If we fall in-luv

By SirIncredible

26.1K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis More

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 36

543 1 0
By SirIncredible

Hatinggabi.

Sa kahimbingan ng mga residente sa squatter's area ay madarama ang panatag na paligid.

Mga nagsipaghilikang lasenggero't lasengga sa mga kanto, mga ipinahingang bibig ng mga tsismosa, mga binabaeng kasiping na sa kanilang higaan ang mga katropa, mga batang napagod sa kakalaro ng piko at habulan sa kalye, mga nahilong rugby boys, mga dayo na nagpalipas ng gabi sa kani-kanilang pinuntahan pagkatapos magbabad sa videoke, mga magsisipagbangon sa maagang umaga upang magluto nang pang-turu-turo, mga ordinaryong residente at kung sinu-sino pang tao. Sa kabila ng madilim na kalye at pundidong mga street light, ito na ang tipikal na oras ng pagdedeliver ng mga produktong gatas sa mga piling probinsiya, liblib na lugar at ilang tindahan.

"Leader! mukhang milyon na naman ang halaga ng mga ito ah!", banggit ng pandak na panot na alalay habang naglilipat ng mga nirepak na gatas sa kanilang truck na nakaparada sa dulong labasan

"Shhh... Wak ka na lang ingay diyan... baka may makarinik! Sige... pasok lang!", wika ng lider na natatakpan ng anino ng bubong sa kapitbahay ang mukha sa labasan

"Ah! Leader... mauubos na po stock natin sa loob, kailan ba ulit ang ating package galing China?", medyo malakas na tinig ng isa pang alalay

"Shhh... Basta, lapit na rin! Hintay ko lang go signal ni Milky Man..."

"Ayos! Tsaka sana ay makabalik na rin si Milky Man dito nuh! Excited na ako sa pasalubong niyang Jordan Shoes sa akin na size 9!", banggit ng payat na alalay

"Hala... gaya-gaya ka rin nuh! yun din pala ang sinabi mo kay Milky Man? Jordan Shoes din gusto ko eh!", sambit ng panot

"Hoy...", dagdag ng payat habang buhat sa balikat ang isang kahong gatas, "Ako kaya ang unang tinanong nung pogi na yun! Ikaw kaya ang gaya-gaya! paglaki buwaya..."

"Wehhh? utot nito... Hindi pa dumadalaw sa atin si Milky Man nun, nasabi ko na yun sa kanya! Palibhasa kasi mas kyut ako kaysa sa'yo kaya ganyan ka kung mainggit sa akin!", galit na sambit ng panot pagkatapos ilapag ang ilang paraphernalia sa loob ng truck

Nang maulinigan ng isa pang alalay ay mabilis na ibinagsak nito ang mga bitbit na plastik sa kalsada at naghamon, "Eh Tarantado ka pala! Suntukan na lang oh nang magkaalaman na kung sino ang 'Cutest Fighter of the Year' oh... oh..."

"Oh siya! Kung yan ang gusto mo...", sambit ng isa at mag-aastang UFC Fighter

Magpapagitna ang misteryosong lider at sisigaw... "Ting!!!"

Magugulat ang dalawang alalay at hihinto.
"Bakit Leader? ano po bang naiisip niyo?", banggit ng payat at babatukan ang dalawa ng lider

"Mga gunggong!!! 'Ting' Chinese yun... ibig sabihin, tigil! stop! hinto! wak na tuloy away niyo kasi baka abutan tayo ng araw dito at mahuli pa ang pagdeliver ng mga produkto! Hala! Sige at tapusin na iyan nang makapagpahinga na rin ako opisina ko! Haaaay!", inis na wika ng lider sabay alis sa dalawa para pumasok sa bodega

"Ikaw kasi eh!", pabulong na sambit ng panot sa kasama at tinatambakan na rin ng mga basket-basket ng prutas ang ibabaw ng mga kahon upang hindi mahalata kapag may checkpoint

"Alam mo namang hindi ko kayang gawin yun sa'yo partner kasi loves na loves kita... Chup! Chup!", malambot na banggit ng payat sa kasama at magyayakapan with 'tears of joy' ang dalawa.

Maghuhugas ng kamay ang payat na alalay sa gilid ng kalye na may tubo ng tubig na tumatagas. Pinahid niya ang nabasang kamay sa likod ng kanyang pantalon at umakyat sa silyahan ng truck katabi ng drayber na panot na kinadena na rin ang likurang bahagi.

"Let's get it on!", sambit ng payat na alalay pagkatapos ikabit ang seatbelt at paandarin ng panot ang truck na mag-iiwan ng makapal na usok galing sa tambutso.

Mabagal na nagmaneho ang drayber na masinsinang tinitignan ang paligid sa mga mapanghinalang elemento. Walang mga  tambay sa daan... ang mga aso ay sige sa pagkahol  habang dumaraan ang truck. Ang mga pusang tumatawid sa kalye ay agad nagsisipagtalunan upang kumain ng mga pagpag sa basurahan.

Maalinsangan din ang amoy ng kabilang bakanteng lote dahil sa pinagtatapunang plastik at ginagawang palikuran ng mga residente. Biglang maaapakan naman ng panot ang preno nang magulat sa makikitang tarpaulin sa harapan ng isang paupahang gusali.

AHHHHHH!



"Ay! buwiset naman oh! Ano bang nangyari?", naiinis na sambit ng payat pagkatapos mayugyog ang upuan

"Tsong! basahin mo yun oh!", kalabit ng panot at ituturo ang nasa harapan nila na nasisinagan ng headlight at makikita ang poster ng isang babaeng singer at date ng CD Tour:

MARY LUDOVICE, LIVE @ SITIO BARTOLOME II COVERED COURT

"Oh... in fairness, maganda siya ah!", sambit ng payat nang makita

"Hindi... Hindi mo ba yan kilala?", tanong ng panot na drayber

"Ayan oh! May pangalan sa ibaba... basahin mo na lang!"

"Hindi... magaling yan kumanta!"

"Malamang... eh singer nga di ba? Tapos may CD Tour pa! Alangan namang dancer"

"Ano ka ba! Idol ko itong babaeng ito na mataas talaga bumirit tapos nung madiscover sa isang competition sa isang mall, kinuha ng producer sa kanyang studio tapos..."

"Tapos... pinakanta siya at ginawan na rin ng album?!", gulat na sambit ng payat sa tabi

"Oo!...", masayang banggit ng panot, "So, kilala mo na nga siya?"

"Hi... hindi pa rin eh! Pero dahil sa sinabi mo, sige... panuorin natin! Tandaan mo na lang ang date!"

"Yes! at makapagpa-autograph na rin sa covered court... Masaya 'to!", banggit ng panot at pinaabante muli ang truck.

Lumiko sila sa kanan papunta sa may highway nang biglang mapatigil ilang metro mula sa Arko ng baryo.

"Uy! Siyete!", titingin ang drayber sa malapit na side mirror at hahampasin ang manibela, "Na- flatan pa tayo!"

"Anooooo? Paano na tayo niyan? Patay tayo kay Leader nito!", sambit ng payat

"Ah... Kapag minalas ka nga naman...", banggit ng panot na bababa mula sa kinauupuan at magtutungo sa kaliwang gulong ng sasakyan

"Pumutok na ang gulong dahil sa sobrang luma at sobrang nipis ng covering... Made In China kasi! Ayyy!", dagdag ng panot pagkatapos i-check ang nasira at sipain ang gilid ng truck

"Wa... wala ba tayong mahahanapan ng gulong dito?", tanong ng kabababa lamang na kasama

"Naku! Malayo pa naman... nasa isang kilometro pa rito ang 'Tire and Mechanic Supplies' eh... Sa pagliwanag pa yun magbubukas. Ano ba naman yan?!"

"Teka...", gusot na mukhang sambit ng payat sa kasama, "May.... ahh! huh!"

"Oh! B... bakit?", pangambang banggit ng panot habang inaalalayan ang pinagpapawisan na kasama, "Anong nangyayari sa'yo?"

"Na... Na-jejebs na ako!!!", sigaw ng payat na bibitaw sa pagkakahawak sa kasama at pupunta sa likod ng tabing puno ng saging

"Yuck Partner! Kaya pala utut ka ng utot sa bodega kanina!", banggit ng panot na mapapansin ang pagtutok sa kanila ng maliwanag na flashlight mula sa arko. Titignan niya ito mula sa malayo na ang suot ay nakaputing t-shirt. Pupuntahan niya ito ngunit agad na may hihila sa kanya mula sa madilim na parte ng nakaparadang truck at kakausapin.

"Huwag kang pupunta! Mga parak yun", mahinang boses na wika ng isang lalaking tambay sa kanto

"Parak??? Bakit? Papaano? Kailan pa sila nakamasid diyan?", usisa ng panot

"Ang dami mo namang tanong! Isa-isa lang tsong!", wika ng puyat  na tambay

"Bakit may mga pulis sa sitio?", mahinang tanong ng panot

"Hindi ko pa alam sa ngayon pero ganyan! Ganyan na ganyan ang nangyari sa amin dito noong isang taon na nagmamasid at nagbabantay sila sa paligid... Sa buong lugar upang magkaroon ng survey... ng plano!"

"Survey?", sabi ng panot, "Eh di ba papel na sasagutan yun?"

"Ibang survey... check up! Titingnan nila kung paano umasta ang mga tao rito... kung ano ang mga ginagawa... at ang mabusising inspeksiyon ng inilalabas-pasok ng mga sasakyan na magagamit panglaban sa gagawin nilang demolisyon! Yung parang lugar na nasasaklaw ng Martial Law!"

"Hahh? Demolisyon? Uli?"

"Oo! Hindi kasi natuloy ang demolisyon dati dahil pinagbabato namin sila ng masasakit na bagay... pero nung natapos ang TRO ng Regional Trial Court, ewan ko baka ituloy na talaga nila ito kahit masawi pa ang marami sa atin dito!"

"Teka... hindi... malinaw sa amin!", banggit ng panot at magpi-freeze

"Basta... Mag-iingat na lamang kayo!", huling salita ng tambay na pa-back flip na pupunta sa sariling bahay. Ilang segundo pa'y lilitaw ang kasamang payat.

"Oh! Parang na-stroke ka diyan?", tanong ng payat na nagpagpag ng kamay sa likuran ng trak. Biglang gagalaw ang panot at mabilis na aalis sa lugar, "Teka... teka, paano ito?"

"Babalikan na lang natin yang trak! Mas kailangan natin ngayong makausap si Leader!"






Pagbalik ng dalawang alalay sa bodega ay mapapansing mahimbing sa pagtulog ang lider. Makailang yugyog ang gagawin nila... may pagsigaw pero hindi pa rin babangon. May pagbagsak ng kaldero, pagpitik sa tenga at pagkiliti sa mga bahagi ng katawan ngunit hindi pa rin ito magising. Hanggang sa kumuha ng isang basong mainit na tubig ang panot at ibubuhos sana sa na-aaninuhang mukha ng lider nang bigla itong dumilat at magsalita.

"Hoy! Init yan! Baka gusto mo buhos ko yan mukha mo!", sabi ng lider

"Ay! Pasensiya na po... may malaki po kasi tayong problema!', banggit ng panot

"Ano?", tanong ng lider at titingin sa wall clock, "Aga pa ah!"

"Leader... Punung-puno po ng pulis ang paligid ng Sitio Bartolome Uno ngayon! Masyadong delikado kung magbibiyahe tayo at na-flatan pa kami ng gulong! May balita pa pong itutuloy na ang demolisyon dito sa mga susunod na araw!", dagdag ng panot

"Ganun ba? Kailangan na nating kumilos agad! Kailangan natin gawa bangka!!!"
















"Bangka po?", tanong ng payat na alalay at mag-iisip, "Para saan kaya yun?!"


Continue Reading

You'll Also Like

41.1M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...