My Dream Came TRUE

By rainbow124567

55 1 0

Fantasy More

THE DEBATE
A collision of fate
The Uninvited guest

My dream came TRUE

25 0 0
By rainbow124567


INTRODUCTION

Mahilig akong magbasa ng fantasy romance novels, lalo na iyong mga may reincarnation at "story inside the story" na genre.

Isang gabi, habang binabasa ko ulit ang paborito kong libro-My Dream came True-napansin kong may kakaiba.

May isang eksena na hindi ko matandaan na nabasa ko dati.

Akala ko typo lang o extra chapter.

Pero habang patuloy akong nagbabasa, parang... masyadong "alive" ang mga detalye.

Hanggang sa huling pahina.

May isang linya na biglang lumitaw sa dulo ng libro:

"If you know this story too well... try living it."

Natawa pa ako noon.

Sa totoong buhay kasi wala namang exciting.

I am "Jessa Mae Smith" They called me Jm short for

"Jessa Mae"

Normal student lang ako. Gising, school, aral, uwi, basa ng libro, repeat.

Hindi ako yung tipo ng taong napapansin o may dramatic na buhay.

Mas comfortable ako sa mga libro kaysa sa tao.

Napatingin ulit ako sa librong hawak ko ang ganda nang kwento pero sa lahat nang character na nasa libro pinaka paborito ko "2nd Female lead" Tapos pinatay lang nang author sa ending.

Nakakainis diba? Gosh nakakaasar!

Kaya iniligpit ko na ang libro, pinatay ang ilaw, at humiga.

Pero hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas.

Basta ang huling naaalala ko... hawak ko pa rin ang libro.

At unti-unting nagiging blurry ang paligid.

Pagmulat ko ng mata ko, maliwanag na ang silid.

Ibang kisame.

Ibang amoy.

Ibang mundo.

At sa gilid ng kama, may isang maids na binati ako nang

"Good morning, My Lady."

Napahawak ako sa sarili ko.

I looked at my hands... my clothes... the mirror across the room.

ang mas nakakakilabot pa...
parang hindi ako random na napunta lang dito.

Parang ako mismo ang "pinili" ng istoryang ito.

Huminga ako nang malalim.

Nanaginip ba ako? Sinampal ko naman agad ang sarili ko to the fact na parang yumanig mundo ko sa sobrang sakit nang sampal na lumanding sa mukha ko

Gosh... so this is real.

Doon ko lang narealize ang nakakagulat na katotohanan.

Nasa loob ako ng nobelang binabasa ko.
At hindi lang basta kahit sinong character.

Ako ang main heroine.

Ang babaeng nakatakdang mahalin ng male lead... at magkaroon ng perfect happy ending.

Sa harap ko, may lumitaw na transparent na message na parang nakasulat sa hangin:

[System Activated: Story Integration Complete.]

[Role Assigned: Main Female Lead.]

[Objective: Follow the Original Plotline to Return Home.]

Kailangan ko lang sundin ang kwento.

Gagawin ko lahat ayon sa libro.

Para makabalik ako sa totoong mundo.

*****

"I am Ynna Montefalco

sa kwentong ito

Kailangan ko lang sundin ang kwento.

Gagawin ko lahat ayon sa libro

Kasi kabisado ko na ang lahat ng mangyayari.

Alam ko kung kailan ako papasok sa eksena.

Alam ko kung sino ang unang makikilala ko.

At alam ko kung paano magsisimula mula umpisa hanggang dulo "

"MY DREAM CAME TRUE

Ang cringe nang title nang librong to.

Mag isa lang ako ngayon sa kwarto ayaw pa mag sink in sa utak ko mga nagyayari.

in real life book lover ako . Simple student na mahilig sumayaw at minsan ume-extra din mag modelling.

Diko inaakalang mapupunta ako sa loob nang paborito kong binabasang libro .

okay back to reality.

I mean sa libro kung nasan ako ngayon

Ynna Montefalco

"The main heroine sa story"

Sya gagampanan kong ako sa librong to

******

The Beginning of the Story

Pagkatapos kong matauhan na nasa loob talaga ako ng nobelang binabasa ko, ang una kong ginawa ay tumakbo papunta sa salamin.

At halos mapasigaw ako.

"Ha?!".

Napaatras ako habang nakatitig sa repleksyon ko.

I'm supposed to be Ynna Montefalco

Pero ang mukha?
Mukha ko pa rin.
Parehong bangs.
Parehong mata.
Parehong mukha.

Kahit ang height ko halos pareho rin.

Parang kinuha lang ng mundo ng nobelang ito ang tunay kong katawan at isinaksak sa role nang main character
.
Napahawak ako sa noo.

Hindi ba dapat kamukha ko yung nasa description ng libro?

Pero wala.
Ako pa rin.

Jessa Mae Smith
(Jm ) for short
Book lover
Normal student.

Na di aakalaing mapupunta ako sa libro.

Si Ynna Montefalco .

Ang babaeng nakatakdang mahalin ng male lead.

Huminga ako nang malalim.

"Okay, self ."

"Kalma."

"Kabisado mo ang kwentong ito."

Alam ko ang bawat chapter.

Alam ko ang bawat major event.
At higit sa lahat...

Alam ko kung paano ito magtatapos.
Kailangan ko lang sundin ang original plot.

Walang dapat baguhin.

Kapag natapos ang kwento, makakauwi ako.

Simple.

Biglang lumitaw ang transparent na screen sa harapan ko.

[System Activated.]

[Role Assigned: Ynna Smith.]

[Main Objective: Complete the Original Story.]

[Reward: Return to Original World.]

Kailangan ko lang sundin ang script.
Madali lang.

O iyon ang akala ko.

Kinabukasan.

Ito na ang araw na magsisimula ang kwento.

Ang araw ng pag-transfer ko sa Elite Academy..

Ang pinaka-prestihiyosong paaralan sa buong bansa.
At ang lugar kung saan ko unang makikilala ang male lead.

Ace Sebastian.

Student Council President.

Campus heartthrob.

Future boyfriend ng main heroine.
At unfortunately...

Future boyfriend ko rin ayon sa script.

Nakaupo ako sa loob ng sasakyan habang nakatanaw sa napakalaking gate ng Elite Academy.
.
Huminga ako nang malalim.

"Okay."

"Chapter One.

"Here we go."

Ito na ang simula ng kwento.

Ang araw na unang papasok si Ynna sa Elite Academy.

Ang araw na makikilala niya si Ace Sebastian.

Ang araw na magsisimula ang romance na dahilan kung bakit sumikat ang

My Dream Came True.

Pero sa halip na si Ace ang iniisip ko...

May ibang tao ang biglang sumagi sa isip ko.

Princess Irish Del Vega.

Napabuntong-hininga ako.

Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit siya ang naging paborito kong karakter.

Kasi kung titingnan mo siya sa umpisa ng kwento?

Nakakainis siya.

Mataray.
Mayabang.
Rude
Brat

At parang may personal na galit sa buong mundo.

Tipong kahit simpleng "good morning" sasagutin ka ng tingin na parang ikaw ang pinakamalaking problema sa buhay niya.

Noong una ko ngang binabasa ang nobela, isa ako sa mga reader na gustong sakalin ang character niya.

Every time na lalabas siya sa chapter, automatic na may gulo.

Every time na magsasalita siya, may maiinsulto.

At every time na susubukan siyang lapitan ng ibang tao, para bang may invisible sign sa noo niya na nagsasabing:

"Leave me alone."

Kaya nga siya ang perfect villain.

Maganda.
Mayaman.
Matalino.
At sobrang intimidating.

Pero habang tumatagal ang kwento...
unti unti kong naiintindihan side nya bat sya nagkakaganun.

Princess Irish Del Vega is just also human beings but deep down she's kind.
.
Kung tutuusin, hindi nga siya mabait sa salita.

Pero mabait siya sa paraan na hindi niya ipinapakita.

Sa paraan na hindi niya ipinagmamalaki.

At iyon ang mas tumatak sa akin.

Sa buong nobela, halos lahat ng karakter mali ang pagkakakilala sa kanya.

Ang tingin nila sa kanya ay isang spoiled Princess.

Isang mayamang brat.

Isang kontrabida.

At siguro...

Kasalanan din iyon ni Irish.

Dahil wala naman siyang effort na ipaliwanag ang sarili niya.

Mas pinipili niyang magmukhang masama kaysa magpaliwanag.

Unti-unting nawala ang ngiti ko.
Dahil naalala ko ang ending niya.

Ang ending na hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap.

Hindi ko alam kung ilang araw akong badtrip sa author pagkatapos kong mabasa iyon.

Sa dami ng pwedeng tapusin sa masayang paraan...

Bakit si Irish pa binigyan nang malungkot na ending.

Bakit iyong karakter na hindi man lang nabigyan ng pagkakataong maging masaya?

Hanggang ngayon, naaalala ko pa ang sarili kong nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame matapos kong matapos ang huling chapter.

At ang tanging nasa isip ko noon ay-

"She deserved better."

Hindi niya deserve ang ending na iyon.

Hindi pagkatapos ng lahat.

Hindi pagkatapos ng lahat ng isinakripisyo niya.

Hindi pagkatapos ng lahat ng ginawa niya para kay "Ace Sebastian"

Tahimik akong napabuntong-hininga.

Pero wala na akong magagawa.

Tapos na ang kwento.

Nakasulat na ang kapalaran niya.
At ang kailangan kong isipin ngayon ay kung paano makakauwi sa totoong mundo.

Hindi si Irish.

Hindi ang ending niya.

At lalong hindi ang buhay niya.

Pero habang nakatanaw ako sa gate ng Elite Academy...

Hindi ko maiwasang mapaisip.
Dahil ngayon...

Hindi ko na lang siya binabasa.
Nasa parehong mundo na kami.
At sa mundong ito, buhay pa si Princess Irish Del Vega.

Hindi pa dumarating ang trahedyang alam kong naghihintay sa kanya.

At sa unang pagkakataon...

May maliit na bahagi ng puso ko ang bumulong ng isang bagay na hindi ko dapat iniisip.

"Paano kung mabago ko ang ending niya?"

Agad akong umiling.

"Hindi."

"Huwag kang magpakatanga, JM."

Kailangan kong sundin ang original plot.

Kailangan kong makauwi.
Iyon ang mission ko.

Pero kahit anong pilit kong iwaksi ang ideyang iyon...

May isang bagay akong sigurado.

Kung may isang karakter sa nobelang ito na ayokong makitang masaktan muli...

Hindi si Ace Sebastian.

Hindi rin si Ynna Montefalco.

Kundi si Princess Irish Del Vega.

Hindi ito ang oras para isipin si Irish.

Hindi rin ito ang oras para isipin ang ending niya.

Kailangan kong mag-focus.

May mission ako.

At ang mission na iyon ay sundin ang original plot.

Huminga ako nang malalim bago tuluyang bumaba ng sasakyan.

Agad akong sinalubong ng malamig na hangin.

Napakalawak ng Elite Academy.

Mas maganda pa ito kaysa sa imahinasyon ko noong binabasa ko ang nobela.

Ang malalawak na hardin.

Ang mga eleganteng gusali.

At ang mga estudyanteng mukhang hindi kailanman naranasang mag-commute sa buong buhay nila.

"Wow..." bulong ko.

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan ang paligid.

Nandito na talaga ako.

Sa loob ng librong ilang beses kong binasa.

Sa mundong dati ay nasa mga pahina lang.

Habang abala ako sa pagtingin sa paligid, hindi ko napansing may paparating na grupo ng mga estudyante.
At dahil busy akong magpaka-main character sa sarili kong isip...

Diretso akong nabangga sa isang tao.

Thud.

"Aray!"

Napaatras ako.

Muntik pang malaglag ang bag ko.

"A-Ah! Sorry!"

Mabilis akong yumuko bilang paghingi ng tawad.

Ngunit walang sumagot.
Napakunot ang noo ko.
Dahan-dahan akong tumingala.
At agad akong nanigas.

Princess Irish Del Vega.

Nakatayo siya sa harapan ko.
Kasama ang dalawa niyang kaibigan.
At gaya ng nasa libro...
Mukha siyang galit sa buong mundo.

And damn! That looks she so gorgeouse

At malamig ang mga matang nakatingin sa akin.

Parang gusto niyang malaman kung bakit ako humihinga sa parehong hangin na ginagamit niya.

Nanlaki ang mga mata ko.

Oh my gosh.

Princess Irish Del Vega.

In real life.

So Pretty
.
Hindi sya nagsasalita

Tiningnan lang niya ako mula ulo hanggang paa.

At bahagyang tumaas ang isang kilay niya.

Ramdam ko agad na hindi maganda iyon.

SILENCE ..

SILENCE...

Hanggang sa wakas ay nagsalita siya.

"...You should watch where you're going."

She said coldly

At walang bahid ng pagiging friendly.

"Ah... sorry."

Grabe.

Mas masakit pa yata iyon kaysa sa aktuwal na pagkakabangga ko sa kanya.

Sa libro, rude siya.

Pero ibang level pala kapag personal mong narinig.

Tahimik akong napalunok.

Habang si Irish naman ay tila nawalan na agad ng interes sa akin.

Para bang isa lang akong random na estudyanteng nakasagabal sa araw niya.
.
bago siya tuluyang maglakad, muli siyang tumingin sa akin.

Sa pagkakataong iyon, medyo mas matagal.

Parang may kung anong sinusuri.
Bahagya akong nailang.

Pagkatapos ay kumunot ang noo niya.
At nagsalita.

"You're staring."
Napasinghap ako.

"H-Ha?"

"Since earlier."

Diretso niyang sabi.
"

I hate those people staring me like a creep sabi nya habang nakataas ang isang kilay nya.
...

Gusto ko nang magpalamon sa lupa.

Tama naman siya.

Kanina ko pa siya tinititigan.

Pero kasi-

Favorite character ko siya!

Hindi ko iyon pwedeng sabihin.

Kaya ang nasabi ko lang ay-

"S-Sorry."

Tiningnan niya lang ako nang ilang segundo.

Pagkatapos ay umirap.

Literal na umirap.

At tumalikod.

"Annoying."

Iyon ang huling salitang iniwan niya bago tuluyang maglakad palayo.

Kasama ang mga kaibigan niya.

Habang ako?

Nakatayo lang doon.

Tulala.

At medyo emotional.

Dahil sa wakas nakita ko na ang paborito kong character.

At ang unang impresyon niya sa akin?
Annoying.

Biglang nag-flash ang System sa harapan ko.

[WARNING.]

[Story Deviation Detected.]

[Princess Irish Del Vega met the Main Heroine earlier than scheduled.]

[Deviation Rate: 1%]

Nanlaki ang mga mata ko.

Ha?

Story deviation?

Dahil lang nagkabanggaan kami?

Napatingin ako sa papalayong anino ni Irish.

At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan...

Parang gusto ko baguhin ang kwento.

*****



Nakatayo pa rin ako sa gitna ng campus habang pinapanood ang papalayong anino ni Princess Irish Del Vega.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala.

Nakita ko na siya.

Nakausap ko pa siya.

At gaya ng inaasahan...

Masungit talaga siya.

"Annoying."

Napangiwi ako.

"Wow."

"Thank you, my favorite character."

"Love you too."

Napailing ako at nagsimulang maglakad ulit..

May mas importante pa akong kailangang gawin.

Hanapin si Ace Sebastian.

Kung tama ang pagkakaalala ko, sa oras na ito ay dapat papunta siya sa Student Council Building matapos ang morning meeting.

At doon magsisimula ang first official meeting nila ni Ynna. Which is me. "

Ang eksenang kinilig ang kalahati ng fandom.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang sinusundan sa isip ko ang mga eksena sa nobela.

Then finally I saw the spot scene

Ang eksaktong lugar.

Ang eksaktong corridor kung saan unang nagkita sina Ace at Ynna.

At gaya ng inaasahan...

May isang lalaking naglalakad sa kabilang direksyon.

Matangkad.
Maputi.
Brown hair
Sobrang gwapo

Perpekto ang ayos ng uniporme.

At kahit walang nagsasabi, ramdam mong siya ang tipo ng taong sanay na sinusundan ng lahat.

Ace Sebastian.

The male lead.

Napatigil ako.

Kahit alam kong darating siya, medyo nakakagulat pa rin pala kapag nakita mo na nang personal.

Okay.

Focus.

Ito ang simula ng kwento.
Kailangan kong sundin ang script.

Sa nobela, magkakabanggaan sila rito.
Matatapon dala ko.

Tutulungan ako ni Ace.

Mag-uusap sila.

At boom.

First impression.

Kaya nang makita kong papalapit na siya,

Inihanda ko na agad ang sarili ko.

Tatlo.
Dalawa.
Isa

BANG!

Ouch! Bigla akong nawalan nang balanse at napaupo sa sahig tas binitawan ko yung dala kong mga libro kasi nga diba kailangan kong sundin ang nasa kwento ...

Kailangan ko lang hintayin na tulungan ako ni Ace, tapos magsisimula na ang iconic first meeting nang dalawang bida.

See? Madali lang.

Ngunit lumipas ang isang segundo.
isa
Dalawa.
Tatlo.

Wala pa ring kamay na nakaabot sa akin.

Napakunot-noo ako.

Dahan-dahan akong tumingala.

At doon ko nakita si Ace.

Are you okay? He asked

Napakurap ako.

Wait.

Hindi ba dapat nakaluhod na siya ngayon habang pinupulot ang mga libro ko?

Hindi ba dapat tumutugtog na ang imaginary background music?

~Yea-h I'm fine

"That's good."

At naglakad ulit siya.

Nanlaki ang mga mata ko.

Teka lang!

Teka lang!

Hindi ito ang script!

Mabilis akong tumayo.

"Wait!"

Napahinto si Ace at lumingon.

"Yes?"

"Uh..."

Bigla akong nawalan ng sasabihin.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na-
"Excuse me, Male Lead, pakitulungan naman ako para umusad ang plot."

~Gusto ko lang sana tanungin yung

Class A Section1 . I'm kinda lost.

Tiningnan lang naman nya ako damn kung may paboritong character ang author nang libro si Ace yun grabe yung kapogian nang isang to. Napaka cold nga lang.

First day?" tanong niya.

Tumango ako.

"Your strange. "

Wait what?

"Saang part?"

"Sa part na binangga mo ang sarili mo."
...
Natigilan ako.

"Excuse me?"

"I saw you."

"Huh? Magpatay malisya tayo

"You literally walked into me." He said

Napasinghap ako.

"Nakita mo?"

Gusto kong magtago sa ilalim ng tiles.
Burahin niyo na ako.

Delete character.

New game.

New save file.

Think dummy think!!!

gusto ko lang tanungin San yung Section1-ClassroomA yun lang..

Tiningnan lang naman nya ulit ako

sabay sabing fine follow me. "

[Main Story Event Completed.]

[Male Lead Encounter Successful.]

[Story Progress: 2%]

Napabuntong-hininga ako.
At least.

Hindi tuluyang nasira ang kwento.

Ngunit habang sinusundan ko si

Ace Sebastian...

napansin ko mula sa ikalawang palapag ng main building-

May isang pares ng malamig na mata ang tahimik na nakatingin sa amin.

Princess Irish Del Vega.

At bahagya siyang napakunot ng noo bago tuluyang tumalikod.

Parang may nakita siyang bagay na hindi niya nagustuhan.

Galit na naman sya sakin wala naman ako magagawa ito nakasulat sa libro.

Continue Reading

You'll Also Like

18.2M 564K 37
"It's like he's a different breed of werewolf. Something... beyond us." • • • Adrienne Gage has spent her entire life being shunned and punished for...
20.8M 623K 42
"Give me your hand." He ordered and i looked at him confused. He sighed before taking my left hand. I gasped when he suddenly put an engagement ring...
2.6M 112K 60
This is my first ever book. It contains so many loopholes as the editing wasn't done nicely when I rephrased the story. So a genuine sorry to the re...
794K 117K 59
In 1991, when silence was expected from broken women, Chanda chose to walk away. Escaping an abusive marriage should have meant freedom... but her vi...
Wattpad App - Unlock exclusive features