'Hi! Congratulations, Kenneth. You deserved it!'
'Hello, Kenneth. How are you? Ingat palagi :*'
'Good morning. Eat your breakfast. Ingat ka palagi'
'Hello, Kenneth. I know, you will not read this. At kung mabasa mo man siguro, hindi mo papansinin. But it's okay. Gusto ko lang malaman mo na ako ang number 1 fan mo. Please stay humble. Lagi kitang susubaybayan sa tv. Ingat ka :)'
'Hi, Kenneth. Sobrang kulit ko na ba? Hahaha! Hindi ako magsasawang padalhan ka ng mga emails as long as hindi mo sinasabing tumigil na'ko. Ingat palagi :)'
'Hey! I know, hindi mo 'to mababasa pero I think I am deeply and madly addicted to you. Hindi na lang ito simpleng atraksyon. Nakakalungkot pero masaya akong ikaw ang mahal ko. Sana h'wag kang magbago. Mag-iingat ka palagi. I love you Kenneth Medrano :*'
'Good morning, Kenneth. Eat your breakfast. H'wag papalipas.'
'Goodnight, my bae :) Ang gwapo mo kanina sa show n'yo. Hihihi. Actually palagi ka namang gwapo eh. Nafafall tuloy ako lalo. Mahal kita, Kenneth. Sweet dreams :*'
'Hey! Don't mind those bashers. Mga papansin lang ang mga 'yon. Kapag nakita ko talaga isa-isa iyon, bubunutin ko mga buhok nun. Hihihi :) Am I that bad? Hindi naman. Basta pagdating sa'yo, sensitive lang talaga ako. Anyway, eat your lunch. H'wag papapagod ng husto ah? Ingat palagi.'
'Good morning, my love :)'
'Hi. I'm sorry kung ngayon na lang ulit ako nakapag-email sa'yo. Sobrang busy lang talaga. Ingat kang palagi huh? Pagtatagpuin pa tayo ng tadhana. I love you so much Kenneth ko :*'
'Goodluck sa bago n'yong show. I'll always watch you :)'
'Aw, ba't wala ka kanina sa Eat Bulaga? Hindi tuloy kita nakita. :( Namiss kita agad.'
'Hmm, Kenneth, hanggang dito na lang muna siguro? Sorry. May aasikasuhin lang ako. Pero kapag natapos ko ito, ipagpapatuloy ko ang pagpapadala ng emails sa'yo. Basta palagi kang mag-iingat huh? Magtatagpo pa tayo someday. At sa oras na iyon, sisiguraduhin kong magiging akin kana. Hihihi. Hindi ako magmamahal ng iba pangako. Ikaw lang, kaya hintayin mo ako huh? Magmamadre na lang ako kung hindi tayo magkakatuluyan :) Ingatan mo ang puso ko. Sa'yo ko ipinagkakatiwala 'yan. I love you. Mahal na mahal kita, Kenneth Medrano. Bye! :*'
Napangiti si Kenneth matapos muling basahin ang mga mensaheng iyon na galing sa isang estranghera. Sariwa pa sa kan'yang isipan ang mga mensahe nito kahit na halos anim na taon na ang nakalipas nang huli itong magpadala ng mga mensahe. Nakadama siya ng matinding lungkot at pangungulila nang maalala ang estranghera. Anim na taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin ito nagpaparamdam sa kaniya. Ano na nga bang nangyari sa dalagang nagpapadala sa kan'ya ng mga mensahe noon? Nasaan na ito at bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito nagpaparamdam sa kaniya? Nakalimutan na kaya siya nito?
Nais niyang magtampo sa dalaga dahil hindi na siya nito naalala. Ang sabi nito ay may aasikasuhin lamang ito ngunit bakit hanggang ngayon ay wala pa itong paramdam? May asawa na ba ito o may kasintahan? Napailing siya sa naisip. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay.
Hindi maaari! Nangako ito sa kaniya na tanging siya lamang ang mamahalin nito. Ang sabi pa nito'y magtatagpo sila at sisiguraduhin nitong magiging sila. Ngunit bakit hanggang ngayon ay wala pa ito? Pinanghahawakan niya ang pangakong iyon ng estranghera sapagkat kahit anong tanggi niya sa sarili noon ay unti-unting nahulog ang loob niya sa dalaga. Sa bawat mensahe nito ay napupuno ng pagmamahal ang kaniyang puso para rito.
Naputol ang mahaba niyang pag-iisip nang maulinagan ang ilang katok na nagmumula sa labas ng kaniyang pinto. Isinara niya ang kaniyang laptop at lumapit sa kaniyang pinto. Binuksan niya ang pinto at iniluwa nito ang nakangiting si Anthea. Automatikong napangiti rin siya. Napakaganda talaga ng dalaga lalo na kapag nakangiti ito. Para itong isang anghel dahil sa maamong mukha.
"Hi." nakangiting bungad nito.
"Naistorbo ba kita? Ngayon lang kita kinatok kasi akala ko tulog kapa." kagat-labing dugtong nito.
Niluwagan niya ang pagkakabukas ng kaniyang pinto. "Oh! Sorry. Hindi naman ako natulog at hindi ka nakaistorbo. Kahit kailan hindi ka makakaistorbo sakin." nakangiti niyang pahayag sa dalaga.
Napangiti siya nang makitang namula ang pisngi nito. Lalo tuloy siyang natuturn-on dito. Napakaganda naman kasi talaga nito.
Lahat ng lalaking makakakita dito ay paniguradong mahuhulog at isa na siya sa mga lalaking iyon ngunit hindi maaari sapagkat may nagmamay-ari na ng kaniyang puso. Ang estranghera!
"Tara na. Sayang ang oras natin."
Hinila niya na ang dalaga. Habang naglalakad sila patungo sa lugar na pagdadalhan niya dito ay pinagtitingnan sila ng mga tao sa paligid.
Hindi na kataka-taka sapagkat napakaganda ng babaeng kasama niya.
"Hey! May dumi ba ako sa mukha?" kagat-labing tanong nito.
Saglit siyang napatitig sa maamong mukha ng dalaga. Nakakaakit talaga ito. Gustung-gusto na niyang sunggaban ang labi ng dalaga. Ngunit baka isipin pa nito'y manyak siya.
"Wala naman. Why?"
"Kanina pa kasi sila nakatingin sa atin." nakangusong sagot nito.
Natawa siya sa reaksyong iyon ng dalaga. Para itong batang inagawan ng kendi. Ang cute!
"Wala kang dumi sa mukha. Nakatingin sila kasi ang ganda daw ng kasama ko." nakangiting tugon niya.
Nakita niyang namula ang dalaga saka mahina siyang hinampas sa braso.
"Napakabolero mo talaga!" natatawang saad nito.
Pinisil na lamang niya ang kamay nito na kan'yang hawak. Napangiti siya sa isiping mukha talaga silang magkasintahan sa posisyon nila.
Hindi niya binitawan ang kamay nito hanggang sa lugar na pupuntahan nila.
Hindi niya maunawaan ang sarili. Masaya siya sa piling ng dalaga. Masaya siyang hawak ang kamay nito. Masaya siya kapag nakadikit ang balat niya sa balat nito.
Posible kayang nahuhulog siya dito? Pero may mahal na siya! Posible bang magmahal ng dalawang babae sa magkaparehong oras at panahon?
"Wow! Ang ganda dito, Kenneth."
Nababakas sa mukha ng dalaga ang labis na pagkamangha at katuwaan. Napangiti siya.
Dinala niya kasi ito sa pinakamagandang restaurant na nasa loob ng kaniyang resort.
"Welcome to Solemn Restaurant." nakangiti niyang saad sa dalaga.
"Nice name. Bagay na bagay sa lugar." tugon nito.
Solemn Restaurant. Isa sa dinarayo ng mga dayuhan sa lugar na iyon sapagkat bukod sa napakatahimik ng lugar, makakaramdam ka dito ng kapayapaan. Tanging mga huni ng ibon at lagasgas lamang ng tubig ang maririnig.
Maganda rin ang atmospera ng loob ng restaurant. Mga iba't ibang paintings and decorations ang nakasabit sa dingding. Ito rin ang pinakamagandang lugar na maaaring puntahan kung nais mong mapag-isa at makapag-isip.
"Kaya nga kita dinala dito. Alam kong magugustuhan mo dito." nakangiti rin niyang sagot bago sinenyasan ang waiter na lumapit sa kanila.
Siya na ang um-order ng kakainin nila. Makalipas lamang ang ilang sandali ay isa-isa nang inilapag ng waiter ang mga pagkaing in-order nila.
"Charap!" parang batang saad ng dalaga.
Aliw na aliw siya dito. Hindi niya inaasahan na may ganito pala itong side. Kapag titignan kasi ito ay parang napakasopistikada.
Pinasadahan niya ng tingin ito. Mula sa singkit na mga mata, mahahabang pilik-mata, matangos na ilong, maliit at maamong mukha pababa sa mapulang labi nito.
Napalunok siya nang paulit-ulit. Parang kaysarap kasing hagkan ng maliit na labi nito. Parang may magnet na nakadikit dito at hinahatak siya papalapit. Ngunit matinding pagpipigil ang ginawa niya upang h'wag lamang matuloy ang nasa isip niya.
"Hey!" untag ng dalaga.
"Huh?" wala sa sariling tugon niya. Agad niyang iniiwas ang tingin sa labi nito. Baka mapagkamalan pa siyang manyak dahil sa ikinikilos niya.
"Kanina pa kita kinakausap. Tulala ka naman!" nakangusong saad nito.
Napakamot na lamang siya sa batok niya. Dahil sa pag-iisip niya, hindi niya namalayang kinakausap na pala siya nito.
Shit! Kenneth, umayos ka nga!
"I'm sorry." paghingi niya ng paumanhin sa dalaga.
"Okay! Apology accepted. Kumain kana. Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo eh. Lalim ang iniisip mo. May I know what it is? O mas tamang sabihing, sino ba 'yang iniisip mo?" nakangiting lintaya ng dalaga.
Napangiti na lamang siya. Bukod sa mabait at maganda ito, napakamaunawain pa. Isa pa iyon sa katangiang nagustuhan niya sa dalaga.
"Ang ganda mo kasi. Natutulala ako sayo." nakangiti niyang tugon na ikinapula naman ng mukha ng dalaga. Napatawa pa siya nang yumuko ito at ipinagpatuloy na lamang ang pagkain.
"Bolero! Gutom lang 'yan. Kumain kana lang." nakayukong sagot ng dalaga.
Naaaliw talaga siya sa dalaga. Ang sarap asarin sapagkat palaging namumula.
Pinagtuunan na lamang niya ng pansin ang mga pagkaing nakahain sa kanilang mesa at tahimik na kumain.
Pagtapos kumain ay dinala niya si Anthea sa dalampasigan. Papalubog na ang araw at magkasama nilang papanuorin iyon.
Naupo sila sa pinakadulong parte ng resort na 'yon kung saan walang masyadong tao.
"Ang ganda ng tanawin." nakangiting saad nito.
Napatingin siya sa dalaga.
"Oo. Sobrang ganda." nakangiti rin niyang tugon habang nakatingin sa maamong mukha nito.
Nagulat siya nang mapalingon ito sa kaniya. Nawala ang pagkakangiti nito at napalitan ng seryosong ekspresyon.
"Sabi ko, 'yung tanawin." nakangusong saad nito.
Natawa siya.
Nag-iwas siya ng tingin at ibinaling sa karagatan.
At dahil papalubog na ang araw ay lumalamig na rin ang paligid. Dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang braso at dinala sa balikat ng dalaga. Hindi naman niya nakitaan ng pagtutol ito, bagkus ay sumiksik pa ito sa kaniya. Panigurado ay nilalamig na rin ito.
"Pero mas maganda ka sa tanawin, Thea." nakangiti niyang saad habang nakatingin sa papalubog na araw.
Nakita niya sa gilid ng mata ang pagngiti ng dalaga. Umayos ito ng upo pero hindi naman nito inalis ang braso niya.
"Napakabolero mo talaga. Pare-pareho talaga ang mga lalaki." saad nito.
Napatingin siyang muli rito. "Hindi ako bolero. I'm just stating the fact. At tsaka magkakaiba ang mga lalaki. Iba ako sa kanila." sagot niya.
Napatingin din sa kaniya ang dalaga at nagtama ang kanilang mga mata. Mula sa pagkakangiti ay sumeryoso ang mukha nito.
"Iba ka sa kanila? Ano ka, alien?" saad nito na sinabayan ng mahinang halakhak.
Tumigil lamang ito sa pagtawa nang hinila niya pa ito papalapit sa kaniya. Halos magkalapit na ang kanilang mga mukha. Nakita niya ang panlalaki ng singkit na mga mata ng dalaga.
"Ano? Mukha ba akong alien, Thea?" mahina at seryoso niyang tanong sa dalaga.
Nakita niyang napalunok ito ng ilang ulit bago umiling. Nais niyang matawa sa reaksyon nito ngunit ayaw niyang masira ang magandang atmospera na bumabalot sa kanilang dalawa.
Napatingin siya sa nakaawang nitong labi. Kahit na anong pagpipigil ang gawin niya ay hindi n'ya na kaya pang pigilan ang nararamdaman. Bago pa lumubog ang araw ay tinawid na niya ang maliit na espayo sa pagitan nilang dalawa at idinampi ang labi niya sa labi nito.
Naramdaman niyang nanigas ang dalaga sa ginawa niyang paghalik dito ngunit lumipas lamang ang ilang sandali ay tinugon na nito ang mga halik niya.
Ipinulupot nito ang mga kamay sa kaniyang batok. Gayon rin ang ginawa niya sa baywang nito upang magkalapit pa ang kanilang mga katawan. Pinagsaluhan nilang ang isang mainit na halik.
Nang mga sandaling iyon, saglit na nawaglit sa kaniyang isipan ang estrangherang nagpapadala sa kaniya ng mga mensahe noon.
Tanging si Anthea at ang mga halik nito lamang ang nasa isipan niya. At saksi ang haring araw sa unang halik na pinagsaluhan nilang dalawa.