FooIish Heart [COMPLETE]

By AKOSICRAZYGIRL

44.8K 1.1K 159

[NO SOFT COPIES] "Don't hold on to the past too tight, the future may never come." Lagi nakatatak sa isip ko... More

Prologue:
Foolish Heart [1]
Foolish Heart [2]
Foolish Heart [3]
Foolish Heart [4]
Foolish Heart [5]
Foolish Heart [6]
Foolish Heart [7]
Foolish Heart [8]
Foolish Heart [9]
Foolish Heart [10]
Foolish Heart [11]
Foolish Heart [12]
Foolish Heart [13]
Foolish Heart [14]
Foolish Heart [15]
Foolish Heart [16]
Foolish Heart [17]
Foolish Heart [18]
Foolish Heart [19]
Foolish Heart [20]
Foolish Heart [21]
Foolish Heart [22]
Foolish Heart [23]
Foolish Heart [24]
Foolish Heart [25]
Foolish Heart [26]
Foolish Heart [28]
Foolish Heart [29]
Foolish Heart [30]
"Jerome Cruz: Prinsesa Ko."
Foolish Heart [31]
Foolish Heart [32]
Foolish Heart [33]
Foolish Heart [34]
Foolish Heart [35]
"Zen Reyes: One last chance.."
Foolish Heart [36]
Foolish Heart [37]
Foolish Heart [38]
Foolish Heart [39]
Foolish Heart [40]
EPILOGUE:
Special Chapter : Ash & Dez
Special Chapter: Jerome & Mikaela
[PROMOTE!!!] MY NAME IS HEARTBREAKER * Teaser *
[PROMOTE!!!] ANG BOYFRIEND KONG BADING
[PROMOTE!!!] BLACK & WHITE UNIVERSITY
[PROMOTE] MY BOYFRIEND IS GAY ON DREAME

Foolish Heart [27]

735 16 3
By AKOSICRAZYGIRL






Fooolish Heart [27]


"Hi Mikaela."

"Waaa, bestie.Gumising ka na dyan!" Nagising ako kay Keith ng dahil sa paghampas niya.

"Mukhang naistorbo ko yata pagtulog mo." Napaayos agad ako sa sarili ko nung makita ko si Jerome na pumunta sa room namin.

"Kanina ka pa ba?" Umiling siya.

" Dumaan ako dito para bigyan ka nito.Kakatapos lang kasi ng culinary subject namin kaya gusto ko matikman mo ang niluto ko." Napangiti naman ako.

"Kilig nanaman ang bestie ko,patikim ha." Tiningnan ko ng masama si Keith.

"Para sa akin lang ito e."

"Wow ha,kadamutan." Ngumiti lang ako kay Keith at tinikman ang gawa ni Jerome.

"Saraaap! Pwede na maging chef." Sabay thumbs up ko sakanya.

"Salamat!"

"Ay oo nga, ang sarap pwede na maging asawa ni Bestie." Sabay hampas sa akin ni Keith.

"Nako, marami pang pagdadaanan Keitg." Natatawang sabi ni Jerome, hinayaan ko lang sila mag-usap para maging boto siya kay Jerome ahihihi. Tsaka sarap kasi ng niluto ni Jerome, kinikilig ako kasi naalala niya ako habang nagluluto.

"Oy ngiti mo bestie,halatang halata nagpapantasya ka." Tiningnan ko ng masama si Keith.

"Ikaw talaga kontrabida ka sa buhay ko kahit kailan!"

"Hindi ah, ginigising lang kita sa katotohanan bestie." Inirapan ko na lang siya at tumingin kay Jerome.

"Ubos ko na yung niluto mo, salamat ha.Nakatipid ako ngayong araw,busog na busog ako."

"Wala yun para sa prinsesa ko."

"May pasok ka ba sa trabaho mo ngayon?"

"Wala day off ko ngayon,sabay tayo umuwi gusto mo?" Napatango agad ako nung sinabi niya yun kaya natawa sila parehas sa akin.

"Kaya pala ang asar talaga sayo ni Ash ay Ms.Inlove, ngayon ko lang nakita yung ganito mong side pagdating kay Jerome." Pinalo si Keith.

"Napakadaldal mo talaga Bestie."

"Kilig ka lang." Hindi ko na lang siya pinansin,hinila ko si Jerome sa labas ng classroom para makapag-usap kami at di kami istorbohin ni Keith.

Pagkalabas namin ay nagulat ako nung niyakap niya ako ng sobrang higpit.

" Uy Jerome baka may makakita sa atin na guard o dean o teacher at mapagalitan tayo." Kahit nasa college na kasi kami may PDA chuchu parin. Syempre nag aaral pa rin naman kami kaya bawala sa college ang Public Display of Affection.

"Akbayan na lang kita." At ayun na lang ang ginawa niya.

"May problema ba ang prinsipe ko?"

"Wala naman, pagod lang kasi ako tsaka namiss kita kaya niyakap kita kaagad." kinilig naman ako sa sinabi niya.

"Ikaw naman kasi masyado ka nagpapakapagod sa trabaho mamaya magkasakit ka." Hinawakan ko yung pisngi niya at hinawakan niya ang kamay ko.

"Hindi naman sa araw-araw mo ba namang pagpunta sa Mcdo, nawawala pagod ko." napangiti ako sa sinabi niya.

"Ayaw ko tuloy pumasok sa next class ko, gusto kita makasama." tumawa siya at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Kaso di ako papayag, papasok tayo. 2pm tapos ng klase mo di ba?" tumango ako.

"Ikaw din di ba?"

"Oo,gusto mo pagkatapos ng klase date tayo?" lumawak ngiti ko sa sinabi niya.

"Sige! Gusto ko yan, saan tayo pupunta?"

"Saan mo ba gusto?"

"Hmm? gusto ko sa tahimik na lugar para kahit papaano marelaxed ka di ba?"

"Ang sweet naman ng prinsesa ko."

"Syempre."

"Sige na pumasok ka na sa loob ng room niyo, mag uumpisa na next class.Hintayin mo na lang ako sa room niyo ha, sunduin kita."

"Okay po!" at nag-okay sign ako sakanya at bago siya umalis ay hinalikan niya ang kamay ko sabay alis niya.

Waa,hindi na ako makapaghintay mamaya!Na eexcite na tuloy ako.

"Bestie! May date kami ni Jerome mamaya."

"Bestie naman,baka nakakalimutan mo yung presentation bukas para sa photography class natin. Aba petiks petiks ka lang ata?"

"Nandyan ka naman bestie para tulungan ako di ba?" sabay ngiti ko sakanya.

"Bestie, baka nakakalimutan mong estudyante ka pa rin?"

"Hindi ko naman nakakalimutan yun bestie.Please, bestie tutulungan mo ako sa presentation bukas di ba?" tiningnan niya lang ako ng masama.

"Ewan ko sayo." At umupo na lang siya sa upuan niya pero lumapit parin ako sakanya.

"Bestie,galit ka ba?"

"Pinagsabihan na kita bestie ha, pero sa ngayon pagbibigyan kita." bigla ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Salamat bestie!"

"Sinasabi ko talaga sayo ha,pag ikaw ngumawa ka sa akin babatukan kita ng napakalakas."

"Nako bestie, malabo mangyari yun.Hindi ka ba masaya para sa akin?"

"Masaya bestie pero kasi nawawalan ka na ng oras sa studies mo puro Jerome na laman ng utak mo." napanguso ako.

"Mahal ko eh."

"Hay nako! mahal agad agad? bata pa tayo Mikaela. Hindi pa yan tunay na pag-ibig!"

"Bestie naman e."

"Nako, kahit anong payo ko naman sayo di ka naman nakikinig o natatauhan"

"Tanga na talaga ako bestie eh."

"Buti alam mo,matagal ka ng tanga sakanya."

"Pero ngayon naman napapansin niya na ako eh."

"Oo nga kaso more than friends but less than lovers nanaman ang peg niyong dalawa.Pangit kaya tingnan yun bestie."

"Pangit? bakit ,Wala naman kaming ginagawang masama sa ibang tao tsaka desisyon na naming dalawa yun." napa iling na lang si Keith.

"Bahala ka, love life mo naman yan eh.Basta ako sinasabi ko lang ang totoo at kung ano yung sinasabi ng mga tao na nasa paligid mo."

"Bestie, wala akong pake kung iniisip nila na landian lang kami ni Jerome oh ano pa tsismis na kumakalat na tungkol sa akin. Na two timer daw ako, na panakip butas ko lang si Jerome ng dahil kay William jusko bestie, sanay na ako sa ganyan."

"Alam ko yun bestie pero nakakainis lang kasi kung ganun na din naman kayo kasweet bakit di niyo pa totoohanin na maging kayo na?" Natahimik ako bigla sa sinabi ni Keith.

"Akala ko bestie ikaw yung makakaintindi sa akin, pero mukhang hindi. Nadismaya ako sayo keith.

"Sabihin ko lang sayo yung totoo ha, naiinis kasi ako dahil simula ng makita mo ulit si Jerome puro na lang siya bukang bibig mo.Minsan ang tingin ko na din sayo malandi .Mga homework mo sa akin mo na din inaasa, naiisip ko tuloy kaibigan mo lang ako pag may kailangan." nasaktan ako sa sinabi niya.

"Alam mo kung ano nasa isip ko ngayon Keith? True friend will understand you. True friend?yung kung saan ka masaya, masaya din siya.Yung susuportahan ka,wala naman akong ginagawang masama sayo pero inisipan mo ako ng malandi. Siguro nga mali yung pagiging sweet namin, alam ko naman yun.Pero wag kang mag-alala mamaya pag-uusapan namin ito ni Jerome,kami na mag aadjust para sainyo.Don't worry di ako galit sayo, thank you dahil sinabi mo yan sa akin.Ngayon alam ko na kung bakit minsan di mo ko kinakausap ng maayos."

"Bestie, I'm sorry."Nginitian ko na lang siya.

"Okay class, sorry I'm late. Now, go back to your proper seats. I'll check your attendance then we will proceed to our discussion."

*******

"Cookies & cream for Mikaela." sabay lapag nung waitress nung ice cream ko sa lamesa. Pagkatapos ng klase namin kanina ay sinundo nga ako ni Jerome niyaya ko siya pumunta sa Dirty Sorbetes para mawala kahit papaano ang lungkot, sinabi ko na din sakanya yung sinabi sa akin ni Keith.

"Concern lang naman kaibigan mo sayo."

"Alam ko naman yun pero di ko kasi aakalain na iisipan niya ako ng ganun." hinawakan niya ang kamay ko.

"Lilipas din yang tampuhan niyo, kayo pa? Di niyo matitiis ang isa't-isa." nginitian ko na lang siya.

"Sana nga, hmmm. Gusto mo ice cream?"

"Sige penge." sinubuan ko siya at ngumiti siya sa akin.

"Sarap noh?"

"Oo,kaya pala gustong-gusto mo lagi tumambay dito."

"Yep, favorite place ko ito at the same time comfort food ko ang ice cream."

"Mikaela, sabihin mo lang sa akin kung dahil sa akin nakakaistorbo ako sa pag-aaral mo ha, lalayo ako sayo." umiling agad ako.

"Choice ko ito Jerome, hindi ka nakakaistorbo sa akin okay.Masaya ako pagkasama kita, baka nga ako nakakaistorbo sayo e"

"Hindi ah, masaya nga ako paglagi ka nagpupunta sa Mcdo.Kilala ka na nga doon, tuwang tuwa sila sayo."

"Talaga?Napag-uusapan niyo pala ako doon ha."

"Sila kasi puro tanong sila tungkol sayo."

"Tulad ng?"

"Kung girlfriend daw ba kita?"

"Anong sagot mo naman?"

"Hindi pero may balak ako ligawan siya pero di pa ngayon." napangiti ako sa sinabi niya.

"Alam mo Jerome,hindi ako nagmamadali na maging tayo kasi habang ganito tayo at least nakikilala natin ang isa't-isa di ba?"

"Tama at habang nakikilala natin ang isa't isa mas lalo akong nahuhulog sayo." namula ako sa sinabi niya.

"Bolero ka talaga!" tumawa siya.

"Oo na, lagi na lang ako bolero sayo."Nagkangitian na lang kami dalawa, sinubuan ko siya ulit ng ice cream hanggang sa maubos namin ito at pumunta kami sa isang parke.Kung saan tahimik at makikita mo ang magandang tanawin.

Umupo kami n Jerome sa isang mahabang bangko at magkahawak ang aming kamay.Humiga ako sa balikat niya.

"Malapit na birthday mo." sabi ko.

"Hindi naman ako maghahanda."

"Ano yun papasok ka pa rin sa trabaho mo?"

"Ganun na nga." tumingin ako sakanya.

"Hindi na magbabago yung desisyon mo?"

"Hindi na." napanguso ako sa sinabi niya.

"Ano na lang gusto mong birthday gift?"

"Wala, basta makasama lang kita."

"Ehhh! seryoso kasi Jerome."

"Seryoso naman ako, ayoko ng mga bagay basta masaya na ako na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay."

"Mga?!"

"Baliw ka, sila papa yun."

"Ahhh, akala ko madami kang babae."

"Hindi naman ako ganun." Yumakap siya sa akin ng sobrang higpit at hinalikan niya ang noo ko.

"I miss you." bulong niya sa akin, tumawa ako.

"Baliw ka, halos araw araw na nga tayo magkasama na miss mo pa rin ako."

"Magkasama nga pero di naman kita mayakap ng ganito kahigpit." yumakap din ako sakanya ng sobrang higpit.

"Alam ko na reregalo ko sayo sa birthday mo."

"Ano?"

"Multivitamins para tumaba ka kahit papaano."

"Ayoko ng ganun."

"Arte nito, tsaka isa kang future chef kaya dapat ang isang chef ay mataba.Kaya habang maaga pa papatabain kita." hinawakan niya yung pisngi ko.

"Ayaw ko." sabay kurot nito,pinalo ko yung kamay niya.

"Aray ko ha! masakit yun."

"Masakit ba?"

"Oo!" hinawakan ko yung pisngi ko at minasahe ko ito para kahit papaano mawala yung kirot pero hinawakan niya yung kamay ko at inalis ito.

"Sorry, namumula na oh." nabigla ako nung halikan niya yung pisngi ko.Shemay kinikilig ako :">

"Tse!" umiwas ako ng tingin sakanya at tumawa siya. Hinila niya ako papalapit sakanya at niyakap ulit.

"Mikaela, ayoko mangako sayo na ganito tayo habang buhay kasi alam ko marami pang mangyayari, di natin alam kung talaga tayo sa isa't-isa pero gusto kong malaman mo masaya ako na nakikala kita." napangiti ako sa sinabi niya.

"Masaya din ako Jerome na makilala ka."

"Buti na lang tinulungan kita nung mga bata pa tayo."

"At buti na lang lagi ka nandyan para sa akin."

"Ngayon,ikaw naman ang nandito para sa akin.Thank you my princess."

"Your always welcome my prince."

"Teka wag kang gagalaw." napatigil naman ako sa pagngiti ko nung biglang nilapit ni Jerome yung mukha niya sa akin.

"Ayan naalis na yung dumi sa mata mo." ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko sa ginawa ni Jerome.

"Ang cute mo talaga pagnamumula ka."

"Lagi naman ako cute sayo!" natawa si Jerome sa sinabi ko.

"Ewan ko ba lahat ng ginagawa mo cute para sa akin."

"Di man lang ako naging maganda sayo?"

"Hanggang cute ka lang talaga." napanguso ako sa sinabi niya.

"Ganun ba."

"Wag ka ngumuso dyan,ang cute mo eh." napakunot na lang ang noo ko sa sinabi niya.

"Lahat na lang Jerome."

"Laaah, galit na yan sa akin."

"Hindi ah." Ngumiti siya sa akin at tinitigan niya ang mga mata ko.

"Cute mo talaga." napairap na lang ako sa sinabi niya.

"Pag- ako na-----" Napatigil ako sa sasabihin ko dahil naramdaman ko na lang bigla ang labi niya sa labi ko atska tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Ikaw first kiss ko." Sabay iwas niya ng tingin sa akin. Napanga-nga ako sa sinabi niya at sa ginawa niya.

SHEMAY! Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"J-jerome."

"Ikaw first kiss ko kaya dapat panagutan mo ako." sabay tayo niya at naglakad. Ano daw? Hinabol ko siya agad

"Uy si Jerome, nahihiya sa akin.~"

==========

VOTE.COMMENT.FAN
(C) AKOSICRAZYGIRL <3

Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 306 28
Sonya Cetera Amarez is a girl who longs to feel God's presence. Kahit na lumaki siya sa isang relihiyosong pamilya, hindi pa rin niya mahanap ang ina...
602K 21.3K 47
[Wattys 2016 Winner] [2021 UPDATE: ON MAJOR REVISIONS] Si Arielle ay ang babaeng nagsisimbolo na hindi lahat ng tao ay perpekto. Siya ay literal na...
52.7K 1.1K 14
| COMPLETED | 5 friends. 5 letters. 5 mysteries ready to be revealed. What role would these letters play in each lives? Is it somehow related to thei...
207K 4K 21
Revamped version completed