SECRET AGENT: Little Ms. Fros...

By BbTaklesa

236K 5.5K 107

Buhay ko ang nakataya sa misyong ito. Kailangan kong magbalatkayo sa ngalan ng sinumpaan kong tungkulin kasab... More

I- REASON FOR EVERYTHING
II- LIFE GOES ON
III-FOLLOWING HIS FOOTSTEPS
IV- DIZZY-CION ( DECISION )
V- ENROLLMENT SCENE
VI- THE RESCUE
VII- DORM LIFE
VIII- COLLEGE LIFE
IX- NINONG'S ADVICE
X- JUSTICE FOR ALL
XI- GONZALEZ' DAUGHTER
XII- NEW WORLD ORDER
XIII- SUBJECT: FORENSIC
XIV- LOVE IS A SERIOUS BUSY-NESS
XV- LET THE GAME BEGIN
XVI- BACK TO SERIOUS BUSY-NESS
XVII- JUST ANOTHER DAY
XVIII-NAUGHTY JUSTICE
XIX- SEPARATE WAYS
XX- SUCCESS!
XXI- IN THE BEGINNING
XXII-LET THE WORK BEGIN
XXXIII- IN THE LINE OF DUTY
XXIV- TWISTING MOMENTS
XXVI- HOSTAGE DRAMA
XXVII- SON -IN LAW
XXVIII-LEMUELA'S PAIN
XXIX- SEXY BUT DANGEROUS
XXX-BRING JUSTICE TO JUSTICE
XXXI- UNOFFICIALLY YOURS
XXXII- TRYING TO BE
XXXIII-THE GREAT ESCAPE
XXXIV- FINALLY SHE'S BACK
XXXV-OFFICIALLY YOURS
XXXVI-TOPSY TURVY
XXXVII- DEADLY GAME
XXXVIII-LEMUELA'S DILEMMA
XXXIX-MISSION IMPOSSIBLE
XL- LITTLE MS. FROSTY
XLI- THE BOUNCER
XLII- TONIGHT IS THE NIGHT
XLIII- THE SECRET OF CLUB COPA
XLIV- ADVENTUROUS PEOPLE MEETS MISFORTUNE
XLV- ADVENTURES OF EXO POLICE
XLVI- HOMER
XLVII- ELA IS BACK!
XLVIII-RED ALERT
XLIX-LEMUELA'S RAGE
L- BACK TO WORK
LI- PARTY TIME: DIRTY LITTLE TRICK
LII-TURNING POINT
LIII-DRAMA ENDS HERE
LIV- VACATION IS HERE!
LV- SECURITY CHECK
LVI- AMBUSH
EPILOGUE
NOTE FROM THE AUTHOR

XXV- WORK,WORK,WORK

3.1K 85 2
By BbTaklesa

3RD PERSON'S POV


Nang umagang iyon, sumaglit si Lemuela sa kanyang ninong at binati ito. Humalik na akala mo ay tatay niya ang matanda. Niyakap din niya ito. Kapag naman may tao ay hindi siya kumikilos ng ganoon.


"Anong problema?"

"Wala lang po..."

"Yung totoo... may problema? Baka naman si Justice lang yang problema mo"

"Ninong naman..."

"Sagutin mo kung gusto mong sumakit ang ulo mo..." Pagbabanta ng hepe. Sinusubukan ang dalaga.

"Nalilito na nga po ako e"

"Ganito na lang iha... "


Pinayuhan na siya ni Logan kung ano ang gagawin. Magkasundo naman ang magninong. Kahit paano ay nabawasan ang kanyang alalahanin.



Sa Forensic Department na dumiretso si Lemuela. Nadatnan niya na nagmamadali si Gwen. Inihagis sa kanya ng dalaga ang kanyang lab gown.


"Bakit late ka? Dalian mo, kailangan tayo sa crime scene ngayon"

"Sa Laguna"

"Sa sasakyan na natin pag-usapan. Heto ang mga gamit mo"


Habang nasa loob ng van...


"Kumusta ang panliligaw ni Homer? May pag-asa ba?"

"Ano ka ba? Kaibigan ko lang si Homer?"

"Weeei! Di nga..."

"I told you, he is my best buddy"

"Buddy as in kasama talaga o you mean his body"

"Alam mo, ikaw ang halatang may gusto kay Homer. Well then, fine. You have my permission"

"Ikaw, Lemuela. parang gusto ko ng maniwala"

"Na ano?"

"Na si Justice talaga ang gusto mo"

"Itikom mo nga ang bibig mo."

"Ayaw mo ba talagang maging boyfriend si Sarge?"

"I am not ready for that."

"Papalichious kaya si Justice kapag naging boyfriend mo. Ano pang hinahanap mo sa isang boyfriend? Na kay Sarge na ang lahat..."

"Mapapaaway ako siguro dahil sa kanya... Ayokong sumakit ang ulo ko."

"Teh, talagang mapapaaway ka kapag siya ang naging boyfriend mo lalo na kung may mga karengkeng na aali-aligid sa kanya. Just a piece of advice. Pareho kayong pulis at hindi maiiwasan yan sa relasyon."

"Push mo yan, teh! Kung makapag-advise ka parang totoo. Hindi ko siya boyfriend, okay?"

"Okay, fine. Hindi na kung hindi. Bahala ka kapag naunahan ka ni Sgt. Collins, ikaw rin.?"

"As if naman malaking kawalan siya"

" Nakita mo naman siguro kung paano makapulupot sa kanya ang babaeng yun. Kesehodang may tao sa harap niya. Pak! Parang ahas lang ang peg "


Pareho na kaming sumabay sa van kung saan may iba pa kaming kasamang imbestigador at mga pulis.


"Uy, Lemuela!"

"Hindi mo ba talaga ititigil yan"

"Natural na yon. Swerte mo kung maging first boyfriend mo si Sarge. Oh my gosh! I could imagine kung paano humalik si Sarge. His lips and his... oh my... his broad shoulders... Ay, hehehe... " Todo kilig ang pulis. Hindi nahiya sa driver ng van na kapwa rin nila pulis.


Binilangan na ni Lemuela ang kausap para tumigil na ito.


"Don't let him go"

"Don't let him go ka dyan. Hindi nga eh! Anong ile-let go ko?"


CRIME SCENE


Ilang oras pa at narating na namin ang pinangyarihan ng krimen.


Kalunus-lunos ang pinangyarihan ng krimen. Nagkalat ang maraming basyo ng bala, ng iba't ibang klase ng baril. Madaming nagbuwis ng buhay dahil lang sa away ng kani-kanilang angkan. Ang nakakaawa sa lahat ay makita niya ang ilang sanggol na tinamaan din ng ligaw na bala, yakap ng kani-kanilang mga nanay. May isang buntis at dead on the spot talaga.


Bumaliktad ang sikmura ko! Pasensya na talaga pero hindi ko kinaya ang aking nakita.


Naligo ng dugo ang lupa at naririnig kong humihingi sila ng hustisya. Nagsuot ako ng gloves at mask. Malansa kasi ang paligid dahil sa dugo. Inisa-isa kong dinampot ang mga bala gamit ang tweezers. Maingat ko itong inilagay sa isang lagayan.


Si Gwen ay kanina pang kumuha ng mga litrato sa pinangyarihan ng krimen. Lahat ng anggulo ay kinuhanan niya. Isa-isa. Halos sampung bangkay lahat.


"PO1 Gonzalez, masasanay ka din." hagod niya sa likod ko habang nagsusuka ako sa di kalayuan.

"Ganyan din ako noon"

Tumutulo ang luha ako at singhot ako ng singhot.


Ano bang klase ng mga tao ang gagawa ng ganitong klaseng pagpatay? Parang hindi ako makakakain at makakatulog ng maayos ng lagay na ito.


Pansamantala ay nakakurdon ang lugar. Minabuti din ng pulisya ng Laguna na pabantayan ang lugar upang walang magalaw sa mga ebidensya maaari pang makuha sa loob ng bahay at sa labas ng bakuran. Kinuha na ang bangkay para mas masusing mapag-aralan ang mga detalyeng ilalagay sa medico-legal nito. Maingat uli itong kinuhanan ng larawan ni Gwen sa loob ng morge. Kasama naman niya si Lucille para masusing pag-aralan ang bawat anggulo ng bangkay. Isinulat ang lahat ng impormasyon sa papel.


Inabot kami ng anim na oras... Kung tutuusin ay kulang pa iyon. Pero halos nakuha na ni Gwen ang lahat ng kakailanganin. Napasandal ako sa upuan ng van. Tumutulo pa rin ang luha ko.


"PO1... Tahan na , Ma'am... Masasanay ka rin..." Sabi ng sarhento na driver ng van.

"Sorry po talaga, bumaliktad ang sikmura ko sa mga nakita ko" Humingi ng paumanhin si Lemuela.

"Kahit naman po sino siguro hindi rin kakayaning makakita ng ganitong pangyayari... Trabaho lang Ma'am. Kasama to sa sinumpaan nating tungkulin"

"Oo nga po..."


Nawalan ng ganang kumain si Lemuela ng tnaghalian. Kahit anong pilit ni Gewn ay ayaw nitong kumain.



MANILA

9PM



LEMUELA' POV


Dinala ko lahat sa crime lab ang mga basyo ng bala na nakuha ko sa mismong lugar ng krimen. Buong team ng Forensic Department ay busy sa kani-kaniyang mga gawain. Binitiwan ko muna ang tweezers na hawak ko. Hinilot ko ang aking daliri. pakiramdam ko kasi nangangnalay na ako. Kinuha ko sa aking lab gown ang cellphone.


Nakailang miscol na si Justice. Marami na ring text message akong hindi nabasa.


Nasa buy bust operation pala sila ng araw ding iyon. As if naman I care kung nasaan siya. Astang boyfriend kong magtext.


"Nandito pa po ako sa crime lab"

"Kasama ko po ang buong Forensic Team"

"Hmmm, baka bukas na po ako makakauwi"

"Hindi pa po ako nakakakain simula kaninang tanghali"


At ibinaba ni Lemuela ang cellphone. Ang kanyang nanay ang nasa telepono at sumunod na tawag ang kanyang ninong Logan.


"Hmmm...."

"Ah, si Nanay at si Ninong Logan"

"Mino-monitor ka?"

"Sanay na ako...Ganun talaga silang dalawa"

"Nag-aalala lang sila. Uuwi ka na ba?"

"Bukas na lang, tatapusin ko lang ito"


Naupo sa long table sina Lucille at Pepsi. Kasunod na pumasok si Gwen, dala-dala ang mga prints ng kuha sa kanyang camera.


"Bukas pa ako makakagawa ng Ballistic report. Pagod na ako"

"Lemuela, hindi ka pa kumakain simula kaninang tanghali" Nakita nilang nagsalin ako ng alak sa isang shot glass.

"Parang hindi ako makakatulog"

"Bakit?"

"Naiisip ko yung dami ng bangkay na nakita ko kanina"

"Masasanay ka din" Ngunit nakatulog na si Lemuela sa sobrang pagod pagkatapos niyang inumin ang alak.

"Punta tayo ng mess hall. Iwan muna natin lahat yan"

"E paano si Lemuela?"

"Babalik naman tayo agad e"


Nakasalubong nila si Justice.


"Sarge, napadaan ka?"

"Nasaan si Lemuela?"

"Naku, mabuti at dumating ka. Walang kasama sa crime lab si Lemuela. Nakasubsob na sa pagod sa lamesa niya" Nakita nilang may dala-dala itong kape. Binigyan niya ang mga ito ng tig-isang cup.


Pagpasok, nakita niyang nakatulog na si Lemuela. Naka-lab gown pa ito.


"Bakit ba amoy-alak ang babaeng ito?"


Binuhat niya ang dalaga, papuntang sleeping quarters nila upang mas makaunat ang katawan nito. Ngunit naalimpungatan ang dalaga at napasigaw. Natakot si Justice. Napayakap sa kanya si Lemuela. Kinalas kaagad ni Lemuela ang pagkakayakap sa binata.


" Huh! Bakit mo ako dinala dito?"

"Puwede kang matulog dito"

"Bakit ka sumigaw?"

"Nananaginip ako. Hay, antok na antok na ako pero buhay na buhay ang diwa ko"

"Bakit amoy alak ka?"

"Sinubukan ko lang na gawing pampatulog ang alak "

"Umuwi na ba sina Lucille?"

"Nasa mess hall sila. Heto, baka gusto mong magkape. Umuwi ka na"

"Hindi pa ako tapos sa Ballistic report ko"

"Puwede mong gawin yan bukas"

"Bakit ba pinuntahan mo ako dito"

"Uuwi pa lang ako. naisip ko nab aka nanggaling din kayo ng crime scene kanina at busy kayo dito sa crime lab"


Tumayo si Lemuela.


"Saan ang punta mo?"

"Hindi ako makakatulog dito..."

"Lemuela..."

"Kung tatanungin mo na naman ang bagay na iyan. Wala na akong sasabihin pa."

"Sino bang ipinagmamalaki mo at ganyan katigas ang puso mo? "

"Justice, paulit-ulit kong sasabihin sa iyo na tigilan mo na ako. Wala kang mapapala sa akin. kahit kailan ay hindi kita matututunang mahalin"

"Sige, papaniwalain mo ang sarili mo na hindi mo ako kayang mahalin. Okay fine. Hindi mo ako mahal...Pero hindi mo ako kayang pigilan. Ikaw ang gusto at hindi ako titigil hanggat hindi ka nagigising sa katotohanan"


Tumalikod si Lemuela tulad ng ginagawa niya dati tuwing nag-uusap sila ni Justice. Ngunit pinigilan siya ni Jusitce. Ini-lock niya ang pinto ng sleeping quarter para hindi makalabas si Lemuela.


"I am so sick of you. Hindi mo ako maintindihan. Just leave me alone para manahimik ng konti ang buhay ko" sigaw ng dalaga. nasaktan si Justice. Para siyang sinampal ng sandaang beses.

"Mahal kasi kita, Lemuela pero hindi mo ako maintindihan" Muli niyang siniil ng halik ang dlaaga. Muling pumalag si Lemeula. Iyon lang ang kaya niyang gawin.

"Ano ba? Hindi mo ba talaga ako tatantanan... Kahit kailan, wala ka talagang respeto sa mga babae..." Walang dahilan ang pagpatak ng iyon ng luha ni Lemuela.


Tuluyang lumabas si Lemuela ng sleeping quarters. Nakasalubong niya ang mga kasamahan. Nasulyapan din nila ang paglabas ni Justice ng sleeping quarters.


"Saan galing yun?"

"Di ba iniwan natin sa loob ng crime lab si Lemuela?"

"Paano siya nakarating sa ...?"

"Hay, mukhang nag-sleepwalk ang lola ko?"


Pumasok muna sa loob ng cr si Lemuela. Pumasok ito sa isang cubicle at nagsara na pinto. Napaiyak siya sa sobrang inis sa sarili.


Ngunit nasundan siya ni Gwen.


"Lemuela! Lemuela , si Gwen ito. Lumabas ka dyan. Mag-usap tayo"


Lalong humagulgol si Lemuela. Binuksan niya ang lock ng cubicle nito. Nakita siya doon ni Gwen.


"Ano bang problema?" Niyakap siya ni Gwen.

"Parang hindi ko na kayang magkunwari. Palagi ko siyang nasasaktan"

"Hanggang kailan mo gustong gawin yan ?"

"Hindi ko alam..."

"Ikaw lang ang makapagsasabi kung kailan ka magiging handa para kay Justice. May mga pagsubok talaga ang relasyon kaya huwag mong iiwasan. Matapang ang mga Gonzalez pero bakit pagdating sa pag-ibig, napakaduwag mo yata"


Natawa si Lemuela sa sinabing iyon ni Gwen. Tumayo na ang dalaga at sabay silang lumabas sa cr.


Iyon ang huling sulyap namin ni Justice sa isa't isa. Sa kabila nang pag-iwas ko sa kanya, hindi siya nakalimot na magpadala ng bulaklak sa bahay. Hindi rin ako iniimikan ni Nanay. Hindi siya nag-uusisa kumbakit hindi na dumadalaw si Justice at madalas, si Homer ang kasama ko.


"Bakit napapadalas yata ang dalaw ni Homer dito?"

" Nanay naman..."

"Mas gusto ko yung si.... Sino nga ba yun? Justine ba'ng pangalan nun?"



Halata naman Nanay na boto ka kay Justice...



"Justice po, Nanay." Sabat ni Ela.

Hindi umimik si Lemuela.

"Akala ko ba, manliligaw mo din yun?"

"Masyado po kasing pakipot si Ate... Kunwari pang iniiwasan kahit hindi na kayang pigilin. Ate, kung talagang mahal mo si Justice, pumili ka na kaysa naman umasa yung isa sa wala."

"Ela...."

"Naku, kunwari pa itong ate ko. Kaya ka hindi tinatantanan ni Justice kasi alam niyang mahal mo din siya... Yang mga tipo mong aayaw-ayaw ang tipo rin na hahabul-habol..."

"Loka-loka ka talaga!"


Kiniliti ni Lemuela ang kapatid. Tumakbo ito papasok ng kanyang kuwarto at nag-lock doon kaya hindi na niya ito naabutan.



LEMUELA'S POV

Parang nakakapanibago kapag wala si Justice. Kahit palagi akong naiirita sa kanya, bakit ngayon parang hinahanap-hanap ko naman siya. Kapag nandyan, halos ipagtabuyan ko naman. Nasasaktan ko lang siya kahit hindi dapat.



Continue Reading

You'll Also Like

28.1K 304 1
Paano kung mawala ang isa sa mga pinakamamahal mo? Paano kung hindi mo na ito maibalik? Susuko ka ba o ipaglalaban mo kung ano ang mayroon kayo noon?
52.8K 791 6
Hanggang saan ang kaya mong ibigay sa ngalan ng pagmamahal? Kaya mo bang isugal ang sariling buhay para lamang makamtan ang pag-ibig na iyong inaasam?
479K 9.2K 52
Shea desperately needed a big amount of money for her little brother's operation who was involved in a major car accident. Dahil siya na lang ang ina...
95 5 7
Meet Purple Cristobal Suarez isang babaeng detective layunin nya na hanapin ang totoong may sala sa pagkamatay ng kanyang lola.Ito ang dahilan kaya...
Wattpad App - Unlock exclusive features