JHENA'S POV
It's been a while since nang umalis si Chad. Inaamin ko na nalulungkot ako pero binabawi din naman yun tuwing nag-uusap kami sa telepono. Hindi na din kami masyadong nagsasama nina Tiff, Mau at Gene. Pareho na kasi kaming busy eh. Okay lang. Kung minsan nagkikita rin naman kami since iisa lang kami ng village tsaka magkakalapit lang yung bahay namin..
We already have our different lives. Eh kasi naman,I think Tiff and Dwayne were getting along together already. Si Mau tamad pa din, pero hindi ko alam dahil palagi siyang umaalis tuwing weekend. At si Gene? Syempre. Sobrang busy din sa school.
Ako naman pagkatapos ng school, uuwi and then didiretso sa kwarto just to wait if Chad is online.. Ako yung pinakamalimit na lang kung sumama sa barkada kasi palagi akong pagod eh. Hindi naman kami nagkakasabay na umuwi since kanya kanya na naming dinadala yung mga sasakyan namin..
"Kamusta mie? Alam mo, nakakapagod yung araw ko kahapon.. Palagi akong may kinakausap na tao sa telepono man o sa personal.. Nakakatawa. Sa dinami dami ng taong nakakausap ko, ikaw pa rin yung excite na excite ako kahit na sa skype lang.." sabi niya..
Oo na. Kinikilig na ako sa Chad ko.. Bakit ba ganito na lang kasweet yung boyfriend ko?
"Ayan ka na naman die eh. Pinapakilig mo naman ako ng wala sa oras.." suway ko sa kanya.
Tumawa siya tsaka sinabing, "Mas okay na yan. Kesa naman makilig ka sa mga lalaking nababasa mo sa mga libro mo.."
We talked for a long time. Kinamusta niya sina Mau, Tiff at Gene.. He asked mw how my day was at kinuwento niya naman sakin ang buong araw niya kahapon. Magkalayo yung agwat naming dalawa ngayon pero alam ko na he never failed to make me feel loved..
"Malapit na graduation niyo mie.." sabi niya..
Nagbuntong-hininga ako sa sinabi niya. Oo. Ga graduate na kami. It's time to start a new chapter again. Gaya pa din ba kami ng dati?
"Oh? Ba't napabuntong hininga ka dyan? " tanong niya..
"Die. I'm feeling the pressure. And daming mga kelangan tapusin. Ang daming kelang na gawin. Tsaka after nung graduation, ano na naman yung mangyayari?" sabi ko..
He just nodded his head, "Hwag kang mag-alala.. It's worth it. Lahat mg hirap ngayon.. Malay mo, om your graduation umuwi ako.." sabi niya..
A smile just beamed on my face.. "Talaga? Sana nga.. Pero okay lang din die pag hindi ka dumating.. Alam ko namang hirap ka dyan eh." sabi ko sa kanya..
Ang totoo, gusto ko na siyang umuwi.. Gusto ko na talaga siyang makita, mayakap at makakulitan ng personal.. Palagi niya akong tinatanong kung kaya ko pa at palagi ko din sinasabi na okay lang. Natatakot akong sabihin yung totoo na namimiss ko siya, na gusto ko na siyang umuwi dito. I know Chad. Baka biglang magbago ang isip niya at lumipad pabalik dito ng wala sa oras, and that'll make me feel guilty..
MAU'S POV
Nakakainis. I'm feeling all the pressure this time. Pero okay lang din. Keri lang yan Mau. Tsaka nadagdagan pa yung responsibilidad ko nang makilala ko yung walang hiyang Vince na to.
Syempre joke lang yun. Magkaibigan na kmi ngayon ni Vince. Hehe. Nagtataka ba kayo? Ako nga din eh. Pero bilib ako sa taong yun. Kahit na anong taray ko sa kanya, hindi natitinag. Hanep yung positive vibes. Minsan nga nakakainis na kasi nasasapawan na yung negative vibes ko eh..
Akala ko ung moment sa parking lot eh last na yun.. Pero hindi pala. Maganda din naman pala si Vince na Kausap..
flashback..
"Oo na nga,papunta na. Ano ba naman yan. Hindi naman makapaghintay eh." sabi ko sa kabilang linya.
"Anong hindi mkapaghintay. Ang usapan natin di ba 4pm? 5pm na ohh. Akala ko ba u're not wasting ur time? Kaya u're wasting mine?" sabi ng kausap ko sa kabilang linya..
Abat? hindi mganda yung tabas ng dila nito haa. "Oi Vince! hindi porke't nag-usap tayo ng maayos minsan pde mo na akong kausapin ng ganyan haa. Eh di umuwi ka na. Sino ba maysabi sayong hintayin mo ako.." sagot ko naman..
Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.. "Joke lang yun.. Tinry ko lang kung bagay ba sakin yung ganun.. Yung tumulad sayo.. " natatawa niyang sabi..
Ako ba naman yung pagtripan? Matulad sakin? Hanep na rason yun..
"Ako na magsasabi na hindi tlaga bagay.. Ibaba mo na toh.. Malapit nako.." suway ko sa kanya..
"Cge ingat.." sabi niya sakin..
Nagtatawagan na kmi. Nagtetext kung minsan. At palagi niya akong pinagtitripan. Ewan ko ba dun.. Pero okay lang din naman sakin. Sa tingin ko nakahanap ako ng kaibigan kay Vince.. Hindi na rin masama. Mabuti siyang tao eh..
"Andito na ako.." sabi ko sabay upo sa upuan sa harap niya.
Tiningnan niya yung relo niya sabay sabing, "Wow. Para kang si Tom. Isang oras na late palagi.."
I just rolled my eyes and ordered the Frappe. He just had that Iced Coffee.
"Oh cge na. Spill. Makikinig ako." sabi niya sakin..
Ano bang pinagsasabi nito? Anong spill? May dapat ba akong sabihin sa kanya?
Pinitik niya yung noo ko tsaka nagsalita, "Mau na masungit at makakalimutin. May pandagdag na ako sa tawag ko sayo.." sabi niya..
Masakit kaya yun.. Hinipo ko yung noo ko tsaka tinanong, "Yung ano ba yun? Masakit yun haa." sabi ko sa kanya..
"Tsk3! The reason why that happenes diba? The thing between you and your ex?" sabi niya..
Ai.. Oo nga pala.. Nakalimutan ko.. Tinanong niya nga pala ako minsan.. Hehe..
"Bakit ba interesado ka?" tanong ko..
"Wala lang. Nacucurious lang kasi ako dahil maganda ka, matalino, has a strong pesmraonality.. Pero bakit pagdating sa kanya ang hina-hina mo?" tanong niya..
I was stunned by his question. Hindi ko nga rin naisip yun..
"Maybe that's what love can do. Okay na maging tanga.. Basta't sa taong mahal mo.." sagot ko naman..
"Hindi naman all the time. Okay lang sana kung nagpapakatanga ka, then at the end of the day may makukuha ka diba? Pero iiyak ka pa rin.. Ano bang nakuha mo nang magpakatanga ka?" straightforward niyang sabi..
This guy is completely amazing.. Nakakasakit na yung mga tanong niya haa..
"Minsan kasi.. Hwag nang ipilit yung hindi dapat. Tinalikuran ka na niya diba? Based on what I heard from him, ayaw na niya.. But you keep on putting urself to where he is. Hindi na healthy.. Hindi na kau pdeng ipagsama sa isang sitwasyon, kaya it's giving you more complications.." sabi niya..
Naluluha na yung mga mata ko.. Bakit? Kasi may punto siya. Alam ko.. Pero.. He never knew the wholestory..
"Hindi mo naman kasi naiintindihan eh. Ako yung may kasalanan. Ako yung tumalikod sa kanya.. Ako yung bumitaw.. Alam kong mahal niya ako.. Kaya lang.. Nasaktam niya lang ako minsan, umayaw na ako agad. Hindi ako naginh open-minded. Hindi ko hinabaan ying pasensya ko.." paliwanag ko sa kanya.. m
Actually, kung ibang tao lang itong si Vince, sinigawan ko na toh.. kaso, bakit hindi ko magawamg magalit sa kanya? He has that some aura na tinatalo yung aura ko..
"Eh ayun naman pala eh. C'mon Mau. This is just a simple advice. i know I'm mere for a friend, pero ikaw naman pala yung tumalikod at bumitaw, panindigan mo na.. Pareho lang yan na pag binalikan mo siya eh kinain mo din yung sarili mong suka.. Sa tingin mo ikabubuti mo yun?" paliwanag niya..
His words were like bullets. It hits me like hell. Siguro kung bawat salita ni Vince ay isa isang tatama sakin, matagal na akong namatay sa harapan niya.. Nakaramdam ako ng hiya ssa sarili ko after nun kaya mas minabuti kong sundin yung mga sinabi niya.. Yun naman ang dapat diba?
end of flashback..
Andito kami ngayon sa coffeeshop. Actually, hindi na namin itinuring na deal yung date namin.. Parang friendly date na lahat mg toh. Kumportable naman ako sa kanya eh..
Kinakagat ko yung lapis habang nag-iisip ng mga ilalagay sa thesis ko.. Graduating na eh. Kelangan ko pa tong idefend..
"Tanggalain mo nga yang lapis sa bibig mo. Nakakaturn-off naman niyan. Para kang bata." suway nia sabay tanggal ng lapis sa bibig ko..
"Eeeehhh!!!! Nawala na lang tuloy yung iniisip ko! Ugh ikaw kasi eh.." tsaka tinapunan ko siya ng tissue..
Tinitigan niya ako habang nakapatong yung baba niya sa kamay niya na nasa lamesa.. Oh my.. Am I feeling awkward? No.no.no.
"What's that look for?" tanong ko..
"Wala lang.. Nagtaka lang ako bakit ganyan ka.. Isip bata. Tsaka. Ang spoiled. Anu ba yan.." sabi niya..
Ewan ko sa lalakong toh! Ang daming komento! Parang ang tingin sa sarili ang perfect niya.. Haha.. Pero kunsabagai.. Nakikita ko sa kanyamg matalino siya..
"Tumahimik ka na nga lang dyan.. Tatpusin ko na toh tsaka uuwi na ako.. Eh ikaw?" tanong ko sa kanya..
"Syempre ihahatid ka tsaka uuwi.." sagot niya.. And before I forgot. Tuwing magkasama kami, siya yung pinapadala ko ng sasakyan para tipid ako sa gasolina. Haha. Tsaka isa pa, natatamad akong mgdrive. Hihi..
TOM'S POV
Ang boring ng buhay ko ngayon. Wala akong kasamang gumimik.. Tumambay tsaka gumala.. Eto naman kasing si Vince mukhang aliw na aliw na sa pagsama kay Mau. Pinagpalit ba naman ako sa deal sa coffeshop?
Si Dwayne naman, andun.. Narinig ko guato daw nung ligawan si Tiffany
. Tss. Torpe. Haha. Ang gwapong lalaki pero ang torpe.. Talaga naman..
Bakit kasi ang tagal umuwi ni Jack galing Amerika? Siya lang yung pwedeng hilahin sa mga ganitong sitwasyon.. Aiii. nakalimutan ko.. busy din pala yun sa girlcriend nyang si.. Sino nga ba yun.. Jhenny? Jennifer? Ewan. Di ko matandaan. Hindi pa naman niya pinapakilala sa amin..
Ako? Wala akong girlfriend. NBSB ako. Oy. Mali. NGSB pala. Haha. Ngayon lang ba kayo may narinig mula sakin? Syempre busy ako.. Busy ako sa mga chicks..
Chickboy ako sabi nila.. Masama bang maging friendly? Nakoo naman. Ang hirap sa mga tao palaging may malisya
Meron namang ibang girls na asyumera.. Hindi ko sila maintindihan..
Sabihin niyo nang isip bata ako pero gusto kong mag-enjoy. Sabi nga nila, live life to the fullest. Yang pa girlfriemd girlfriend na yan? Sakit lang sa ulo. Tsaka pihikan ako sa babae.. Yung babaeng gusto ko,. Sexy, maganda, matalino, mayaman, responsable, mabait, masayahin, mahihin, hmmm. ano pa nga ba?
Perfect girl ba yung hinahanap ko? Syempre naman. Kaya nga hindi pa ako nagkakagirfriend. Dahil hindi ko pa siya nakita.. And if I found her, Huh. Humanda siya.. Mpapa OO talaga siya ni Tom. Ako pa..
Andito akon ngayon sa park.. Ipinapasyal ko ang aso kong si Max.. Oo. Max yung pinangalan ko sa kanya.. Tumaba na nga siya. At maayos na yung pilay niya..
We get along together ni Max. Kapag nababagot ako, dito kami pumupuntamg dalawa para ipasyal siya..
Namamasyal kami nang makita ko si Gene.
"Oi Gene. Saan yung punta mo?" sabi ko.
Paramg nagulat pa siya nang makita niya ako.. "Oh. ikaw pala Tom. Mamamasyal. Alangan namang matutulog ako rito. " pambabara niya..
"Wow. Nabara ako dun ah. Sinong kasama mo?" tanong ko..
"Eh di ako lang mag-isa.. May nakikita ka bang kasama ko?" sabi niya..
Anong meron at binabara ako ng babaeng toh? "Ayan na ba si Max?" sabi niya sakin..
Mabara nga din, "Hindi. Techy kasi ako kaya hollogram lang ni Max yung dala ko.."
Tumawa siya, "Aba. You're fighting back.." at nagtawanan lang kaming dalawa.
Maya't maya pa ay nakaramdam ako ng gutom.. "Sama ka sakin? Kain tayo. Dun lang oh.. Malapit sa coffeeshop niyo?" pagyaya ko sa kanya..
Nang naglalakad kami papunta sa kainan, nakita namin sina Mau at Vince na nagtatawanan.. Aba.. Paramg ngayon ko lamg nakita si Vince na tumawa nangbganyan aah?
"Himala. Hindi inaaway ng bestfriend ko si Vince. Haha. Anong nangyari?" sabi niya..
Nakita niya din pala.. " What's with them?" tanong ko kay Gene.
"Ewan ko. Hindi naman nagkukwento si Mau eh. Bihira na lang kasi kaming magkita.. Ikaw yung dpat may alam. Kaibigan mo si Vince eh.." sabi niya..
Nagpout ako.." Eh pinagpalit na yata ako ni Vince sa kape at kay Mau eh.. Hindi na kami nagkikita niyan.." sagot ko naman..
She smiled as if she's having a good idea. "Alam ko na Tom. Guluhin natin sila. Haha. Let's ruin their date. Samahan natin sila don . Sama ka?" tanong niya..
Natatawa ako sabay sabing, "Oo ba. Dun na lang tayo kumain. Ayan lang pala eh.."
At nag-apir pa kaming dalawa..
TIFFANY'S POV
"Tiff? May gagawin ka mamaya?" tanong ni Dwayne..
"Wala naman.. Busy din kasi mga bestfriends ko eh. Bakit?" tanong ko..
I'm used to be with Dwayne everytime. Malaki angbtulong sakin ng lalaking toh. From the hospital up until now.. Siya yung andun pag wala yung mga bestfriends ko..
"Yayayain sana kitamg mag-dinner eh.. Kung pde ka.. Pero pag ayaw mo---" hindi ko na siya pinatapos pa..
"What time are you going ti pick me up? tanong ko..
"Is that a yes?" parang bata niyang sabi..
Eh di syempre oo yung sinagot ko.. Hahaha.. yeah. I'm excited. Idedate ako ni Dwayne. Date nga ba talaga? He didn't even mentioned..
I'm already starting to like Dwayne.. But, it's just a crush.. Crush lang naman diba? Hindi pa handa yung puso kong papasukin uli yung ibang tao. Mahirap na. Dyan tayo nasira eh. Sa biglang tiwala. Biglang nawala din..
Dwayne is such a good person . I'm comfortable when I'm with him. He cares for me that much and he's too good for being a true person. Nakikita ko sa kanya na sincere siya sa pakikipagkaibigan sakin.. Sa aming apat.. And I know how lucky I am. At hindi ako manhid o bulag.. Pero ang gusto ko, sa kanya talaga maalnggaling. And if he does say what I want to hear from him, then.. That's the time. That's the time that we'll be starting to take the new level slowly..
"I'll pick you up at 7pm" then I smiled. I have a feeling that this night will be special.
*****/^/^/^/^/^/^/*******
Just updated guys! Hehe. Mukhang mahabang Chapter to ngayon ha?
Btw, look at Vince at the top as he's staring at Mau.. <3
Weeeee. Kilig overload! Hihi.
gicx0721 ladyazure23 and toniilicious fresh from the mind update! Hey. Hehe.