Cure #6: Si Pastor
"Anak, manalig ka. Ililigtas ka Niya."
Isang putok ng baril ang narinig ko, ngunit hindi iyon nakapagpahinto sa aking pagtakbo, bagkus ay nagdagdag pa ito ng lakas sa akin upang mas lalong bilisan ang takbo kahit pa nakayapak lamang ako at hindi alintana ang napakaputik at minsa'y mabatong kaparangan. Malapit na. Kaunting takbo na lang at makakalabas na ako sa teritoryong iyon ng bilibid. Malayo na ang nararating ko ngunit wala akong balak huminto dahil naririnig ko pa rin ang mga yabag ng mga pulis na humahabol sa akin.
"Anak, hindi ka Niya pababayaan. Tawagin mo lang ang pangalan Niya"
Muling naglaro sa aking isipan ang tinig na iyon ni Pastor Eliazar, isang kriminal na tulad kong nakakakulong sa bakal na rehas, palagi itong may hawak na bibliya saan man pumunta sa loob ng bilibid. Pastor na ang tawag sa kanya dahil sa madalas niyang pangangaral ng mga salita raw ng Diyosa sa mga kriminal na halang ang mga kaluluwa sa loob ng piitan. Natatawa ako dahil ang lakas ng loob niyang mangaral na magbagong buhay at talikuran ang mga masamang gawain gayong siya nga mismo ay nasa loob ng selda. Selda na simbolo ng pagiging makasalanan.
"Tumawag ka sa Kanya, anak. Diringgin ka Niya."
Tangina! Ba't ba paulit-ulit akong ginagambala ng boses ng matandang iyon gayong papalabas na nga ako sa bilibid. Kung sino man Siya, buhayin niya muna nanay ko bago ako muling tumawag sa kanya.
Isa pang putok ng baril ang narinig ko kasabay ng pag-init ng tagiliran ko, pakiwari ko'y umikot ang paningin ko at bumagal ang pagtakbo ko. Napasigaw ako nang maramdaman ko ang pagbagsak ko na lamang sa damuhang iyon. Dilat ang mga mata ko habang walang patid ang ang agos ng luha ko. Narinig ko ang mga kaluskos sa paligid, alam kong paparating na sila. Hanggang sa makita ko na ang isang matabang pulis na basang-basa, agad niya akong tinutukan ng baril na hawak niya.
"G*go ka Armando! Pinagod mo pa kaming animal ka!" hingal na hingal na giit nito.
"P*tangna! Patayin mo na ang hayop na iyan!" gigil na sabi ng matangkad na pulis.
Pilit akong ngumisi dahil sa mga itsura nila, gigil na gigil na silang kalabitin ang gatilyo ngunit hindi nila magawa. Mas masahol pa nga sila sa akin, e. Hayop ang dalawang pulis na ito, hindi bagay ang unipormeng suot nila sa halang nilang kaluluwa. Madalas nila akong pag initan sa selda, uutusang pagdakutin ng mga ebak nilang kasing baho ng bibig nila. Kung hindi ba naman mga hayop ang mga ito.
May isang pulis pang lumapit sa amin, ngunit hindi tulad ng dalawang nauna ay nababakasan ko pa rin ng kahinahunan ang mukha niya. Sa tatlong pulis na humabol sa akin ay ito ang bukod tangi kong iginagalang. Walang bahid ng kagaguhan ang suot niyang uniporme. Hindi ko inaasahang may pulis pa pa lang katulad niya. Napangiwi ako nang biglang kumirot ang aking tagiliran, natamaan ako ngunit pakiramdam ko'y doon lang ako nakapagpahinga.
"Hindi ka na dapat tumakas pa. Alam mo bang makakalaya ka na." mahinahon nitong sabi.
Pakiramdam ko'y pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa aking narinig. Tangina!
"Itayo niyo na siya at ibalik sa kulungan." Utos nito sa dalawang hayop na pulis.
Wala na akong nagawa nang bitbitin nila ako pabalik sa bilibid. Akala ko katapusan ko na pero hindi pa pala dahil mas matindi pa ang kahihinatnan ko.
Matapos magamot ay ibinalk agad ako sa aking selda kasama muli ang apat pang mga criminal na may mga kasong panggagahasa, pagpaslang, at pagnanakaw. Isang suntok sa sikmura ang natanggap ko pagka pasok na pagkapasok ko pa lamang sa loob ng selda. Isang suntok pa muli sa mukha ang nakapagpamilipit na sa akin sa sakit. Napaupo ako sa sulok at ininda ang pagsuntok ni Joven, ang naghahari-harian sa loob ng selda.
"G*go ka, a. Naunahan mo pa kami?!" sigaw ni Joven at muli akong binigyan ng kambal na sipa. Imbis na awatin ng mga warden ay nakatingin lamang sila sa amin na akala mo'y nanunuod ng isang bakbakan na palabas.
Malalim na ang gabi ngunit hindi ako dinadalaw ng antok ko. At muli ay bumalik na naman ang lahat kung bakit ako naririto.
Abala kami ni Buknoy sa paghithit ng sigarilyong isinasabay namin sa marijuana at bote ng red horse.
"Pare, bukas ng umaga, ihanda mo ang mga mamahaling bato.."
Habang naglalakad sa eskenita ay nakasalubong namin ang isang dalagang mukhang kauuwi pa lamang galing sa trabaho, isang ngisi ang pinakawalan ko matapos kong makita ang namumungay na mga mata ni Buknoy habang nakatitig sa harapan ng babaeng makakasalubong naming. Nang tumapat ang babae sa amin ay mabilis na sinunggaban ito ni Buknoy , nagpapapalag ito habang buhat buhat siya nito at ihiga sa talahiban. Kinuha ko ang panyo ng babae at ibinusalsal sa bibig niya upang hindi makalikha ng ingay. Walang patid ang nguynguy at pagmamakaawa ng babae ngunit tinapalan na ng makamundong pagnanasa ang aming mga tainga kaya't wala kaming paki sa pananambitan nito.
Hindi naging marahan an gaming pagpasok bagkus ito'y nagging marahas. Marahas na napapasigaw ito sa labis na kirot.
Umabot ng mahigit tatlong oras ang panghahalay, ngunit hangga't hindi pa nagsasawa si Buknoy ay hindi ito tumitigil. Natuyo na ang luha ng babae at hindi ko na nakita ang pagpalag niya, wari ko'y napagod na ito. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan niya at ang mahina niyang paghikbi. Matapos Manawa ni Buknoy ay inilabas nito ang patalim na baon-baon at walang ano-ano'y itinarak sa dubdib ng babae. Sa labis kong pagkagulat ay natulala na lamang ako at hindi na nagawa pang pigilan ang muling pagsaksak ni Buknoy sa kalunos-lunos na katawan ng babae.
"Tang*na pare! Anong ginawa mo?!" Gulat na gulat kong tanong sa kanya ngunit tanging pag iling lang ang tugon niya. Napasabunot siya sa buhok niya na animo'y nahimasmasan din sa ginawa niya.
"Pinatay mo siya. Pare, ayaw kong makulong." Sabi ko sa namamaos na boses.
Nanlilisik ang mga matang tiningnan ako ni Buknoy. "Walang makukulong. Walang makakaalam sa ginawa natin sa babaeng ito." Determinadong giit niya.
"Anong gagawin mo?" tanong ko.
"Ibabaon natin. Bilisan mo bago pa may makakita sa atin.
Sinunod ko ang sinabi si Buknoy dahil na rin sa takot na makulong. Kasabay ng pagbaon namin sa bangkay ng babae ay ang pagbaon na rin naming sa limot ng lahat.
Naging natural lang muli ang daloy ng buhay naming ni Buknoy, palibhasa'y parehong hindi nakatuntong sa paaralan kaya't walang matinong trabahong mapasukan.
Pagtutulak ng droga ang trabahong nababagay sa aming mga pinagkaitan ng diploma.
"Pare, mamayang gabi sa likod ng plaza, may makikipagkita sa atin para bumili ng bato. Maghanda ka dahil big time ito!" nakangising balita ni Buknoy.
Sumapit nga ang gabi at ang pagpunta namin sa likod plaza, wala pa namang tao roon liban sa amin ni Buknoy.
"Para, may natatanaw na akong van, magtago ka na muna dahil ang alam niya ay mag isa lamang akong makikipagkita sa kanila." Bulong ni Buknoy kaya't sumunod ko. Hindi naman ako bahagyang nagtago, sumandal lang ako sa pader habang humihithit ng sigarilyo. Nakita ko ang paghinto ng van sa tapat ni Buknoy, bumukas ang pinto at isang bruskong lalaki ang bumaba at lumapit kay Buknoy, may pinag usapan sila ngunit hindi ko gaanong marinig sa sa distansya ko. Maya maya pa'y iniabot na ni Buknoy ang supot ng mamahaling bato sa lalaki, tumalikod ang bruskong lalaki para ilagay ang supot sa loob ng van kaya't sinamantala iyon ni Buknoy upang timingin sa akin at ngumisi na animo'y batang bibigyan na ng kendi.
Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makitang naglabas ng baril ang bruskong lalaki at itinutok sa ulo ni Buknoy.
"Buknoy!" sigaw ko dahilan para mapaharap si Buknoy sa lalaki, kasabay ng paglingon niya ay ang pag alingawngaw ng putok ng baril sa tahimik na gabi sa plazang iyon.
Saksi ako kung paano sumabog ang ulo ni Buknoy. Hindi ako makapaniwala sa nangyari kaya't nanatili lamang akong tulalala roon, hindi pa sana ako matitinag kung hindi pa ako pinaputukan ng lalaking brusko. Mabilis akog tumakbo palayo sa lugar na iyon.
Takbo. Wala akong balak huminto sa pagtakbo dahil sa takot na sapitin ko ang sinapit ni Buknoy. Nang marating ko ang bahay ay nagkulong agad ako sa kwarto, kinakatok ako ni nanay ngunit hindi ako kumikibo. Takot ako sa nakita ko. Nanginginig ako. Pero mas nanginig ako nang makarinig ng pabagsak na pagbukas ng pinto namin sa salas. Naalerto ako.
"Sino kayo? Anong kailangan niyo?"Narinig kong tanong ni nanay. Lalabas na sana ako upang ipagtanggol si nanay ngunit para akong natuklaw ng ahas nang marinig ang putok ng baril at ang paghinto ni nanay sa pagsasalita.
Hindi! Nay!
Wala akong ibang nagawa kun'di ang lisanin na ang tahanang iyon. Iwan ang aking ina kahit mabigat sa loob. Tangina nila! Bakit dinamay nila ang nanay ko?! Walang patid ang pag-iyak ko at ang pagsigaw ko dahil sa labis na sakit.
Ang hindi nila pagkahuli sa akin ay buhay ng nanay ko ang nagging kapalit. Mga hayop sila.
Ipinadakip ako ng sarili kong mga kapitbahay. Ako ang itinuturo nilang pumatay sa sarili kong ina dahil daw sa droga. Naniwala agad ang mga g*gong pulis dahil sa nakita nilang mga pakete ng droga sa kwarto ko, at isa pa'y tamad silang pagtuunan ng masusing imbestigasyon ang krimen dahil sa hindi naman kami sikat na tao, hindi kami mayaman kaya kung sino ang itinuro, huhulihin agad nila para lang masabing 'case closed, nakamit na po ang hustisiya.'
"Hindi ka makatulog?"
Napahinto ang aking pagbabaliktanaw, nilingon ko ang may ari ng tinig at napangisi ako nang makita ko si Eleazar.
"O, Pastor Kriminal!" pabiro kong bati, ngumiti lang siya at tumabi sa akin. Inilagay niya sa kandungan niya ang itim na libro at tumingin sa kalangitan mula rito sa bintana ng selda.
"May tanong ako sa iyo, hijo. Ayo slang ba?" seryoso niyang tanong, tumango lang ako.
"Umiyak ka na ba?" tanong niya. Tiningnan ko muna siya bago sumagot.
"Oo naman. Lahat ng tao umiiyak." Sagot ko
"Pero hindi lahat ay totoo sa pag-iyak. May peke at totoong pag-iyak. Ang tinatanong ko ay kung umiyak ka na ba ng totoo? Iyong mula sa puso tulad ng kapag nagagalak tayo na mula rin sa puso? Giit niya.
"Umiyak ako noong namatay ang nanay ko." Sagot ko
"E, umiyak ka na ba dahil sa kasalanang nagawa mo?" tanong niya muli.
"Ginusto ko ang mga kasalanan ko kaya hindi ako umiyak kailanman."
"Ibig sabihin, wala kang pinagsisihan?" Tanong niya. Tumango ako.
"Wala. Ano ako gago? Ginawa ko ta's pagsisisihan ko?" ngingisi-ngisi kong sagot.
Ngumiti lang siya at tinapik ang balikat ko. "Huwag kang mahiyang pagsisihan ang mga nagawa mmong mali, tandaan mo, kahit nakapatay ka ng tao, basta pinagsisihan mo at humingi ka ng tawad sa Kanya ay siguradong mapapatawad ka Niya."
"Inaantok lang kayo, Itang. Sige na ho, matulog na kayo." Sabi ko at pumunta na sa higaan ko.
Ipinikit ko na ang mga mata ko at inaasahang aalis na siya pero nagulat ako nang bigla siyang may iniipit sa ilalim ng unan ko. Hindi ko na iyon pinansin.
"Ang patak ng luha ay hindi tanda na ikaw ay mahina. Tanda ito na kahit sobrang sakit na ay kinakaya mo pa." bulong niya sa akin na ikinadilat ng mata ko.
"Mabait kang bata, Armando. Matapang ka, pero may mas matapang sa iyo. Kahit ngayong gabi lang, subukan mong manalangin sa Kanya. Siguradong pakikinggan ka Niya basta't mula sa puso mo. Umiyak ka, iiyak mo ang lahat sa Kanya, isumbong mo ang kamalasang nangyari sa buhay mo. Itanong mo ang lahat ng bagay, hijo. Sasagot Siya, manalig ka lang." Mahaba niyang litany bago ako iwanan roon na nag-iisip.
Inisip ko ang lahat ng sinabi niya, hanggang sa magdesisyon akong pumikit at tawagin ang pangalan niya. Tinawag ko ang pangalan Niya ng mula ditto sa puso ko at ewan ko pero kababanggit ko pa lang ng pangalan Niya'y may kakaibang kapanatagan na akong naramdaman. Hindi ko na namalayan na tumutulo na ang luha ko at isinusumbong ko na ang lahat ng nangayari sa buhay ko. Pakiramdam ko may nakikinig sa akin, pakiramdam ko hindi ako nag-iisa. At sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging ganito kapayapa habang dumudulog sa Kanya. At sa inang pagkakataon binanggit ko ang mga katagang...
Panginoon, patawarin mo ako.
Kinabukasan pagkagising ko ay hindi agaad ako bumangon, pumikit akong muli at tumawag sa Kanya, nagpasalamat ako sa buong magdamag na paggabay.
"Armando! Gising na! May bisita ka!"
Nagmulat ako ng mga mata at lumapit sa warden, binuksan niya ang rehas at sinalubong ako ng isa pang pulis.
"Sa susunod na lingo, malaya ka na." bungad nito sa akin
"Binabaan na ang sintensya mo dahil kulang sa mabigat na ebidensya." Dugtong pa niya
Mahigit limang taon na ako sa loob ng bilibid at natuwa ako sa balitang makakalaya na ako. Matapos kong magpasalamat ay hinanap ko agad si Eleazar. Nakita ko siyang nakaupo sa upuan sa isang puno. Tumabi ako sa kanya at nginitian ko siya na hindi ko natural gawin.
"Magkwento ka nga sa akin ng buhay mo, Eleazar."
Ngumiti siya at isinara ang bibliyang binabasa niya kanina. "Saan mo gustong simulant?"
"Kung paano ka napunta rito, ano bang kaso mo? Sabin g iba nakapatay ka raw, sabi naman ng iba, nanggahasa ka at iyong iba naman nagnakaw ka raw. Alin doon ang totoo?
"Nagnakaw ako sa isang bangko." Sagot niya
"Bakit?" Tanong ko
"Dahil wala na akong perang gagamitin para mahanap ang anak ko. Limang buwan na siyag nawawala at naubos na ang pera naming mag-asawa kakahanap sa kanya. Kaisa-isa naming anak iyon kaya, masakit sa amin ang pagkawala niya." Malungkot niyang kwento.
"Saan daw ho ba huling nakita?"
"Galing siya sa trabaho at hindi na umuwi."
"Huwag kayong mag-alala, magkikita rin kayo."
Tumingin siya sa akin. "Hindi na ako umaasang makita siyang buhay." Malungkot niyang sabi
"Magkikita kayo, huwag kayong mawalan ng pag-asa."
"Sana..."
Naging mas malapit kami sa isa't isa ni Pastor Eleazar, sa mga itinuro niya sa akin ay natututo akong magpatawad at humingi ng tawad. Sinabi niya sa akin, "Kung hindi ka marunong magpatawad, wala kang karapatang magkamali."
Dumating na ang araw ng paglaya ko, pero hindi ko pa rin inaayos ang mga gamit ko. Hindi pa ako dapat umalis, may dapat pa akong pagbayaran.
"Chief, may irereport akong krimen, nangyari ito anim na taon na ang nakakaraan. May ginahasa kaming babae, pagkatapos naming gahasain ay pinatay naming siya at inilibing sa lugar na iyon."
Nagulat ang mga pulis sa ginawa kong pag-amin, sinabi ko ang eksaktong lugar kung saaan ito nakalibing at nang Makita nila roon ang bangkay ay naniwala na sila sa akin at napagpasyahan ng korte na patawan ako ng habang buhay na pagkakabilanggo.
Pagbabayaran ko ang kasalanang ito. Patawad, Panginoon ko.
Kasalukuyan akong nakaupo sa higaan ko at binabasa ang maliit na bibliyang iniipit ni Eleazar noon sa ilalim ng unan ko hanggang sa may makita akong isang litratong nakaiipit doon.
May nakasulat ito sa likod na...
I love you, Dad. You're the best dad ever!
Love, Sheena
Naisip ko, ito siguro ang nawawalang anak ni Eleazar. Iniharap ko ang litrato at tiningnan ang babaeng nakangiti roon ng pagkatamis-tamis.
Pakiramdam ko'y nawasak ang lahat. Ang mga mata niyang hilam na sa luha noon, ang mga mapupula niyang labi na sigaw ng sigaw at nagmamakaawa noon. Ang maganda niyang mukha na bakas na bakas ang pagdurusa sa mga kamay namin ni Buknoy.
Siya ang anak ni Eleazar??