung tawang di ko mapigilin pero halatang may bitterness "I'm not mad at you." at ihinawi ko ang kamay nya sa braso ko at naglakad na hanggang sa makarating ako sa may pintuan na nakabusangot ang mukha.

"Kath, saglit."Sigaw ni Alex sa likod kaya naman ay napatingin si Daniel at yung kausap nya sa amin.

"I don't know what I did to you kung bakit ka galit sa akin. Pero, let me make it up to you. Please?" sabi nya sa akin ng sobrang seryoso nang tumigil ako at hinarap sya.

"Okay." Agad na sagot ko sa kanya nang makita kong paparating na ang aming teacher. Biglang umaliwalas ang mukha ni Alex. At napalingon ako sa gilid ko nang biglang nagsalita ang babaeng impakta na kausap ni Daniel "Sige babe. See you later." Sabay kiss nya sa cheeks ni Daniel. Wow. Inirapan ko sila, including Alex at pumasok na sa loob bago ako maabutan ng chismosa naming guro sa labas at baka magtatanong na naman.

Nang makapasok ako ay agad tumayo ang sinasabe kong ka fling, este ka MU.. ay no! Ka flirt? Suitor nalang na inieentertain ko na sinasabe kong kaklase ko. Aryt. I get it. Nakita at narinig nya ang pinag-usapan namin ni Alex sa may pintuan. Sa lapit ba naman ng upuan nya.

Di na sya nakapagsalita dahil hinarang ko sa mukha nya ang palad ko. Sawa na ako sayo. Kaya wala kana sa listahan. He knows me. He knows my rules. Once talikuran kita at di na kinakausap, ibig sabihin wala na. Tapos.

Bye. At tinalikuran ko sya.

Bago pa ako maupo ay tumayo si Julia sa kanyang upuan at nakipag beso sa akin. Tss.

Nang makaupo na ako ay nakita ko ring nakipag beso sya kay Daniel na nakasunod pala sa akin. Reallyyyy Julia?

Busy si Ms. Reyes sa pag aayos ng mga gamit at pag sset-up ng laptop at powerpoint kaya binigyan nya muna kami ng 5 minutes free time.

"Wait wait wait... Bakit parang..." Napa tingin kaming lahat na malapit sa kinatatayuan ni Julia ngayon sa harap ko nang bigla syang nagsalita at parang nag-iisip ng malalim.

"Ano yun?" Tanong ni Miles sa kanya

"Bakit parang pareho ng amoy si Kathryn at Daniel ngayon?" Natigilan ako sa sinabe ni Julia at agad namang lumingon sa likod sila Enrique para tingnan si Daniel. Pa balik-balik ang tingin nila sa aming dalawa at nagkibit-balikat lang ako at bahagyang liningon si Daniel na nakangisi lang at di nagsasalita. Bwisit.

"I'm sure na amoy ni Daniel ang naamoy ko sayo Kath" sabi nya at agad namang naki-level sa akin para amoyin ako.

"Ano ba!" reklamo ko at bahagya syang tinulak.

"You always smell berry vanilla Kath... Not pure vanilla..." tumayo sya at nag pout "Did you buy a new perfume? or... Did you guys hug each other earlier nung di pa kayo dumating? You were both absent this morning." sabi nya sabay pa balik-balik kaming tiningnan ni Daniel at napa nganga ang mga kaklase kong nakikinig lalo na si Enrique na sobrang laki ng ngisi kaya agad kong siniko.

"That's ridiculous. Shut it Julia." sagot ko

"Pero kasi-"

"Shut up, this is my mom's shower gel." Sagot ko. Magsasalita pa sana si Julia pero biglang nagsalita si Miss.

Tahimik ako habang nagsasalita si Miss Reyes sa harapan pero di ako nakikinig sa kanya. Physically present but mentally absent kumbaga. Di ko pa rin talaga matanggap ang nangyari. Sa lahat lahat. Sa kanya pa? Di pa nga ako naka get over sa mga nasabi at nagawa nya sa akin ay may iba na naman syang kasalanan. My God!

"Miss Bernardo? If you are just going to day dream there, it's better for you to get out of our class dahil wala ka rin namang matututunan." Napalingon ako sa harapan ko na nakapamaywang si Miss.

"It's my loss, not yours. So what's the big deal?" walang gana kong sagot at ibinaling ang atensyon ko sa labas ng bintana kung saan nakikita ko ang mga puno at mga ibon.

"I really can't believe Mrs. Bernardo can bear a child like you. You're so different from your mother." Nagpa iling-iling si Miss Reyes habang naglalakad papuntang harapan at rinig na rinig ko rin ang mga bulungan, kitang-kita ko rin ang pagtitig nina Miles at mga barkada ko sa akin, na parang hinihiling nilang wag kong patulan dahil baka mag resign na naman gaya nung dalawang guro kong nainsulto ko. This is not the first time na sumagot ako. But this is the fckin first time na isinali ang ina ko sa usapan. Fck.

"You can call me names, Miss. But never mention my mom.. nor compare me with her." mahinahon kong sagot sa kanya at nakipagtagisan ako ng titig sa kanya. Ayoko munang makipag away. Pagod ako. Wala ako sa mood.

Di na sya sumagot pero bakas sa mukha nya ang galit at pagkairita sa akin.

"Mr. Padilla! Where are you going?!"

Napalingon kaming lahat kay Daniel na naglalakad papuntang pintuan dahil sa pagsigaw ni Miss.

"Cr. Tss" Sagot nya at lumbas

Kitang-kita ko ang pag awang ng bibig ni Miss. At rinig na rinig ko ang konting tawa ng mga kaklase ko. Yan napapala mo Miss. Oa makareact eh.

"If you want to go to the comfort room, magpaalam kayo ng mabuti! Di yung lalabas kayo bigla." sermon nya sa aming lahat.

"Sa kanya nyo HO sabihin yan." sagot ko. Ewan ko pero na activate ako bigla.

Nagtiim ang bagang ni Miss at halos lumabas ang kanyang eyeballs sa mga mata nya dahil sa panlilisik nito pero di na sya nagsalita at nagpatuloy sa pagklase.

Bumalik naman si Daniel at sinundan lang sya ng tingin ni Miss habang naglalakad sya papunta sa likod ko kung saan sya nakaupo.

Tumigil pa ang gago sa harap ko at ngumiti kaya naman ay inirapan ko sya. Bwisit. Pa smile smile pa. Ikaw may kasalanan e! Gago ka! Kung di mo ako dinala sa bahay mo edi sana nakakafocus ako ngayon!

Nang wala nang Daniel sa harapan ko ay nakita kong tumitingin si Miss sa akin at nakangisi. Ano problema nya?

"Okay, before we end our class... I just remember na ngayon ko pala sasabihin sino ang presenters natin next week." sabi ni Miss nang nag warning bell na for dismissal ng kanyang klase

"Miss! Can't we just choose our own partner?" tanong ni Julia

"As I've said yesterday, ako ang pipili." Sagot nya kay Julia nang nakangisi.

"Okay, so our first presenters are..." ngumisi sya at sa akin nakatitig.

"Kathryn Bernardo..." Ugh! I knew it. Fine! Kala mo natatakot ako sayo? Neknek mo! Kaya kong umarte sa harapan kahit walang script! Or mag report sa harapan kahit walang powerpoint or notes. Dahil kabisado ko ang buhay ni Dr. Jose Rizal! I'm not even challenged.

Napatakip ako ng tenga ko nang nagsisigawan ang mga kaklase ko at tumatawa si Miss Reyes sa harapan. "What's going on?" Tanong ko kay Enrique sa tabi ko na pumapalakpak at tumatawa.

"Didn't you hear it? Si Daniel ang partner mo!" sabi nya at humalakhak pero agad natigil dahil sa pagsapak ko

"Ouch!" reklamo nya

"No! I want another partner!" reklamo ko kay Miss na nakikipagtawanan sa mga kaklase kong abnormal.

"Sorry Miss Bernardo. I am not like your other teachers na takot sayo. Sana naman, kahit dito ay respetuhin mo ang pagiging guro ko.... goodbye class!" Deretsahan sabi nya sabay alis nang nagring na ang second bell. KAYA KA MATANDANG DALAGA DAHIL BWISIT KA

Tiningnan ko ng masama ang mga kaklase kong tumatawa at halatang natutuwa kaya agad silang tumahimik. Mga bwisit. Naisahan ako ni Miss dun ah! Alam nilang lahat kung paano kami laging nag-aaway at nagsasagutan ni Daniel. Kaya ang mga unggoy ay tuwang-tuwa dahil malamang aabangan nila ano ang magiging eksena namin ni Daniel. Namemersonal talaga ang lecheng guro na iyon. Ugh!

"You know Kath, if you don't want me to be your partner just because you find it awkward you can--"

"Shut up." pagputol ko sa unggoy na Padillang ito dito sa likod ko kahit di sya tinitingnan kaya humalakhak sya

"Kath, gusto mo sabihin ko kay Miss kami nalang ni Daniel?" Pag presenta ni Julia sa akin.

"No Julia. Di na magababago ang isip ni Miss." Sagot naman ni Jon na agad kong tiningnan ng matalim at nginitian ako sabay bawi ng tingin. Mga traydor!

"Don't worry, I don't like to be your partner either." bulong ng mokong sa akin mula sa likod.

"Edi ikaw ang kumausap sa kanya. Let her change her mind." sabi ko at hinarap sya

"No." he smirked kaya sinapak ko sya gamit ang notebook nya sa table nya at tinalikuran sya.

Sabay ng pagtalikod ko ay ang pagdating ng sumunod naming guro at ang pagkatama ng notebook sa ulo ko.

"Aray!" Napasigaw ako ng di sinasadya. Masakit yun ah! At alam ko na kung sino yun! Tinatanong pa ba?

"Are you okay Miss Bernardo?" tanong ni Mrs. De los Santos

"Unfortunately Miss, I am not okay. Dahil may unggoy sa likod ko na sinapak ako ng notebook!" Sabi ko nang hinihimas ang ulo ko at di tinitingnan si Daniel

"Who was it?"

Tumayo ako at kinuha ang notebook sa sahig at hinagis sa pagmumukha ni Daniel "HIM" I said, then I sat down. Good for you.

"This is not my fuckin notebook! I'm not like you! Binato mo ako pero di ako ang gumanti!" Sigaw ni Daniel mula sa likod ko kaya liningon ko sya.

"Don't lie! Will you?! Bakit? Nahihiya ka kasi nalaman ng lahat na nananakit ka ng babae?! This is not the first time, Padilla. Everyone knows."

"I said it wasn't me!" Lumakas na ang boses ni Daniel at tumayo sya kaya tumayo rin ako at nakipagtagisan ng titig sa kanya.

"Mr. Padilla, Ms. Bernardo! Sit down." Tawag ni Mrs. De los Santos sa amin. Mabait si Mrs. De los Santos at gusto ko sya. Pero sorry, dahil di ko sya mapagbibigyan ngayon!

I swear, sasabog na siguro ako ngayon. Sirang-sira na ang araw ko dahil sa kanya.

"It's okay Daniel. Manakit ka lang ng babae. Wala namang babae sa buhay mo na matatapunan ng karmang pinag-gagawa mo dahil wala ka namang kapatid na babae... at wala kang ina." I smirked at agad na umupo. Sa tindi ng galit ko, pepersonalin kita Padilla. Uubusin ko ang pasensya mo. Sorry ka dahil may alas din ako sayo. Alam ko rin ang isa sa mga kahinaan mo. Fair enough.

Walang sabi sabi ay nakita ko syang mabilis na naglakad na dala-dala ang bag at lumabas ng room. Di ko mapigilang ngumiti. He's affected. I succeed.

"What was that?! You didn't even respect me!" Sigaw ni Mrs. De los Santos habang umiiling iling at di makapaniwala dahil mabait ako sa kanya. Ganun din sa Daniel sa kanya.

"I'm sorry."

Napatingin ang lahat sa akin at napanganga sa narinig nila mula sa akin. Alam nilang di ko sinasagot si Mrs. De los Santos, pero di rin nila alam na magaan ang loob ko sa kanya kaya halatang nabigla sila na nagpakumbaba ako sa isang guro.

Natapos na ang klase sa lahat ng subjects at time na for flag retreat. And I hate to say this, pero dahil si Miles ang president ng student council ay naimpluwensyahan nya akong umattend ng flag retreat pa minsan-minsan. Of course. Pinagbibigyan ko lang sya. Pero tumatakas pa rin ako most of the time. And ngayon, since di pa ako nakakasali ng flag retreat for this week, ay sasali ako ngayon.

Isang linya ang girls at isang linya ang boys. Habang di pa nag uumpisa ang flag retreat ay nababanas ako sa likot nila Enrique, Marco at Jon sa right ko na magkasunod sa linya

Sa likod ko naman ay si Julia, habang si Miles ay nandoon sa harap at busy sa pagiging student council.

Halos ma out of balance ako nang bigla akong niyakap ni Julia mula sa likod "Ano ba? Are you lesbo or something?" Inis na tanong ko ngunit humalakhak lang sya at di pa rin ako binibitawan sa pagkakayakap.

"Lesbo? No way. Just let me hug you so I can smell and feel Daniel."

Hinawi ko ang mga kamay nya at hinarap sya.

"Julia, could you please stop it? Don't be obsessed. Ako ang kinikilabutan sayo." Sabi ko pero ngumisi lang sya. Ugh. She's just really so annoying most of the time

Humarap ulit ako sa stage at flag pole at di ko na sya pinansin. I am really so pissed today. Naiinis ako sa lahat ng tao. Plus the fact na medjo masakit pa ang ulo ko na kanina ko pa pilit na di pinapansin. Dammit.

Pagkatapos ng flag retreat ay naglakad ako papunta ng locker habang si Julia ay sunod ng sunod sa akin. Busy pa rin si Miles, while ang boys ay may practice pa.

Nang makarating ako sa locker hall ay nag ring ang phone ko at sinagot ko naman agad habang naglalakad palapit sa locker.

"I am so sorry babe! I am so sorrryyyy." Bungad ni Manolo sa akin. Oo tama. Ngayon ko lang narealize. Isa sya sa dapat sisisihin ko! Pero di ewan ko ba, baka dahil sa pagiging mabait ni Manolo kaya di ko magawang magalit sa kanya ng grabe. Pero sorry ka rin Manolo, dahil sa pag sosorry mo ay nainis na rin tuloy ako sayo. AT SORRY DAHIL DI MO PA NAKUKUHA ANG OO KO MAY NAUNA NA SAYONG KUNIN ANG KATAWAN KO!

Ugh! Nakakakilabot.

"You better be."

"Babe, i was so drunk. Pero Why did you leave me? Sana hinintay mo ako hanggang sa mawala ang pagkalasing ko para nahatid kita. Sino nag hatid sayo? Nagising ako, si Kristoffer nalang ang kasama ko. And.. and.. tinawagan ko si Jon kanina. Absent ka daw this morning? Absent ako whole day e. Hangover."

"Whatever Manolo. You are not responsible enough. Pero anyways, let's forget it dahil di na maibabalik ng sorry mo ang nawala na." Sht. Did I just give him a hint?

Sabi ko at binigay kay Julia ang susi ko at sinenyasan syang paki open ng lock at tumango naman sya at sinunod ang request ko.

"What do you mean? Anong nawala? Ha? babe?" Natatarantang tanong ni Manolo.

"Nevermind. Bye na, at busy ako." Di ko na sya hinintayng makapagsalita at pinagbabaan ko na sya. Ewan ko. Di ko magawang magalit ng husto sa kanya. Pero kay Alexander? Nabubwisit ako. Naiinis ako. Lalo na pag naaalala ko na sya ang dahilan ng lahat ng kaguluhan kahapon and he doesn't even have an idea na sya! Pero tama! Dapat lang na di nya alam dahil lalong lalaki ang ulo ng kumag na yun! Ugh. That bitch! Tsss. I AM NOT JEALOUS! I AM JUST PISSED.

"And why are you so defensive?" Napalingon ako sa humahalakhak sa gilid ko na si Julia.

"Ha?" Tanong ko.

"You are not jealous. You are just pissed? Hahaha! Are you okay? Sino ba yang pinagseselosan..ay mean, DI MO PINAGSESELOSAN?" Sht! What's wrong with me? Pati nasa isip ko sinasabe ko na!? Ugh. Tinaasan ko nalang sya ng kilay nang sa ganun ay di nya makita ang totoong reaksyon ko.

"You're too nosy Julia." inirapan ko sya at hinalungkat ang nakabukas ko nang locker para hanapin ang macro lens ko na iniwan ko dito nung isang araw dahil gagamitin ko bukas.

"And you're too denial, and secretive." sabi nya at nagcross arms then sumandal sa locker habang nakangising tumitingin sa akin.

"I'm not. I've got nothing to deny."

"Baby" Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang humawak ng braso ko mula sa likuran sabay ng pagbulong sa akin . Nakakakilabot talaga yung sobrang lapit.

"What?" tanong ko at inilock ang locker nang nakuha ko na ang lens

"I'm sorry, okay? Tell me... What's wrong?" Tanong nya sa akin at di ako mapakali dahil sa laki ng ngisi ng katabi kong babae sa kaliwa ko na halos mapunit na ang bibig sa kakangisi.

"Wala nga Alexander. Can you please stop the drama?" sabi ko at napasandal ako sa locker sa sobrang lapit nya.

"I can't. Iniiwasan mo ako e." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko na agad ko rin namang ikinalas. Of course, everyone knows kung anong meron sa amin ni Alex. More than friends.. less than lovers... Everyone knows I am currently entertaining 2 guys now. Dahil wala na yung iba. I stopped communicating with them. Only Manolo and Alex are left. And though not EVERYONE knows, I know that MANY knows, na di ako nakikipag PDA. Siguro iniisip nila nakikipag kama ako, but not PDA.

"Iniiwasan ba kamo? Baka pinagselos mo?" Hirit ni Julia na nagpipigil sa kakatawa at liningon ko si Alex na biglang umaliwalas ang mukha

"Wait... you were there sa cafeteria.. I was also with Jacky at that time... yun ang time na nagwala ka sa cafeteria--"

"What are you trynna say?" sapaw ko sa kanya

"Were you jealous kaya after nun di mo na ako pinapansin?" Tanong nya nang nakangisi

"Jealous? No! You can flirt with anyone... and same goes with me."

"She's not jealous. She's just pissed! HAHAHA" Napalingon kaming dalawa sa bigla-bigla nalang humihirit na loka-loka sa side ko.

"Julia, is it okay if I talk with Kath first? Please?" Sabi ni Alex kay Julia habang nginingitian nya ito. Seriously? You don't need to smile at her ng ganyan. Nakita ko ring pumula ang mukha ni Julia at walang pa sabi sabing naglakad paalis "Puntahan ko nalang si Miles. Kita nalang tayo sa SSC office... or pahatid ka nalang kay Alex, I'll just text you kung saan tayo mamaya!" sigaw nya at tuluyan nang naglakad paalis.

Nang makalayo na si Julia ay hinawakan ni Alex ang pulupulsuhan ko at hinila paalis sa locker hall.

Panay ang reklamo at pagmumura ko sa paghihila nya sa akin pero di ko sya napigilan kahit pinagtitinginan kami ng mga tao. Nainis ako kaya itinaas ko ang kamay kong hinahawakan nya at kinagat ang pulupulsuhan nya at napasigaw sya sa sakit.

"I told you na bitawan mo ako!" Sigaw ko habang hinihimas himas nya ang kamay nya.

"Baka kasi makatakas ka. Uhh.. let's just talk. Inside my car." tumaas ang kilay ko sa huling sinabe nya

"And why does it have to be inside your car?"

"Ayoko ng may maraming tao. Kasi ayaw mo ng PDA." Sagot nya

"Bakit? Anong gagawin mo sa loob ng sasakyan? Hahalikan mo ako? Kala ko ba mag-uusap lang tayo?" Mataray kong sagot at humalukipkip

Tumawa naman sya bago nagsalita. Ugh

"Kath, let's just talk. Ayokong sisigawan mo ako at yayakapin kita o hahalikan sa kakasigaw mo at sasampalin mo ako dahil sa ginawa ko."

"Whatever" at naglakad na ako papuntang parking area.

Agad nyang pinatunog ang kotse nya at pumasok ako sa loob. Ganun rin sya.

"Baby, just tell me kung ayaw mo na maglaro at titigil ako sa pakikipaglaro sa mga babae." Bungad nya sa akin nang pumasok sya. Ugh. As usual. He's playing safe.

"Laro?" pag maang-maangan ko.

"Stay away from that stupid Manolo. Stay away from any asshole na lalapit sayo. Let me be the only one and I swear, you'll never see me with other girls." Huh! He's unbelievable! Gusto nya ng sure balls! Pero di nya sinasabeng liligawan nya ako. Alexander Diaz, kilala kita. Di ako madadala sayo. Ayaw mo ng commitment? I will not stick myself on you. I need other options. Para kung bigla-bigla ka nanamang mawala, I know I won't be badly affected. Dahil sa ngayon, naapektuhan mo na ako. AND I KNOW YOU WILL NEVER CHANGE FOR ME. KAYA IT'S A NO. I'm gonna save myself from you.

"Alexander, I don't like commitment" Sabi ko para unahan sya at titingnan ko kung anong isasagot nya at dito ko malalaman ano ang magiging decision ko. This is gonna be my bait.

"Me too. Pero-" Di ko na sya pinatapos dahil biglang parang may kumirot sa puso ko at agad ko syang hinalikan para di nya makita ang reaksyon ko... at dahil na rin, parang bigla biglang gusto ko nalang maramdaman ang labi nya. Sht.

Halatang nabigla sya at napatunganga sa bigla kong paghalik sa kanya. This is the first time. Dahil tutal naman di na virgin ang labi ko, what's the use on protecting this? Pero of course ibang usapan na rin naman ang sex. I won't do it again, with someone I'm not sure of.

Nang makarecover na sya sa pagkabigla ay hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at tinugunan ang halik ko. Naramdaman ko ang init ng kanyang hininga at natikman ang mentos mula sa kanyang dila. Napangisi ako. He ate a mentos before we talked. Was it planned? Or what?

Habang naghahalikan kami ay nag smile rin sya at binawi ang halik at tinitigan ako ng sobrang lapit. "You know how much I like you Kath. And I just can't believe what you just did." He smiled and kissed me again.

"I will never commit myself Alex, but I want you to know that you're special." sabi ko sa gitna ng paghahalikan namin. Natawa ako sa sarili ko. Na kahit naghahalikan kami ay nagawa ko pa yung sabihin para lang pagtakpan ang pride ko para di lalabas na ako yung talo dahil lang sa ayaw nya ng commitment. Damn

Natigilan kami ni Alex nang biglang nag ring ang phone ko dahil sa tumatawag. Sht.

"HELLO!" Agarang sagot ko sa mommy ko

"Kath, diba hiningi mo sa akin last week na gusto mong magpabili ng condo sa Cebu?" Tanong nya at agad umaliwalas ang mukha ko. Pagbibigyan nya na kaya ako this time? I have money, but it's just not enough. At ayaw ko rin mag down lang. Gusto ko yung fully paid agad. That's why I need her to pay it for me. I want a condo unit in Cebu para pag pupuntahan namin nila Kiray si Kuya Enchong at iba pa naming kamag-anak ay di ko na kailangang sa bahay nila ako titira. Nag planu kasi kami nila Kiray na pupunta kaming Cebu this December. Di ako masyadong close sa lahat ng kamag-anak. Of course, matagal nawala si mommy sa kanila, 5 years old na ako nung nagkatagpo-tagpo sila. Plus, mas gusto ko sa condo kasi nasa City talaga. Malayo ang bahay nila ni mommy sa City. At mas may freedom ako!

"So are you gonna buy na?" Tanong ko.

"Kung tutuparin mo ang deal mo sa akin" sagot nya at ramdam ko ang pagngiti nya sa kabilan linya

"What deal?"

"Narinig ko kasing may presentation ka sa AVR next week. I Want you to do your best. You'll start there. After that, sa lahat ng clubs mo or kahit anong presentation ay dapat gagawin mo ang best mo. I know you Kath, you're intelligent, but you're lazy. I want you to have a minimun grade of 90 over 100 on that presentation next week. Is it a deal?" UGH. She will never give me anything I want right away. But fine. I need to do this. Kahit sa presentation lang next week ako magsisikap. I'm sure she's going to forget this deal soon.

"DEAL" Sagot ko at ngumisi. Yes! At dahil bibilhan nya ako ng condo dun, obvious na na papayagan nya na akong mag Cebu. Yes!!!!

"Good. Perform well with Daniel Padilla." And she dropped her call and left me with my jaw dropped.

She knows everything. And ngayon ko lang naalala, I'm gonna do it with Daniel Padilla. Fck.




Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 22 32
"All I ever wanted was for you to come back. But how will it happen if from the start, you never left me and they only showed that you're gone?"-her ...
7.1K 806 50
How would you feel if the one you love is the one who will hurt you? Paano kung inakala mong sya na pero di pa pala? What if ang Dream boy mo ang man...
1.5M 17.9K 41
He was standing few meters in front of her and he was the perfect epitome of heartache. She can't let herself be lulled to happiness by words uttered...
2.2K 215 37
COMPLETED! A story of a girl and her adventures on finding the meaning of love. ------------------- "I did. I loved you..." he whispered. "...but, I...
Wattpad App - Unlock exclusive features