Its All Gone.

By vilchezcris

3 0 0

Ano kayang istorya meron sa love story nila Queen? Pano kaya nila haharapin ang mga problemang gumugulo sa ka... More

Its All Gone. "FDS"

2 0 0
By vilchezcris

Queen POV:

Kriiinnng!

First day of school! Wahhhh! Excited na ko! Btw First year college nga pala ko sa isang kilalang University dito sa Pilipinas. Ang "Gibbons University" Isa lamang akong mahirap at simpleng babae.

Nagtataka siguro kayo kung pano ko nakapasok ng University noh? Isa akong dakilang scholar since elementary. Oh diba? Ang yabang ng lola nyo HAHAHA Oh sige na. Kailangan ko ng mag ayos. Baka malate ako ehh.

Ayos

Ayos

Alis

Byahe

Sa wakas! Andito na ko sa Eskewelahan ko. Pagpasok ko.

O__________O

For real ganito kaganda ang eskwelahang ito? Ang daming Gwapo! Mwehehehehe. Kumekerenkeng na ang lola nyo. Wag kayo HAHAHAHA

Tumingin ako sa Bulletin Board kung anong room ako.

Queen Hoffman:
Building A
Rm 209

Ayun! Oo nga pala. "Business Management" ang kinukuha ko.

Since di ko alam kung saang classroom ako. Nagtanong ako sa Guard.

"Hi ateng Guard! Magtatanong lang po sana ako kung saan yung Building A?" Nakangiting sabi ko.

"Seryoso ka miss? Pangmayaman lang itong school na to. Baka naligaw ka lang. Dun ka siguro sa katapat na Public School ehh." Panglalait nung guard.

Aba g*g* to ahh? Sinuntok ko nga. Nagdugo yung mukha nya. Iyak sya ehh. HAHAHAHA Pano hinampas ko rin sya ng tubo sa Mukha Hahahaha.

Syempre Joke lang yun. Edi napatalsik ako sa eskwelahang ito.Sinagot ko nalang sya.

"Ate alam ko pong mahirap ako. Wag nyo na po sanang ipamukha. Kung pwede po sana pakisagot nalang yung tanong ko." Sabi ko.

"Sige iha. Just go straight there and turn left. Yun na ang building A" Nakangiting sabi nung guard na kala mo ehh parang Bote. PLASTIC!

Sumunod nalang ako. Tumungo ako sa direksyong itinuro nya.

Alam nyo ba kung bakit masyadong halata na mahirap ako? Ehh kasi naman. Sa ukay ukay lang ako bumibili. Mura lang kasi HAHAHA Tapos sa ibang bansa pa galing. San ka pa? Sa Ukay ukay na! HAHAHA

Lakad

Lakad

Lakad

"Who is that Girl?!"

"Pano nakapasok dito ang mga pulubi? MyGod!"

"Ang panget nya Tsss"

"Mukha syang Maid! Iww!"

Yan ang mga sari saring sinasabi ng mga bwisit na estudyante dito. MyGod ganyan ba kasama ang mga ugali ng mga estudyante dito? Tss Di ko nalang sila pinansin.

Di ko namalayang nandito na pala ko sa Building. Hinanap ko yung Room ko.

And viola! Eto na ang Classroom ko.

Eeeecckkkkkk!

Wag kayo tunog yan ng pinto HAHAHA Pagpasok ko. Iilan palang ang mga estudyante.

"Who are you?!" Sabi nung babaeng mukhang puti ng itlog sa Blonde nyang buhok.

"Im Queen Hoffman a scholar student here. So if you would excuse me." Pambabara ko sa kanya.

Dumiretso na ko doon sa upuan na walang nakaupo. Syempre HAHAHAHA

"Hi Queen Right?" Nakangiting sabi nya.

Omo pano nya nalaman yung pangalan ko? Hala! Famous na kaya ko? Ok ako na ambisyosa HAHAHAHA

"Yes. And you are?" Ang gaan ng loob ko sa kanya.

"Maxine. Friends?" Sabi nya.

"Friends. Ang bait mo. Kala ko lahat ng estudyante dito masasama" Sabi ko ng nakangiti.
Grabe kala ko naman kasi talaga ehh.

"True!" Sabay kaming tumawa.

"HAHAHAHAHA" Di ko sukat akalain na magkakaroon ako ng kaibigan agad.

Maganda na Mabait pa!

Maxine POV

Akalain mo nga namang isang hamak na kaibigan lamang ehh may POV pala dito HAHAHA!

Btw Papakilala ko ang sarili ko. Im Maxine Santiago. May ari kami ng ibat ibang malalaking kompanya ng damit dito sa Pilipinas. Model din ako.

Nakilala ko si Queen dito sa school namin. Ang bait nya grabe. Di ko nga akalaing magkakaroon ng ganitong kabait na estudyante dito sa Gibonns ehh.

Dito na nga pala ko nagaral since elementary. Kaya kilala ko na yung ibang estudyante dito. Pero di ko sila ka close dahil sa ugali nila.

"So Pakilala ka naman." Sabi ko ng nakangiti.

"Ako si Queen Hoffman. Student ako last time sa Consuello High school."

"Oh? Not to offend you. Pano ka nakapag aral sa mga ganitong klaseng paaralan? Diba mahirap kalang."

Halatang nagulat sya. Pero nagbago ang mukha nya nung ngumiti ako.

"Isa akong scholar dito tsaka sa High school na pinagaralan ko."

Ganon sya katalino? OMyG Idol ko na sya. HAHAHAHA

Maipag shopping nga sya mamaya. Kasi naman yung suot nya ehh. Nabobother ako HAHAHA

"Ahhm Queen pwede mo ba kong samahan mamaya sa mall?" Nakangiting sabi ko.

"Aahh Eehh...."

Bakit parang nagulat sya sa tanong ko? HAHAHAHA

"Bakit nagkakaganyan ka?" Natatawang sagot ko.

"Kkaassii First time ko lang pupunta don. Nakakahiya. Wala pa kong pera." Malungkot na sabi nya.

For real? First time nyang makakapunta ng mall? Grabe. Buti nalang inaya ko sya. She deserves to be happy.

"Ako bahala sayo!" Nakangiting sabi ko.

"Nakakahiya naman. Ngayon lang tayo nagkakilala tapos libre agad?" Nahihiyang sagot nya.

"Ok lang. Kaibigan na kita right?"
Tapos tumango nalang sya.

Brrrrrkkkkkkk!

Wag ka tunog yan ng tyan kong gutom na gutom HAHAHA

"Queen tutal naman wala pa yung Prof. Pwede ba pumunta muna tayo sa canteen?"

"Hmmm Sige." Nakangiting sabi ko.

Papunta na kami ngayon sa canteen. Ng biglang

O___________O

Si Crush andyan! Crush ko na kasi sya since Elementary. Member sya ng Wolf!

Nagtataka siguro kayo kung ano yung Wolf? Yung yung tawag sa varsity ng basketball dito sa school.

At... At.... Nakita ko sya dito sa Canteen Omo!

-Author-
Sana magustuhan nyo yung story. Ang panget ko kasi Gumawa ng Story. Si God na bahala sa lahat. Comment nalang kayo sa story kung itutuloy ko ba sa Chapter 2 at makikilala nyo na si Adrian. :) 


Continue Reading

You'll Also Like

56.2K 520 24
[COMPLETE] Hanggang kailan mo pagbibigyan ang isang tao kahit ilang beses ka na niya nasaktan? Magpapakatanga ka pa ba sa pagmamahal o gigising ka sa...
594 41 19
Ang Istoryang ito ay maraming kababalaghan na umiikot sa buhay ni Quenny, Ano ang gagawen niya para maipagpatuloy ang pagmamahal niya? kahit alam niy...
2K 7 3
Tungkol sa dalawang taong muntik nang sundan pa ng pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Sa dulo kaya magkaaminan din? Pwede ka nga bang magmahal ng...
31.3K 730 47
Ang istoryang ito ay patungkol sa isang pekeng kasalan na pwede kayang mauwi sa katotohanan? Isang kasunduang nga ba ang maglalapit sa kanila? Isang...
Wattpad App - Unlock exclusive features