One Shots

By raingeremillo

334K 4.1K 939

This is a compilation of short stories. Kung wala ka sa mood magbasa ng novel or busy ka or kailangan mo ng p... More

Katahimikan
Jiro
Vandalism
The Road Not Taken
Count 1 to 10
Just A Day
Just Another Day
MY FIRST
Happy New Year
Her
Birthday Gift
Akin ka lang! Umepal paslang!!
New Compilation

Even Though

5.7K 122 33
By raingeremillo



"Paano ba ang magmahaaaaaaal??! Palagi bang nasasaktaaaaaan!!

Umiiyak na lang palagi... Gusto ko nang LUMISAAAAN!

"Paano ba magMAHAAAAAAAAL!!!!"


"Ano ba Jacquie?!" Hinablot ni Chase ang earphone ko.  Walangya naman oh! Damang dama ko na yung kanta eh! 


 Si Chase, kaibigan ko. Kababata. 



"Ang ingay mo kaya! Hindi mo ba alam na halos sumisigaw ka na? Akala mo naman ang ganda ng boses mo, eh wala ka nga sa tono!"


"Broken hearted ako! Wala kang pake kung kumanta ako ng kumanta na wala sa tono! Kainis! Leche! Dyan ka na nga! Gawin mo mag isa yang project mo!" Kinuha ko yung earphone ko na nalaglag dahil bigla nyang tinanggal sa tenga ko after nya akong batukan. Inirapan ko sya tsaka nagwalk out.


Nakita kong medyo natigilan sya sa sinabi ko pero sobrang badtrip na ko para intindihin pa sya. Bwiset! Leche kasi eh! Ang kapal ng mukha ni Gino na i-two time ako! For pete's sake, 6 months kami ni Gino at hindi ko na alam kung kelan pa sya nag simulang lokohin ako! At kahapon ko lang nakumpira na may iba pa sya. Nakipag break ako sa kanya pero hindi ko pa nasasabi kay Chase ang tungkol dito kasi ang unang bungad nya sakin eh tulungan ko sya sa project nya! Tapos ano? Binatukan pa nya ko at nilait pa ang boses ko!


Tuloy tuloy lang ako sa paglabas ng bahay nila, buti na lang at walang tao sa sala nila. Gusto kong umiyak sa sobrang inis kay Chase! Oo kay Chase, hindi dahil sa hinayupak kong ex boyfriend. He doesn't deserve my tears!


"Jacquie! Teka lang!" Rinig kong sigaw ni Chase. Nasa may pinto na nila ako. Binuksan ko ang pinto at wala akong balak na harapin pa sya. Pero bigla akong napatigil dahil sumigaw sya at nagmura. May narinig rin ako na bumagsak kaya nilingon ko sya.


"Aray! shit! Damn! Shit!!" Nakahandusay sya sa baba ng hagdan at nakahawak sa tuhod nya. Naglabasan naman ang parents at kapatid nya na nasa kitchen pala. Agad nilang nilapitan si Chase at tinulungan tumayo. Lumapit ako sa kanya. Nangingiyak ngiyak na sya sa sakit.


"Ang tanga mo kasi. Bakit ka nag di-dive sa hagdan." Iritableng sabi ko. Naka cast ang kaliwang paa nya hanggang tuhod dahil napasama ang bagsak nya sa hagdan. May saklay na pinahiram sa kanya yung pinsan nyang si Felix.


"Kasalanan mo to. Kaya dapat lagi kang nasa tabi ko. 24/7." Pinulupot nya ang braso nya sa bewang ko. The heck. Bakit kinilabutan ako?


"B-bakit ko naman naging kasalanan yan? Mag isa kang nalaglag kasi ang lampa mo! Bitaw nga!" Marahas kong tinanggal ang braso nya sa bewang ko. Nasa sala kami ng bahay nila ngayon. Kadadating lang namin galing ospital.


"Aba.. Kanina ka pa ah. Bakit ba sobrang sungit mo ah? Meron ka ba?" Inirapan ko lang sya. Tatayo sana ako para lumayo sa kanya pero hinatak nya ko pabalik sa pagkakaupo ko.


"Anong ginawa sayo ng mukhang unggoy mong boyfriend? Bakit broken hearted ka?" Napa ngiti ako dahil sa sinabi nya. Mukhang unggoy daw kasi, gwapo naman kaya si Gino. Pero lahat yata pangit para sa kanya. Edi sya na gwapo! 


"Ano nga? Sinaktan ka ba?" Magkasalubong ang kilay nya at mukhang badtrip na ang boses nya. Napabuntong hininga ako. Sumandal ako sa couch and crossed my arms. 


"Two timer sya." Walang emosyon na sagot ko. Hinawakan nya ko sa balikat at pilit na hinarap sa kanya.


"Tangina. Seryoso?!" 


"Mukha ba akong nagbibiro?" Inirapan ko sya. 


"Gago yun ah.Patay sakin yon. Nakipagbreak ka na?" Tumango lang ako sa kanya.  Binitawan nya ang balikat ko kaya bumalik ako sa pagsandal. Napatingin ako sa binti nya na nasa cast at nakapatong  sa table. Good thing at may semento ang binti nya. Hindi nya mapapatay si Gino.  Last time kasi niloko rin ako ng ex ko bago kay Gino. Aksidente nyang nalaman yon dahil nasa hallway kami nung nakipaghiwalay ako kay Joseph. Nasa malapit lang pala si Chase noon kaya nasaksihan nya ang first heart break ko. Then next day nakita ko si Joseph na putok ang labi, may cut sa ilong at kilay tsaka may pasa sa pingi. Si Chase pala ang may gawa non. Lumapit kasi sya sakin at sinabing wag na wag ko nang kakausapin yung gagong yon. Sa totoo lang, first time ulit namin mag usap noon. Nagkaroon kasi kami ng gap after high school graduation.


Simula noon, naging close na ulit kaming dalawa. Lagi na kaming magkasama. Parang naging bestfriends kami pero hindi official. Hindi naman kasi namin napag uusapan na mag bestfriends kami eh. 


"Hindi ka na pwede mag boyfriend. Pag may nalaman akong nanliligaw sayo, lulumpuhin ko yon." Sarkastiko akong tumawa sa sinabi nya.


"Sira ulo. Gagawin mo pa akong man hater? Tsaka ayoko maging single forever no!" 


"Oh di sige. Pwede ka na mag boyfriend sa isang kondisyon." Tumingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha nya kaya natawa ako. 


"Ano namang kondisyon, aber?" 


"Ako lang ang pwede. Bukod sakin wala nang ibang pwede. Done. Deal!" Nagulat ako nang bigla nya akong halikan. That was too fast para makapag react ako sa ginawa nya. 


"Sealed." Nakangisi nyang sabi after he parted our lips. Should I slap him? I want to. Pero bakit nakatunganga pa rin ako sa labi nya? What the fck, Jacquie! Don't tell me nabubuhay na naman yung infatuation mo sa lalaking yan? No way! 


"Don't stare at me like that, Jac. Baka halikan ulit kita." I shifted my gaze from his lips to his face. Namumula ang mukha nya. Parang.... parang pamilyar yung itsura nya ngayon. 


 "Jacquie, do you take this man who now holds your hand, to be your true and wedded husband; and do you solemnly promise before God and these witnesses to LOVE, CHERISH, HONOR AND PROTECT HIM, to forsake all others for his sake; to cleave unto him and him only, and him forever until death shall part you?"  Paglilitanya ni Saul  bilang pari ang script nya. Magkaklase kami ni Chase nung highschool at kami ang ikakasal sa play na project namin. Nagpa-practice kami ngayon dito sa auditorium 


Tumingi ako kay Chase at ngumiti sa kanya. 


"I do." Napatingin ako sa labi ni Chase dahil sa pagkagat niya dito. I gaze back to his face, sobrang namumula ang mukha nya pati na rin ang tenga nya kaya bigla na lang siyang inasar nila Saul at iba pa naming kaklase. 


"Chase! Ang pula mo! Hahahaha na ke- carried away ka ba? hahahaha" 

"Yieeeee! May gusto ka kay Jacquie 'no?" 

"Bagay naman kayo eh! Uy Jacquie! Invited kami sa totoong kasal nyo ah!" 


Ang ingay nilang lahat. Lahat sila inaasar kami ni Chase dahil sa pamumula ng mukha nya. 


"Duh! Kasal kayo dyan. Hindi ko naman type si Chase no!" Natigilan silang lahat. Napatingin sakin si Chase na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tumawa ako. 


"Mas lalo namang hindi kita type! Ayoko na nga! Ayoko na maging groom mo! Humanap ka ng  ibang mapapangasawa mo!" Tapos umalis sya ng badtrip. Natahimik kaming lahat dahil sa pag alis ni Chase at halatang badtrip sya kaya walang nagtangkang sumunod sa kanya.  


Humanap ka ng ibang mapapangasawa mo! 

Parang kumirot yung puso ko. 


Crush ko si Chase pero ayokong malaman nya yon. Sobrang bait nya kasi sakin. Sweet, gentleman and protective. Plus points pa na gwapo sya. Matangkad, mabango, matalino, manly at magaling mag swimming. Sobrang attracted kasi ako sa mga swimmer.  



"S-sino ka p-para sabihin sakin kung sino lang ang pwede kong maging boyfriend?" Shit. Nauutal ako.  I should be pissed with him, bakit iba yung nagiging reaction ko? 


He smirk. 


"I am Justin Chase Ortiz. You know me, Jacquie." Nakakalokong ngiti na naman ang binigay nya sakin. Damn shet! Ano bang problema nitong lalaking to? Epekto ba ng semento sa binti nya kaya kung ano anong pinagsasasabi nya?



"Hindi kita type, Chase! Pwede ba." Nagsinungaling na naman ako. 


"I know. "   Tengene. For pete's sake! Kabre-break ko lang sa magaling kong ex! Pero what the hell! My heart is racing! Kinikilig ba ko? Pero shet! May nakakakilig ba sa sinabi nya? Bukod sa pamatay nyang ngiti wala naman diba? Gad! 


I tried my best not to look awkward.  Tumawa ako ng malakas to the point na mukha na akong timang.  


"What the hell, Chase! Hahaha. You know what, you should rest. Naalog yata ang ulo mo dahil sa pagkakabagsak mo eh. I'll go home okay? Next time na lang natin gawin ang project mo." Tumayo na ako at hindi na hinintay ang sasabihin nya. Luckily, hindi nya ko pinigilan at wala na syang sinabi pa. 


Pagkalabas ko ng bahay nila, nakahinga na ako ng maluwag. Para akong hindi makahinga kanina dahil sa sinabi nya. Agad akong tumawid ng kalsada para makauwi. Magkatapat lang ang bahay namin. Umakyat ako sa kwarto ko tsaka nag lock ng pinto. 


Nakatunganga ako sa picture namin ni Chase. Picture namin sa play. He's kissing me. it was supposed to be fake pero tinotoo ni Chase. Yes, sya pa rin yung groom ko sa play kahit na sinabi nyang ayaw na nya kasi hindi na pwedeng magpalit ng roles that time. It was 2 years ago. 4th year high school kami that time. 


"See. Ikaw pa rin papakasalan ko." Pang aasar ko sa kanya. Nakabusangot kasi nyang kinuha ang kamay ko sa kunwaring tatay ko na si Ronald. 


"Ano pa nga ba? Wala naman akong magagawa na. Tsk"  Mahinang reklamo nya sakin. Hawak hawak nya ang kamay ko habang naglalakad kami papalapit  sa altar. Tumawa ako ng mahina dahil sa sagot nya. 


Magkaharap kami ni Chase. I'm waiting for him to say his lines. Tahimik ang crowd na para bang naghihintay rin sa sasabihin ni Chase. 


Yumuko si Chase at hinawakan ang dalawang kamay ko. Pinisil nya ito at hindi pa rin nagsisimula sa linya nya. I heard him cuss. Shemay? Nakalimutan nya yung script nya??? 


Sumenyas ako kay Saul which is our priest na mukhang nakalimutan ni Chase ang lines nya. Pwedeng basahin na lang iyon ni Saul at sabihin kay Chase na  repeat after him.  Pero nag angat ng tingin si Chase at tumingin sakin. He heave a deep sigh then start saying his lines.


" I love you even though you annoys me everyday. " Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Hindi iyon ang lines nya! Nag iba rin ang tingin ni Saul sa kanya dahil hindi iyon ang simula ng linya ni Chase.  But we can't do anything about it. 

"I love you even though you always kill my favorite songs.

I love you even though you always hit me.

I love you even though we fight, even when we fight a lot.   

I love you even though you are the most dense and the most insensitive woman in the whole wide world. 

 I love you even though you misunderstand things.  

And I love you even though I am not your type of guy and you are not my type of girl. " 

He stopped talking and lift my hands for kiss. 

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. I hear some screams and yell from the crowd. They are enjoying the scene. They are cheering for him. They are cheering for us. 

"You are the only annoying, dense, insensitive person I won't get tired of.  I love you." 

I was dumbfounded by his lines. Saglit akong nabingi at nawala sa sarili.  


"Jacquie" Paulit ulit na tawag sakin ni Saul.  He's mouthing my lines kaya naalala ko na ulit at sinimulan ang linyo ko.


"T-the feeling hit me the moment we made eye contact in class. It was so immediate and powerful—far deeper and inexplicably beyond any calculation of time and place. You don't describe a feeling like that. You also can't replicate it or force it. You just let it flow in and around you. You go where it takes you. And now, I am in front of you, waiting to be your wife forever. I love you."  Nakatingin  ako kay Chase na umaarte na kinilig at natutuwang mapapangasawa ko. He smiled at me na para bang totoong totoo kaya na dala ako at napangiti rin ako ng sobra at matamis. He held my hands and kiss it again. 


"You may now kiss the bride."


Dahan dahan inangat ni Chase ang belong nakatakip sa mukha ko. Seryoso ang mukha nya pero parang nakangiti ang mga mata nya. Posible ba yon?  

He cupped both my cheeks at unti unting lumalapit sakin. He should place his thumbs on my lips pero hindi nya pa ito ginagawa. Sobrang bilis pa rin ng tibok pero tila tumigil ito saglit ng magdikit ang labi naming dalawa. The crowd became wild pero mas naririnig ko ang malakas na tibok ng puso ko. 


After that day, nawala yung sweet at gentleman na Chase. Hindi na rin nya ko masyadong kinakausap. Hindi na nya ko sinasabayan pumasok at umuwi. After some time lagi na nya akong inaasar at kung minsan binabalewala. Dati makita nya lang akong maraming dala, tatakbo sya sakin para tulungan ako pero ngayon wala. Hinahayaan na nya ko mag isa. Sobra nya na rin akong nilalait, ang pangit daw ng buhok ko. Ang laki ng pimple ko sa ilong, ang pangit ng boses ko, ang tanga ko sa math, hindi marunong lumangoy at kung ano ano pa. Dahil don, nawala yung pagka crush ko sa kanya. Nawala na yung moment naming dalawa noong nag play kami. Hanggang sa mag graduation ay hindi na bumalik yung dating Chase. 


2 days na kaming hindi nagkikita at nag uusap ni Chase. Kahit na magkatapat lang ang bahay namin pilit ko syang iniiwasan. I can't  face him. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko kayang makita sya. Feeling ko sasabog ang puso ko kapag nakita ko sya. 

Papasok na ko sa school nang biglang lumabas si Chase sa gate nila. Agad akong naglakad palayo sa bahay namin. 


"Jacquie!!!" Malakas na sigaw ni Chase. Shit. Nakita nya ko. Hindi sya tumigil sa pagtawag sa pangalan ko hanggang hindi ako tumitigil sa paglakad.So I stop. Tumingin ako sa kanya na nakasaklay. Nakapambahay lang sya. 2 days na syang hindi nakakapasok sa klase. Hindi kami pareho ng course pero same university kami. 


Nagsimula syang maglakad patawid at halatang nahihirapan sya. Naaawa ako sa kanya, gusto ko syang lapitan at alalay.  


"Damn, Jac. Can you just come here? Nahihirapan na kong maglakad." Nasa tapat na sya ng bahay namin. Ilang metro na rin ang layo ko sa kanya.  I rolled my eyes at him pero lumapit pa rin ako sa kanya. 


"iniiwasan mo ba ko?" Panimula nya. 


"Bakit naman kita iiwasan?" 


"Kaya nga tinatanong kita diba? Ano bang problema mo?"


"Wala." Nag iwas ako ng tingin sa kanya. 


"Sabi ko sayo dapat nasa tabi kita lagi diba? Bakit hindi ka nagparamdam sakin ng dalawang araw? Tinatawagan kita sa cellphone mo pero ayaw mong sagutin. Tapos sa bahay nyo laging pinapasabi mo kay Jiro tulog ka na. Hindi mo ko iniiwasan ng lagay na yon?" Hindi ko sya sinagot. Tumingin lang ako sa kanya ng masama dahil nag fi-feeling boyfriend naman sya sakin. 


"Dahil ba hinalikan kita kaya ka umiiwas?" Dagdag nya. Napasinghap ako sa sinabi nya. 


"Why are we having this conversation? Papasok na ko." Tumalikod ako sa kanya pero hinawakan nya ko sa braso at hinarap ulit sa kanya. 


"Kung galit ka sabihin mo! Kung ayaw mo ng ginawa ko sabihin mo sa harap ko! Hindi yung aarte ka na cool lang ang lahat. Hindi yung sa iba ko pa malalaman tulad ng ginawa mo dati." Galit na sabi nya sakin. Kunot noo kong iniintindi ang mga sinasabi nya.  Tulad ng ginawa ko dati??? 



"Anong sinasabi mo, Chase?" Bakit sya pa galit?!  


"Nung nagtapat ako sayo sa harap ng maraming tao, nung hinalikan kita sa play. Hindi ba sinabi mo sa kanila na galit ka sakin dahil hinalikan kita? Sinabi mo na nandiri ka nung hinalikan kita kasi hindi mo ko type? Hindi mo alam kung anong naramdaman ko nun nung narinig kong sinabi mo yon sa kanila."  That was just a joke.  Anong gusto nyang sabihin ko sa kanila, nagustuhan ko yung halik nya? Shet naman!


 "Tapos ano? Tumawa pa kayo habang ako yung pinag uusapan nyo. Tinapakan mo yung feelings ko, Jacquie. Inulit pa ni Saul at pinamuka sakin na ganon ang naramdaman mo. Ayoko na sana maging kaibigan mo pero hindi ko pa rin kinaya. Di pa rin kita natiis. Kasi mahal kita, Jacquie." Na blanko ako sa sinabi nya. Mahal nya ko?? 


"C-chase.... Ma---" Naramdaman kong humigpit yung hawak ni Chase sa braso ko. Naghihintay sya ng kasunod. 


"Ma... Male-late na ko.. I - I have to go." Pilit kong tinanggal ang kamay nya sa braso ko tsaka tumakbo. I heard him cuss pero binalewala ko na lang. 


Ano ba Jacquie! Ano ba namang klaseng excuse yon? And For damn's sake you left him hanging! Gad! I'm sorry Chase. I didn't mean to hurt you. Hindi ko rin alam kung bakit ako tumakbo palayo sayo. Hindi ko alam! Shet! 



"G-gino." Gosh. Don't tell me si Chase ang may gawa nyan sa mukha nya. May black eye si Gino at putok ang labi nya.  Pero hindi pwede kasi may cast siya.


"I'm sorry, Jacquie." Natulala ako sa sinabi nya. He's sorry?? 


"Anong nangyari sa mukha mo?" I need to know kung may kinalaman na naman si Chase dito.


"Just a random fight with some jerk out there." So hindi si Chase. Kilala nya si Chase. 


"Ok." Umalis na ako sa harap nya. But before my escape, hinawakan nya ko balikat at biglang niyakap mula sa likod. 


"I'm sorry Jacquie. Please. Mahal pa rin kita. Ikaw ang mahal ko. Please" Kinalas ko ang braso nya sa bewang ko at hinarap sya. 


"Well, I'm sorry Gino. Ayoko na sayo. Tigilan mo na ko." Then I walk out. Tsk. 



After a week, wala pa rin aong balita kay Chase. Sa tuwing tutunog ang phone ko akala ko sya yon pero hindi. Lagi akong nakatingin sa bahay nila at inaabangan syang lumabas ng bahay nila pero never ko syang nakitang umalis. Sobrang na-te-tempt na akong puntahan sya o tawagan pero hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya. Nag bro-browse ako ng old messages namin sa facebook. 


Justin Chase Ortiz:

                 Hoy panget! 


Jacquielyn Gomez

                  Kapal ng muka. Mas pangit ka! 


  Justin Chase Ortiz:  

                 Kumain ka na? Mcdo tayo, libre mo ko. Dali! 


  Jacquielyn Gomez 

                  Kapal mo talaga. Ikaw manlibre. Tara :)) 


    Justin Chase Ortiz

                    Pupunta ko kina Patrick mamaya.


  Jacquielyn Gomez

                   Oh tapos? Bakit sinasabi mo pa sakin?


  Justin Chase Ortiz 

                      Wala lang. Hmp. 


  Justin Chase Ortiz 

                      Jacquie, pakinggan mo yung Vegas Skies ng the cab. Bago kong favorite :) 

  Justin Chase Ortiz 

                      Ang pangit ng boyfriend mo, mukang unggoy! Wala kang taste talaga. 

  Justin Chase Ortiz

                  Sasaktan ko lahat ng taong mananakit sayo. Promise. Kaya wag mong hayaan na saktan ka                    nila kasi magiging masama akong tao.

    Jacquielyn Gomez   

                 Scaaaaaaryyyyy! Hahaha kaya siguro binasag mo yung mukha ni Joseph. Baaaaad. Pero wag na please. Ayoko naman maging masama ka dahil lang sakin.


Justin Chase Ortiz

              Basta ayokong masaktan ka. Tapos.

  Justin Chase Ortiz  

                          Good night love. hahahaha 

 Jacquielyn Gomez 

                        Baliiiiiiiiw! Hahah Matulog ka na. 



God. I miss Chase! 




"Ate, ang tagal mo naman eh. Tara na!" Hinihila ako ni Jiro palabas ng bahay. Pupunta kami sa mall para lang samahan ko syang magpagupit. 



"Hawakan mo yung kamay ko ate, para akalain nilang girlfriend kita." Nako. Yan naman po sya. Madaming beses na akong pinagkamalan na girlfriend ng katapid ko. He's 3rd year high school. Ayaw nya ng atensyon ng mga babae. Kaya madalas ako ang kasama nya sa mall dahil ang daming nagpapapansin sa kanya. Gwapo kasi. Kamuka ko eh. 


"Nga pala, sabi ni Mommy yayain mo daw si Kuya Chase sa birthday ni Dad."



Speaking of Chase, two weeks na simula nung sinabi nyang mahal nya ko. After that hindi ko na sya nakita to think na magkapitbahay lang kami. Wala akong balita kung natanggal na ba yung cast sa binti nya. Nasaktan ko ba sya kaya hindi na sya nagpaparamdam sakin? Nasaktan ko sya pero bakit parang mas masakit para sakin?  Kainis! Namimiss ko sya! 


"Huy Jacquie. Tulala ka dyan?" Inakbayan ako ng kapatid ko. Napansin ko naman na parang nalugi yung babae sa harap namin.  Sinikmuraan ko sya ng mahina kaya natanggal yung braso nya sa balikat ko. 


"Jacquie ka dyan. Hoy Ikaw Jiro, ha. Wag mo nga akong dinadamay sa pag wasak mo ng puso ng mga babaeng may gusto sayo." 


"Sus. Makapagsalita ka naman ate. Ikaw nga winasak mo yung puso ni Kuya Chase eh." What the? Tumigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni Jiro. Pinandilatan ko sya ng mata. 


"What?" I asked. 


"Ikaw kaya unang nandamay sa pagwasak ng puso. Sinasabi mo sakin lagi, sabihin ko sa kanya na tulog ka kapag tumatawag sya kahit hindi naman. Wala ka kahit nasa bahay ka naman. Kaya sa tuwing tatawag sya at pupunta sa bahay, ganon pa rin ang sinasabi ko. Grabe ate, ang sama mo kay Kuya Chase. Tsk tsk tsk." Umiling uling sya tsaka nagsimula ulit maglakad. 


Wait!! Tumatawag sya at pumupunta sa bahay??? 


"Jiro!" Tumigil sya. May palapit na babae sa kanya pero tumigil ng tinawag at lumapit ako sa kapatid ko. Grabe! Nalingat lang ako saglit meron na agad gustong lumapit sa kanya.  


"Kelan huling tumawag si Chase? Kelan sya nagpunta sa bahay?" 

"Kahapon. Di ko na sinabi sayo, ganon rin naman sasabihin mo eh." 

"My Gad, Jiro!! Bakit hindi mo sinabi sakin?? Gad! Shit naman , Jiro! Ilang beses mong sinabi yon kahit hindi ko sinabing sabihin mo?" 

"Araw araw." 

"WHAT?!!" Hinampas ko sya sa braso dahil sa inis! My gad! Akala ko hindi na tumatawag at nagpupunta ng bahay si Chase!

"Bakit hindi mo sinabi sakin! Bwisit ka Jiro! Dapat sinabi mo sakin!"

"Aray! Ate naman! Aray. Nasa public tayo! Aray ko. Tama na huy!" Hinuli nya ang kamay ko. 

"Huy 'te. Wag kang umiyak dito. Huy!" Nilapit nya ko sa kanya at niyakap. Sinubsob nya ko sa dibdib nya para siguro hindi ako makita ng ibang tao dito sa mall na umiiyak. 

What the hell! Bakit ba kasi ako umiiyak! 

Yung mga ex ko na niloko ako hindi ko manlang pinag aksayahan ng luha tapos ngayon umiiyak ako? SHET! 


"Kuya Chase!" Sigaw ni Jiro. Shit. shit. no. no. Don't tell me nandito si Chase?? No!! 

Naramdaman kong tinaas ni Jiro ng kamay nya na para bang may kinawayan. 

NO!! NO! Please no. Not this time, please. 

"Kuya. Kanina ka pa ba?" Nagtatago pa rin ako sa dibdib ng kapatid ko. So magkikita sila ngayon? 

"Hindi. Halos kadadating ko lang. Sino yan?" Feeling ko tinuro ako ni Chase. Kinurot ko ang dibdib ni Jiro. 

"Aray!" reklamo nya. 

"Wag mong sasabihin." Bulong ko sa kanya. Nilalayo ako ni Jiro sa katawan nya pero pilit kong nilalaban yun kaso masyado syang malakas para kalabanin mo. Hinarap nya ko kay Chase kaya agad akong yumuko at tinakpan ang mukha ko. 

"Jacquie?" Hinawi ni Chase ang buhok kong nakasabog sa mukha ko. 

"Thank me later, Kuya Chase. Iwanan ko na sayo yang iyakin kong kapatid ah. Magpapagupit muna ako.  Ah! Nga pala, punta ka sa bahay bukas, birthday ni Dad. See you."


"You cried?" Rinig kong sabi ni Chase. Pilit nyang tinatanggal ang kamay ko sa mukha ko. Umiling ako sa kanya. 

"Hey." Hawak nya pa rin ang kamay ko.  

"Pinagtitinginan na tayo dito." Bulong nya. Tinatanggal nya pa rin ang kamay ko. I give in. Inayos nya ang buhok ko then pinunasan nya ang pisngi ko. I bit my lower lip. 


Nasa sinehan kami ni Chase ngayon. Niyaya ko syang manuod ng movie kasi medyo ang pangit pa ng mata ko dahil sa mag iyak ko kanina. Dito sa sinehan hindi nila ko makikita. Sya bumili ng ticket, popcorn at drinks. Pinapunta pala talaga sya ni Jiro pero hindi nya alam na kasama ako. 

Hindi kami nag uusap ni Chase, nanunuod lang sya at kumakain ng popcorn. Ako naman hindi makapg focus sa panunuod kasi ang daming gumugulo sa isip ko. 


Mahal ko rin ba si Chase? 


Tumingin ako sa kanya. Tumingin rin sya sakin siguro napansin nyang nakatingin ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko dahil bigla nya akong hinalikan. Smack lang. 


"Told you. Don't look at me like that." Sabi nya nang hindi nakatingin sakin habang nakangisi. Kumuha sya ng popcorn at masayang kinain ito. Nakatunganga pa rin ako sa kanya. Nagwawala na naman ang puso ko dahil sa halik nya. 


"Nakakadami ka na ah." Gigil na sabi ko sa kanya. He just chuckled. Hindi sya tumingin sakin. Hinampas ko ang braso nya kaya mabilis nyang hinimas ito at tumingin sakin. 


"Ano?" Inis na tanong nya sakin. Mahina lang kasi nasa sinehan nga kami. 


Inirapan ko na lang sya tsaka tumingin sa screen.  


"Ano love, nagustuhan mo ba yung movie?" Pinulupot ni Chase sa bewang ko ang braso nya. Kinurot ko iyon pero hindi nya tinanggal. 


"Love ka dyan! Ano ba, Chase. Bitiwan mo nga ko." Hindi ko mapigilan yung ngiti ko kahit anong pilit kong pagsusungit sa kanya. Gosh. Don't smile, Jacquie. 


 Mas hinapit pa nya ang braso nya sa bewang ko kaya sobrang dikit namin sa isa't isa.  Kahit anong gawin ko hindi ko matanggal yung braso nya. Naglalakad kami kaya hindi maiwasan na may makapansin kay Chase. Napapairap naman ako sa mga babaeng grabe makatingin sa kanya. Napatingin ako sa kanya nang bigla syang tumawa ng malakas. 


"Sayo lang ako, love. No need to roll your eyes sa lahat ng babaeng titingin sakin."


"What the hell, Chase." Natatawang puna ko sa kanya. What the hell talaga. Anong nangyayari sakin? Samin? 


"Ayaw mo maging single forever diba?" Nakangiti sya sakin. 

Umiling ako sa kanya habang pinagmamasdan ang mga ngiti sa labi nya.   

"Okay." Hindi pa rin nawawala ang ngiti nya. 

"Hindi kita iiwan kahit kailan." 

"What?" Natatawang tanong ko sa kanya. 

"Boyfriend mo na ko. Wala kang choice. Sabi ko naman sayo diba, hindi ka na pwede mag boyfriend maliban sakin. " 

Napahalakhak ako sa sinabi nya. 

"Okay. " Pinulupot ko ang braso ko sa kanya. Naglakad na kami palabas ng mall para umuwi. Sorry kung mabilis. Hindi kasi ako yung tipo ng babae na pakipot kapag gusto ko rin yung lalaki. Lately lang ako naging ganon. 

Tumingin sakin si Chase na nakangiti. Pinisil nya ang pisngi ko. 


"Nang gigigil ako sayo.. Uwi na tayo." Kilig na kilig na sabi nya. Hinampas ko sya sa braso dahil sa itsura nya. Yung itsurang hindi gagawa ng maganda. Green. 


"Pasalamat si Gino, hindi sya pinuruhan ng kapatid mo." 

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. Bumitaw rin ako sa braso nya at humarap sa kanya. 


"Ano? Si Jiro???" 


Just on cue, dumating si Jiro na bagong gupit na tulad ng kay Chase. 


"Uy Ate! Kuya!, Ano kayo na?" Natatawang tanong ni Jiro. 

Umakbay sakin si Chase at hinalikan ako sa pisngi. 


"Wala nang kawala to sakin, bro." Tapos tumawa sila pareho. 


Shet! Na set up ba ko????????? 





- The End.



Continue Reading

You'll Also Like

10.7K 373 42
UNICORN SERIES#1 (COMPLETED) This story is about a gay who firmly believes that he will never fall in love with a girl but everything changes when he...
70.5K 3.5K 25
Porcia Era Hart x Chrisen
One Dance By Chu

Fanfiction

333K 5.7K 42
My second KiefLy story. I hope you like it..
19.1K 462 49
Do you believe in love? or love at first sight? Most of the people believe on what they are saw and feel. Some of us also believe to those sentences...