Ang Buod Ng El filibusterismo...

By AtsituabNan

117K 501 25

Sana magustuhan nyo.... More

KABANATA 1=Sa Ibabaw ng Kubyerta
KABANATA 2=Sa Ilalim ng Kubyerta
KABANATA 3=Ang mga Alamat
KABANATA 4=Kabesang Tales
Kabanata 5=Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Kabanata 6=Si Basilio
Kabanata 7=Si Simoun
Kabanata 8=Maligayang Pasko
Kabanata 9=Ang mga Pilato
Kabanata 10=Kayamanan at Karalitaan
Kabanata 11=Los Baños
Kabanata 12=Placido Penitente
Kabanata 14=Sa Bahay ng mga Mag-aaral
Kabanata 15=Si Ginoong Pasta
Kabanata 16=Ang Kasawian ng Isang Intsik
Kabanata 17=Ang Perya sa Quiapo
Kabanata 18=Ang mga Kadayaan
Kabanata 19=Ang Mitsa
Kabanata 20=Si Don Custodio
Kabanata 21=Mga Anyo ng Taga-Maynila
Kabanata 22=Ang Palabas
Kabanata 23=Isang Bangkay
Kabanata 24=Mga Pangarap
Kabanata 25=Tawanan at Iyakan
Kabanata 26=Mga Paskil
Kabanata 27=Ang Prayle at ang Estudyante
Kabanata 28=Pagkatakot
Kabanata 29=Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago
Kabanata 30=Si Huli
Kabanata 31=Ang Mataas na Kawani
Kabanata 32=Ang Bunga ng mga Paskil
Kabanata 33=Ang Huling Matuwid
Kabanata 34=Ang Kasal ni Paulita
Kabanata 35=Ang Piging
Kabanata 36=Mga Kapighatian ni Ben Zayb
Kabanata 37=Ang Hiwagaan
Kabanata 38=Kasawiang-palad
Kabanata 39=Katapusang Kabanata
MGA TAUHAN SA KWENTO

Kabanata 13=Ang Klase sa Pisika

1.7K 7 0
By AtsituabNan

  Isang silid na taluhaba ang silid ng klase. Ang upuan ay parang hagdan na tatlong baytang at nakapaligid sa 3 panig ng silid. Sa isang dulo ng silid ay ang hapag ng guro na sa likod ay ang pisarang may nakasulat na Viva! na naroon mula pa nang unang araw ng pasukan sa taong iyon. Walang palamuti ano man ang mga dingding na bato. May mga kasangkapan sa pisika nguni't ito ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung gamitin man ay ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pare. Iyon ay ipinakikita lamang sa mga dayuhan upang di masabi ng mga ito na nahuhuli ang UST sa ibang bansa sa kahusayan sa pagtuturo at kaya lamang di natututo ang mga Pilipino ay dahil katutubo ang walang-katalinuhan.

Ang guro, si Padre Millon ay isang batang Dominikong napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Iyon ang una niyang pagtuturo ng pisika.

Unang tinanong sa klase ang isang antukin. Parang ponograpo itong tumugon ng isang isinaulong leksiyon na ukol sa salamin, bahagi nito, kauriang bubog o kalaing. Pinatigil ng guro ang estudyante. Pinilosopiya ang musika. Kung kalaing, metal at bubog daw ang salamin ano raw uri ang kahoy na may makintab na barnis o marmol na binuling maigi? Di tinugon ng estudyante ang tanong. Ipinagpatuloy ang isinaulong aralin na parang plakang natigil at muling pinaandar sa ponograpo. Pinatigil uli ang estudyante, muling tinanong sa sampay bakod na kastila.

Binulungan ito ni Pelaez. Mali ang idinikta. Sinunod nito. Natawa pati ang guro matapos insultuhin ang estudyante. Binigyan uli ng tanong sa bahagi ng salamin. Kung ano ang ibabaw ay siyang salamin, bale wala ang harapan; ang mahalaga'y ang nasa likuran. Di ba? Nalito ang estudyante. Lahat ay sumesenyas na sumang-ayon na siya at nadiktahan siya ni Pelaez nang Concedo, Padre, (sang-ayon Padre). Iyon ang itinugon ng estudyante.

Tanong uli ng prayle: Kung katkatin ang asoge sa likod at palitan ng bibingka, ano mayroon?

Bulong ni Pelaez: Bibingka!

Tinawag ng propesor si Pelaez. Tumayo ang tinawag. Napabubulong ito kay Placido. Sa katatapak sa paa ni Penitente ay napasigaw sa sakit ang tagadikta. Siya ang tinatanong ng propesor matapos na siya'y murahin at taguring espiritu sastre. Sinasabi ng aklat na ang mga salaming kalaing ay binubuo ng tanso o ng iba pang kalaing, totoo o hindi? tanong ng guro.

Ganyan ang sabi ng aklat, Padre, tugon ni Placido.

Ang salaming bubog ay binubuo ng isang patag na bubog na ang magkabilang mukha ay pinakintab ng maigi at ang isang mukha ay kinulapuan ng tinggang puti, tama?

Iyan ang sabi ng aklat,Padre?

Ang tinggang puti ba ay kalaing?

Sabi po ng aklat.

Ergo (samakatuwid), ang salaming bubog na may merkuryo, isang kalaing, ay salaming bubog-kalaing. Paano mo maipaliliwanag, espiritu sastre?

Nalito si Placido. Inulan ng mura si Placido. Nagtawanan ang klase. Itinanong ang pangalan ni Placido. Napalatak na patuya ang kura. Anito: Placido Penitente lalong angkop ang Placido suplado. Lalapatan kita ng penitencia. Hinanap sa mahabang talaan ang pangalan ni Placido. A labinlimang pagliban! I*sa lang at aalisin ka na sa klase.

Napatindig si Placido. Aapat daw ang liban niya at ikalima ang pagkahuli niya. Himig intsik na nanuya ang guro. Bihira akong bumasa ng talaan kaya't sa bawat isang huli ay limang liban ang inilalagay ko. Makaikatlo kitang nahuli kaya't labinlima. Kung ang limang liban mong inamin ang susundin ko, may utang ka pang 10. At bibigyan kita ng masamang marka sa masamang sagot mo ngayon.

Ngunit Padre, hindi dapat na ang isang wala sa klase ay makabigkas ng mali sa aralin, tanong ni Placido.

"A... pilosopong metapisiko! Hindi mo ba alam na maaaring ang lumiban sa klaseng iyon, saan man siya naroon, ay di rin nakaalam ng aralin? Pilisopastro!"
panunuya pa ng Pari.

Nagpanting ang tainga ni Placido. Tama na, Padre. Maaring markahan ninyo ako nang ano mang marka nguni't wala kayong karapatang umaglahi sa akin! Inyo na ang inyong klase! At ang estudyante ay umalis nang walang paalam .

Natigagal ang klase. Di nila akalaing magawa iyon ni Placido. Nagsermon ang pari. Nagsuwail daw si Placido sa mga tumataguyod sa paaralan ng kastila. Nagmura si Padre Millon hanggang sa tumugtog ang kampanilya. Naglabasan ang may 234 na estudyanteng di pumapasok nang walang nalaman at lumabas nang sa gayon ding kalagayan.  

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 167K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
726K 29.3K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...
236K 8.8K 59
She will do everything to be back from where she is from, but will she be able to risk everything? Nag lakbay labalik si Amira sa taong hindi niya aa...
1.7M 89.9K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...