The day of the party
Pagkatapos akong ayusan ng isang team ng parlorista sa isang sosyal na beauty salon, sinundo ako ni Steed. Reklamo pa nga sya ng reklamo kasi ang tagal ko raw. Siguro raw kasi inatake sa puso yung nag-aayos sa akin kaya dinala muna sa ER tsaka nag-hanap ng substitute. Sinapak ko lang sya, epal eh. At ngayon nga after ng one hour nyang pag-aantay with matching reklamo pumasok na ako sa loob ng sasakyan nya.
"Wow, ang galing naman ng mga taong yun akalain mo nagawa ka nilang pagmukhaing tao...you look beautiful tonight"
Biglang napalingon ako sa kanya, tama ba yung dinig kong sinabihan nya akong maganda? Hindi ba ako nagha-hallucinate lang? Sinabi nya talaga yun diba? Diba? Diba?
"Tha..thank you. Ikaw rin naman"
"Oh so, maganda rin ako?"
"Sira! Ibig kong sabihin eh ikaw rin ang gwapo mo"
He just shrugged. Wait, bakit nag-shrugged lang sya diba dapat ang sinasabi nya ngayon ay "Bwahahaha! Matagal ko ng alam yun!" Dapat ganun diba? Kasi ganun ang personality nya.
katahimikan-katahimikan-katahimikan
Mga five minutes na sigurong walang nag-sasalita sa amin. Ako nakatingin lang sa labas ng bintana sa side ko, samantalang sya naka-concentrate lang syang mag-drive. Bakit ganto? Bakit wala akong maapuhap sabihin sa kanya? Bakit hindi ako nag-sasalita? Bakit hindi nya ako inaasar? Bakit hindi nya ako pinagtritripan? Bakit hindi nya ako sinisigawan? I mean, diba ganun kami palagi nag-aasaran at walang minutong lumilipas na hindi kami nag-uusap. Na hindi kami nag-sasakitan. Na hindi nya ako iniinsulto. Na hindi ko sya sinasapak. Kaya bakit ang tahimik namin ngayon? Hindi ako sanay.
katahimikan-katahimikan-katahimikan
"ARGH!!! MAGBIGAY KA NG TOPIC!!! NOW NA!!!" hindi ko na talaga kinaya ang katahimikan, nabibingi ako. Pag hindi pa kami nag-uusap mababaliw na ako.
"Huh? Aanhin mo naman ang topic?"
"Ah basta! Kelangan nating mag-usap! Nababaliw ako sa muteness ng paligid! Kung bakit ba kasi hindi mo ako inaasar. Teka, na..napapagod ka na bang asarin ako?" alam kong palagi kong hinihiling na sana tigilan na nya pang-aasar, pang-iinsulto at pangtri-trip sa akin pero yung naisip kong napagod na syang asarin ako eh, ikinasakit ng dibdib ko parang..parang..ayaw kong itigil nya. Hindi ko alam kung bakit? Basta ayaw ko syang tumigil. May mga bagay kasi na kapag nakasanayan mo na, ayaw mo itong tumigil kasi malulungkot ka lang at pakiramdam mo may kulang sa buhay mo pag natigil ito.
"Sa maganda ka ngayon kaya hindi kita masabihan ng panget"
Nabitin ang paghinga ko sa sobrang shock.
"Sa maganda ka ngayon kaya hindi kita masabihan ng panget"
DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG
"Sa maganda ka ngayon kaya hindi kita masabihan ng panget"
Oi heart nandyan ka pa ba? Mine-make sure ko lang pakiramdam ko kasi parang nahulog ka eh.
"Sa maganda ka ngayong kaya hindi kita masabihan ng panget"
Kung ganun hindi pala sya napagod sa pang-aasar sa akin, nagandahan lang talaga sya sa new look ko kaya hindi nya ako magawang insultuhin. Parang nabunutan ako ng bareta sa lalamunan sa naisip. Hindi ko alam kung bakit pero nag-uumapaw ang saya ang dibdib ko. Sa sobrang saya pwede na akong lumipad sa space.
"Wait, did you really think na napagod akong asarin ka?"
I nod.
"Baliw! Sa tingin mo ba mapapagod akong asarin ka, no way. I will never get tired, NEVER"
Hindi ko na talaga kinakaya ang sobrang tuwa kaya hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko. I know para akong baliw na umiiyak sa walang kwentang bagay to think na yung iniiyakan ko eh hindi dapat iniiyakan pero wala akong pakealam basta ang saya saya ko. Bahala na kayo isipin nyo ang gusto nyong isipin. I'm happy at yun ang mahalaga sa akin.
Bigla syang nag-preno "Are you crying?" ang lakas kasi ng pagkasinghot ko kaya narinig nya.
"No, sige na mag-drive ka na. Wag mo akong pansinin napuwing lang ako"
Pero nagulat ako sa sunod na ginawa nya, itinaas nya ang baba ko at tumingin sa mga mata ko.
"Tell me what's wrong"
"Wa..wala nga! Mag-drive ka na lang ulit"
"Tell me..please"
Since sobrang nakikiusap talaga yung mata nya at napaka-sincere ng boses nya. Hindi ko na napigilang magsalita.
"I..ikaw kasi eh! Ang weird weird mo ngayon!"
"Huh? Ang weird ko? Hindi kita maintindihan?"
"Kasi..kasi..akala ko talaga napagod ka ng asarin ako" yumuko ako at nilaro ang mga palad kong nakapatong sa legs ko "Pa..parang ayoko kasing tumigil ka, paano nakasanayan ko na kasi" I whispered. I crossed my fingers and wish he didn't hear it.
"Hahaha! Seriously? Bakit naman ako titigil sa pang-aasar sayo eh ang cute cute kaya ng mga facial expressions mo pag naiinis ka!"
Bigla akong napaangat ng ulo at tumingin sa kanya nang nakaawang ang labi, nung napansin nyang nakatingin ako sa kanya bigla syang tumigil sa pagtawa, namula at nagkamot ng ulo.
"I mean..I mean..ibig kong sabihin sa cute ay..ay nakakatawa. Kaya nakakatawa ang mukha mo pag naiinis ka. Nakuha mo?"
Ngumiti na lang ako "Oo, nakuha ko"
Pinaandar na nya ulit yung sasakyan, after ilang minutes nasa harapan na kami ng isang five star hotel. Bababa na sana ako pero napahinto ako, tumigil ang mundo ko, nanigas ang dibdib ko, lumobo ang ulo ko at nanginig ang tuhod ko sa sunod na sinabi nya.
"Don't fall in love with me, Jeanne Heather"
***
"Ladies and gentleman let's welcome the grandson of our president, Mr Chase Sanders!" tumutok yung spotlight kay Steed habang naglalakad sya paakyat ng stage. Nung nasa stage na sya nagpalakpakan yung mga tao. Habang nakatayo sya sa stage at nagsasalita, hindi ko napigilang makaramdam ng tuwa dahil napansin kong proud na nakatingin sa kanya ang lolo nya at ang mga board members. Sigurado akong konting araw na lang at mapapayag na nya ang board, konting araw na lang ibibigay na sa kanya ng lolo nya ang company nila at konting araw na lang din magdi-divorce na kami. Laging kong hinihiling na sana bumilis ang oras para matapos na ang lahat at mag kanya-kanya na kami pero pag naiisip kong malapit na ang panahon na yun nakakaramdam ako ng lungkot.
"Don't fall inlove with me, Jeanne Heather"
"Wag kang mag-alala, hindi ako mahuhulog sayo" yan ang isinagot ko sa kanya kanina. Alam ko sa sarili ko na hindi yan ang gusto kong isagot pero yun ang lumabas sa bibig ko. Siguro defense mechanism yun ng katawan ko. Gusto ko syang tanungin kung bakit? Kung anong masama? Kung anong dahilan? Pero natatakot ako sa hindi ko malamang dahilan. Mayabang, palautos, masungit, cold, tamad, walang pasensya, nakakainis, mapan-lait, kapal et al nya pero kaya nyang maging mabait, maunawaiin, kalmado, rumespeto, mapagkalinga, masipag may pakealam (kahit hindi nya ipinapakita), sweet (kahit hindi halata), et al. Kaya tuloy hindi ko maiwasang matuwa, maging proud at magka-gusto sa kanya (Uulitin ko GUSTO pa lang kumbaga eh crush pa lang at hindi pa MAHAL, gets nyo? Mabuti nang nagkakaintindihan tayo)
Noon kung tatanungin nyo ako kung pwede ba akong magkakagusto kay Steed, isang malutong na YUCK ang isasagot ko. Pero iba na ngayon dahil mas nakilala ko sya, mas nauunawaan ko ang pagkatao nya, mas nakilala ko ang istorya nya at nasilip ko ang nilalaman ng puso nya. Pero.. HINDI NYA AKO PINAPAYAGANG MAGKAGUSTO SA KANYA.
"Congratulation young man. Napakaganda ng speech mo"
"Thank you Mr Villaruz"
"Mr Chairman napakagaling ng apo nyo"
"Haha I know, I know and I'm so proud of him"
Pagkatapos nya makipag-usap sa board linapitan naman sya ng sandamakmak na mga babae, may mga nakipag-shake hands, naki-selfie at naki-otograph sa kanya. Pinagbigyan naman sila lahat ni Steed. Kahit nakangiti yun deep inside alam kong naba-badtrip yun. Ayaw nya kasing inaproach sya ng mga fans nya lalo na kung wala sa lugar. Sigurado akong andami nyang reklamo mamaya. Since wala naman akong kakilala na pwede kong kausapin, nag-decide akong lumabas at pumunta sa garden para magpalipas ng oras.
Umupo ako sa isang kahoy na swing habang nakatanaw sa may fountain ng maramdaman kong parang may kumakaluskos na kung ano sa kaliwa ko.
"Inang ko po ano yun?" tumayo ako at pumunta sa may pinangkakalingan ng sound. Dim lang ang ilaw kaya medyo hindi ko makita yung inaapakan ko. Pero alam kung may tao sa bandang bakod nitong garden.
"OMG! sino kaya yun? Hindi kaya intruder? Kelangan malaman to ng mga gwardiya" lumapit pa ako sa may likod ng isang malaking halaman to make sure na nandun pa yung tao pero nanlaki na lang ang mata ko ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod at nagtakip ng kamay sa bibig ko.
Try takpan ang bibig at sumigaw, go with me XD "Aaaaamfffffff!"
"Ssssssshh"
"Aaaaamfffffff!"
"Ssh. Don't worry miss hindi kita sasaktan, hindi ako masamang tao, ayaw ko lang may makaalam kung nasan ako"
Wait, bakit parang familiar yung boses nya? Parang narinig ko na ito somewhere?
"Bibitawan kita pero wag kang sisigaw pls"
I nod. Tinanggal na nya yung kamay nyang nakatakip sa bibig ko.
"Thank you miss"
Tumalikod ako at hinarap ko ang lalaking intruder
"CRAVEN?!"
"JEANNE?"
"Jusko ikaw nga!"
"Sh*t kaya pala napaka-familiar mo. I'm sorry! Hindi ko sinasadya! Are you hurt?"
"No I'm not. Teka, anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka sa garden?"
"Ah, kasi dito sana ako dadaan para makalabas. Ikaw why are you here? Teka, invited ka rin ba sa party?"
"Oo, magka-partner kasi sa negosyo ang lolo ko at ang president ng Sanders Company"
"Ta..talaga? Wow, I didn't know that"
"Oh eh bakit parang gulat na gulat ka dyan?"
"Wala naman nabigla lang talaga ako. Kung ganun nandito na sa pilipinas lolo mo? Ipakilala mo naman ako gusto ko syang makilala"
"Alam mo kasi wala sya ngayon naiwan sa London, hindi nakasama kasi may deal daw na isinasara. Ikaw nandito rin ba ang lolo mo? Kaya ka nandito?"
"Oo nandun sya sa loob at nakikipagkwentuhan. Tanda mo nung nasa library tayo kasama si Cha..Chase Sanders a..apo pala sya ng President ano?"
Sa hindi ko malamang dahilan biglang nalungkot yung mata ni Craven at tumigas yung mukha nya "Ah oo, pasaway na apo"
He cleared his throat "Sya yung tumawag sa akin at iniinvite ako dito sa party pero ang totoo nyan nagpunta lang talaga ako dito upang magpakita lang sa kanya para hindi sya magtampo and since nakita na nya ako kanina sisibat na ako"
"Huh? Eh wala namang daanan dito. Bukod dyan sa bakod syempre"
Nagkamot sya ng ulo "Yun nga dyan ako sa bakod dadaan para makalabas. May mga gwardiya sibil kasi sa labas pinababantay talaga ako para hindi makaalis"
"Ikaw na lalaki ka bakit ba atat na atat kang umalis at ayaw mong tapusin yung party?"
Natahimik sya at tumingin sa malayo. Ayun na naman yung lungkot sa mukha nya. May nasabi ba akong hindi maganda? Parang wala naman ah.
"Ah kasi..hindi naman talaga ako mahilig sa mga party-party na yan. Hindi kasi ako dumadalo sa mga occasions pwera na lang kung talagang napaka-importante"
"Ah ganun ba"
Naramdaman kung nag-beep yung phone ko.
'Oi asan ka?"
-Steed Sungit
Bumilis yung heartbeat ko sa nabasa. OMG, napansin nyang missing ako sa party sa loob.
"Mukhang hinhanap ka na sa loob. You better go"
"Eh paano ka?"
"Ako nang bahala, kayang kaya kong akyatin ang bakod na to. Napaka-easy lang kaya nito akyatin! Ako pa!"
Nagsimula na syang umakyat sa bakod pero dahil wala syang matuntungan nadudulas sya pababa, inulit-ulit nya ang pag-akyat at ganun pa rin ang nangyayari.
Nakangiti syang humarap sa akin habang nagkakamot ng ulo "Ahehehe.."
"Hay naku, ikaw talaga! Tutulungan na lang muna kitang makasibat before ako pumasok sa loob"
"Sure?"
"Naman!"
Tapos ayun tinanggal namin yung kawayan na nakatusok sa may maliit na water falls, ipinoste namin sa may bakod at yun ang ginamit na tungtungan ni Craven para makaakyat, nung nasa itaas na sya tumingin sya sa akin tsaka nag-salita
"Thank you sweetheart, isang malaking utang na loob ko to sayo"
Napangiti ako. Sweetheart, I miss that word.
"Asus, eto naman ayus lang yun. Hala sige talon na at baka mapansin pa ng lolo mo na nawawala ka!"
Tumalikod na sya sa akin at ready nang tumalon pero humarap ulit sya sa akin at ngumiti habang sinabi ang:
"You really look gorgeous tonight, Jeanne" at yun tumalon na sya sa kabila
Oo, kinilig ako. Potek.
"Oi ikaw ano bang ginagawa mo dito? Siguro nag-riritwal ka dito sa gitna ng dilim nuh?" muntik na akong mapatalon sa gulat nung narinig ko yung boses ni Steed mula sa likuran ko.
"Bakit ka ba nangugulat hah?"
"Eh paano kanina pa kita hinahanap tapos maabutan lang kitang parang siraulong nakatingin dyan sa bakod"
Hinahanap nya ako? Teka, bakit nya ako hinahanap? Naboboring ba sya sa loob at kaya nya ako hinahanap kasi ako ang nag-e-ease ng boredom nya? Anong tingin nya sa akin, laruan na pagtritripan nya pag wala syang magawa sa buhay nya?
"May kasama ka ba dito? Para kasing may nakita akong tao dito kanina"
"Ano bang pake mo kung may kasama ako dito?"
Kumunot yung noo nya at matamang tumingin sa akin siguro napansin nyang bakas ang inis ang mukha ko.
"May problema ka ba?"
"Wala"
"May sakit ka ba?"
"Wala"
"May period ka ba?"
"Wala"
"May nagawa ba ako sayo?"
Hindi ko sya sinagot at naglakad ako papaok sa loob. Nasaktan kasi ako sa naisip ko kanina. Grabe, laruan lang pala ang tingin nya sa akin. Siguro kaya hindi sya mapapagod asarin ako kasi nakakawala ako ng boredom nya. Ang tanga ko! May paiyak-iyak pa ako kanina, wala namang kwenta ang iniiyakan ko.
"Oi ano bang talagang problema?" hinawakan nya yung braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad
"..."
"Hey"
"..."
"Oi panget"
"Wala nga! Ang kulit mo! Lubayan mo nga ako!"
"Eh bakit hindi ka namamansin tapos nakatusok pa yang nguso mo?"
"Hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng gantong gesture ha?! Ang ibig sabihin nito ay naiinis ako sayo!"
"Oh eh kung ganun may problema nga tayo. Teka, ano bang ikinaiinis mo sa akin hah?"
"Basta!"
"Sasabihin mo ba o hahalikan kita"
Sige i-kiss mo na lang ako, ew!
"Siraulo ka talaga! Naiinis ako sayong lalaki ka kasi gusto mo lang akong paglaruan! Kaya mo ako hinahanap kasi gusto mo akong maging entertainer mo para mawala yang boredom mo kasi ang tingin mo lang sa akin ay isang walang kwentang laruan na hahanapin at kakausapin mo lang kung kelangan mo!"
"Pfffftt" tawa nya yan, kaya ganyan ang sound nya kasi tinakpan nya yung bibig nya para pigilang lumabas ang malakas na tawa nya.
"Argh! Maluwag na turnilyo mo! Magpaacheck-up kana tsong! Baliw!" nag-walkout na ako. Syet asar, badtrip nanggaling pa sa kailaliman ng hinlalaki ko sa paa ang pinaghugutan ko ng lakas ng loob para sabihin yun sa kanya tapos ano? TATAWANAN nya lang ako! Ansarap nya kalbuhin!
"Alam mo ang drama mo feeling ko talaga may period ka ngayong araw"
"Che! Wag mo ako kakausapin! STAY OUT OF MY LIFE!"
"I-rerevise ko lang ang sinabi mo kanina marami kasing mali eh"
"Ha?"
"Una, hindi kita hinahanap para maging entertainer ko. Hinahanap kita kasi nag-aalala ako sayo since prominent at rich people ang umattend sa party na to hindi malayong maging person of interest tayo ng mga kidnappers. Pangalawa, hindi kita ginagawang laruan. Kahit ganito ako, I only toy those people who deserve to be toyed. And lastly, hindi ka walang kwenta. The truth is mas may kwenta ka pa nga kesa sa 97% ng mga tao dito sa party. Ako yung una syempre, ikaw at fine idagdag na natin si lolo, tayo yung 3%"
"Talaga?!"
"Oo, kaya pwede itigil mo yang kae-emote mo. Pero well, sabi nga nila emotional daw ang mga babaeng nasa menstrual period"
"Kulit mo! Sabi ng wala ako ngayon eh!"
Bigla na lang nya akong inakbayan. Tuloy bigla ring bumilis ang heartbeat ko at namula ang pisngi ko. Kahit para akong nauubusan ng oxygen hindi ko tinanggal yung braso nyang nakaakbay sa akin. Ang komportable kasi sa pakiramdam.
"Oh sabi sayo eh, meron ka ngayon"
"At paano mo naman nasabi, aber?"
"Kasi dapat sinasapak mo na ako at sinisigawan ngayon"
i.R