Love and War Book 1(COMPLETED)

By DSPRDNGMNNLT

12.1K 399 127

Pretty? ✔️ Smart? ✔️ Rich? ✔️ Famous? ✔️ Bratinella? BIG ✔️ *************************************************... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Characters
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Final Chapter
Notes

Chapter 18

289 7 1
By DSPRDNGMNNLT

Christella's POV

***Knock knock

"Come in." Sigaw ko sa kumakatok. Alam kong si Ate Mae yan. Ano kayang kailangan nya? Hindi ko naman kasi sya ipinatawag.

Bumukas at sara ang pinto at hinintay ko lamang sya makalapit. Nakatitig ako sa libro na binabasa ko.

"Ma'am, dumating po sila Ma'am at Sir." Agad na ibinaba ko ang librong hawak ko at kunot noong tumingin sa kanya na nakatayo sa paanan ng kama ko. Halos kakauwi ko lang din at nagpapahinga na galing sa school at binabasa ko yung libro para sa assignment dahil wala naman akong maisip na ibang gawin. Nakaupo ako sa kama at nakasandal ang ulo sa headboard.

"What?" Takhang tanong ko. Ang bilis naman nilang bumalik. "I thought next saturday pa ang uwi nila." Sabi ko.

Bumaba agad ako upang puntahan sila mommy at daddy sa baba.

"Hi my princess." Bati ni Daddy sa akin habang pababa ako ng grand staircase.

"Dad." Bati ko pabalik kay Dad at ska ako ngumiti. Lumipat naman ang tingin ko kay mommy na katabi nya. Nakaupo sila sa mahabang sofa dito sa living room.

"Hi mommy!" Bati ko din kay mommy na nakangiti at ska ko lumapit sa kanila at ska humalik sa mga pisngi nila. Naupo naman ako sa isa ding sofa sa tapat nila at sa gitna namin ang isang maliit na glass na center table.

"Mom, bakit ang bilis nyo yatang bumalik?"

"Why? Are you not happy to see us?" Parang nagtatampong tanong ni mommy.

"No. It's not like that mom. Nagulat lang po ako. I thought next week pa po kasi kayo." Explain ko kay mommy.

"Your Tita Pia called your mom yesterday at sinabing nakauwi na daw dito sa Pilipinas si Benjamin from China. Nagkita na ba kayo?" Tanong ni Daddy.

"Yes Dad, dumating po sya kahapon at pinuntahan nya ko agad dito." Nakangiting sagot ko.

"You look happy sweet heart." Nanunuksong sabi ni mommy.

"Mommy naman." Kunwari ay naaasar na sabi ko. Alam kasi nilang may crush ako kay Benjamin simula pa pagkabata. Si Benjamin kasi ang nag iisang kaibigan ko bago ko pa makilala si Koleen. At ska malapit pareho ang pamilya namin sa isa't-isa.

"Sabi pa ni Tita Pia mo ay dito na mag-aaral si Benjamin at doon daw sya magpapa-assign sa section nyo para daw magkasama na kayo." At sumikay na naman ang nanunuksong ngiti ni mommy habang ganoon din si daddy. Akala ko ba ay si Christopher ang ipakakasal nila sa akin when I turn 18 pero bakit ganyan sila ngayon at parang tinutulak ako kay Benjamin.

"Pero mom, diba sabi nyo mae-engage ako kay Christopher." Naguguluhang sabi ko. Ang gulo naman kasi talaga e.

"Sorry about that princess. Your mom and I realized na hindi ka dapat namin pinapangunahan pag dating sa mga ganyang bagay and let you choose who you want to be with." Napangiti ako dahil sa sinabi ni Daddy.

"Nakausap na din namin ang parents ni Francis about that at hindi na itutuloy ang engagement nyo." Sabi namn ni Mommy at parang bigla akong nakaramdam ng panghihinayang. I should be happy kasi yon naman talaga ang gusto ko diba? Ang hindi matuloy ang engagement, then why I feel sad? I feel bad and I don't know why? Sht!

"You okay, princess?" Napatingin ako kay Daddy at marahang tumango.

"Then why do you look so disappointed?" Muling tanong ni Daddy na parang hindi naniniwala sa sagot ko.

"No Dad, actually I am so happy right now. Thank you Dad, Mom. I love you so much." Kunwari masayang sabi ko then I fake a smile at tumayo ska lumapit sa kanila dalawa at yumakap."

Unti-unti ko na namang naramdaman ang maliliit na karayom na tumutusok sa puso ko.

***
Benjamin's POV

1:15 am

Dalawang busena at agad bumukas ang isang malaking itim na steel gate. Napapaligiran iyon ng mga hidden cctv camera. Hindi man halata pero napakarami din ng mga tanong nagbabantay dito at alam ang bawat kilos mo. Bawat sinong magtangkang pumasok dito ay hindi na makakalabas ng buhay.

Ipinarada ko ang sasakyan ko sa iba pang mga nakahanay na sasakyan dito sa garahe.

Pinagbuksan ako ng dalawang guards ng napakalaking main door ng mansion nang makita akong paparating. Ito ay isang glass at bulletproof. Nag bow sila  sa akin pareho. Dire-diretso akong pumasok sa loob. Bawat sulok sa loob ng mansion ay maraming nakamonitor. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang number 5 para pataas sa 5th floor. Nang tumunog ang elevator ay agad akong lumabas at lumiko sa kaliwa at ska mabilis na tinahak ang mahabang hall patungo sa private office. Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ay tumingin ako sa wrist watch na suot ko at nakitang 1:30 am na. 2:am pa ang usapan pero kailangan ay advance ka ng 30 mins. sa pinag usapang oras.

Tatlong katok at awtomatikong bumukas sa gitna ang makapal na steel door.
Nadatnan ko sya na nakaupo sa swivel chair habang nakatanaw sa malaking stained glass window at may hawak na isang glass wine.

"Master." Magalang na bati ko. Umikot ang swivel chair paharap sa akin at ska ako nag bow. At tumayo nang tuwid.

"How was China?"

"Everything is fine, Master."

"Have a sit." At ska minuwestra ang couch para ituro. Umupo naman ako doon sa nakapalaking couch at pumwesto nang paharap sa kanya.

"But there's something that you must know, Master." Nag aalangang sabi ko.

"What is it?" Wala kahit anong mababakas sa tono nya kaya kahit ikaw ay mahihiwagaan kung ano bang iniisip nya. Sa lahat ng taong nakilala ko ay sya ang pinakamahirap basahin.

"I don't know how did this happen---"

"Cut the bullshit Benjamin. Spill it." Maawtoridad na sabi nya.

"May nagreport po sa akin na meron  pong mga tao ang mga Zhang na nagkalat ngayon dito at naghahanap ng mga informations. Hindi ko po alam kung pano nangyari yun.  And I think, they're here for a revenge." Sabi ko at hinintay ang sasabihin nya ngunit isang ngisi lamang ang natanggap ko bilang sagot.

***

3:30 am

Christopher's POV

"Christopher." Lumingon ako kay Joseph na namumungay na ang mata na tumawag sakin ska sumulyap kay Arjay  ska ibinalik din ang tingin sakin.

"What?" I asked in an irritated tone then glare at him. Alam ko ang ibig sabihin nya.

"Tss. Hindi pa ba kayo mag aayos?" Naiinis na bulong nya. Crap! Dapat hindi na lang talaga ako sumama dito sa bar. Nakaupo kami sa mga bar stools at nasa dulo si Arjay at nasa dulo din ako sa bandang kaliwa.

"Stop it, Joseph. I'm starting to get pissed off." I said then drink all my vodka in my glass then stood up.

"Hey!" Sigaw ni Joseph ng bigla akong tumalikod at naglakad na papuntang exit. Hindi ko alam kung dahil sa nainom ko o talagang may nakatingin talaga sa akin. Hindi ako nagpapahalata pero minamasdan ko ang paligid gamit ang peripheral vision ko. Actually kanina ko pa yan nararamdaman at nagsimula yan kahapon. Bago ko pa makita ang picture namin na ipinadala kay Arjay na may halong pagbabanta. Nagpatuloy ako sa paglakad nang may mahagip ang mata ko na isang lalaking nakasuot ng itim na diretsong nakatingin sakin at nakahawak sa tenga nya at napapansin ko ding bumubuka ang bibig nya at sa tingin ko ay may kausap nya. Hindi ko makita ang mukha nyaSo that means may nagmamanman na talaga samin. I thought I'm just being paranoid. Kumikilos na ang mga kalaban. Hindi na pwedeng magpadalos-dalos. We have to be careful in everything we do para walang mapahamak.

Medyo binilisan ko ang paglalakad ko pero hindi ko pinahalata na napansin ko siya. Mabuti nalang din at maraming tao kaya sa tingin ko ay hindi nila ako magalaw.

Nang papalapit na ako sa exit ay medyo kaunti nalang tao dito lero mayroong dalawang guwardiya sa mismong labasan. Ngunit hindi parin nawawala sa pakiramdam ko na mayroong nakatingin. Shit! Kailangan makapunta na agad ako sa  kotse ko.

Nang makalabas ako nang tuluyan sa bar ay agad na mabilis akong nagtungo sa parking area. Medyo bandang dulo ko naiparada ang kotse ko kaya dapat bilisan ko lalo ang paglalakad lalo na ngayon nawalang katao-tao dito. Pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin at mas lalo kong nakumpirma iyon nang marinig ko ang yabag ng sapatos nito. Pinapakiramdaman ko lamang siya kung anong gagawin nya. Kunwari ay hindi ko lamang sya pinapansin.

Dinukot ko ang car key sa side pocket ng jeans na suot ko at pinindot ang unlocked button kahit na medyo malapit na ako. Ngunit biglang ang tunog ng mga yabag at bumibilis ito papalapit sa akin. Naikuyom ko ang mga kamao ko. Nang makalapit ako sa kotse ay binuksan ko agad ang pinto ng driver's seat kasabay non ay biglang may humawak sa kaliwang balikat ko at agad kong hinawakan yon gamit ang kaliwang kamay ko at pinilipit at ska mabilis akong humarap at ambang susuntok na nang biglang magsalita sya.

"Woah! Christopher. Araay!"

"What the fck Joseph." At ska sya binitawan.

"Arrgh Ang sakit!" Sabi nya habang pinipiga ang kaliwang kamay nya na pinilipit ko.

"Ano bang ginagawa mo dito?"  Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Nakita ko kasi na may mga taong nakasunod ang tingin sayo kanina kaya sinabi ko kila Arjay na sundan ka namin." Mga? Ibigsabihin marami sila? At hindi lamang iisa.

"Nasan sila Arjay?"

"Nandon sa loob at nakikipag rambolan na. Ako nalang ang pinasunod nila sayo."

"Tara!" Sabi ko at ska muling inilocked ang kotse ko at nagmadaling bumalik sa bar.

Naabutan namin ang mga tao na nag uunahan na makalabas ng bar. Habang ang mga bouncer at guard ay hindi malaman ang gagawin kung paano pakakalmahin ang mga tao. Sumingit kami papasok sa mga taong naguunahan sa paglabas kaya marami kaming nababangga. Nang tuluyan kami makapasok ay agad namin nakita sila Arjay na nakikipagsuntukan sa mga taong nakasuot ng itim. Kung titingnan mo ay mukha silang mga miyembro ng sindikato. Sampo silang lahat. 3 ang kay Arjay at ganon din ang kay Mark habang sina Mike at Patrick ay tig-dalawa. Lumapit ako kay Arjay para tulungan habang si Joseph ay lumapit naman kay Mark para tumulong. Bumagsak ang sinuntok ni Arjay at agad humarap sa dalawang pasugod sa kanya ngunit mabilis din agad nakatayo at hindi iyon napansin ni Arjay. Sisipain sana sya mula sa likuran si Arjay ngunit agad kong sinalag ang paa nya at itinaas at ska malakas na sisipain ko sya ngunit mabilis din nyang nahawakn ang paa ko. Pinilipit ko ang paa nya at nakita ko ang pag awang ng bibig nya sa sakit at nabitawan ang paa ko mula sa pagkakahawak nya. At dahil doon ay nakabwelo ako at tuluyan syang nasipa sa mukha. Bumagsak sya at halos hindi na makagalaw. Tss!

Tumingin ako kay Arjay at hindi parin tumitigil ang dalawa nyang kalaban. Agad kong nahawakan at nasalag ang kamao na muntik nang tumama sa kanya. Sinuntok ko ng makalas ang lalaki sa mukha. Napaatras sya ng bahagya at akmang sisipain naman ako nang mahawakan ko ang paa nya at ibinagsak at ska malakas na sinipa sya sa dibdib at malakas na bumagsak sya sa sahig. Alam kong hindi na sya makaktayo sa lakas ng sipa ko sa kanya. Tumingin ako sa paligid para tingnan ang mga kasama ko at nakitang tapos na din sila. Lahat ng kalaban ay tumba.

"Wooah! Ang sarap talaga pagpawisan." Natatawang sabi ni Patrick at ska nag inat-inat ng mga kamay.

"Tatayo ka pa ha!" Napalingon kami kay Mike na nagsalita at ska malakas na sinipa pahiga ang lalaking babangon pa sana."

"Teka!" Sabi ko at ska hinawakan ang kwelyo ng lalaki at malakas na iniangat ang lalaking nasa tapat ko na namimilipit sa sakit gawa ng pagkakasipa ko sa dibdib.

***

Malakas na itinulak ni Arjay ang lalaki paupo sa isang kahoy na upuan.

"Talian nyo yan." Utos nya na agad sinunod ng mga tauhan ng parents nya.

Nandito kami sa basement ng rest house nila Arjay sa tagaytay. Habnag tinatalian ang lalaki ay tumunog ang cellphone nya at dinukot naman ito sa loob ng bulsa ng jacket nya. Sinagot nya ito at may muling pinindot pa sa screen ng phone nya at biglang narinig namin ang tunog na nasa kabilang linya. Naka-loud speaker na ang cellphone nya.

"Boss?" Sabi ng nasa kabilang linya. Inilapag ni Arjay ang cellphone nya sa isang kahot lamesa sa tabi nya at ska tumitig sa lalaking katatapos nasa harapan namin na katatapos lang talian.

"Ano? May nakuha ba kayo?" Tanong nya habang pinapatunog ang mga kamo.

"Matigas Bossing, ayaw umamin." Sagot naman na nasa kabilang linya.

"Nalinis nyo ba?" Muking tanong nya.

"Opo. Sinunod namin ang utos nyo. Malinis na malinis Bossing." Kupyansadomg sagot ng lalaki. At dahil doon ay mabilis na nag angat ang lalaki ng ulo kahit halatang hinang-hina na ito. Binugbog na at lahat ayaw pa kasing umamin.

"Good. Patahimikin nyo ang sino mang sa tingin nyo ay magtatangkang mag iingay."

"Areglado, Boss!" At ska pinindot ni Arjay ang screen ng cellphone nnya na nakapatong sa lamesa at naputol na nag tawag sa kabilang linya.

"Kapag wala kaming nahita sayo. Papatayin ka din namin." He said then smile devilishly. The evil side of him show up again.

***

Biglang na-published agad di pa tapos yung chapter e. :|

Anyway, enjoy reading guys! :)

Hope yaaa like it! :)

Lovelots. :-*

Continue Reading

You'll Also Like

86.2K 2.7K 66
「#1」 ❝ look down you're talking to you highness, can't see me i'm the reason for your blindness. ❞ XYLA CAMILLE MADRIGAL, is no more than a simple...
8M 191K 44
"Maybe our stars will realign again and we can pick up where we left off, but if that time does not come, I hope you find solace." Please be advised...
170K 6.8K 73
This is a story about a girl who afraid to fall in love again after that incident. So her mom decided to send her Seoul to study in her friend house...
26.5K 466 44
(COMPLETED) Is it possible to love so much that it's dangerous? Copyright © 2019 by macaehiato
Wattpad App - Unlock exclusive features