Ms. Kikay & Mr. Asar (One Sho...

JDkikay tarafından

410 10 9

Daha Fazla

Ms. Kikay & Mr. Asar (One Shot)

410 10 9
JDkikay tarafından

"Ms. Kikay" yan ang tawag nila sa akin sa campus. Isa ako sa mga popular. Kasalanan ko ba kung ipinanganak akong mayaman? I  have everything that I want. Expensive bags, shoes, jewelry, eveything. Kahit ganito ako, inaalagaan ko ang pangalan ko para sa parents ko. Sikat ang pamilya namin hindi lang dito sa Pilipinas, pati na sa ibang bansa. I don't want to dissappoint them. As for my lovelife? I've never been in a serious relationship today, because I was hurt before. 

Enough with that. Anyways, andito na ako sa campus. As usual, all eyes on me. Sanay na ako.

"Ma!"

Arrrrggg!!! Andito na naman siya.

"Ano ba? Hindi nga 'Ma' ang pangalan ko. Nanay mo ba ako? Denni ang pangalan ko."

Mr. Asar ang tawag ko sa kanya. Team captain siya ng basketball.  Lagi niya akong tinatawag na "Ma" nakakabwiset! Araw-araw nalang na makikita niya ako yun ang tinatawag niya. Iniisip nga ng mga tao dito na may relasyon kaming dalawa. Eeeww. 

"Eh yun ang gusto ko tawagin sayo, ayoko ng Ms. Kikay or Denni. Eeeww."

"Alam mo lagi mong sinisira araw ko dahil dyan!"

"Malalaman mo din kung bakit yan tawag ko sayo."  Tumakbo na siya papalayo.

Nakarating na ako ng classroom ko. 

"Alam ko na kung bakit ganyan ang itsura mo. Dahil na naman yan kay Christian a.k.a Mr. Asar mo. Hahaha" Isa pa 'tong bestfriend ko.

"Pwede ba Alexandra, mas lalong umiinit ang ulo ko. Isa ka pa."

"Goodmorning Class."

Buti nalang dumating na prof. namin, nagtuloy-tuloy lang ang klase namin hanggang mag lunch break. Dumiretso na kami ng canteen ni Alexandra.

"Tignan mo yun oh!"

Sabay turo sa isa mesa sa canteen.

"Oh ano naman ngayon?"

"Hindi ka ba nagseselos na may kasamang ibang babae si Mr. Asar?"

"At bakit naman ako magseselos? Like duhhh??"

"Hi Alex. Hi Ma." Andito na naman ang bwiset sa buhay ko!

"Hi Christian, wanna join us?" Sabi ni Alex. Napaka supportive talaga ng bestfriend ko! 

"Hindi na, may kasama na kasi ako. Nakita ko lang si Ma kaya lumapit ako. Sige balik na ako. Bye Ma. Enjoy your lunch."

"No thanks. Wala na akong gana kumain!" Umalis na siya. Araw-araw ganyan lagi ang ginagawa niya, ang mambwiset sa buhay ko.

"At ikaw naman! Napaka supportive mo talagang bestfriend. Thanks ah!: *sarcastic*

"Welcome. :))" 

Tssss. Sa bahay nalang ako kakain. Nakakawalang-gana. After kumain ni Alexandra tumuloy na kami sa next class namin. 

"Daan muna tayo sa locker." Sabi ko.

Pagbukas ko ng locker, may nalaglag na isang white rose. At ang nakalagay sa note: Gustong-gusto ko talaga pag naasar ka. :)

Alam ko na kung kanino galing 'to.

"Ano yan? Patingin nga." Tiningnan naman ni Alex ang note.

"Ayiiieee. Mukhang galing kay Mr. Asar yan ah."

"Tumigil ka nga!" Dumiretso na kami sa next class namin. Bwiset talaga! :|

*1 week after*

Walang asungot na nagpaparamdam sa tabi ko. Isang linggo. Isang linggo na kami hindi nagpapansinan. I kinda miss his presence. 

Nagkasagutan kasi kami sa isang subject na magkaklase kami.

FLASHBACK.....

Nakakainis na naman siya. Kung anu-ano ginagawa. Nasa likod ko kasi siya, tapos bulong nang bulong ng kung anu-ano.

"Ano ba!" Medyo napalakas ang boses ko. Nagtingan tuloy sila sa akin. Patay ako kay Sir Perez nito. 

"Ms. Llamares! What's going on?" Sabi ni Sir.

"Sir kasi po pinipilit niya ako magdate." Sabi ni Christian. Ang kapal ng mukha!

Ayyyyyyiiiiiiieeeeeeee.....

Sabi ng buong klase. 

"Kung maglalandian kayo, wag dito. You know the rules in my class." 

"Sorry Sir." 

"Okay, let's continue." 

Pagkatapos ng klase sabay lumabas na ako. Hindi ko na hinintay si Alex.

"Ma!" Andyan na naman siya.

"Ma!" Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad.

Hanggang sa naabutan na nga nya ako.

"Ano ba!"

"Sorry na kanina." Sabi nya.

"Alam mo, sumosobra kana eh! Pwede ba tigilan mo na ako. Hindi ako interesado sayo. At lalong lalo na hinding hindi kita gusto!" 

Madaming tao ang nakakarinig sa usapan namin. Wala na siyang sinabi, umalis na ako agad. 

END OF FLASHBACK....

Alam kong sumobra ako doon, pero hindi niya ako masisisi kasi napahiya din ako sa buong class namin. Nakakamiss din pala ang presence niya. Actually, I admit. I kinda like him. Kahit na bwinibwiset niya ako araw-araw. Haaay. Yun siguro nagustuhan ko sa kanya. Hindi eh, mukhang mahal ko na rin siya.

Andito ako ngayon sa canteen kasama si Alex.

"Denni, Ayun si Mr. Asar oh! Hindi ka pa din niya pinapansin? Mag sorry kana kasi."

Bakit ako magsosorry? Eh hindi naman ako may kasalanan. Psh. 

Magsorry nalang kaya ako? Para matapos na. 

Tumayo siya sa upuan niya. Mukhang aalis na siya. Tumayo ako kaagad at saka siya nilapitan.

"Christian."

Mukhang nagulat siya sa paglapit ko. Lulunukin ko nalang ang pride ko.

"Sorry sa mga sinabi ko sayo." 

"Huwag ka ngang umasta na parang ang YAMAN-YAMAN mo!" 

Medyo napalakas ang boses niya. Lahat ng tao sa canteen nakatingin na sa akin. Never ko naman ipinagmayabang ang yaman namin ah.

Gusto ko na tuloy umalis. Naiiyak na ako. Pinapahiya na naman niya ako.

"Eh isa ka lang namang HAMAK na TAMBAY dito sa PUSO KO!" Sabay smile.

Ano daw??????? 

Lahat ng tao natatawa at parang kinikilig sa mga sinasabi niya.

"Ano???"

"Psh. Isang linggo ako nagtiis na hindi ka pansinin para naman ako ang mapansin mo." 

"Teka, ano ba pinagsasabi mo? Eh nagsosorry ako sayo tapos iba naman sinasagot mo."

"Okay. Hindi mo naman kasi kailangan magsorry. Kasi ikaw si Ma."

Lahat ng tao nakikinig sa usapan namin. 

"Ano ba kasi yang Ma na yan at yan ang tawag mo sa akin?"

"Kasi ikaw ang MAmahalin ko habangbuhay."

O________O ano daw???? Ako mahal niya??

*Ayyyyyiiiiiiieeeeeee* 

"Oo, mahal kita. Noon pa man mahal na mahal na kita. Kaya lang ang manhid manhid mo. Araw-araw akong nagpapapansin sayo pero lagi ka lang naiinis sa akin. Style ko lang naman yun eh."

Natatawa nalang tuloy ako. Ang baduy ng style niya. Haha

"You know what?"

"What?"

"I love reading the MENU."

"Huh????"

"Because it has ME n U."  ^_____^

"Yun oh!!!!" Sigaw ng isa sa mga kaklase namin.

Nagulat siya sa sinabi ko. Hahaha. Ang cute! Nagbablush pa siya.

"Teka, you mean you love me too??"

"Gago pare ang hina mo! Hahaha" Sigaw ng kaibigan niya. 

HAHAHA. Nakakatawa talaga.

"Pedicab ka ba?" Sabay sabi niya.

"Huh? Bakit?"

"PEDICABa maging girlfriend?" 

Agad-agad? Wala ng ligawan stage? Hahaha.

"YES! ^____^"

Sabay yakap niya sa akin. Lahat ng tao nagpalakpakan.

"Woooo! Ms. Kikay at Mr. Asar Loveteam! Inuman na! Hahaha" Sigaw ni Alexandra. Baliw talaga.

"I LOVE YOU MS. KIKAY."

"I LOVE YOU TOO MR. ASAR."

Then he kissed me.

~THE END.

Sorry kung Corny. Hahaha :))

Thanks sa mga nagbasa. 

Vote. Comment. Like. Follow. :))

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

3.8K 408 32
All of these are just made up; this is fake, by the way. I created all of the characters myself. Please just ignore my mistakes; I'm only human and I...
1.5M 53.6K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
4.8K 433 35
DISCLAIMER This story is a work of fiction. All characters, names, places, and events came from author's wide imagination and any similarities to any...
194K 12.9K 64
Dennise & Blossom
Wattpad Uygulaması - Özel özelliklerin kilidini açın