One Shots

Από raingeremillo

334K 4.1K 939

This is a compilation of short stories. Kung wala ka sa mood magbasa ng novel or busy ka or kailangan mo ng p... Περισσότερα

Katahimikan
Even Though
Vandalism
The Road Not Taken
Count 1 to 10
Just A Day
Just Another Day
MY FIRST
Happy New Year
Her
Birthday Gift
Akin ka lang! Umepal paslang!!
New Compilation

Jiro

5.5K 124 13
Από raingeremillo


"Kuya tulong! Please! Tulungan mo ko!" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sigaw ng isang babae. Lumingon ako sa pinanggagalingan nito at nakita ko sya na mabilis na tumatakbo papalapit sakin. She looks scared and helpless.

Damn! Ayoko sa lahat ay yung na-iinvolve sa buhay ng ibang tao lalo na sa babae. Call me woman-hater, I don't give a fuck. I hate girls attention. Ano ngayon kung gwapo ako, malakas ang sex appeal, ace player sa basketball at matalino? Hindi naman ako artista para pagkaguluhan at lalong hindi ako santo para sambahin.

What's wrong with women, really? Tsk.

"Kuya!! Waah!" Palapit na sya ng palapit sakin habang sumisigaw. Lumilingon din sya sa likod nya na para bang tinitingnan kung may nakasunod na sa kanya pero wala naman. Baliw ba tong babae na to? And crap that kuya thing! Kapatid ko ba sya? Tsk.

Nanlaki ang mga mata ko nang may biglang sumulpot na asong mabilis na tumatakbo kasunod ng babae. Nakalawit ang dila nito at kitang kita ang bawat pagtalsik ng laway nya. Nanlilisik ang mga mata at nakalabas ang mga pangil.

Anak ng pucha naman!

Hindi pa nakakaabot sakin yung babae eh tumakbo na rin ako palayo sa kanilang dalawa. Mabilis akong tumakbo kahit na paulit ulit nya akong tinatawag na kuya.

"ARAY!" Napalingon ako dahil sa sigaw nya. Shit! Ang lampa naman nya! Badtrip! No choice akong tumakbo pabalik sa kanya at tinulungan syang tumayo.

Kumahol yung aso at malapit na ito samin. Hindi pa rin sya makatayo ng maayos!

Dammit!

Mabilis kong binuhat ang babae at agad na pumasok sa bahay na hindi ko alam kung kanino. Sakto naman at nakabukas ang gate kaya nakapasok kami.

Malakas at walang tigil kaming kinakahulan ng aso. German shepherd ito kaya wala akong kalaban laban sa ungas na to. Asar!

Napatingin ako sa kanya ng bigla syang tumawa ng malakas. Parang nakikipag kompitensya sya dun sa aso sa pagkahol nito. Weirdo.

"T-teka.. a-anong gagawin mo?" Hinawakan nya ang lock ng gate at binuksan ito. Nababaliw na ba talaga sya?! I grabbed her hand to stop her. Tumingin sya sakin ng nakangiti. Fuck. Crazy!

"Pechay! Stop!" Kunot noo ko syang tiningnan dahil sa sinabi nya. Pechay?!

"Good girl." Ngumiti sya at tuluyan ng binuksan ang gate. Nawala ako sa sarili ko dahil sa mga nangyayari. What the fuck????

Hinimas nya ang ulo ng aso at naging maamo ito. Then she gave some treat. Darn! So aso nya yan? Tapos Pechay ang pangalan??? Bloody hell. This is bullshit!

Tumingin sya sakin tsaka tumawa na naman ng malakas!

"Sorry kuya.." She said in between her laugh. "Kailangan ko lang sa thesis ko. I'm just testing kung may mabubuti pa bang tao sa mundo na to. Na kahit na alam nilang mapapahamak din sila kapag tumulong eh tutulong pa rin sila." Ngumiti sya sakin pero parang pinipigilan nya ang tawa nya.

Damn that thesis!

"And It's proven. Though nung una tinakbuhan mo ko, at least binalikan mo pa rin ako nung kunwari ay nadapa ako." Crazy! This is crazy!! Pinaglololoko ba ko ng babaeng to? Thesis? Test? Argh! If I can just punch her little face, I will! Tsk.

"Crazy." I glared at her tsaka lumabas ng gate. Nilagpasan ko sya at hindi na nilingon ulit. This is insane. Damn it. Did I just run my ass because of that crazy girl? Argh!

"Huy Jiro! Bakit nanggigigil ka dyan?" May tumama sa muka ko na unan. Tumingin ako kay Ate Jac na nasa kabilang couch katabi si Kuya Chase. Asar! Naalala ko naman yung baliw na babae na yon. Tsk.

"Badtrip kasi ate,eh! Hindi ko makalimutan yung baliw na babae nung isang araw. Pati yung malakas na pagtawa nya umeecho pa rin sa tenga ko hanggang ngayon! Argh!" Ginulo ko ang buhok ko dahil bigla na naman pumasok sa isip ko yung baliw na yon.

"Baka naman may gusto ka don, bro. Ayaw mawala sa isip mo eh. Parang ate mo, nababaliw na ko dahil puro sya rin laman ng isip ko." Tumawa si Kuya Chase pati si Ate. Kadiri din minsan tong si Kuya Chase eh, masyadong cheesy.

"Si Jiro? Magkakagusto sa babae? Eh kulang na lang halikan ako ng kapatid ko na yan para lang tigilan sya ng mga babaeng nakakasalubong namin eh."

"Malamang magkakagusto yan sa babae. Ano tingin mo sa kapatid mo, bakla?"

"Hindi 'no. Hindi yan pwedeng maging bakla! Puputulin ko yang ano nya kapag naging bakla sya!" Sinamaan ako ng tingin ni ate. Bwisit!

"Ano ba yan? Ako talaga pinagtatalunan nyong dalawa? Fuck it. Hindi ako bakla no. Ayoko lang talaga sa mga babaeng papansin masyado. Ngayon, ayoko na rin sa mga baliw na babae. Never akong magkakagusto don!" Tumawa lang silang dalawa. Umalis na ko sa sala para magka quality time naman sila at hindi ako yung pinagtutuunan nila ng pansin.

Hindi talaga mawala sa isip ko yung baliw na babae na yon; yung malakas na pagtawa nya ume-echo pa rin sa tainga ko, pati rin yung takot na takot nyang mukha habang tumatakbo ng mabilis papalapit sakin.

Shit! Ano ba naman.

Ginulo ko ang buhok ko at mabilis na bumangon sa kama ko. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Dan. Kababata ko sya, pinsan sya ni Kuya Chase, doon sya sa bahay nila Kua Chase pansamantala nakatira. Yayayain ko na lang syang mag basketball kesa mabaliw ako dito sa bahay dahil sa babae na yon.

"Jiro focus, kanina pa sablay ang tira mo ah." Tinapik ako ni Dan sa may pwetan at tumakbo papunta sa kabilang court. Yung one on one kasi namin nauwi sa totoong laro. Kalaban namin yung dayo dito sa subdivision namin, sakto naman at may barkada rin ako dito na naglalaro ng basketball kaya niyaya ko na rin sila.

Distracted ako ngayon. Paano ba naman, yung babaeng baliw na may alagang gulay ay nasa bench ng kalaban. Kakilala nya yata yung isa dito sa kalaban namin. Tingin sya ng tingin sakin tapos kapag titingin ako sa kanya, ngingiti sya sakin na sobrang laki at may kaway pang kasama.

Tapos ang game namin, panalo kami pero lamang lang kami ng 1 point. Badtrip.

"Sino ba yon, Jiro? Syota mo?" Umakbay sakin si Dan. Ngumuso sya dun sa baliw na babae. Sakto naman na tumingin sya sakin kaya nakita nyang nakatingin kami pareho ni Dan sa kanya. Ngumiti sya at kumaway na naman.

"Yun oh!" Pang aasar nya nang tumakbo yung babae papunta yata samin. Tsk.

"Hi!" joyful na pagbati nya. Lumapit yung iba kong barkada dahil sa baliw na babae na to.

"Kaya naman pala distracted eh. May chicks na kasama. Ikaw Jiro ha, pailalim ka tumira." Pang aasar ni Gerald. Nagtawanan sila dahil dito. Tumingin ako sa amo ni Pechay na nakikitawa rin sa barkada ko. Ngayon ko lang napansin na bilugan pala ang mata nya, maputi sya, medyo may pagka siopao ang pisngi, mapinis ang labi na kulay pink, matangos ang maliit na ilong. Maliit sya, hanggang dibdib ko lang kasi sya.

"Kuya, ang galing mo kanina." Nakangiting sabi nya. Nang aasar ba sya? Anong magaling don? Eh halos wala nga akong na-shoot na bola.

"May kapatid ka pa ba bukod kay Ate Jacquie?" Tanong ni Dan. Tsk. Tinanggal ko ang braso ni Dan sa balikat ko at tinalikuran na sila. Tinawag nila ko ang paulit ulit pero hindi ko na sila pinansin. Umupo ako sa bench. Badtrip. Bakit ba kasi nandito yang baliw na babae na yan eh. Kainis! Tumingin ako saglit sa kanila habang umiinom ng tubig. Pinagkakaguluhan nila yung babae na para bang first time nilang nakakita ng cute. Ah este, ng babae. Nagtatawanan silang lahat. Hindi ko alam kung bakit dahil hindi ko rinig yung pinag uusapan nila. Nakakainis talaga! Pero bakit ba ko naiinis?

Madalas ko syang makita sa kung saan saan. Minsan sa convenience store, minsan naman sa kalsada kasama yung gulay nyang aso tuwing naglalakad ako pauwi, minsan sa mall. Lagi syang nag ha-hi sakin pero hindi ko sya pinapansin tulad ng ibang babae. Titingin lang ako sa kanya tapos iiwas na rin agad ng tingin. Laging nagbabago ang facial expression nya sa tuwing gagawin ko yon; sisimangot o kaya mag ma-make face. Hindi ba sya nagsasawa sa pagbati sakin kahit na hindi ko naman sya pinapansin? Wala ba syang pride para gawin ng paulit ulit yon? Tsk.

"Ate Jac, samahan mo naman ako mag gym." Nagtu-toothbrush sya. Tumingin sya sa reflection ko sa salamin. May grupo kasi don ng mga babae na laging nagpapaturo sakin kung paano gamitin ang mga equipment, pero kapag kasama ko si Ate hindi sila makalapit sakin dahil akala nila girlfriend ko sya.

Kunot noo nya akong tinanggihan.

"Sige na kasi.. Ang tagal ko nang hindi nagbubuhat eh. Ang tabi mo na rin oh." Lumapit ako sa kanya at pinisil ang bewang nya. And just like as expected may love handles sya. haha! Ang ending sinamahan nya ako mag gym, kaya love na love ko sya eh!

"Ate... Dito ka lang sa tabi ko." Bulong ko habang papasok kami ng gym. Tumingin naman sya sakin ng masama dahil alam na nya ang ibig kong sabihin. Nag spot ako sa kanya, then lagi kaming magkasama sa lahat ng area. Minsan nagpapapunas ako ng pawis sa kanya. Ang sarap sa feeling na walang nagtatangkang lumapit sakin dahil kay ate.

"Jiro!" Napalingon ako sa pamilyar na boses. Kasalukuyan akong pinupunasan sa likod ni Ate Jacquie. Tumakbo sya papalapit samin. Tumigil si Ate Jac sa pagpunas ng pawis sa likod ko. Tsk. Pati ba naman dito makikita ko tong baliw na babae na to? Tumingin sakin si Ate na halatang nang aasar.

"First time ah." Bulong niya. First time kasing may lumapit sakin na babae kahit na kasama ko sya.

"Hi kuya! Nag gi-gym ka rin pala dito. Ang galing naman. Small world." Bungis-ngis na sabi nya. Bakit ba kuya sya ng kuya sakin? Tsk.

"Hello po." Bati nya kay Ate Jac. Nag hello rin si Ate tsaka ngumiti sa kanya. Tumingin ako sa amo ni Pechay at ayan na naman ang simangot sa mukha nya.

"Kuya, galit ka ba sakin?" Parang maiiyak na tanong ng maliit na babae sa harap ko. Siniko ako ni Ate Jac kaya tumingin ako sa kanya. Tsk

"Magsho-shower na ko." Tinapik ako ni Ate sa balikat.

"Sige ah. Mag usap muna kayo." Sabi nya tapos umalis na. Asar naman.

"Galit ka pa rin ba dahil dun?" Tumingin ako sa kanya. Naka loose white shirt sya tsaka leggings na itim. Nakatali ang mahabang buhok nya kaya kitang kita ang bawat detalye ng mukha nya na medyo pinapawisan. Napansin kong nakatingin samin yung grupo ng mga babae na laging lumalapit sakin dito sa gym.

Hinila ko sya palabas ng gym dahil sa atensyon na nakukuha nya. Hindi naman sya umangal o nagsalita sa ginawa ko.

"What's wrong with you?" Tanong ko sa kanya pagkalabas namin sa gym. Binitawan ko sya nang mapatingin sya sa kamay ko.

"Bakit ba ang sungit mo? Akala ko pa naman mabait ka dahil tinulungan mo ko." Parang frustrated sya or sinusungitan na nya ko.

"Miss -"

"Camille." pagtatama nya.

"Okay. Camille. Hindi mo ba alam kung kelan titigil? Hindi ka na nga pinapansin sige ka pa rin ng sige. Lapit ka pa rin ng lapit. Ano ba? May gusto ka ba sakin?"

"May gusto agad? Hindi ba pwedeng gusto lang kitang maging kaibigan? Feeling mo naman, kuya!"

"Kuya? Isa pa yan. Kuya ka ng kuya! Kapatid ba kita? Ilang taon ka na ba ha?"

"Kapatid lang ba tinatawag na kuya? Ang technical mo naman masyado! I'm 21. Ikaw ha.. pasimple ka." Natatawang sabi nya. 21 sya? Mag ka age lang naman pala kami nitong baliw na to eh.

"Anong pasimple?"

"Pasimple ka sa mga tanong mo. Gusto mo lang naman pala akong mas makilala pa." Humalakhak sya na parang wala ng bukas. Na hook yung tingin ko sa kanya dahil sa pagtawa nya. May kakaiba talaga sa kanya kapag tumatawa sya.

"Siguro ikaw ang may gusto sakin." Mas lumakas ang tawa nya dahil sa sinabi nya. Baliw talaga.

"Paano kung meron nga? Papayag ka ba maging girlfriend ko?" Diretso kong tanong sa kanya. Napatigil sya sa pagtawa nya at halatang hindi nya inaasahan ang sinabi ko.

"Oh. Natahimik ka yata?"

"Seryoso ka ba?"

"Syempre hindi."

"Ahh." Matipid nyang sagot. Nasaan na yung madaldal at baliw na babae, bakit ang tipid na nya magsalita?

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa short ko dahil sa pagtunog nito. Si Ate Jac, tumatawag.

Tinanong nya kung nasaan daw ako kaya sinagot ko yung tanong nya. Sinabi ko rin na sa bahay na lang ako mag sho-shower kaya lumabas na sya dala ang gamit naming dalawa.

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya?" Bungad na tanong ni Ate Jac pagkalabas nya ng gym. Kinuha ko ang bag ko sa kanya tsaka tumingin kay Camille.

Bakit ko naman sya ipapakilala kay Ate Jac?

"Hi po. Ako nga po pala si Camille." Nakangiting sabi ni Camille kay Ate Jac. Sya talaga nagpakilala sa sarili nya? Pambihira.

"Girlfriend ka ba ng kapatid ko?" Agad akong tumingin kay ate dahil sa tanong nya. Narinig kong tumawa ng mahina si Camille kaya tumingin ako sa kanya.

Umiling sya.

"Taga dito ka rin ba?" Tanong ni Ate Jacquie

"Opo. Sa Strawberry Street po ako." Ang galang naman nya masyado. Dalawang taon lang naman ang gap namin ni Ate.

"Ahhh. Malapit lang pala eh.Sa Cherry kasi yung bahay namin. Punta ka sa bahay minsan kung may time ka. Kwentuhan tayo." Hindi ko gusto ang ngisi ni Ate Jac. Iba na siguro takbo ng utak nya.



***

" Oh my gad! Seryoso ka ba, Camille??" Masayang tumango si Camille kay Ate Jac. Nasa bahay namin sya ngayon at sineryoso nya yung pagyaya ni ate sa kanya. Kwinento nya yung araw na humingi sya sakin ng tulong. Hindi ko kasi dinetalye sa kanya noong nag kwento ako tungkol sa isang baliw na babae.

"Wow! Jiro!" Hindi makapaniwala si Ate Jacquie na nagawa kong tulungan si Camille. Takot ako sa aso. Maliit man o malaki hindi nyo ko mapapalapit sa aso. Nagka phobia yata ako dahil noong bata ako muntik na akong makagat ng aso. Hinabol ako noon hanggang sa madapa ako at muntik nang kagatin, buti na lang dumating yung amo at napatigil yung aso nya. Simula noon, ayoko na sa aso.

Ang aso. bow. tsk

"Alam mo kasi Camille, ta - " Tinakpan ko agad ang bibig ni Ate dahil sa balak nyang sabihin. Pilit tinatanggal ni Ate Jac yung kamay ko sa bibig nya. Ayokong tanggalin kasi baka kung anong sabihin nya until she shook her head and raised her right hand. Sign na hindi na nya itutuloy ang sasabihin nya. 

Nagpatuloy sila sa pagkwe-kwentuhan. Hindi naman ako kasali sa kwentuhan nila  pero hindi ko alam kung bakit ako nandito sa sala at nakikinig sa lahat ng pinag uusapan nila. Minsan napapatingin ako kay Camille kapag tumatawa sya. Yung tawa na may kasamang luha, tapos namumula ang siopao nyang pisngi, at sobrang laki ng bukas ng bibig nya dahil sa  hagalpak nyang tawa. 

Same university pala kami. Sabi nya dapat graduate na sya last year kaso nag shift sya kaya may hinabol pa syang subjects. Never ko pa sya nakita sa campus, siguro dahil magkalayo kami ng building. 6 months pa lang sila sa subdivision namin, palipat lipat daw talaga sila ng bahay dahil sa work ng dad nya. 

"Ay ganon? So ibig sabihin, hindi rin kayo magtatagal dito?" Tanong ni Ate. Ginalaw ko ang mata ko para tumingin kay Camille pero yung dereksyon ng ulo ko nakatutok pa rin sa TV. 

Why am I doing this? 

"Yes. 1 to 2 years usually yung stay namin sa isang lugar, pero depende kung malapit yung next assignment ni Dad, hindi na kami lumilipat. Pero sabi kasi ni Daddy, next assignment nya daw sa Davao, so lilipat ulit kami." 

Doktor yung dad nya.

Paano yung studies nya? Palipat lipat rin sya ng school? 

"Then how about your studies? Natatapos mo yung school year before kayo lumipat?" Good question, Ate Jac. 

"Oo. Kapag kasi hindi pa tapos yung school year, nagpapaiwan ako. Ang hirap kasi kung by sem ako lilipat, minsan hindi tugma yung curriculum ng schools kahit same course."

I nod but stopped on the middle of my nodding. Why am I nodding anyway? Tsk

Makaalis na nga dito. Sa kwarto na lang ako. Tinanggal ko ang unan na nakapatong sa hita ko tsaka tumayo. I did not bother to excuse myself, dirediretso lang ako sa paglakad papunta sa  may hagdan. 

"Maiba tayo.. May boyfriend ka ba?" Parang nasemento ang mga paa ko sa sahig, bigla akong napatigil sa paghakbang paakyat. 

Hindi ko pa sya naririnig magsalita. Pareho silang tahimik. Gusto kong lumingon para tingnan kung bakit tahimik sila pero hindi ako makakilos. Ramdam ko rin na nag iba yung ritmo ng tibok ng puso ko. 

Ano to? 

Kinakabahan ba ko?

Bakit? 

And why the hell did I stopped walking?!

"Meron?" Parang excited na tanong ulit ni ate.

Shit. Bakit mas bumilis ang tibok ng puso ko? Gustong gusto kong lumingon pero hindi ko magawa. May kung anong pumipigil sakin at gustong magpatuloy ako sa paglalakad.  

Sumagot na ba sya?

Did she shook her head?

Did she nod?

What?

Fuck!

Anong nangyayari sayo Jiro? Kelan ka pa naging interesado sa lovelife ng isang babae? At sa baliw na babae pa.

Pinilit kong humakbang ulit at baliwalain ang bilis ng tibok ng puso ko.

Wala akong pakialam sa sagot nya.

Ano naman kung meron? Ano naman kung wala?

"Wala." Rinig kong sagot ni Camille.

I manage to move again. Umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama ko.

But one thing is different. One thing is strange.

"Why am I smiling?"

Kinapa ko ang mukha at bibig ko. Nakangiti nga ako. Kelan pa? Bakit? Nababaliw na rin yata ako!

Dumapa ako sa kama ko at nilunod ang sarili sa unan ko at kumot ko.

Pagkatapos ng araw na yon, mas madalas ko syang nakikita. Nakikita ko na rin sya sa campus. Lagi nyang kasama ang mga kaibigan nyang babae. Tumatawa ng malakas, masayang nakikipagkwentuhan, at minsan ay naglalaro pa sila na parang mga bata.

Hindi ko alam kung aksidente ba na nakikita ko sya o sadyang hinahanap sya ng mga mata ko. Naguguluhan ako sa nangyayari sakin. Bakit ganito? Bakit gusto ko laging makita ang ngiti nya at marinig ang malakas na tawa nya?

"Hi Jiro!" Bati sakin ng isang babae na kasama ni Camille. Tumingin ako saglit sa babae na nag hi sakin pero hindi ko maiwasan na hindi tumingin kay Camille.

Bakit hindi sya ang nag hi sakin?

Bakit hindi sya nakatingin sakin?

Bakit hindi nya ko pinapansin?

Nakikipag usap sya dun sa isang babae na kasama pa nila. 

"Camille." Nakuha ko ang atensyon nya. Bakit ko sya tinawag? Bakit kailangan ko ng atensyon nya? Ayoko ng atensyon ng kahit sinong babae, hindi ba?

"Huh? Bakit?" Clueless yung expression ng mukha nya. Para akong tanga na hindi makasagot sa tanong nya. Anong nangyayari sayo Jiro?!

Ngayon ko lang narealize na hindi na pala talaga sya lumalapit sakin. Hindi na sya ngumingiti at kumakaway sakin. Hindi na nya ko pinapansin after nyang magpunta sa bahay. Halos dalawang linggo na rin yon. Pero bakit?

"Uh... Nothing." Umalis agad ako sa harap nila. Napailing na lang ako sa nagawa ko.

Anak ng pechay naman oh!

"Ate, nakakausap mo pa ba yung baliw na babae?" Nasa kotse kami nag papark ako sa parking ng mall. Nagpasama kasi sya sakin bumili ng ireregalo nya kay Kuya Chase.

"Baliw na babae? Sino??" Nagtatanggal sya ng seatbelt.

"Si..."

"Sino?"

"Si Camille." Hindi ko alam pero parang nahihiya akong sabihin ang pangalan nya.

"Ahh. Oo, bakit? Minsan ka-chat ko sya sa facebook. Actually, kasama ko sya kahapon."

"Kahapon? Bakit? Saan kayo nagpunta? Bakit hindi ko alam?"

Kumunot ang noo ni Ate Jacquie. Dahil doon napakunot rin ako ng noo. Bakit kailangan kong magtanong??

"Ikaw Jiro ha... May gusto ka kay Camille, no?" Nakangising tanong nya. She even poke me at my waist.

Tinawanan ko sya tsaka lumabas ng sasakyan. Hindi nya ko tinigilan buong pag iikot namin sa mall. Pinipilit nya akong sabihin ko na may gusto ako sa amo ni Pechay.

Ako? Magkakagusto sa baliw na yon? Haha! 

"Aysus! Wala daw. Eh bakit grabe ka maka react kanina? Tsaka bakit mo tinanong kung nakakausap ko pa sya?

"Wala nga! Ang kulit naman eh. Tinanong ko nga kasi para sabihin na wag mo na kinakausap yon."

"Edi ok. Hindi ka rin naman nya type kaya mabuti at wala kang gusto sa kanya. Ayoko naman maging broken hearted ang kapatid ko no." Tinapik nya ko sa balikat tsaka tumawa ng nakakaasar. Pumunta na sya sa cashier para bayaran yung relo na binili nya.

Hindi nya ko type???

Bulag ba sya? Anong hindi katype type sa itsura ko?

Masyado bang mababa ang standards nya para hindi sya magkagusto sakin?

Ano?! Anong problema sakin? Bakit hindi nya ko type?!

"Huy! Ok ka lang? Kanina ka pa kunot noo dyan ah. Tsaka kanina pa ko salita ng salita dito hindi mo ko pinapansin. Anyare sayo?" Pauwi na kami. Nakakainis yung traffic, gusto ko nang makauwi. Badtrip!

"May number ka ba ni Camille?" Nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. Natawa naman si Ate Jac dahil sa tanong ko. Inaasar na naman nya ako na may gusto nga talaga ako kay Camille.

"May sasabihin lang ako. May gusto agad? Ano meron ba?"

"Sabi nya hindi naman daw kayo close eh. Ayaw mo naman daw na kinukulit ka nya, so bakit mo kukunin ang number nya? Umamin ka na kasi, Jiro! Yieeee! Hahaha! Hindi bakla ang kapatid ko! Woohoo!!"

Dahil badtrip ako, hindi ko na lang pinansin ang pang aasar ng kapatid ko. Hindi ko na rin kinuha ang number ni Camille.

Tsk. Hindi pala type ah.

Isang linggo ko syang hindi nakita sa campus pati sa subdivision namin. Ayoko rin syang makita, feeling ko masisira araw ko kapag nakita ko sya.

"Bro! Jog tayo bukas, ano trip mo?" Sigaw ni Dan sakin. Nasa labas kasi ako ng bahay para linisin ang sasakyan ko. Si Dan naman nasa bahay nila.

6 am ang usapan namin ngayon pero hindi pa sya lumalabas ng bahay nila. Napalingon ako sa may kaliwala ko nang may narinig ako na tahol ng aso. Fuck.

Si Pechay kasama ang amo nya. Tumatakbo sila pareho papalapit sakin. Nakatingin ako kay Camille pero hindi sya nakatingin sakin. Yung alaga nyang gulay ang nakatingin sakin habang nakalawit ang dila.

Para akong nanigas nang tumigil sa harap ko si Pechay at naupo. Inaamoy amoy nya ako. Tangina.

Tumigil din sa pagtakbo si Camille. Pawisan sya at may nakapasak na earphone sa tenga nya.

"Ilayo mo nga sakin yang alaga mong gulay."

Tumingin sya sakin ng masama. Inalis nya ang earphone sa tenga nya tsaka nagpunas ng pawis sa mukha nya.

Namumula na naman ang pisngi nya.

"Oh? Bakit ang sama mo makatingin?" Pilit kong nilalabanan ang takot ko sa asong gulay sa harap ko.

"Nakakainis na ah! Bakit ba ang sungit mo lagi sakin?" Kasabay ng pagsigaw nya sakin, tumayo si pechay at kinahulan ako. Damn it!

"Hindi na nga kita pinapansin eh! Bakit hanggang ngayon ang sungit mo pa rin?!" Hindi pa rin tumitigil si pechay. Feeling ko anytime susunggaban ako nito eh. Nakakaramdam na ako ng kaba dahil sa aso na to.

Hindi ako makapagsalita dahil sa aso nya. Shit! Ilayo nyo sakin to, please. Tangina Dan, nasaan ka na ba?!

"Bakla ka ba?!" Napatingin ako kay Camille dahil sa tanong nya.

"Anong sabi mo?"

"Tinatanong ko kung bakla ka! Kung makapagsungit ka dyan, daig mo pa ang babae. Tsaka kung yung dati pa rin ang ikinagagalit mo sakin, matagal na kong nagsorry sayo. Inexplain ko naman kung bakit diba. Ano pa bang problema mo?"

"Gusto mo ba talaga malaman ang sagot sa mga tanong mo?" Tumigil si Pechay sa pagkahol. Umalis rin sya sa harap ko kaya medyo nakakahinga na ako ng maluwag.

"Kaya ko nga tinatanong diba."

"Hindi lahat ng tanong kailangan ng sagot. Minsan alam mo naman na talaga ang sagot. "

"Of course not! Kaya nga nagtatanong kasi hindi alam ang sagot!"

"Okay. Bago ko sagutin ang tanong mo, patunayan mo muna na kailangan lahat ng sagot. Magtatanong ako sayo at kailangan mong sagutin lahat." Natigilan sya. Siguro iniintindi nya pa ang sinabi ko.

"Okay. Sige" She confidently cross her arms.

"Bakit Pechay ang pangalan ng aso mo?"

"Kasi ayoko ng pechay. Ayoko ng gulay. Pero gustong gusto ko ng aso. I hate hating someone or something kaya I named her after something I hate. So meaning I stop hating pechay."

"Crazy."

"Why did you stop approaching me?"

"Because you hate it. And I hate it when you hate me." Parang saglit akong tumigil sa paghinga. I bit my lower lip. I don't like to smile in front of her.

"Bakit sinabi mo sa kapatid ko hindi mo ako type?" Namilog ang mga mata nya. Pati ako ay nagulat sa sarili kong tanong.

"K-kasi... Kasi hindi naman talaga."

"Bakit gusto kong mas makilala ka pa?"

"Bakit gusto kong nakikita ang ngiti mo?" She can't say anything. Pero halata sa mukha nya na hindi nya inaasahan ang tanong ko.

"Bakit gusto kong naririnig ang boses at tawa mo?" She's slowly loosing her grip. Nawawala yung pagiging confident ng tayo nya.

"Bakit na bother ako nung hindi mo na ako pinapansin?"

"Bakit namimiss kita?"

Lumapit ako sa kanya.

Hinawakan ko ang mga kamay nya.

She stiffed. She's cold.

"Can you answer those questions?" Hindi sya umimik. Nakatingin lang sya sakin na parang kinakabahan at hindi alam ang nangyayari.

"Why am I holding you right now?

She shook her head.

I let go her hands.

"Tinatanong kita kasi hindi ko rin alam. Maybe you're right. Fine. Ikaw na ang tama." Sakto naman na lumabas Si Dan.

"Kanina ka pa? Ang sakit kasi ng tyan ko eh. Ano tara?"

" Uy Camille! Nandito ka pala. Sabay kana samin?"

" Ha? H-hindi na. Tapos na ako. S-sige ah. Pech, let's go."

Tumakbo na ulit sya kasama si pechay. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang tumatakbo sya palayo.

Tumakbo kami ni Dan sa kabilang direksyon. Masyado akong occupied. Hindi mawala sa isip ko yung pagtatalo namin ni Camille. Hindi mawala sa isip ko yung unti unting pagpula ng pisngi nya at pagiging off guard.

May gusto ka kay Camille 'no?

Napatigil ako sa pagtakbo.

"Bakit bro?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Dan. Tumakbo ako papunta sa Strawberry street kahit hindi ko alam ang dahilan. Bigla na lang gusto pumunta ng mga paa ko sa lugar na yon.

Tinatawag ako ni Dan at alam kong nakasunod sya sakin.

Damn it!

Mukang ako ang tama.

Nakita ko si Camille na nakaupo sa gater kasama si Pechay.

I stop running. Ilang metro ang layo ko sa kanya kaya hindi nya pa ako nakikita.

Hinihimas nya si Pechay. Hindi sya nakangiti. Parang ang lalim ng iniisip nya.

Nagulat ako ng biglang tumingin si Pechay sakin at tumakbo papalapit sakin. Tinawag sya ni Camille kaya nakita na rin nya ko. Hindi nya lumapit sakin. Nanatili lang sya sa pwesto nya habang nakatingin sakin.

"Mali ka!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ako makakilos dahil sa gulay na naka tingin sakin.

"May mga tanong na alam mo naman ang sagot pero gusto mo pa rin itanong."

"Alam ko lahat ng sagot sa tanong ko sayo kanina."

Shit. Nauubusan na ako ng sasabihin. 

Bakit ba kasi ako nagpunta dito?

Napatingin ako kay pechay na nakahiga sa may paanan ko.

Napalunok ako. Bakit ba lapit ng lapit sakin to? Hindi ba nya nararamdaman na ayoko sa kanya?!

"I - I"

" Jiro!" Napalingon ako dahil sa tawag ni Dan.

Crap! Pambihira ka talaga!

Hindi ko na pinagpatuloy ang sasabihin ko. Siguro alam na rin nya yon. Naintindihan naman nya siguro.

Dahan dahan akong naglakad palayo kay pechay tapos hinatak ko na si Dan palayo sa lugar na yon.

Palihim kong kinuha ang number ni Camille sa phone ni ate. Sinabi ko sa kanya na patext ako kasi naubusan ako ng load pero ang totoo hinanap ko sa contacts nya ang number ni Camille.

I called her right away after kong makuha ang number nya.

"Hello?"

"Hello."

"Sino 'to?" Tanong nya. Pero sa tono ng boses nya alam kong may hinala na sya na ako ang kausap nya.

"Jog tayo bukas. Pwede ka ba?"

"Ha? Sino ka ba kasi?"

"O kaya sabay na tayo pumasok bukas. Sunduin kita?"

"Bakit mo naman ako susunduin, Jiro?"

"Hahahaha! See. Tama ako diba? May mga tanong na alam mo naman talaga ang sagot."

"Oo na. So paano mo na lang nalaman ang number ko?" naririnig ko ang mga ngiti nya. Posible ba yon?

"Kinuha ko kay ate. Mag jo-jogging ka ba bukas?"

"Hindi. Maaga ang class ko bukas, 6:30 aalis na ako ng bahay."

"Haha. Ok. Copy."

"Bakit ka tumawa?"

"Wala lang. Masama ba tumawa?"




Lumabas na sya nga bahay nila sa wakas! Tumingin ako sa relo ko at 15 minutes syang late. 6:45 na. Tsk.

"A-anong ginagawa mo dito?" Umalis ako sa pagkakasandal ko sa kotse tsaka umikot sa kabila para buksan ang pinto.

"Sumakay ka na. 15 minutes akong naghintay dito. Malalate ka na." kumunot ang noo nya pero nakangiti sya.

Hindi sya kumilos kaya nilapitan ko sya at kinuha ang mga gamit nya. Hinawakan ko rin sya sa kamay para hatakin palapit ng sasakyan ko.


"Bakit nga Jiro? Ano to?" Kanina pa nya ko kinukulit habang nasa byahe kami. She kept on asking me why am I doing this. 


"Alam mo naman kung bakit." Tumingin ako sa kanya. She crossed her arms and rolled her eyes on me. 


Every other day kaming sabay pumasok. Yun lang kasi yung araw na medyo magkalapit ang schedule namin. Every weekends naman sabay kaming mag jogging kasama si pechay. Ayoko man pero wala akong magawa dahil lagi nyang kasama ang aso nya. May time na gusto ko na lang tumakbo dahil sa paglapit sakin ng aso nya pero tinitiis ko na lang. Madalas ko na rin syang tawagan at i-text. 


Pinag uusapan na kami sa school. May nagsasabi na iba na raw ang girlfriend ko. Curious sila kung bakit kami naghiwalay. Hindi nila alam kapatid ko yung akala nilang girlfriend ko. 


"Anong nakita sayo ni Jiro?" Napatigil ako sa paglalakad papunta sa room nila Camille. 


"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Camille. 


"Bakit ikaw? Anong meron sayo? I can't see anything special on you! Bakit ka nya naging girlfriend?!" She seems annoyed. Tumataas na ang boses nya. Pupuntahan ko na sana sila pero may kung anong pumigil sakin dahil sa sagot nya. 


"Girlfriend?? I'm not his girlfriend. Magkaibigan lang kami." 


Magkaibigan lang kami? 


Narinig kong tumawa yung babaeng kausap nya. 


Lumapit ako sa kanila. Natigilan silang lahat sa pag uusap noong nakita nila ako. 


"Camille, let's go." Hinawakan ko sya sa braso pero pumiglas sya. I was taken aback. Parang may pumiga sa puso ko dahil sa ginawa  nya. Nauna syang lumabas ng room at hindi ako  hinintay. Sumunod ako sa kanya, tinatawag ko sya pero hindi nya ako pinapansin. 


"Camille! Ano ba?" I grabbed her arm to stop her. Masama nya akong tiningnan. It broke my heart to see her eyes like that. 


"Jiro tama na! Nahihirapan na ko sa sitwasyon na to!" 


"What?" Unti unting nababasa ang mga mata nya.


"You're causing too much misunderstandings! Hindi ko na alam kung paano ko dedepensahan ang sarili ko." Pumiglas sya sa hawak ko tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko sya nagawang sundan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya. 


Misunderstanding? 


Fuck. 


Isang linggo na after akong iwasan sa ere ni Camille. Hindi nya sinasagot ang mga tawag at text ko. Hindi ko pa sya nakikita sa subdivision o sa campus. Kapag talaga ayaw magpakita, hindi mo makikita kahit anong hanap ang gawin mo. Hindi ko matanong si At Jac dahil panigurado kung ano na naman ang sasabihin at itatanong nya.


Ako pa ba to? 


***


"Ughhhh.. Nababaliw na ko." Pagulong gulong ako sa kama ko. Ayaw pa rin akong kausapin ni Camille. Pinuntahan ko sya kanina sa bahay nila pero sabi ng katulong nila natutulog daw. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ulit sya. 


"Please... please... sagutin mo na please..." Wala. Ayaw nya pa rin sagutin. Bumangon ako sa kama at agad na nag bike papunta sa bahay nila. Tinext ko sya na nasa tapat ako ng bahay nila. 


Hindi ako aalis hangga't hindi mo ko nilalabas. 


Nakatingin ako sa may binta ng kwarto nya. Nakita ko kanina na sumilip sya kaya alam kong nasa loob sya. 


Please. Mag usap tayo.


After awhile, lumabas na sya sa bahay nila. Agad akong tumayo sa pagkakaupo sa gutter sa tapat ng bahay nila. 


"Camille!" I can't stop myself from hugging her. She didn't hug me back. I don't care. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. 


This is not me. I am now doing crazy things; saying crazy phrases. I think I'm already crazy. 


I unhugged her to see her face. 


"God, I missed you! Namiss ko ang siopao mong pisngi. Yung tawa mo, yung ngiti mo, yung boses mo. I missed everything about you, Camille." 


"Bakit?" Natigilan ako sa tanong nya. She's looking at me intently. 


"Alam mo naman yung sagot eh." Mahina kong sabi sa kanya. Tinabig nya ang kamay ko na nakahawak sa balikat nya at agad na tumalikod sakin at nagbadyang papasok ng gate nila. 


"Kasi gusto kita!"


She stopped walking. Nakatalikod  sya sakin.


"Hindi ko alam kung gaano. Konting gusto, tamang gusto, gustong gusto... Hindi ko alam."


Hindi pa rin sya kumikibo. 


Huminga ako ng malalim. 

"I never liked anyone..." 



"Ikaw pa lang." 


Yumuko ako dahil sa hiya na biglang pumasok sa sistema ko. Ano Jiro? Anong nangyayari sayo? Nag angat ako ng tingin at nakita ko na nakatingin sya sakin habang nakangiti. Para akong binunutan ng tinik sa puso dahil sa mga ngiti nya sakin.  


"I'm not used to it. I know na hindi ka papayag na maging girlfriend ko agad kasi hindi mo ako type." She chuckled. 


"So... Iba na lang ang itatanong ko." 


"Ano?" Nakangiti nyang tanong. 


"Can I court you?" 


"Hmm..." She gaze upward na para bang nag iisip ng isasagot. She tilt her head then smile at me. 


"Ano? Payag ka ba?" 


"Alam mo naman ang sagot eh." Natatawang sagot nya sakin.


Napahilamos ako ng mukha dahil sa pang aasar nya. Ganito pala yung pakiramdam. Nakakafrustrate mag assume na pareho kayo ng takbo ng isip. Wala sagot. Walang kasiguraduhan. Naka-hang. 


"Fine. Talo na ko. Lahat ng tanong kailangan ng sagot. Kahit na minsan alam mo naman talaga ang sagot, gusto mo pa rin malaman kung tama nga ba ang alam mo. Now, I'm sorry. Sorry kung hindi ko agad nilinaw yung nararamdaman ko para sayo. I promise to answer all your questions. I will never give you doubts and misunderstandings. "


"Talaga?" I nod. 


"This is not so you, Jiro. Suplado ka. Ayaw mo ng atensyon ng mga babae, ayaw mo ng cheesy lines, ayaw mo sakin.. And now you're telling me that you like me and you even want to court me. Why?"


"I don't know. I just realized that I like you. "


"When?" 


"Uhhm.. I - I don't know."  Tumawa na naman sya. Pinagtitripan ba ko nitong baliw na babae na to na may alagang gulay? 


"Okay."  


"Anong okay?"


"You know what I mean, Jiro."


Damn! This is so frustrating! 


"No! Hindi ko alam! Sagutin mo naman ako oh." 


"Oo na. Payag na ko."


.

.

.

.

.

.


- End. 


Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

117K 4.8K 77
Brook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love...
5.6K 397 11
It's really weird for Cassiopeia at first having a feelings for a gay guy. Oliver Wilson, who she meant. She knows him since then, she have a crush o...
10.7K 373 42
UNICORN SERIES#1 (COMPLETED) This story is about a gay who firmly believes that he will never fall in love with a girl but everything changes when he...
10.6K 574 57
Kristina Love Aquino. A successful woman, well-known as the Queen of All Media of the Philippines and a great mother to her two sons. However, when h...