Nasa coffee shop ako at umiinom ng cafe latte with a piece of cake. Kailangan ko ito dahil na-i-stress ako ngayon, comfort food kumbaga.
Mag-isa lang ako. Nagmumuni-muni at nag-iisip. Gusto kong sabihin ang nakita ko pero nagdadalawang-isip ako. Akala ni Melody na siya ang tinitingnan ni Steaven. Ayokong masaktan si Melody once na malaman niya ito pero ayoko rin namang masaktan siya dahil hindi ko sinabi sa kanya. Naguguluhan ako sa totoo lang. Aargh!
Ilang araw akong hindi nakatulog dahil dito. Ilang araw kong pinag-iisipan kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.
There is something in me that urges me to say it. Mas mabuti na 'yung maaga para hindi siya masaktan kaysa naman sa mas masaktan siya dahil hindi ko agad sinabi sa kanya ito.
I made a decision and I will tell this. You need to say it to her, Jannessa.
Melody's POV
"Madear! Alis na po ako." Sabay kiss ko sa kanya na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng morning news at nilalantakan ang paborito niyang dried mangoes.
"Okay. Mag-iingat ka anak, ha?"
"Opo. Bye!" Paalam ko.
Lumabas na ako ng bahay pero..
"Melody, anak!" I looked at Mom. "Nakalimutan mo ang panyo mo." Oo nga pala.
"Thank you, Ma!" Buti na lang.
"You're welcome, anak. Mag-iingat ka, ha? Mag-aral ng mabuti. I love you." Mom said while smiling.
I smiled at her too. "Love you din, Madear." Umalis na ako.
It's Friday and papasok na ako sa university. Haay. Ang saya ko, I don't know why. I feel blessed and contented. Salamat, Panginoon.
Naglalakad ako nang may bumusinang kotse. Sino iyon? Tumingin ako kung nasaan ang kotse.
"Melody, hatid na kita. Sabay na tayo pumasok." Ay, si Steaven. Ayiee.
Napangiti na lang ako. Thank You, thank You po talaga! I went to the other side of his car. He opened it and I entered.
"Good morning. Talagang pumunta ka pa dito, ha?" Sabi ko habang naglalagay ng seatbelt.
Pinaandar na niya ang kotse. "Good morning din. Oo naman, para sabay tayo."
Kinikilig akooo. I looked at him and he looks blooming, maybe because of me? Kyaaaaaaah! Nagkausap kami regarding sa performance niya kahapon. Ngayon alam ko na raw na magaling siya kumanta. Ang yabang nga, e! Shems, ang pogi niya talaga. Naka-shades pa kasi siya, e. Mas gwapo tuloy.
--
"Sabay ulit tayo maglunch, ha?" Sabi niya nang makarating kami.
"As always, Mr. Cortez. By the way, thank you sa paghatid." I replied. He nodded and smiled at me and then umalis na siya. Nasaan kaya si Jannessa? Tinext ko siya habang papunta ako sa klase ko.
To Sish:
Good morning! Where are you? Sabay tayo lunch mamaya.
Sent.
Ayan, nag-reply na siya.
From Sish:
I am here na sa class ko. Sige, sabay tayo lunch. I need to tell you something.
To Sish:
Okay.
Sent.
--
It's lunch break. As usual, magkakasama kaming tatlo. Palagi naman, e. Pero minsan kaming dalawa lang ni Jannessa kasi kasama ni Steaven 'yung mga friends niyang lalaki. Haruu! Ang gugwapo lang naman ng mga kaibigan niya. Ewan ko nga kung bakit hindi man lang attracted si Jannessa sa mga iyon. NBSB kasi kami, e.
Speaking of Jannessa, kanina pa siya tahimik. Kami lang ni Steaven ang nagdadaldalan kanina pa. Minsan ngumingiti siya kapag nagtatawanan kami ni Steaven tapos magsasalita lang siya kapag magtatanong kami o papansinin namin siya. Anyare dito?
Natapos ang lunch break nang tahimik pa rin siya. Hindi ako sanay ha? Tapos sandwich lang ang kinain niya, hindi ako mabubusog sa iisang sandwich lang. Kailangan ko siyang makausap.
Humiwalay na si Steaven sa amin at sumama sa mga kaibigan niya. Kami na lang dalawa ni Jannessa ang magkasama at papunta na kami sa kanya-kanya naming klase.
"Ya, Sish. Ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi tahimik, e. Nakakapanibago lang." Sabi ko.
"Ayos lang ako. May iniisip lang ako." Sagot niya.
"Ano naman iyon? You can say it to me if you want." Sabi ko naman. She is serious. Err.
"Namomroblema ako, e. Nakakasawa na maging maganda. Gusto ko namang pumangit kahit isang araw lang." Sabi niya nang seryoso at medyo kumunot pa ang noo.
Tumigil ako sa paglalakad at ganoon din siya. "Humarap ka sa akin, papapangitin kita." Loka talaga ito. Humarap nga!
Nang humarap siya ay kinurot ko ng madiin at matagal ang pisngi niya. Hahaha!
"Aray!"
Tinanggal ko na at namula ang kanyang pisngi. "Oh, ayan. Pangit ka na. Busangot na 'yang mukha mo."
"Ang shakit." Busangot ang mukha niya habang hinihimas niya ang pisngi niya at napangiti na lang.
"Ano nga pala 'yung sasabihin mo, Sish?" Medyo nabawasan ang ngiti niya.
"Mamaya ko na lang sasabihin after class. Tara na, mahuli pa tayo sa klase." Sabi niya.
--
Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako sa malawak na quadrangle ng aming university. Umupo ako sa isa sa mga bench doon at hinintay si Jannessa. After few minutes ay dumating na siya. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
Nang makita ko siya nang malapitan, seryoso na naman siya tapos malungkot ang mukha niya. Ano kaya ang sasabihin niya? Kinakabahan tuloy ako.
"Tara, Sish. Sabay na tay--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang nagsalita siya kasabay ng paghawak niya sa dalawang kamay ko.
"Sish, I ne--" Hindi natuloy ni Jannessa ang sasabihin niya dahil may tumawag sa pangalan ko. Ano ba iyan. Lagi na lang napuputol.
Napatingin si Jannessa sa likuran ko kung saan doon nanggaling ang boses. Tumingin na rin ako.
Si Steaven? Naghalf-run siya papunta sa amin.
"Hi, girls! Melody, can you go out with me?" Tanong niya at parang pinapahiwatig sa akin na sana pumayag ako. He looked at Jannessa. "Jannessa, pwede ko bang hiramin si Melody kahit ngayon lang?" She nodded.
"Bukas mo na lang sabihin sa akin okay?" Sabi ko kay Jannessa at pumayag naman siya.
I turned to Steaven. "Oo naman. Sasama ako sa iyo." I answered.
He smiled widely. "Let's go?" He hold my hand immediately. "Bye, Jannessa!" At naglakad kaming pareho na magkahawak ang kamay. O_O.
Melody's POV
Hindi ko tuloy nalaman ang sasabihin ni Jannessa. Aish! Ano kaya iyon?
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang papunta kami sa kotse niya.
"Pupunta tayo ng mall. Samahan mo akong bumili ng regalo para kay Mom. Birthday niya kasi bukas." He answered. Napaisip ako sandali kung anong petsa ngayon. Oo nga, bukas ng sabado ang birthday ni Tita Kathy.
"At syempre, ililibre ko na rin ang napakaganda kong bestfriend." Habol pa niya. Huh? Ibig sabihin may i-mi-meet kami?
"May i-mi-meet tayo? Sino?"
Medyo nagulat siya sa tanong ko kaya tumingin siya sa akin. "Is that a joke, Melody?"
"Am I joking, Steaven?" Ganti kong tanong sa kanya.
"You are my bestfriend, Melody." Sabi niya na parang iyon ang pinaka-common na sagot.
"Weh? Talaga? I mean, yes we are bestfriends but not most beautiful. You know what bestfriend? Pwede bang kumain muna tayo bago bumili ng regalo para kay Tita? Gutom ka na I'm sure." I said with a sarcastic tone.
"You know what my bestfriend? If I say you are my most beautiful bestfriend, I mean it okay? Now, shut up your beautiful mouth and let's go where we headed to."
Mga banat mo Steaven Charls Cortez! Ang lakas ng kilig effect sa akin! Jesus!
Mall? You know what? Minsan magdadalawang-isip ka na sumama kay Steaven kung pupunta man kayo kahit saan kasi kapag kasama mo siya, talagang pagtitinginan talaga kayo ng mga taong nakapaligid sa inyo dahil nakakaagaw atensyon talaga ang kanyang presensya. 'Yung tipong makakaramdam ka ng awkwardness sa paligid mo because of different looks of different people especially women or girls. Everytime I see their faces, it seems like they were murdering me in their minds. Sheez.
Hindi ko naman masabi kay Steaven 'yung mga nakikita ko kasi I know that he will just ignore it. Alam ko na alam niya na maraming nakakapansin sa kagwapuhan niya pero balewala lang sa kanya. Ayoko rin naman sabihin kasi nakakahiya at baka tumaas pa ang confidence niya sa sarili at baka dahil doon lumipad na iyan dahil sa hanging dala niya.
Nang makapunta kami sa mall ay may nakatingin agad sa amin. I hate it! Steaven, uuwi na ako!
Joke.
Dumiretso agad kami sa mga damit. There are different dresses, t-shirts, pants at iba pa pero mukhang wala lang naman kaming makitang bagay kay Tita.
"Nah. Marami nang damit si Mom. Let's get out of here." He said boringly.
Pumunta naman kami sa mga sapatos. Wow! Ang gaganda! Habang nililibot ko ng tingin ang mga magagarang sapatos ay dumiretso ang tingin ko sa kanya na yumuyuko para tingnan ang mga sandals na nasa middle row. Ang tangos ng ilong niya. Nakasideview kasi siya e, tapos seryoso pa. Siguro ito na 'yung ireregalo niya kay Tita Kathy.
Kinuha niya 'yung color peach na sandals. Ang taas naman ata, 5 inches yata iyon. Napangiti siya, tiningnan niya maigi iyon. Pinalilibutan ito ng mga perlas at may mga butil ng puso sa tabi nito. Lumapit sa kanya ang saleslady.
"Good day, Sir. That is the most elegant high heels we sell here. It is only one so you better purchase that, Sir." Cute naman ng saleslady.
"I'll buy this." Steaven said while speculating the said high heels.
Kinuha ng saleslady 'yung napakagandang sapatos at saka umalis.
"Para kay Tita Kathy na ba iyon?" Tanong ko.
"Nope. It is for someone." He said smiling. Sino kaya iyon? Ako kaya? Asa.
He saw me thinking who it is that's why I ask him instead.
"To whom?"
"You'll see." He smiled playfully.
"Aish! 'Yan tayo e. Masusurprise na naman ako sa you'll see you'll see mo na iyan."
Bibigay niya kasi sa iyo iyan. As if naman. Asa ka pa Ms. Secret.
We went to the counter. Binayaran na niya ang sandals at kinuha ito na ngayo'y nasa paper bag na.
"Thank you." Steaven said.
"You're welcome, Sir." The saleslady said. She looked at me and I smiled. "Sir, ang ganda naman ng girlfriend mo. Enjoy your day! Come again next time!" Masayahing sabi ng saleslady. Hala! Why did she said that?! Nakakahiya! Napatingin tuloy ako kay Steaven na medyo gulat din pero bigla naman agad napangiti.
Tumingin ako sa saleslady na naabutan kong nakangiti ulit sa akin. "Hin--" Naputol ang sasabihin ko nang biglang nagsalita si Steaven.
"Yes, we will." Bigla siyang lumabas at naiwan akong tulala. Bakit hindi niya sinabi na hindi niya ako girlfriend?!
Lumabas ako at hinabol siya. "Ya! Bakit hindi mo sinabi na hindi mo ako girlfriend?" Tiningala ko siyang tinanong nang maabutan ko siya. Ang tangkad talaga nitong lalaking ito.
"For what? Okay lang iyon." Nakangiti niyang sabi. Loko talaga ito.
"Necklace na lang bibilhin ko kay Mom." We went to the jewelry shop.
--
At last! Nakabili na rin kami ng necklace. It is a cross that is full of diamonds! Grabe! Sa sobrang ganda ng necklace, talagang namangha ako. Bukod sa kumikinang-kinang dala ng mayroon ngang diamonds, it reminds me of my Saviour Jesus Christ. Lord, bigyan niyo naman ako ng ganoong klaseng kwintas.
"Paega gopayo. Tara let's have some dinner." Aya niya. Biglang kumulo ang tiyan ko. I looked at my watch. It is already 7:45 p.m.
"Ako rin." Sagot ko.
We are here at Banapple. Ang sarap ng pagkain na nasa harapan ko! Chicken na may melted cheese on top. The place is so beautiful like a restaurant in Korea. The walls are color light pink with lights like a lamp hanging on it. Parang nasa Korea tuloy ako.
"I am so sure, Melody. mabubusog tayo dito lalo ka na." We have the same food.
"I think so." Takam na takam na ako sa nakikita ko sa harapan namin. Before we eat, we prayed.
Grabe! Busog na busog ako! Ang sarap talaga lumamon! Lumabas na kami ng Banapple.
Naglalakad na kami nang magsalita si Steaven. "I am craving for a dessert."
Napatingin agad ako sa kanya. "Dessert?! Tara! I am craving too." Hinawakan ko pa ang braso niya at inalog-alog ito. Para akong bata.
He chuckled. Woah! I love the way he chuckles. I can't believe kasama ko si Steaven. I will treat it as our date. Friendly date. Hindi pa ako tapos, uy.
"What do you want?" Steaven asked while looking at me. Nakapila kami sa counter at nakatingin ako sa menu while searching for the most delicious dessert. Oh, I think I found it.
"I'll pick for white chocolate toblerone teramisu with a strawberry and cheese on top." I said.
"Okay. Miss, one Whicho Teramisu and Cofcho Teramisu. Dine-in."
Nang makuha na namin ang order namin ay naghanap kami ng mauupuan. Nang makakita kami ng bakanteng pwesto ay pumunta kami doon at umupo. Inabot niya sa akin ang Whicho Teramisu before 'yung sa kanya.
"Thanks." I immediately tasted mine and when it was on my mouth, wah.. How can I describe the taste?
I closed my eyes instead to cherish my desire of craving it. Kung titingnan mo ako, para akong nag-pi-pray kay Lord. Naaapakasarap. Aargh, I don't wanna lose it! When I opened my eyes, O_O. I saw Steaven biting his lower lip not just to laugh!
"Your face!" Tuluyan na po siyang natawa. He's even pointing at me while saying those two words.
Agad kong nilunok ang Whicho na nasa bibig ko. "Ya! Stop it! Rita Avila ka ha?!" Feeling ko namula ako.
"Hahaha! What? I'm sorry. You are so adorable, Melody." Tatawa-tawa pa niyang sabi.
"No, I'm not." I said while glaring at him.
"Yes, you are." Marahan siyang tumigil sa pagtawa at sumubo na lang ng Cofcho Teramisu niya.
"Nakakainis ka." Bulong ko at tinuon na lang ang sarili sa kinakain kong Whicho. "Ilang taon na pala si Tita Kathy?" Pag-iiba ko ng usapan para makalimutan ang kahihiyang iyon.
Lumunok siya bago nagsalita. "48 years old. Speaking of her birthday, you, Tita Erlinda and your two brothers are invited to her birthday celebration. Araso chingu?"
"Algetta. What time?"
"It's dinner so it will start at 7 p.m. sharp." Sagot niya habang sumusubo ng Cofcho niya. Oh, his lips.. So.. Nevermind. Napasubo na lang din ako ng marami sa Whicho Teramisu ko. Ang sarap! O, Diyos ko.
Tumingin ulit siya sa akin na may nakakalokong ngiti sa mukha.
"Melody, can you close your eyes again?" Mapang-asar niyang tanong.
"Ya!" Napasigaw ako ng wala sa oras. Nagawa ko pa nga siyang ituro. Oh, my mouth! Punong-puno ng Whicho ang bibig ko!
Because of that, he laughed sooo hard and napahataw pa sa mesa. Steaven Charls Cortez! Grrr!
Paega gopayo means I am hungry
Rita Avila means nakakairita
Araso chingu means understand my friend
Algetta means I understand