Rebel's Heart

By isntshebel

972 67 202

Siena Ann Macaranas is done with being the school's infamous troublemaker, or at least, she's trying. She's d... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24

Kabanata 25

9 2 3
By isntshebel

Kabanata 25

Malamlam ang liwanag ng poste ng ilaw, pero sapat na iyon upang makilala ko ang pamilyar na pigura ni Sean. Saglit ko pa siyang pinagmasdan, bago sinarado ang pinto at nagsimulang maglakad palapit sa kaniya.

Niyapos ko ang aking sarili nang dumampi ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat.

Nakahilig siya sa kotse at bahagyang nakayuko ang kaniyang ulo na parang may malalim siyang iniisip.

As I got closer, his head lifted. His eyes found mine almost immediately.

"Anong ginagawa mo rito? Gabi na."

Hindi siya nagsalita agad. Instead, he stared at me for a few seconds. His gaze moved over my face as if he were making sure I was actually standing here in front of him.

"I was hoping I would see you," he replied.

Kumunot ang noo ko. "Bakit? May problema ba, Sean?"

Umayos siya ng tayo at napailing. "Gusto lang kitang makita," sagot niya, pero may kung anong lungkot at pag-aalala ang kaniyang mga mata.

"Gusto mo akong makita nang ganitong oras?" Hindi ko napigilang mapangiti.

"Gusto kitang makita araw-araw, oras-oras, pero ngayon lang ako hindi nakapagpigil na h'wag kang puntahan," pag-amin niya.

My heart began pounding against my chest.

Napalunok ako at napalingon sa bahay.

"Uhm... gusto mo bang pumasok sa loob?"

Inabot niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Malamig ang kaniyang palad at bahagyang nanginginig ang kaniyang kamay.

"Sabihin mo sa akin kung anong bumabagabag sa 'yo, Sean," wika ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata.

"Hindi ako karapat-dapat para sa 'yo, Siena," aniya.

"Ano bang sinasabi mo?"

"You deserve someone else. You deserve someone who can give you certainty. And, I haven't been that person."

I felt my throat tighten.

"Alam kong nasaktan kita. Pero, umasa pa rin ako na 'pag balik ko, naghihintay ka. Ang kapal ng mukha ko, 'no?" mahina siyang tumawa, bago mapait na ngumiti.

"Sean..."

"I know I don't deserve another chance. But, I just missed you. I missed you so much that it started hurting."

My lips parted when his eyes glistened.

"Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako. I don't know if you still feel anything for me. Pero, kung papayagan mo... hayaan mo akong mahalin ka."

Hindi ako nakapagsalita. Nangilid ang luha sa aking mga mata, at bahagyang nanginig ang ibabang labi ko habang pilit na pinipigilan ang sariling hindi maiyak.

"Mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko. At hindi na ako matatakot na ipaglaban kung ano ang nararamdaman ko para sa 'yo. Sa pagkakataong ito, ikaw ang pinipili ko." His voice became softer.

I reached for his face. The moment my fingers touched his skin, his eyes widened, as if he hadn't expected me to touch him after everything he had just confessed.

I gently brushed my thrumb across his face.

"You said I deserve someone else. Someone who will give me certainty."

He nodded. His expression softened, but I could see the pain behind his eyes.

"I want that someone to be you. I want it to be you, Sean," I admitted.

His eyes filled with tears. "Pagkatapos ng mga nagawa ko?"

Tumango ako. "Oo. Pagkatapos ng lahat, pinapatawad na kita."

My thumb gently wiped away the tear that had escaped down his cheek.

"So if you're asking me whether I still want you..." I swallowed as my heart ached with everything I had been too afraid to say. "I do. Gusto pa rin kita, Sean."

His hand covered mine against his cheek. He closed his eyes, and a broken, shaky breath escaped him. When he opened them again, he looked at me with sadness.

"Would you still feel the same about me..." his voice faltered. "If I had nothing to offer except my love?"

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

Napayuko siya. "Ang dahilan kung bakit nawala ako ng dalawang buwan ay dahil namatay si Dad."

Natigilan ako. "A-ano? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"I couldn't tell you. I wanted to, but couldn't. Every time I thought about talking to you, I kept thinking that I had no right to bring you into all of that."

"Dapat sinabi mo sa 'kin," bulong ko nang may kasamang pagsisisi.

Naalala ko iyong mga araw na kinamuhian ko siya dahil hindi man lang siya tumatawag o nagpaparamdam. Nagalit ako, nasaktan, at pinaniwala ang aking sarili na wala siyang pakialam sa akin. Hindi ko alam na habang abala ako sa pagkamuhi sa kaniya, may matindi pala siyang pinagdadaanan.

Umiling siya. "Mapapahamak ka kapag ginawa ko 'yon."

Kumunot ang noo ko.

"After Dad died, I couldn't just leave. I had to stay behind and take care of everything he left me with."

"Naguguluhan ako Sean. Anong koneksyon ng pagkawala ng Daddy mo sa tanong mo kung tatanggapin kita kahit wala kang ibang maibibigay sa akin kundi ang pagmamahal mo?"

Isang mabigat na buntong-hininga ang kumawala sa kaniya. "Naalala mo ba ang kwento ko tungkol sa stepmother ko?"

Tumango ako.

"She wanted everything Dad had left behind, at alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. And I was afraid that if she discovered how much you meant to me, she'd use you as a way to get to me."

Bumuka ang bibig ko at napatitig na lang sa kaniya.

"And that's why I asked if you'd still want me if I had nothing to offer you." His fingers gently intertwined with mine. "Because there's a chance I could lose everything."

He is willing to lose everything because he can't bear the thought of me getting hurt. Gano'n ako kahalaga sa kaniya? Am I really worth risking everything for?

Kaya ko ba siyang panoorin na isuko ang lahat para lang sa kaligtasan ako? He may be willing to sacrifice everything for me, but I can't let him lose it all just to keep me safe. Dahil sa huli, kung ang kaligtasan ko ang kapalit ng lahat ng meron siya, iyon ba talaga ang gusto ko?

Pinisil ko ang kaniyang kamay.

"Sean, hindi mo kailangan magsakripisyo para sa akin."

Nagsalubong ang kaniyang kilay.

"Karapatan mong makuha ang iniwan sa iyo ng Daddy mo. At kung ako ang magiging hadlang upang mangyari iyon, mas mabuti kung... lalayuan kita."

His brow furrowed. "What? Siena, we just made up. Ngayon gusto mong layuan na naman ako? Ayoko, hindi ako papayag."

"Sean, gusto ko lang ang makabubuti sa iyo."

"Makabubuti sa akin?" He let out a bitter laugh. "By walking away from me?"

"Gusto kong maintindihan mo ang posibleng mangyari 'pag pinili mo ako."

"I finally got you back, and now you're asking me to let you go because you think you're doing me a favor?"

"I don't want you to lose everything because of me."

"I don't care!" he barked. "Do you think I care about the money? I care about you."

"Iniisip ko lang ang kinabukasan mo, Sean."

"And what good is that future if you're not in it?" Binitiwan niya ako.

Natahimik ako.

He ran a hand through his hair, clearly trying to calm himself, but the frustration was still written all over his face.

"You keep telling me what's good for me, but you never ask what I want."

"Ginagawa ko lang 'to dahil mahalaga ka sa akin, Sean."

"And I'm not letting you go because I love you," he replied.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. "Anong gusto mong gawin ko? Hayaan kang sirain ang kinabukasan mo?"

"I'm asking you to stay beside me while I figure things out, Siena."

"Paano kung gamitin nga ako ng stepmother mo tulad ng sabi mo?"

His expression hardened. "Then she'll have to get through me first."

Nailing ako. "You don't understand how serious this is."

"And you don't understand how serious I am about you."

He leaned down and kissed me. It wasn't gentle. It was brief and desperate. When he pulled away, his forehead rested against mine for a moment.

"Mahal kita, Siena," bulong niya. "And I'm not going to let you decide that I'm better off without you. You don't get to make that choice for me."

"Sean..."

He shook his head and turned away. He walked toward his car before I could stop him. He opened the driver's door and paused for a moment.

"Magpahinga ka na, Siena. Mag-usap na lang tayo bukas."

He got into the car and started the engine. I stood there helplessly as he drove away.

Napabuntong-hininga ako at pumasok na sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto ni Chennie at naupo sa gilid ng kama niya.

Mahimbing na siyang natutulog. Napatulala na lang ako sa kawalan.

Hindi ko lubusang kilala ang madrasta ni Sean, pero hindi ko mapigilan ang galit na unti-unting namumuo sa dibdib ko.

"Anong gagawin ko, Chen?" bulong ko.

Nakatulog ako sa tabi ni Chennie. Naalimpungatan na lamang ako ng maramdaman ko ang mahinang yugyog sa aking balikat.

Napamulat ako at nakita ang mukha ni Lucas.

"Aalis na kami, Siena," aniya habang nagsusuot ng jacket.

"Anong oras na ba?" Napatingin ako sa bintana at nakita ang liwanag na sumisilip doon.

"Alas sais pa lang."

Pumasok si Catherine sa kwarto at lumapit sa natutulog na si Chennie. Hinaplos niya ang leeg nito, bago bumaling sa akin.

"Mabuti na lang bumaba na ang lagnat niya. Sorry, I really have to go home."

Bumangon ako. "Ayos lang, Cath. Dapat nga kagabi pa kayo nakauwi. Thank you sa pag-stay."

"Bumili kami ni Lucas ng pagkain kanina. Kumain ka, baka ikaw naman ang magkasakit."

Maliit akong ngumiti at hinatid sila sa pinto.

"Tawagan mo lang kami kung may kailangan pa kayo," wika ni Catherine bago sumakay sa kotse.

Tinapik naman ni Lucas ang balikat ko. "Hindi ba dumating si Tito Deo kagabi?" tanong niya.

"Hindi. Bakit?"

Napailing siya. "Wala. Naalimpungatan kasi ako kagabi, may narinig akong sasakyan. Akala ko siya na."

"Ah, gano'n ba?" ang tangi kong nasabi.

Napasandal ako sa hamba ng pinto habang nakatingin sa papalayong sasakyan. Isasara ko na sana ang pinto, pero may nakapukaw ng atensiyon ko.

Isang babae ang nakatayo sa harap ng dating nasunog naming bahay. Nakatitig siya roon na para bang may inaalala siya.

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa loob ng bahay. Partikular, sa kwarto ni Chennie.

Anong ginagawa niya rito?!

Napaisip ako kung lalapitan ko ba siya o iignorahin. Pero, huli na, dahil nakita niya na ako.

Hinila ko pasarado ang pinto nang lumakad siya palapit sa bahay. Mahigpit kong hinawakan ang doorknob habang nakatingin sa kaniya.

Pilit siyang ngumiti sa akin nang makalapit.

Halos tatlong taon na ang lumipas, pero wala pa ring pinagbago ang kaniyang ganda. Kasing puti pa rin ng nyebe ang kaniyang balat at kapansin-pansin pa rin ang kulay abo niyang mga mata.

"Siena, andyan ba si Chennie?" tanong niya.

Nagsalubong ang kilay ko. "Tita Vicky, anong ginagawa niyo rito?" tanong ko, sa halip na sagutin siya.

It's been three years, bakit bigla siyang nagpakita ngayon? Anong kailangan niya?

"Andyan ba si Chennie?" ignora niya sa tanong ko. "I need to talk to her."

Humarang ako sa pinto nang subukan niyang pumasok. Nakakunot ang noo siyang tumingin sa akin.

"Ayoko pong maging bastos, pero alam kong hindi ka gustong makita ni Chennie."

"Kailangan ko lang siyang makausap. Kahit limang minuto lang, bago dumating si Deo."

"Paano niyo nalamang wala rito si Tito Deo?"

"You don't have to know," saad niya at sinubukan akong itulak pero hindi ako nagpatinag.

"May sakit si Chennie ngayon. At sa palagay ko, hindi makabubuti sa kaniya kung bigla na lang kayong papasok sa silid niya pagkatapos niyong mawala ng tatlong taon."

She gritted her teeth. "I am still her mother. May karapatan akong makausap ang anak ko."

"Ina pa rin ba ang tawag sa iyo pagkatapos mo siyang iwanan? Anong klase kang ina-"

Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil tumama na ang palad niya sa mukha ko. Napaling ang mukha ko sa lakas ng sampal niya. Saglit akong natigilan, nanlaki ang mga mata habang unti-unting kumalat ang hapdi sa pisngi ko.

Malalim siyang napabuntong-hininga habang hawak ang palad. "Babalik na lang ako sa susunod na araw," wika niya at nakataas ang noong umalis.

Hinawakan ko ang pisngi ko at napapikit. Kumirot iyon, pero mas masakit ang katotohanang pagkatapos ng tatlong taon, wala man lang siyang pinakitang pagsisisi. Bakit siya bumalik pagkatapos ng ilang taon? Anong kailangan niya kay Chennie?

Continue Reading

You'll Also Like

425 36 7
"Some love stories don't start with grand confessions... They begin with stolen glances, scribbled punishments, and laughter echoing in classrooms." ...
159 10 15
Ambel Burn has always been one to be alone, romance not really her thing. But the summer before her third year in college she meets the guy of her d...
125 0 13
When the top student fall in love with one of the boys at the back. Sera was the top student madalas nga lang haha. May katarantaduhan kasi rin tong...
96 6 1
Just a simple story. A junior see an intriguing senior, seeks everywhere for his identity, dig every hole to know more about him, falls head over hee...
Wattpad App - Unlock exclusive features