Sunday. 10:30 am.
Binuksan ni Veronica ang gate ng kanilang bahay habang siya ay umiiyak at tulala. Naaalala niya pa rin ang nangyari kagabi sa kanila ni Mico. Hindi niya alam kung paano niya ikukwento sa kanyang nanay at kay Bochok ang pagwawakas ng kanilang relasyon. Botong-boto pa naman ang nanay niyang si Violeta kay Mico. Sinara niya ang gate ng padabog.
Binuksan ni Veronica ang pintuan ng kanilang bahay. Umiiyak pa rin siya. Pagkabukas niya ng pinto, agad naman nakita nina Violeta ang kanyang anak habang siya ay naglilinis at nilapitan niya ito.
"Diyusko. Veronica! Ba't ngayon ka pa lang nakauwi? Anong nangyari sa inyo kagabi ni Mico.. Teka.. Anong nangyari? Veronica.. Anong nangya... Bakit ka umiiyak? Anak.." sabi ni Violeta.
"Ma.... Ma..." umiiyak na sabi ni Veronica at niyakap niya ang kanyang nanay.
"Diyusko. Veronica.. Anong nangyari.. Anak.. Sabihin mo sa akin.. Halika.. Upo tayo.." sinabi ni Violeta sa kanyang anak.
Pagkaupo nila:
"Veronica.. Anong nangyari?" tanong ni Violeta.
"Iniwan na po niya ako. Ayaw na po niya sa akin. Ang sakit. Ang sakit sakit." sabi ni Veronica
"Alam mo, Veronica.. Dumadaan tayong lahat diyan.. Alam mo siguro, ang pagkakamali mo, masyado mo siyang minahal. Ginawa mo siyang buong mundo mo, kaya nung iniwan ka niya, akala mo.. feeling mo.. parang.. wala.. wala ng natira sa 'yo." sabi ni Violeta.
Niyakap niya ang kanyang anak at sabing "Balang araw, maaalala mo ang lahat ng 'to at matatawa ka na lang. Pagtatawanan mo lahat ng 'tong pinagdadaanan mo ngayon."
Si Veronica ay umiiyak pa rin. Si Bochok naman, biglang dumating na may dalang robot. Lumapit siya sa kanila.
"Ate.. Why are you crying.. Mommy, why is ate sad?" tanong ni Bochok.
Dahil kahit sabihin man nila kay Bochok ang nangyari, hindi pa rin niya ito mauunawaan.
"Ate.. please don't cry na. I don't want you to cry because it makes me cry too. Please ate.. I love you." sinabi ni Bochok habang niyakap ang ate.
Bigla namang gumaan ng kaunti ang pakiramdam ni Veronica at sabing, "Yes, Bochok. Ate will be fine okay? Don't worry. Ate loves you too."
Bigla namang may nag-doorbell.
"Ma, sige na.. Ako na lang magbubukas." sabi ni Veronica na mugtong mugto na ang mga mata.
Pagkabukas ng pintuan, may dalawang taong tumambad kay Veronica.
"HELLO GIRL!!!!" sigaw ng dalawang taong tumambad kay Veronica.
Sinagot sila ni Veronica ng iyak.
Sila si Beb at Vergie. Si Beb ay may kalakihang masyado pero mabait naman ang kanyang puso. Nakakatawa rin ang kanyang tawa at nakakatawa din naman kanyang mga biro pero mas nakakatawa ang kanyang tawa. Si Vergie, bata pa lang eh alam na niya agad na kahit lalaki siya, may puso siyang babae. Maraming mga kababaihan ang nagkakagusto sa kanya pero nandidiri siya tuwing nalalaman niyang may gusto sila sa kanya. Gwapo kasi si Vergie kaya halos lahat ng girls ay nasasayangan sa kanya. Naiinis din siya pag tinatawag siya sa kanyang totoong pangalan, Vergilio. Sina Beb at Vergie ay mga kaklasi at bestfriends ni Veronica. Graduated na silang lahat sa BS Nursing at nagrereview na lang for licensure exam.
"Oh em gee, girl! What happened! Oh my gosh!" sabi ni Beb samantalang si Vergie ay nagulat din.
Pumasok sila sa bahay nila at naupo sa sofa sa sala.
"Sige, maiwan ko na muna kayong magkakaibigan. Bochok, tara samahan mo ang mama na magtupi ng mga damit sa taas." sabi ni Violeta. Umakyat na ang dalawa.
"Gurl.. tell us! What happened?!! Sabihin mo na sa amin gurl!" sabi ni Vergie.
"Wala na kami ni Mico.." sinabi ni Veronica habang umiiyak.
"ANO??!!!!!" sabi ni Beb.
"Beb, liitan mo ng konti bunganga mo. Makakain mo na kami." sabi ni Vergie.
"Ay sorry. Sige.. Ulit.. Ano?" sabi ni Beb na niliitan ng konti ang pagbuka ng kanyang bibig.
"Perfect!" sabi ni Vergie.
"Alam niyo yung feeling na, dalawang taon na kaming magkarelasyon tapos biglang sasabihin niya, mahal pa rin daw niya ang ex niya?! Tapos nakikipagbalikan daw sa kanya yung ex niya. Ayun, pinatulan pa rin ng gago!" sabi ni Veronica.
"Diba yan lagi pinag-aawayan niyo ng hayup na yon?" tanong ni Beb.
Tumango si Veronica.
"I told ya gurl! Sabi na eh! Balang araw, lolokohin ka din niya! Ayan! Di ka naniwala sa akin. Na-predict ko din na yan magiging cause ng break-up niyo. Kasi ako, memoryado ko na yang mga lalaking yan! Ganyan yang mga lalaki! Mahilig maglaro ng mga damdamin!" galit na galit na sabi ni Vergie.
"Ay nako girl! Huwag ka na umiyak! Yang mga lalaking ganyan, hindi dapat iniiyakan yan! Dapat pinapakulam yan! Nanggigigil ako sa kanya! HMMPPP!!" sabi ni Beb.
"Huwag kang mag-alala gurl! Pag nakita natin yang Mico na yun, sasabunutan ko siya! Sarap balatan ng buhay gamit ang nail cutter!" dagdag ni Vergie.
Niyakap nila si Veronica na lalong nagpaiyak sa dalaga.
"Girls.. Thank you talaga. Buti na lang nandiyan kayo. Salamat." sabi ni Veronica.
"Ano ka ba, girl! What are friends are three!" sabi ni Beb.
"Ha? What are friends are for yun diba?" sabi ni Vergie.
"Eh ilan ba tayo? One, two, three. Edi what are friends are three!" sabay tawa si Beb na tipong matatawa ka rin pag narinig mo tawa niya.
Tinaasan lang ni Vergie si Beb ng kilay. Napatawa naman si Veronica.
"Ayan! Tumawa ka din! Alam mo girl, kailangan mo ng maka-move on! For sure, si Mico, moved on na yun agad agad! Sigurado masaya na siya kasi nga dahil sa hinayupak na ex niya. Kaya dapat, pag nagkita kayo ulit, dapat pakita mo na you're just fine." sabi ni Beb.
"Hindi, Beb. Ayoko na siyang makita." sabi ni Veronica.
"Ah.. Ayaw mo na siya makita? Teka..." sabi ni Vergie.
Kinuha ni Vergie ang photo album sa ilalim ng center table nila sa sala. Nandoon lahat ng pictures nila ni Veronica at Mico.
"Kung ayaw mo na siyang makita, pwes, kailangan na natin itong sunugin!" sabi ni Vergie.
"HUWAGGGGGGG!!!!!!" sabi ni Veronica na napatayo at pilit na kinukuha ang photo album.
"Eh akala ko ba gusto mo na siyang makalimutan?" sabi ni Vergie.
"Ako na lang gagawa nun pag ready na 'kong mag let go.. Please Vergie.. Huwag muna ngayon. Sariwa pa sa akin ang mga memories namin ni Mico." sabi ni Veronica.
"Oh edi sige. Sabi mo yan. Basta promise to us, gurl na you will move on ASAP!" sabi ni Vergie.
"Okay.. Promise." sabi ni Veronica.
"Yey! Edi happy na ang lahat? We can now do..." sabi ni Vergie.
"SHOPPING!!!!" sabay sabi nilang lahat.
Papunta si Miguel sa kanyang restaurant. Minsan na lamang nagluluto si Miguel sa kanyang sariling restaurant na pinangalanan niyang MIGO'S RESTAURANT. Malaki ng kaunti ang kanyang restaurant. Marami na kasing chef ang nagluluto doon kaya ang ginagawa na lamang niya ay sinusupervise at mina-manage na lang niya ang kanyang mga tauhan paminsan-minsan. Pagkarating niya, binati siya ng kanyang mga waiters, waitresses at ang ibang cook. Pumasok siya doon sa Manager's Room kung saan doon ang kanyang workplace para magcheck ng papers at financial reports. Tumambad sa kanya sa Manager's Room si Cassandra na sinisigawan ang isang waiter.
"Ikaw, ang tanga tanga mo! Ha! Ang tanga tanga mo!" sabi ni Cassandra sabay hampas sa waiter.
"Cassy, bakit? Anong nangyari?" sabi ni Miguel.
"Eto kasi, Magseserve na lang ng tubig, matatapon pa! Ayun natapon sa isang customer! Ang tanga tanga mo! Alam mo bang nakakahiya sa mga customers kanina! Ha! Ang dapat sayo, sinisisante! You are fired!!!" sigaw ni Cassandra habang hinahampas ang waiter.
"Ma'am, Sir.. Sorry po.. Di ko po talaga sinasadya.. Huwag niyo po akong sisantehin.." sabi ng waiter.
"Cassy, ako na bahala sa kanya.." sabi ni Miguel.
"Sige, magtrabaho ka na doon. Hindi ka pa sisante. Sige na." sabi ni Miguel sa waiter.
"Salamat po sir. Sorry po ulit." sabi ng waiter at lumabas.
"Why? Migo, why?! You still giving that piece of shit a chance to work? Kung alam mo lang kung paano ako maghingi ng pasensya sa customer kanina. Sobrang napahiya na ang restaurant natin!" sabi ni Cassandra.
"Cassy, that's inevitable. Accidents can happen anytime. Remember that. Hayaan mo, pagsasabihan ko na lang ulit sila about sa pagiging maingat." sabi ni Miguel at umupo, tinignan ang mga financial reports.
"Okay.. sabi mo e.. Well, Migo.. I've been contacting you yesterday. Di kita macontact. What happened?" sabi ni Cassandra.
"Ahh.. Binantayan ko si Sofia." sabi ni Miguel.
Si Cassandra ay anak nina Mr. and Mrs. Ruiz na matalik namang kaibigan ng mga magulang ni Miguel. Isa si Cassandra sa part owner sa Migo's Restaurant. Isa ang pamilya ni Cassandra sa dahilan kung bakit napatayo agad ang sariling restaurant ni Miguel kaya malaki ang utang na loob ni Miguel sa mga Ruiz.
Maraming nagkakagusto kay Cassandra dahil sa angkin niyang ganda.
"You're so sweet Migo.." sinabi ni Cassandra in a seductive tone.
Nakatayo pa rin si Cassandra sa harap ni Miguel.
"Migo..Do you find me.. beautiful?" sabi ni Cassandra.
Napatingin si Miguel kay Cassandra at sabing "Of course."
"Do you find me sexy?"
"Cassy.."
"Migo. Maganda naman ako 'di ba? Kahit sinong lalaki nga e nabibighani sa akin. Ikaw din ba, Migo?"
"Cassy.. asikasuhin na lang natin 'tong mga financial reports."
Lumapit si Cassandra kay Miguel.
"Migo.. Can't you see? I will do everything for you!" sabi ni Cassandra sabay hagod sa chest ni Miguel.
"Cassy.. It's work time. Okay."
"Migo.. I love you.. Migo, do you love me too?" sabay bukas sa isang butones ni Miguel.
"Cassy. Please, stop." at napatayo si Miguel.
"Cassy please. Madami tayong kailangang asikasuhin. Kaya please.." sabi ni Miguel at lumabas sa Manager's room.
Pagkalabas ni Miguel, tinulak ni Cassandra ang chair na kinauupuan ni Miguel kanina.
"Uhhhh!!! No, Miguel! No!!! Sa akin ka lang! Balang araw, mapapasaakin ka rin! MAPAPASAAKIN KA RIN!!!! What Cassy wants, Cassy gets!" sabay tawa.
Sunday. 9 pm.
Pumunta si Miguel sa kwarto ni Sofia.
"Sofia. Here are your medicines. Inumin mo na." utos ni Miguel.
Bumangon si Sofia sa kanyang kama. Ininom ang kanyang mga gamot.
Pagkatapos niyang inumin, hinalikan niya ang kanyang kuya sa pisngi.
"Good night kuya! I love you!" sabi ni Sofia.
Hinalikan naman ni Miguel si Sofia sa noo at sinabing, "I love you too. Sleep well, babyloves."
Pagkapasok ni Miguel sa kanyang kwarto, binuksan niya ang kanyang laptop. Bigla niyang naisip si Veronica na nahimatay kagabi.
Ise-search niya sana siya sa facebook ngunit hindi niya alam ang apelyido nito. Maraming Veronica ang nag-appear sa search feed. Bigo niyang makita ang profile ni Veronica.
Nakahiga na si Veronica sa kanyang kama. Binuksan niya ang Instagram sa kanyang cellphone. Sinearch niya ang Mico Villanueva, ang ex niya. Pagkakita niya sa bagong update na photo ni Mico, nagulat si Veronica.
Caption: WELCOME HOME TO THE PHILIPPINES, MY LOVE!
Photo: Si Mico at si Bianca na kanyang ex dati na karelasyon na niya siguro ngayon. Si Bianca ay nakahalik sa pisngi ni Mico.
Sa sobrang inis, napatadtad na lang si Veronica sa photo ni Mico. Tinatadtad niya ang mukha ni Bianca. Sa di niya napapansin, na-like pala niya ang photo ni Mico.
"AY SHIT!!! NO!!! NO!!! BA'T KO NALIKE!!!" sabi ni Veronica habang natataranta sa pag-unlike ng photo ni Mico.
Sa sobrang kahihiyan, nabato na lamang ni Veronica ang kanyang cellphone. Pero sa kama pa rin niya ito bumagsak.
Patuloy pa rin si Miguel sa paghahanap ng profile ni Veronica. Biglang nagflashback kay Miguel ang nakita niyang litrato ni Veronica kung saan siya ay nakapang-nurse na uniform.
Sinearch niya: VERONICA NURSE
Walang lumabas.
Sinearch niya ulit: VERONICA NURSING
May lumabas na results. Ganito ang pangalan: VERONICA SARMIENTO.
Details: Studied BS NURSING
Ang profile picture, si Veronica nga, si Veronica na nahimatay. Di siya nagdalawang isip na i-add siya.
Pagkabato ni Veronica ng kanyang cellphone, biglang may nag-notify. Pagkakita niya, sa Facebook galing.
Notification: Miguel Montenegro added you as a friend. Confirm or Ignore?