MY GIRLFRIEND DELIVERY
By: SupeRienne
Chapter 5.4--He's a Rapist?!
UNO's POV
ALMOST 12 HOURS! Yeah! It sucks to wait for almost half the day! It. Really. Sucks!
I've been here in this room since 5:30 this morning, at ano ng oras ngayon?! Maga-alas-sais na ng hapon! Malinaw pa sa sikat ng araw ang sinabi kong magkikita kami ng alas-sais ng umaga ngayong araw, pero ano na? 12 hours had passed without any sign of that she-who-shall-not-be-named creature. Hindi na nga ako naka-attend sa re-opening ng cafe ni Jamilla, inabutan pa ako ng pang-6 pm na meeting ko with the whole USC. Hay! Linshak siya! Linshak lang! Arggh!
I never wait! Ako, Si Uno Xavier Bustamante-Enriquez, ang pinaka-guwapo, pinakamatalino at pinaka-hot sa angkan ng mga Bustamante-Enriquez, maghihintay? Hell, NO!
I never wait. Everyone is and should be punctual when it comes to dealing with an Uno Xavier Enriquez. People meeting up with me make sure everything is polished when I arrive. They wait for me. I wait for no one. Pero ang ako ang maghihintay? That's one hell of a joke.
Pero isa nga atang malaking kalokohan ang araw na ito, dahil ako, si Uno Xavier Enriquez, ay pinaghintay ng isa lamang Arrielle Esguerra.
Arrghh!! Buset na araw to! Isinusumpa ko ang babaeng iyon!
"You okay, babe?" At isa pa itong katabi ko. Kung makadikit sa akin halos makishare na nitong swivel chair na inuupuan ko. Kung hindi lang iniutos ng dakila kong nanay na ientertain ito dahil sa 'pang-indiyan' ko dito sa supposed meet-up namin, ay hindi ko magagawang pagtiisan ito. Sakit sa ulo! Daig pa niya ang tuko sa kakakapit sa kin.
"Err. Yeah." then flashed my ever reliable killer smile and saw her almost faint. Oh that? I'm Uno Enriquez, remember? And that's what I'm famous for. To take every girls breath away. Paano ba naman, ngiti pa lang, pamatay na! Bwahaha.
"You are sooo hot, babe!" Oh yeah. I am obviously hot, but me, your babe? Tss.
"If you excuse US, Miss Leslie Domingo, WE'RE on a meeting. Pwedeng tumahimik ka ng konti at ng hindi ka nakakaistorbo sa meeting NAMIN?" Pffft! Haha. Sa lahat ng pagkakataong bad-trip ang USC Adviser namin, ngayon lang ako natuwa. Haha. Pagtingin ko kay Leslie, ayun, nanahimik. Pahiya eh!
*BAAAM!*
What the---! Whaaat?!
All heads turned to face the direction of the door.
At pagtingin ko rito...
HA?! Anong ginagawa ng babaeng 'to dito?
Hinihingal ito na akala mo eh sumabak sa isang marathon bago makarating dito. Pagtingin ko sa relo ko. 6:00 pm.
Nakatayo lang siya roon habang pinagtitinginan ng mga kasamahan ko ng biglang sumingit itong babaeng-tuko na katabi ko. "Excuse me?" mataray na tanong nito.
Wala itong masabi kundi 'Ah, Eh.' na akala mo eh balak i-recite ang vowels kaya sumingit na ako.
"Guys, meet my driver, Arrielle." eh? Did I just mention driver? San nanggaling yun?
Mukha namang naniwala ang mga kasama ko kaya nilapitan ko na lang ito na halatang gulat din sa sinabi ko.
Kinuha ko mula sa bulsa ko ang susi ng Montero Sport ko para ibigay rito.
She was about to take the keys when a little hint of mischievousness hit me. I twisted my fingers on-hold of the key so it dropped down with a victorious clang in the floor.
Hahaha. Quits na tayo.
"Tss. Stupid." says someone. From there I saw my orgmates gave her a disgusting look for what they seems like a sort of her stupidity. I turned to face her direction and saw shame and pain around her.
Uh. I was just kidding. I didn't intended to hurt her. Why does she look like that?
"Ah, s-sige, boss. Hintayin ko na lang kayo sa labas." At dali-dali itong lumabas ng hindi man lang ako nililingon. Oh f*ck! Why does she look like that? And why does it even matter to me? Ako, si Uno Xavier Enriquez, maaapektuhan dahil lang doon? Geez. Is this what they call guilt? Just sh*t! Bakit ako nagi-guilty eh wala naman akong ginawang masama sa kanya. She's just over-reacting. Yeah. Forget about it. OA lang yun. Tss.
But it hit me. Ako, si Uno Xavier Bustamante-Enriquez ay nagi-guilty nga... For the first time.
SupeRienne's (Author's) POV
The remaining time he had in the meeting passed without him being aware. His mind was out and lost. It was on what had happened just a while ago. Saka lang niya namalayang natapos na pala ang naturang meeting ng mapansing nagsimula ng magsitayuan ang mga kasama niya.
He hurriedly slid his iPad into his backpack and went outside. "Sorry lang katapat nun." he said to himself referring to Arrielle but he knows for a fact he was guilty. Yeah, it was his first time to feel that. He was so sorry for how he acted. He looked around to search for her just to see her bubbly laughing with someone he know so well. She's with Akio.
"For all these time I was being eaten by guilt, tapos malalaman ko lang na ayos lang naman pala ito at mukhang enjoy na enjoy pang nakikipagtawanan sa pinsan ko. Wow. Just how crazy are you, Uno. Really?" he said to himself.
'He's been guilty just for that? How stupid of him?' that's what he was thinking. Muli ay bigla nanamang namuo ang inis nito kay Arrielle at dali-daling lumapit sa dalawa.
Tumikhim ito kaya napalingon ang mga ito. Agad naman siyang binati ni Akio ngunit wala itong panahon para sagutin ito kaya tinanguan na lang niya ang pinsan.
"Tara na." sabi nito kay Arrielle saka walang anu-anong hinatak ang braso nito.
ARRIELLE'S POV
"Aray! Teka--Aray! Ano ba?!" hindi na ako nakatiis ng bigla na lang ay hilain nito ang braso ko at halos pakaladkad na dinala rito sa parking lot ng eskuwelahan.
"Will you shut your big mouth?!" pasigaw na sabi nito. At siya pa talaga ang may ganang sigawan ako ha? Ako na halos pumutok na ang paltos sa paa at maputol na ang braso sa layo ng nilakad namin at sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko, ako pa talaga ang sinisigawan niya?
Muli akong hinatak nito at nagtuloy sa kung saan naroon ang kotse niya. Maya-maya lang ay huminto na rin kami sa tapat ng sasakyan nito at sa wakas ay binitawan na rin ang kaawa-awang braso ko.
"Open it." utos nito.
"Open? Ako? Bakit wala ka bang kamay ha, at pati ang simpleng pagbukas sa sasakyan mo ay inuutos mo pa?!" halos umusok ang tenga ko sa inis. Naku, pagkatapos niya akong kaladkarin dito, uutusan pa talaga niya ko? Antamad rin talaga ng loko!
"I said open it!" muling utos nito.
At siya pa talaga ang may ganang magtaas ng boses?! "Why would I?" taas-noong saad ko dito. Ha! Bahala siya sa buhay niya! Antamad ng g*go! Katulong niya ko?
"Because you have my keys, moron!" Moron? Because I have his keys? Sipain ko pa siya, eh siya nga itong mo--Oh my God! Nasa akin nga ang susi niya. Arrgh! How could I forget about it?!
"Ah.. He.He.He." I don't know how I look, one thing's for sure, I look stupid. Muntanga naman. Oo nga. Nasa akin nga pala ang mga susi niya.
Dali-dali kong isinuksok ang susi at binuksan ang pinto sa may driver's seat. "Oh, ayan. Bukas na." pero ilang sandali na ang nakakaraan ay hindi pa rin ito pumapasok.
"You still want me to carry you inside, your butt hurts, your majesty?" I said irritated. Ano 'to? Forever naming tititigan ang pinto ng kotse niya hanggang matunaw?
"You're my driver, remember? You drive." sabi nito at agad ng umikot sa kabilang side at pumasok roon. Naiwan akong tigagal sa sinabi nito. So driver na talaga niya ako? Arrgh!
At binagtas na nga namin ang kahabaan ng daan, ako bilang driver niya, at siya bilang isang magaling na amo. Sa sobrang galing gusto ko ng i-salvage dahil naiinggit ako! Hmmp!
Kasalukuyan naming binabagtas ang K. Takot Street, ang isa sa mga kinatatakutang daan sa lugar na ito, bukod kasi sa mga sabi-sabing pinamumugaran ito ng samu't saring lamang-lupa, ay malawak na talahiban ang bumabalot sa magkabilang gilid nito, ng bigla na lamang itong magsalita. "I-tabi mo." utos nito.
"Ha? Bakit dito?" tanong ko habang patuloy pa rin sa pagmamaneho.
"Basta. Itabi mo." utos muli nito.
Saka lamang sumagi sa isip ko ang maaaring binabalak nito. Gabi. Talahiban. Isolated street. Oh my goodness! Alam ko 'to eh! Napapanood ko 'to sa SOCO. Shucks lang. Rereypin ako ng gag*ng to!
"A-ayoko." nanginginig kong sagot rito. Anong gagawin ko? Mag-isip ka, Arrielle. Isip!
"I said STOP THE CAR!" malakas na bulyaw nito.
"Ay! Palaka!" naibulalas ko. Sa sobrang pagkasindak ay agaran kong itinabi ang sasakyan saka ito unti-unting hininto habang pasimpleng nagiisip ng aking escape plan.
At tadaaan! Dahil sinumpong nanaman ang napaka-reliable system ko, ayun at wala nanaman akong ibang naisip kundi ang...
TAKBOOOOOO!!!!
BILIS!
Malapit ka na!
...
Malapit ka na niyang maabutan!
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"
*BOOOGSH!*
(to be continued...)
A/N:
Sa wakas nakapag-update din! Humihingi po ako ng paumanhin sa matagal na paghihintay, lalo na dun sa mga walang humpay ang pagpi-PM at pagre-request para sa update ko. Ayun. Sa wakas. Eto na. :)
I know, medyo di pa kasing-ayos ng previous parts itong nagawa ko, but I'm happy nagsimula na ang drive ko sa pagsusulat.
Paki-correct na din sana kung may makita kayong errors. Subject for editing pa ito.
So there! Happy reading mga AWESOME kong readers. Sana magustuhan pa rin ninyo.
I'd love to hear from ALL OF YOU!
Please...
*VOTE*
*COMMENT*
*ADD this story TO your awesome LIBRARY and READING LIST*
*FOLLOW ME*
and...
*LOVE ME!* haha
I LOVE YOUU AWESOMES!
winks! ;)