*Ericka Trishana Yumoko POV*
Ang mga salitang yun, saan ko ba narinig yun? Kanino ba ng galing ang mga salitang yun? Bigla kong naisip na walang masasagot sa mga tanong ko kung hindi ko aalamin.
Binuksan ko ang pinto at napahinto sa pag uusap sila kuya ng makita ako, tinignan ko sila isa isa nag buntong hininga ako pagkatapos ay saka nag salita.
"Mga kuya may itatanong ako."
Nag katingininan naman sila, siguro na we-weirduhan na sila sakin.
"Ano yun bunso?"
Pag tatanong ni Kuya Ash.
"Pero bago ako mag tanong gusto ko na sagutin niyo ko ng totoo at walang kasinungalingan."
Nanlaki naman ang mga mata ni kuya DEM sila kuya Cons at Bricks poker face lang si kuya Ash naman ngumiti lang sakin.
"Sige ba, ano ba yang itatanong mo?"
Naka ngiting pag tatanong ni kuya Ash, nag buntong hininga ako at saka nilabas sa mga dila ko ang mga tanong na bumabagabag ngayon sa isipan ko.
"Sino si Yra? Ano nangyari sa mga magulang natin? Bakit wala akong maalala tungkol sa kabataan ko? Sino ba talaga ako? Ano ba talaga ang pamilya natin? Ano ba ang sekreto ang meron sa pamilya natin?"
Nakakita naman ako ng gulat sa mga mata ng mga kuya ko pero agad itong na bawi at nag sitinginan sila at nag ngitian.
"Sa wakas masasabi na natin ang mga sekreto na tinago natin sa loob ng apat na taon."
Pag sasabi ni Kuya DEM at ngumiti sakin.
"Apat na taon?"
Pag tatanong ko kay Kuya.
"Oo apat na taon kang walang maalala sa nakaraan mo, apat na taon kang namumuhay ng walang ka alam alam."
Pag sabi naman ni Kuya Cons.
"Apat na taon na rin simula ang aksidenteng yun."
Pag sasabi naman ni Kuya Bricks.
"Aksidente? Anong aksidente?"
Nalilitong tanong ko sakanila.
"four years ago, nag bakasyon tayo sa korea at siguro yun na yung huling alaala natin mag kakasama."
Pagsasabi ni Kuya DEM.
"At yung rin ang huling beses na nakasama natin ang ate mo si Sheeyra Monique Yumoko o mas kilalang Yra."
Pag sabi naman ni Kuya Cons.
"Si Yra isang taon lang ang pagitan nila ni DEM, kaya naman nung mga panahon na yun akala namin siya na ang magiging bunso ng pamilya."
Pag sabi ni kuya Bricks.
"Pero nung three years old si Yra na buntis si mama, dun ka niya pinag buntis. Ang pinaka masaya nun ay si Yra, dahil matagal na niyang ginugustong mag karoon ng kapatid."
"Lalo pa siyang naging masaya nung nalaman niya na babae ka, dahil yun naman talaga ang gusto niya."
"Halos araw araw kasama ni mama si Yra, para na ngang buntot si Yra ni mama eh."
"At dumating ang araw na ipapanganak ka na, pero ang tagal ng doctor nung araw na yun."
"Akala namin may mangyayaring masama sayo at kay mama pero na gulat kami ng maipanganak ka ni mama ng ligtas at masigla."
"At dahil yun kay Yra, si Yra ang nag paanak kay mama. Nagulat rin ang doctor nun dahil isang 4 years old na bata ang nag pa anak kay mama."
"Ang sabi ng doctor ay pwedeng maging isang magaling na doctor si Yra, ng marinig yun ni Yra tumanggi siya dahil mas gusto niyang mag teacher."
"Simula ng pinanganak ka si Yra ang laging na aalaga sayo, ispoiled ka nga eh."
"Habang lumalaki ka lalo kang nagiging clingy sa ate mo kaya naman kung minsan na aasar ka."
"Pero andyan ang ate mong siga na hindi kilos babae na laging nag tatanggol sayo."
"Lagi kang masaya siguro dahil na rin sa ate mo, sa ate mo na hindi lang ikaw ang napapa saya kundi pati kaming mga kuya mo at pati na rin ang mga magulang namin."
"Sa pamilya natin si Yra ang pinaka kayamanan ng pamilya natin, dahil kung ikaw may kakaiibang talino."
"Ang ate mo matalino na at madami pang alam sa ibang bagay, kaya naman siya talaga ang tinuturing na kayamanan ng pamilyang ito."
"Pero sympre nasa mataas na angkan ang pamilya natin kaya naman hindi maiitatangi na maraming nag hahanap ng kahinaan ng pamilya natin."
"At marami ring nag hahangad na makuha yun."
"Pumunta tayo sa korea para mag bakasyon nun, na alala ko na pumunta kayo ni Yesha sa isang ampunan nun."
"Yung madalas nating puntahan nung bata tayo kasama si Yra nung araw na yun."
"Dun rin nangyari ang pinaka sumira ng buhay natin."
"Akala nila ikaw ang pinaka kayamanan ng pamilya natin kaya naman pinakidnap ka pero dahil siga nga ang ate mo pinag tanggol ka niya pero wala di yun na gawa."
"Pero dahil nakatakas si Yesha na sabi niya ito samin, kaya naman agad na tumawag ng tulong ang mga magulang namin."
"Pero tumawag ang mga kidnappers na bawal humingi ng tulong sila mama at papa, hindi nila yun sinunod."
"Pero pag dating nila sa lugar kung asan kayo, hindi alam ng mga magulang natin na kasabwat ng mga kumidnap sainyo ang mga pulis."
"Kaya naman na loko ang mga magulang natin, nag laban nun si Yra kaya naman babarilin na sana siya ng kidnappers ng iligtas siya ni papa."
"Si mama naman ikaw ang iniligtas ng tangkain ka ring patayin ng mga ito."
"Dahil sa trauma, na wala ang lahat ng yun sa alaala mo."
To be continued....