L.A SIDE STORY #1: THIS FOOL

By asrah028

260K 6.3K 937

When mea's mom died when she was 5 years old, hindi na ito kinausap ng kanyan ama. They even consider her as... More

LABYRINTH ACADEMY : THIS FOOL
CHAPTER ONE
CHAPTER 2: THE TRANSFER STUDENT
CHAPTER 3
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7: WHAT MAKES YOU DIFFERENT
CHAPTER 9: ANG MGA SIDE KICKS NI MEA
CHAPTER 10:BIRTHDAY
CHAPTER 11: SO SLOW
CHAPTER 12:SKIP TO THE GOOD PART
CHAPTER 13: Wherever you are
CHAPTER 14:
L.A SIDE STORY#1: FINALE

CHAPTER 8: LUCKY GIRL

10.9K 335 39
By asrah028

Sorry kung ang tagal bago ako nakapag update, busy kasi lately. Ayan enjoy reading :))

VOTE, Comment kayo na pong bahala :)

CHAPTER 8: LUCKY GIRL..

SLY

Nagising nalang ako ng biglang maramdaman ko na may tumama banda sa likuran ko. Kung hindi ako nag kakamali, parang sinisipa ako sa likod.

''Bakit amoy albatros??'' sabi ko habang tinatakpan ko yung ilong ko.

''Sir, inumaga na po kayo.''

''Shhh, huwag kang maingay.. Inaantok pa ako.'' pagpapatahimik ko dun sa kasambahay nina Mea.

''Sir, mapapagalitan na po talaga ako pag di pa kayo gumising.''

''Ano naman ngayon kung mapapagalitan ka ng dahil sa akin?'' ng inangat ko yung tingin ko, doon ko lang napag tanto na dito mismo sa restau-bar ako naka tulog hindi lang yun sa mismong cubicle dun ako nakatulog sa cr pa ng mga babae..

Napatayo ako ng di oras, kaya pala masakit yung likod ko.

''Bat hindi mo naman lang ako inabisuhan?'' nag pawemang yung waitres.

''For your information sir, nag over time ako ng di oras! Ang hirap niyong gisingin, ang masaklap pa..'' tinanggal niya yung takip niya sa mukha. Napa iling nalang ako.

''Kasalanan ko ba talaga yan??''

''Sir, sinuntok niyo lang po ako ng isang napakalakas dito sa may right eye ko! Hindi naman po siguro ako sira ulo para saktan ko yung sarili ko.'' tumayo ako at nag pagpag.

Inamoy ko yung sarili ko, amoy mabango pa rin naman ako. Malinis naman kase yung cr, kaya lang maling mali na dun ako natulog.

''Ito blank cheque, bahala kana sa buhay mo kung mag kano gusto mong ilagay diyan. Pasensya na rin sa abala.'' pagkatapos nun umalis na ako.

Teka nga, nasaan si Mea? Sinubukan kong alalahanin pero wala talaga akong maalala.

''Bahala na, mamaya ko na siya kakausapin. Maliligo muna ako.''

MEA

''Sigurado ka? E bat nag lasing ka?'' tanong sa akin ni Donella na kanina pa kulit ng kulit sa akin.

''Wala nga, okay lang nga ako.'' sabay look down ko.

''E ano yung sinabi ni Harper na binihisan ka niya? OMG! Don't tell me may something na nangyare?? Na ano ka??'' hindi ko maiwasang mag react sa sinabi ni Ava.

''Sira! E kase lasing ako.. Rinespeto ako ni Darth..'' pinag dikit ko yung hintuturo ko..

''Kaya siya Harper yung nag bihis sa akin...'' sabay sabay silang napa 'Ahhh', pagkatapos nun bumalik na sila sa kanya-kanya nilang pwesto.

Maya-maya pa'y lumapit sa akin si Donald.

''Hoy Mea, may nag hahanap sayo.''

''Sino??''

''Ewan ko, pero..'' nagulat ako ng bigla itong umakbay sa akin.

''Ang gwapo friend, baka pwede mo akong..'' tinaas-taas niya yung kilay niya.

''Alam mo na, wala naman kase sa itsura mo yung mag bo-boyfriend, diba magkaibigan tayo?? At gusto mong sumaya ak----''

*pak!*

''Fifi naman e!! So Harsh..'' sabay kamot nito sa ulo niya.

''Donald, si Ava ang nakatakdang maging ka relasyon mo. Kaya huwag mo ng ipilit! Sige Mea, lumayas layas kana. At ako naman yang uupo sa pwesto mo.'' pagkatapos nun, tumayo na ako.

Nang makita ko kung sino yung nag hahanap sa akin, si Sly pala.

''Tara, canteen tayo.'' sakto naman padaan si Darth.

''Hah? Ba-baket? Busog pa ako..''

''Sige na, kahit panoorin mo lang akong kumain. Tsaka may sasabihin ako.''

''Dito mo nalang sabihin.'' napansin kong nakatingin si Darth sa direksyon namin, pero ayoko munang mag assume na nakatingin nga siya sa akin.

''Dun na.. Tara na.''

DARTH

Ang lakas din naman ng loob ng kutong manok na yun na mag pakita kay Mea.

''Hoy Darth, dahan dahan ka nga diyan sa cellphone ko!'' matara-tarantang sabi ni Friso. Bagong bili kase ito, at sa pag kakaalam ko siya palang ang meron nito sa Pinas.

Naka banas! Ang lakas pa ng loob niya na hawakan ang kamay ni Mea.

''Tatamaan talaga siya sa akin!'' tumingin si Friso sa direksyon kung saan ako naka tingin.

''Sino?? Si Sio------ asdfghjklzxvvn!!! Walanghiya kang Darth ka! Bakit mo hinagis?!'' nang mapatingin ako sa kamay ko, wala na yung cellphone na kanina'y hawak hawak ko lang.

''Mamatay na yata ak----''

''E ikaw naman kase, pakalat kalat yang mga gamit mo! Akala ko basura kaya naihagis ko.'' napasandal si Friso sa pader at halos umiyak na ito ng dugo.

''Ang bading mo naman, para yun lang! Sige, huwag ka ng umiyak diyan, i-o-order nalang kita ng isang set. Kaya tumigil kana baka mamaya ikaw mapag kamalan kong basura.''

Nagmadali akong bumaba para lang maabutan sina Mea at ang kutong manok na si Slyvester. Pasimple akong pumasok sa canteen at umorder ng pagkain.

''Humanda handa ka sa akin Slyvester! Papalunukin kita ng kutsara't tinidor!''

Nang mapansin kong maka-upo na sila dun sa may gilid ng canteen, siyempre matinding kompetensya ito. Kaya patayan kung patayan. Walang sabi-sabi kong hinatak yung upuan malapit kay Mea.

''Teka nga Darth, ang luwang luwang dito bat dito ka sumisingit?! Sira ulo kaba?''

''Wag kang mag tanong.'' sabay kabit ko ng straw dun sa fruit juice ko.

''Tinatanong kita! Sumagot ka!''

''Ayoko, hindi ko sasagutin kung mang-gagaling lang sa kagaya mong jejemon.'' sabay tingin ko ng maangas sakanya.

''Gusto mo talagang masaktan no??'' mayabang na sabi ni Sly.

''Nag aaway ba kayo?'' inosenteng tanong ni Mea.

''Hinde Mea, friendly conversation lang 'to. Ganyan talaga mag usap yung mga magkaibigan.'' sabay tingin ko ng maangas kay Sly. Ganun din naman ang tingin niya sa akin.

''Ahh, ganun ba? Teka lang ha? Punta lang akong powder room. Usap muna kayo.'' ngumiti kaming pareho ni Sly kay Mea, nang makalayo-layo na si Mea,

''Hanggang ngayon pala Darth mayabang ka pa rin.''

''Alam mo Sly, kung tungkol pa rin yan sa power rangers kung bakit ka nag mamaktol, huwag kang mag alala ibibili kita ng isang set, Tantanan mo lang si Mea.'' sabay lapag ko nung tinidor sa lamesa.

''Isaksak mo nalang sa baga mo yang power rangers mo, dahil hindi ko bibitawan si Mea!'' aba talagang matatag kang hangal ka ha? Sige, bibigyan kita ng maganda-gandang laban.

''Tignan nalang natin.''

''Talaga! Dahil sa huli, ako ang pipiliin niya'' Napailing ito sa sinabi ko.

''Ayaw mong maniwala? Bahala ka, pero kung ako sayo huwag ka nalang sumabay pa, dahil magiging luhaan ka lang sa huli. At sa susunod na mag presinta kang body guard huwag ka ng mag taka kung isang araw ako na ang papalit sa posisyon mo.'' hinawakan niya ako sa kwelyo.

''Sino kaba para sabihin sa akin yan?! Ginagawa ko naman lahat e! Kaya lang lagi kang nauuna.''

''Wala e, pogi, ilayo mo yang ilong mo sa mukha ko!'' sabay shurg ko.

''Hindi ako mag papatalo sayo Darth!'' tinanggal ko yung pag kakahawak niya sa kwelyo ko.

''Huwag kang mag alala pretty boy, hindi ako magiging mabait sayo.'' maya-maya pa'y dumating na rin si Mea. Nag panggap kami ni Sly na walang nangyare. Pero pagkatapos nun, pasimple kaming nag gitgitan ng braso.

''Teka nga Sly, anong nangyare sayo bakit iniwan mong mag isa si Mea??''

''Oo nga Sly, umuwi kaba?''

Ikinabit ko sa bibig ko yung straw ng fruit juice ko  atsaka ko ito tinignan, tsaka ako ngumiti. Yung ngiting nambwi-bwisit lang.

''Oo, nakalimutan ko na kasama kita.'' tipid na sagot niya.

''Bakit hindi mo sabihin sakanya na natulog ka sa inodoro?'' kumunot ang noo ni Sly.

''Anong pinag sasabi mo??''

''Pinasundan kita, Kaya huwag kang mag sinungaling na hanga---'' maya maya pa'y napansin kong nag ri-ring na yung telepono ko.

Sino naman kaya tong istorbong to? Nasa kalagitnaan ako ng talastasan e.

''Sagutin ko lang ha??'' tumayo ako at lumabas ng canteen. Pero bago ako tuluyang lumabas, sinabi ko na hindi pa tapos ang sesyon.

''Hello?? Sino''

''Darth, it's me! Trixie.. Nasa tapat ako ng L.A, may sasabihin ako sayo. Pwede ka bang lumabas gusto kitang makita e.'' binalik ko ang tingin ko sa direksyon nina Mea at Sly na noo'y tawa ng tawa.

''Sige. Pero tungkol saan ang sasabihin mo?? Hindi ba pwedeng sabihin mo nalang sa phone?? May ginagawa kase kami ng tropa'' sabi ko, nakakainis! Nakaka score na si Sly!

 ''Hindi, please? Labas kana.''

''Sige.. hinatayin mo ako.''

MEA

[BACKGROUND MUSIC PLAYING: JEALOUS by NINA]

Ang tagal naman ni Darth? Ang sabi niya babalik siya pagkatapos niyang sagutin yung tawag. Umalis din kase si Sly, dahil pinatawag siya ng daddy niya. Emergency daw, kaya in the end ako nalang yung mag isa dito sa canteen.

Nang mapalingon ako sa may side ko, nakita ko yung backpack ni Darth. Binitbit ko yun at lumabas na..

''Ava, nakita mo ba si Darth??''

''Nasa labas siya kanina e, may kausap. Hindi familiar yung girl.''

''Anong itsura??'' may kutob ako kung sino yung nandun.

''Maputi, maganda pero parang yung suot na uniform kagaya nung suot suot mo ka----'' hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ni Ava. Tumakbo na ako at nag tungo sa main entrance ng L.A

Hindi ko alam bakit kinakabahan ako habang lumalabas ako nang campus. Bigla din akong nanlamig at nanlambot.. Nag lakad pa ako ng kaunti, at tama nga..

Si Trixie nga yung kausap niya.

''Ano ba kase yung sasabihin mo??'' nag tago ako dun sa poste malapit kung saan sila nag uusap.

''Darth..'' hinawakan niya yung mukha niya..

''Sinasagot na kita.''

Pakiramdam ko ng mga oras na yun tumigil sa pag ikot yung mundo ko. Dahil yung taong mahal ko, pag mamay-ari na ng iba. Pero wala naman akong karapatan na kwestunin siya o kaya pigilan siya.

Sino ba naman ako? Isang taong mahal siya kaso hindi ako nag eexist sa mundo niya.

Continue Reading

You'll Also Like

98.4K 1.4K 57
(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
35.3K 1.1K 25
[Self Published] After years of being together with her first boyfriend and her first in everything, Elizabeth "Liz" Summers is already making plans...
9K 407 26
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...