Love and Proportionality

By trulymadlycrazy

936K 17.3K 2.3K

Is there still a chance for an unrequited love? Possibilities are always low for a normal circumstances. But... More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
Chapter 4
Chapter 5
KABANATA ANIM BAGO MAGPITO
7eleven
8oclock
lucky 9
TEN
11
12:51
13
14
15
16
17
18
twenty
21
22
23
24
25
26
27
cute tayo eh! ^_^
28
29
30
31
32
33
34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Epilogue
Author's Note

19

18.9K 354 39
By trulymadlycrazy

dedicated kay SHAY. thanks sa support ^___^

JAM

Hinintay kong bumangon siya wala talaga. Hindi ko alam kung nakatulog na siya o talagang sinasadya niya lang na wag akong kausapin.

Parang kanina lang ramdam na ramdam ko pa yung mainit niyang halik, pero ngayon ramdam ko na ang malamig na pakikitungo niya.

Nagpunas ako ng luha at saka lumabas na sa condo niya. Nagabang ako ng taxi at saka nagcommute pabalik ng bahay.

Binuksan ko yung bintana ng taxi at muling sinalubong ang hangin. Nasanay na ko sa ganun.

Nasasaktan ako dahil hinusgahan agad ako ni Charlie. Na libog lang daw un.

Hindi niya alam kung san ko hinugot yung lakas ng loob para umpisahan yun. At 

nung nagawa ko na kusa ng sumunod at nagreact ang katawan at labi ko.

Nakakalasing yung halik niya at sa tanang buhay ko kanina ko lang naramdaman yung ganung pakiramdam. At sa kanya ko lang nagawa yun.

Ansagwa lang kasi kung tatawagin yung libog. Aaminin kong tinamaan ako at gusto ko talaga, pero libog bang matatawag yun kung may emosyon ng involved?

Na sa bawat haplos niya sa balat ko para akong nakukuryente.

Na sa unang pagkakataon ang isip, puso, at kaluluwa ko pare-perehas ng sinasabi?

Gusto kita Charlie. Hindi mo ba alam kung gaano kahirap aminin yun ha?

Gusto ko wala ka ng ibang hahalikan kundi ako lang. 

Gusto ko ako lang ang mahalin mo.

Pero sino ka para sabihin sa akin na wag ko ng sasabihing gusto kita?

Hindi mo ba alam na hindi yun narinig sakin ng ni isa sa mga naging boyfriend ko?

Ikaw lang. Kasi gustong gustong gusto talaga kita. Gusto kita Charlie.

Kala ko mapapasaya kita kapag sinabi ko yun. Akala ko lang pala. Tsk.

Tumulo na naman yung luha ko. Umaabon pala.

Hay.. Bat kelangang palaging uulan sa ganitong mga pagkakataon?

Inilabas ko yung kamay ko sa bintana at hinayaang bumagsak dito ang pinong pinong patak ng ulan.

"Miss pakisara naman yung bintana o, baka pumasok yung tubig sa loob."

 Chura mo manong. Panira ka ng moment. Nakita ng nagsesenti yung tao eh.

Wala na kong nagawa kundi isara yung bintana.

Pumasok akong mugtong mugto ang mata.

"Hala gurlah anung nangyari jan sa mata mo?" tanong agad sa akin ni Jollie. 

"Gumawa ako ng plate inabot na ko ng umaga.."

"Weh? Itsura mo! Wala tayong plates noh." 

Oo nga pala.

"Nakagat ng ipis." Palusot ko ulit

"Weh? ibang klase namang ipis un dalawang mata yung kinagat."

Hirap naman gumawa ng palusot. Hmp

Bbakit sinabi ko  bang isang ipis lang yun? Dalawa sila."

Bigla lumapit samin si Armeen.

"O anung nangyari sa mata mo?" Isa pa toh e. Bat kaya di yung mga mata nila yung pagtripan nila. 

Hindi talaga ako tinantanan ng dalawa hanggang sa matapos yung first subject. 

At eto break na naman. Tapos mamaya break ulit. Tas break ulit. Ansarap lang ibreak ng mukha nung gumawa ng schedule.

Nakatambay lang kami dito sa gazeebo nung biglang may lumapit sa akin.

"Ah excuse me? Friend ka ni Charlotte right?"

"Ah..oo." saka ako tumango. Si Giesel pala.

"Bakit?" tanong ko.

"Gusto ko lang sabihin sayo na kami na." napanganga ako.

Panong nangyari un? E ako ung mahal? At saka di porket nagkiss sila kahapon e magiging sila na ngayon.

"Sinaktan mo kasi siya e. Wala kang ibang ginawa kundi pasamain ang loob niya. Kaya ako na lang magaalaga sa kanya. I'll do better."

No way!

"Miss? Oi Jamaica?

"Oi gurlah para kang nabarang jan!"

  

"Ha?" bigla akong nabalik sa katinuan ko.

"Ano na nga ba ulit yun?" anu ba bat naisip ko un. Natakot tuloy ako bigla. 

"sabi ko pakibigay to sa kanya. Naiwan niya kasi kahapon." sabay abot sa akin ng mga notebooks.

"Ah..cge." kinuha ko ung mga notebooks at inilagay sa bag ko.

"Pakibigay nalang neh. Hindi ko kasi siya makita. Pauwi na din kasi ako."

"Sure.." sabi ko. Nagpasalamat siya at umalis na.

"Miss!" tawag ko sa kanya.

"Bakit?" lumingon siya sa akin.

Hindi ako mapakali. Gusto ko sana itanong kung sila ba ni Charlie. Kaso para naman akong adik nun. Sabihin pa niya chismosa ako.

"Ah si Charlie asan?" un nalang nasabi ko.

Nakita ko tumatawa siya.

Kumunot ung noo ko.

"Alam mo ang ganda ganda mo pero adik ka din pala no?"

Huh?

"Hindi mo ata ako narinig kanina miss. Kaya ko nga pinapabigay yung mga notebook niya kasi hindi ko siya makita.

"Gurlah wala ka sa sarili mo, ako nga dinig na dinig ko e." sumabat naman si Jollie.

"Gurlah baka hindi mo din alam na nilagay mo sa bag mo yung mga notebooks? Hahaha" si Armeen

"Gurlah anung pangalan ko?" si Jollie.

Mga walangya!

Wala nga ba ko sa sarili ko? Pambihira naman kasi ung imagination ko.

"ah hindi hindi, nadinig ko. Sorry. Sige ibibigay ko nalang to sa kanya." 

"Okay." at umalis na siya ng tuluyan.

"Oi adik tara na time na." tatawa tawang aya sa akin nung dalawa.

"Baliw kayo."

"Okay lang kesa adik."

Hayst!

Sinamantala ko yung sumunod na break para hanapin si Charlie. Ang totoo hindi ko pa din alam kung paano siya haharapin. Kaso naisip ko na baka kailangan na niya ung mga gamit niya.

Para akong ewan na sisilip silip sa bawat room.

Minsan kapag sumisilip ako at nakita ako ng mga 1st year na estudyante kumakaway sila. Ang kukulit lang.hehe

Sa wakas natunton ko din ang klase niya. Nalaman ko dahil nakita ko si Maggie at kumakain na naman siya.

Nakita niya din ako at lumabas siya kahit may klase sila. Pasaway.

"Ate Jamai umaano ka dito? Wala si Charlie."

"Ha asan?" 

"hindi pumasok. May sakit." 

May sakit siya? Wala man lang ako kaalam-alam.

"Joke lang! Haha"

Tinignan ko ng masama si Maggie.

"Ate hindi ko alam. Kaninan umaga pumasok siya. Pero after lunch nagpaalam siya na may pupuntahan."

San naman kaya?

"Ah sige pakibigay nalang sa kanya to Magz." sabi ko habang kinukuha ko sa bag yung mga notebooks.

"Naiwan daw niya yan sabi ni Giesel." 

Isang kamay niya lang ung pinanghawak niya ng notebooks dahil hawak hawak niya ung kinakaing vcut sa isa.

"Akin na yan para di ka mahirapan." sabay kuha sa vcut niya.

"Ate Jamai ambait mo talaga. Ayaw na ayaw mo kong nahihirapan." ngumiti siya sa akin. Ang cute lang. Hehe

"Syempre naman. Sige kaw na bahala jan ah." sabi ko habang tinatapik tapik pa ang balikat niya.

Lumakad na ko paalis habang tinitira yung V-cut na kinuha ko kay Maggie. Sana lang hindi sumakit yung chan ko. Hahaha

Teka si Charlie san naman kaya yun pumunta?

Natapos ang maghapon na puro mga break. Ang saklap pa dahil 4 hours kaming naghintay para sa last subject tapos wala naman pala yung prof.

Ang sarap magaral noh?

Nakauwi na ko sa bahay. Wala akong magawa. Magisa lang ako. Parang gusto ko nalang bumalik sa school atleast dun may kasama ako kahit puro vacant period!

Hay lonely.

Ganito pala kalungkot yung buhay ko dati. Bat parang ngayon ko lang naramdaman.

Naisipan kong magsketch nalang. Eto lang naman libangan ko pag hindi busy which is madalang mangyari dati.

Kinuha ko yung sketch pad sa drawer ng drawing table at hinanap ung lapis ko sa bag.

May nakita akong hindi pamilyar na bagay habang hinahalukay yung laman ng bag ko.

Isang notebook na napangiti agad ako nung makita ko. Dahil ang cute ng kulay.

Mas maliit siya kesa sa pangkaraniwang notebook. Parang hindi siya nabibilli sa mga department store dahil personalized yung design.

Binuklat ko at binasa yung nasa unang page.

walang ibang laman kundi CHARLIE sa lower right side.

Pano napunta dito to? 

Agad naman nagflash sa isip ko yung mga notebooks na inabot sa akin ni Giesel.

Naisip ko na baka naiwan to nung iniyabot ko kay Maggie yung ibang notebooks.

binunlat buklat ko yung notebook para tignan kung ano yung laman.

hanggang natapat sa

June 11, 2012

Hi Diary!

Bigla kong naisara yung notebook.

Di ko alam na nagsusulat pala ng diary si Charlie.

Tinitigan ko lang yung notebook. Asar. Nacucurious ako. Pero hindi pwede. 

Bawal!

Pumikit ako at umiling-iling. Itinabi ko yung notebook sa gilid ng drawing table at saka nag simulang magdrawing.

Hindi ako makapagconcentrate dahil nakikita ko pa din yung diary sa gilid ng mata ko.

Parang nanunukso at sinasabing "basahin mo ako dali na  kunwari ka pa!"

Hindi. Ayoko nga. baka mamaya may mabasa pa akong hindi kaaya-aya.

Pero sige na nga. Promise isang page lang ung babasahin ko. Promise talaga yun.

Agad kong binuklat ung notebook sa pahina kanina.

Huminga ako ng malalim saka nagbasa.

June 11, 2012

Hi Diary!

Nakakatawa si Maggie kanina. Nakamake-up pa. Sino kaya nagsabi sa kanyang kapag college na kelangan nakamake-up na?

Sana wag na niya ulitin yun. Mas maganda siya kapag natural.

May nakakahiyang nangyari pala. May hinatak akong babae papuntang CR. akala ko talaga si Maggie yung hawak-hawak ko nun.

Kala ko makakaligtas na ko sa kahihiyan, kaso nakasabay ko pa siya sa elevator. Ang kulit nung babae, dikit ng dikit sa akin. Pinagtitripan ata ako.

Alam mo ba kung gaano yung kaba ko nun? Pinagpawisan din ako ng malamig at nanlambot yung tuhod ko.

BAt kaya? Hindi naman siya maganda e.

Magandang maganda lang :)

First day palang pero feeling ko nakita ko na yung pinakamagandang babae sa 

campus.

-cm-

Feeling ko namumula ako. Parang antaba-taba ng puso ko sa nabasa ko. Di ko tuloy mapigilan mapangiti.

Maganda daw ako. Bakit pag si Charlie nagsasabi nun bigdeal na big deal sa akin tapos feel na feel ko pa. Hmp!

Ililipat ko pa sana sa next page kaso natigilan ako.

Tama na siguro yung nabasa ko. Solve na solve na ko dun.

Itinalikod ko yung notebook at saka nagsulat sa last page nito.

October 10, 2012

Dear Diary ni Charlie,

Ptawarin mo ko at naging pakialamera ako. Tapos nagsulat pa ako.

Kung hindi mo ako kilala, tignan mo nalang yung entry niya nung June 11. Ako yung magandang tinutukoy niya dun. O diba konti nalang magkasing kapal na tayo. 

Hahaha

Wala lang gusto ko lang maexperience magsulat dito. Sigurado naman kasi ako na mas magkakaintindihan tayo e. Ang ganda ng sulat ko compared sa amo mo e.

Hindi ko pa alam kung kelan kita ibabalik sa kanya. Baka hindi na. Hahaha joke.

Hmm. Sana wag niya kong sukuan. 

Kasi gusto ko na talaga siya.. 

-jr- aish!parang junior lang amp.

-Jam-

Continue Reading

You'll Also Like

177 18 9
A love story that would last... forever? Are they able to wait until forever? Are they able to believe in fate and destiny? Could a three week attra...
633K 3.8K 7
Does love happen between two lovers with opposite sexes only? What about between two lovers with the same sex? Aren't they bound to be together alway...
147K 2.5K 51
This is a story about love.. i guess. A girl who's trying to find love but she got lost in it. Now, the question is.. is it really love?
44.8K 2.1K 39
A gxg story. Falling in love is easy enough but confessing is a whole new level especially to someone that you know for years! If those keywords are...
Wattpad App - Unlock exclusive features