Chapter Four
A/N: Kinikilig pa rin ako kay Scoups. Grabe kasi yung ROCK performance
nila sa MCountdown. And si Hoshi at Woozi at ang kanilang matipid na giling! Buset!
Common girls believe in destiny, fate and soul mates etcetera, etcetera.
Pero unlike them, hindi ko kasi trip yung mga ganoong bagay.
Para sa akin imbis na atupagin ko ang pagiisip kung kelan dadating ang
tamang panahon at tamang bagay o tao man yan, mas mabuting
mag-effort kang hanapin siya kaysa magsisi kang ang tagal mong
nagintay nasa tabi mo lang pala.
This boy in front of me was the person who helped me kaninang
umaga at ang may-ari ng rubber shoes na suot ko ngayon.
His eyes were striking na parang isang tingin lang nya sa mga
mata ko, basa na niya lahat ng nasa isip ko.
I sat beside him, dumbfounded habang siya naman ay nagkaroon
ng isang wide grin across his face. "Uy, ba't parang nakakita ka
ng multo dyan?" Sabi niya sabay alog sa balikat ko. "Aren't you
feeling nice seeing me again?" He said in a teasing tone that
matches his playful grin.
I blinked a few times and I found myself smiling too. God,
his smile was contagious. Natawa nalang ako ng mahina
at hindi nakasagot.
"Huy, grabe naman 'to. Ako lang yung nagsasalita?" He chuckled
and sat indian sit style from across me. "Oo nga pala, di pa ko
nagpapakilala no? Ako si Seungcheol Choi. And ikaw si July."
Sambit niya sabay kuha sa kamay ko't pinuwersa kong
makipagkamay sa kanya.
"Please, Elle nalang." Sabi ko, still blushing at the sight of his
hand on mine. "W-wala kasing ibang tumatawag sa akin ng July
eh." I explained trying to not stammer like the idiot I am na
sobrang kinikilig sa mga nangyayari ngayon.
"E di the more that I have the reason to call you July."
He smiled the kind of smile na lahat yata ng babae ay mafa-fall.
Pero, muntik na ko mapa-ngiwi.
Ay.
School Hearthrob to.
Off-limits.
Bago pa man ako makareact, super nagpapasalamat talaga ko
kay Hes at Azee na magkasamang lumapit sa amin.
Saved by my newly acquired friends kumbaga.
"Okay ka lang, Elle?" tanong sakin ni Hes. I took her outstretched
hand at tumayo. Tumayo na rin naman si Seungcheol mula sa
lapag. "Oo, okay lang. Si Seungcheol ata ang-"
"No, I'm fine. Malakas lang yung tunog pero wala yun. Pasensya
na ha? Di nakontrol ni Vernon yung pasa nya e." Paliwanag
nito. Kasabay rin nito ang pagdating ng lalaking nakabato ng
bola. "Sorry talaga, Miss. Di ko talaga sinasadya."
"Wala yun. I am not hurt or anything, anyway. Pasensya na rin,
Seungcheol and thank you." Sabi ko sa kanila. Seungcheol just
waved a hand and gave us a polite smile bago nagsabi,
"Osige una na kami." And then they jogged off.
Nang nakalayo na sila, I hear Hes and Azee talking. Aba,
kelan pa nagkakilala 'tong dalawang 'to? I walked over
to them and patted their shoulders lightly.
"At kelan pa kayo nagkakilala?" I playfully asked them
paglingon nila sakin. Pareho silang nakangisi ng nakakaloko
at unang nagsalita si Hes. "Ngayon lang after ang kakiligkilig
mong engkwentro dun sa Seungcheol na yun."
Sabi na nga ba e. Sa mga babae talaga hindi mawawala ang
ganitong mga issue at usapin. Not that I'm saying I'm not
a girly type to not think about these kind of things pero
hindi naman kasi necessarily na ito ang laging ginagawa and
I don't think special ang nangyari kanina. Muntik na kong
masapak ng basketball kanina, haler?
"Nako, nako. First day na first day 'yan ang issue?" Tatawa
tawa kong sagot sa kanila. "And nakilala ko siya kaninang
umaga on the way-"
At saka ko lang naalala na, kung nagpe-P.E sila ngayon, ibig
sabihin kailangan ni Seungcheol ang rubber shoes niya.
I looked down and saw his shoes on my feet.
Hala.
Anong suot nun?
Lumingon ako para tignan ang klase nilang naglalaro ng
basketball sa isang tabi ng gym. I spotted him and looked
at his feet.
Naglalaro siya ng naka-leather shoes!
Kahit hindi ko nakikita ng harap-harapan ang mukha ko,
sigurado kong pulang pula ko mula ulo hanggang leeg
dahil sa kahihiyan. Nakakahiya. Ako, maayos at chill sa
suot kong sapatos niya samantalang siya, di makapagpalit
ng sapatos at posibleng maaksidente habang naglalaro ng
basketball dahil leather shoes ang suot niya.
"Oh, ba't pulang pula ka dyan, Elle?" Tanong sakin bigla ni
Azee. I blinked at nagpaypay ng mukha. "M-Mainit lang,
Azee. Mainit." I mumbled.
"Tara sa labas, wala naman daw prof. I-adventure lang natin
yung garden para malamig-lamigan ka na rin." Sabi ni Hes
as she hooked her arms with mine and Azee's.
We marched off the gym and arm in arm kaming nagkekwentuhan
habang naglalakad sa malawak na garden ng Sta. Monica
University.
In my Highschool Alma Mater, I'm more of the closed in, disciplined
kind of girl. Hindi ako magala pero hindi rin ako si prim and proper.
Like I said, may kakirehan akong nilalabas ko with my friends but
I am no trouble maker. Ayon sa kwento ni Hes, she's one of the
girls na maraming kaibigang lalaki kasi talagang cool siya ( ayaw man
niyang i-admit pero alam namin at halata naming sobrang cool talaga nya. )
Sabi pa nga nya, she only has a few girl-friends sa school nya dati
dahil lahat sila naiingit dahil cool siya. ( again. Ayaw nyang aminin na
cool siya. ) In Azee's case, she graduated as the Valedictorian of their
school and her parents were in the entertainment industry sa Japan.
So yeah, half Japanese at heredera siya. Sabi niya, she has one older
brother and an older sister. Pero nasa japan pareho. Ang pagkakakwento
niya samin ay isa syang honor child since bata pa siya, ayaw man niyang
aminin, sobraaaaang talino lang talaga niya.
As we were walking at the back of the gym, I saw a familiar face hiding
behind the bush habang pinapanood magusap ang dalawang tao sa di
kalayuan.
"Teka, di ba blockmate natin yan?" Turo ni Azee dun sa babaeng nasa
may bush. I squinted at nakita ko na nang mas maayos ang mukha nya.
"Wait, si Tarinay yan di ba? Yung Anne Nicole Tarinay?" Sabi ko kay
Hes.
Pero Hes had other plans.
She pulled us para tabihan si Nicole.
Nicole was clearly surprised based on her expression pero hindi siya
makapagreklamo dahil sa baka mahuli kami nung dalawang tinititigan niya.
I recognized the boy. He was Vernon na muntik maka-tama ng bola sakin
kanina but the girl he was talking to was unfamiliar to me.
"I'm sorry, Viel. Hindi ko talaga alam ang sinasabi mo." Vernon said, calmly.
"Akala ko ako lang, Vernon. Bakit meron ka pa palang ibang babae?" Sigaw
ng babae. "I never said we were even something, Viel. Please don't make me say
hurtful but truthful things." He again responded with perfect solemnness na
mahihiya ang mga nagbabalak mag monasteryo.
"Anong ginagawa mo rito?" Hes whispered to Nicole.
"Boypren ko yang lalaking yan." Sagot ni Nicole.
Sabay sabay kaming napatanong ng, "Ha?!"
"Shhhh. Shhh!" She forced us to shut up. "Syempre joke lang.
Pero mamaya na ko magpapaliwanag."
Itinuon muli namin ang pansin naming sa kalyeserye ng SMU sa harap
namin.
"Vernon, please. Kaya kong palampasin to this time. Just, just be with
me. Please let me be yours officially. Make me your girlfriend. Please."
The girl begged with tears. "Magdadalawang taon na kitang mahal, Vernon."
"Wow, mahal mahal. Murahin kita dyan e." React naman ni Nicole sa
tabi namin. Natawa kaming tatlo at pinalo kami ni Nicole sa hita.
"I'm sorry, Viel." Vernon said quietly, "but I'm not interested."
Pero-
Hala.
Natulala kaming lahat sa sunod na ginawa ng nasabing babae.
Sinampal niya si Vernon ng pagkalakas lakas at saka nagsabing,
"Pinaasa mo lang ako!" Sabay takbo ng humihikbi.
"T-teka. Pare-pareho ba tayo ng nakita?" Tanong ni Nicole, habang namumutla.
"Ang alin? Yung sinampal siya nung babae?" Tanong ni Hes.
Vernon snickered and touched his cheek saka lumayo.
Pero si Nicole, nanginginig ang kamay.
"Girls alam kong di pa tayo officially magkakakilala pero pwedeng
pigilan niyo ko?" As we were about to ask Nicole what she means
bigla siyang tumayo't nagsisigaw. "ANG KAPAL NG MUKHA NYANG
SAMPALIN SI VERNON. ABA- AKO NGA NAKAPLANO NA NA KAILANGAN
KONG MAG ALCOHOL NG MGA 5 BESES BAGO KO MAKIPAG
KAMAY SA KANYA TAPOS SYA SASAMPALIN LANG NIYA-
LINTEK NA!"
Hinawakan ko sa braso si Nicole with wide eyes. Nilingon ko si
Hes na tawa ng tawa at si Azee na nakanganga't nakaupo lang sa
damuhan.
Iba ka, Nicole. Iba.
A/N: SVT's Rock + Mansae Performance up there. o/