FooIish Heart [COMPLETE]

By AKOSICRAZYGIRL

44.8K 1.1K 159

[NO SOFT COPIES] "Don't hold on to the past too tight, the future may never come." Lagi nakatatak sa isip ko... More

Prologue:
Foolish Heart [1]
Foolish Heart [2]
Foolish Heart [3]
Foolish Heart [4]
Foolish Heart [5]
Foolish Heart [6]
Foolish Heart [7]
Foolish Heart [8]
Foolish Heart [9]
Foolish Heart [10]
Foolish Heart [11]
Foolish Heart [12]
Foolish Heart [13]
Foolish Heart [14]
Foolish Heart [15]
Foolish Heart [16]
Foolish Heart [17]
Foolish Heart [18]
Foolish Heart [19]
Foolish Heart [20]
Foolish Heart [21]
Foolish Heart [22]
Foolish Heart [23]
Foolish Heart [24]
Foolish Heart [25]
Foolish Heart [27]
Foolish Heart [28]
Foolish Heart [29]
Foolish Heart [30]
"Jerome Cruz: Prinsesa Ko."
Foolish Heart [31]
Foolish Heart [32]
Foolish Heart [33]
Foolish Heart [34]
Foolish Heart [35]
"Zen Reyes: One last chance.."
Foolish Heart [36]
Foolish Heart [37]
Foolish Heart [38]
Foolish Heart [39]
Foolish Heart [40]
EPILOGUE:
Special Chapter : Ash & Dez
Special Chapter: Jerome & Mikaela
[PROMOTE!!!] MY NAME IS HEARTBREAKER * Teaser *
[PROMOTE!!!] ANG BOYFRIEND KONG BADING
[PROMOTE!!!] BLACK & WHITE UNIVERSITY
[PROMOTE] MY BOYFRIEND IS GAY ON DREAME

Foolish Heart [26]

819 14 7
By AKOSICRAZYGIRL






Foolish Heart [26]


"Ang pag aartista ay hindi madaling trabaho,hindi lang ito puro pasikat. Sa bawat pag-arte natin sa isang palabas kailangan nating damdamin ang bawat linya at isapuso natin ito. Tayong mga artista ang nagkwekwento ng buhay nila. Tayo ay sila at sila ay tayo, iisa lang ang kwento ng buhay natin depende na lang kung paano mo ito aayusin kung papanig ka ba sa kasamaan o sa kabutihan.Kaya nga may bida tayo at kontrabida." Onting oras na lang Mikaela, matatapos na itong training ko sa pag-aartista.Onti na lang mapupuntahan ko na siya sa Mcdo para makita ko siya, susupresahin ko si Jerome.

"Mikaela."

"Po?"

"Basahin mo ito, ikaw ang magiging bida at kontrabida si Sonia.Bibigyan ko kayo ng dalawang minuto para pag-aralan ito." Kinuha ko yung script kay Sir.Ian at binasa ko kaagad.


Tungkol ito sa dating magkaibigan na ngayon magkaaway na dahil inagaw sakanya ang kasintahan. Wow? Ang intense naman nitong story,ako pa yung bida. Waaa, kinakabahan ako pero katulad nga ng nakasanayan ko nung highschool na kasabihan : Kaya ko ito!


"Okay, tapos na ang dalawang minuto. Simulan na natin!Lights, camera, action!"


"Sadyang maliit talaga ang mundo, sa dinarami ng lugar dito ko pa makikita ang aking kaibigan.Kamusta ka na Myra?" Sinimulan na ni Sonia,ang damang dama niya ha.

"Ito masayang namumuhay Felice, kayo kamusta ni Cedric yung lalaking dati kong pagmamay-ari na ngayon sumisiksik dyan sa katawan mo." Tumawa siya.

"Hanggang ngayon ba Myra mahal mo parin ba si Cedric?" Tumawa ako,ayun kasi ang nasa script.


"Oo, eh ikaw mahal ka ba ni Cedric o mas mahal niya yung Katawan mong pinagpyepyestahan ng kung sino-sinong lalaki?" Tawa ako ng tawa at nabigla ako nung sinampal ako ni Sonia, napatingin tuloy ako sa script kung kasama yun pero wala naman. Ano toh nadala siya sa actingan namin? E kung ganun di ako magpapatalo.

"Masaya ka na bang sinampal mo ako? Siguro hindi mo lang matanggap ang katotohanan kaya dinaan mo sa sakitan."

"Hinahamon mo talaga ako." Sasaktan niya sana ako ulit pero ako na agad ang sumampal sakanya.

" Once is enough but twice is too much."

"CUT!Very good, bravo bravo ladies." Masayang sabi ni Sir.Ian, lumapit agad sa akin si Sonia.

"Mikaela, sorry sa ginawa ko sayo ha.Nadala kasi ako sa script,sorry talaga." Nginitian ko siya.

"Ako din naman e,tsaka actingan lang naman toh.Ayos lang,sorry din ha." Ngumiti siya at nakinig na kami kay Sir.Ian.

"Hindi natin maiiwasan pag nag action na at nagdedeliver tayo ng lines.Hindi natin mamalayan na iba na ang sinasabi natin dahil bilang karakter ng istorya alamin mo na dapat ang buhay o ang istorya niya ,alam mo kung ano ang huhugutin mong salita para ibato sa kausap mo.Katulad ng ipinakita ni Sonia at Mikaela, si Sonia ay nadala sa binabatong salita ni Mikaela naramdaman ni Sonia at pagkagalit ng karakter ni Felice laban kay Myra kaya hindi na nasunod ang script nagkaroon ng impromptu.Walang sampalan sa script at dahil nadala sila bilang Felice at Myra ay nangyari iyon.Kaya sainyong dalawa, you did a good job dahil dyan dismiss na kayo.See you next week!"


"Thank you Sir." Agad ko kinuha ang gamit ko at nagmadali ako pumara ng jeep gabi na rin kasi pero nagulat ako nung makita ko si Zen na nakaabang sa labas ng kotse niya,lumapit agad ako sakanya.

"Yo!" Bati niya sa akin.

"Di ba sabi ko sayo kahit wag mo na ako sunduiin."

"I insist."

"Bahala ka dyan di ako sasakay." Naglakad ako papalayo sakanya at pumara ng jeep pero pagkasakay ko nagulat ako na sumama siya sa akin

"Zen, ang kulit mo."

"Saan tayo pupunta?" Nakangiti niyang sabi.


"Pupunta ako kay Jerome, sasama ka pa rin?" Nawala yung ngiti niya pero nakatingin parin siya sa akin.

"Pupunta ka sa Mcdo?" Napabuntong hininga ako.

"Oo, kaya umuwi ka na lang Zen tsaka balikan mo kotse mo doon aba."

"Ayoko,sasamahan kita tsaka gabi na o,delikado."

"Zen naman!" Hindi niya na lang ako pinansin.

"Bayad ho, dalawang Mcdo po." Kukuhain ko sana yung inabot ni Zen na pamasahe pero hinawakan niya lang yung kamay ko.

"Naiinis na ako sayo." Seryoso kong sabi.

"Ilang araw mo na ako iniiwasan, nagtatampo na ako sayo."

" Hindi kita iniiwasan ha!"

"Pero ganun yung pakiramdam ko,kung kausapin mo ako napaikli."

"Zen,alam mo kung bakit ako ganito sayo."

"Alam ko yun maga,nandito ako bilang kaibigan mo tsaka bakit ba ayaw mong samahan kita? Gusto ko rin naman malaman ang sitwasyon ni Jerome kahit ganun naging kaibigan ko din naman siya."

"Tapos may magselos ?"

" Hindi ko naman ipapahalata yun sayo."

"Zen."

"Tama na nga maga, basta sasamahan kita tapos!" Magsasalita pa sana ako kaso nailang kasi ako sa mga kasabay naming pasahero na nakatingin kay Zen.

"Parang nakita ko na siya." Sabi nung babae.

"Ako din Ate, di ko lang matandaan."

"Pero ang gwapo niya."

"Agree ako pero mukhang nag-aaway sila nung gf niya." Tiningnan ko lang sila at mukhang natauhan sila nung napansin nila ang tingin ko kaya ngumit ako sakanila kaya napaiwas sila ng tingin sa akin.


"Ikaw pa ata ang nagselos." Napatingin ako Kay Zen.

"Pinagsasabi mo dyan?"

"Pinag-uusapan lang ako tinitigan mo na agad sila." Tas tumawa siya at ako na nairap sakanya.

"Baka gusto mong itapon kita dito sa bintana ng jeep?"


"Woah, kailan ka pa naging brutal maga?"

"Ngayon lang Zen,gusto mo subukan natin?"

"Ayoko,nasaktan na nga ako maging brutal ka pa sa akin.Grabe ka na sa akin maga." Umiling-iling pa siya at umaktong nasasaktan.

"Drama mo." Tumawa lang siya,pagkatapos nun ay tumahimik na kami hanggang sa makarating na kami sa Mcdo.Nagmadali agad ako pagpasok sa Mcdo para hanapin si Jerome at di naman ako nabigo.

"Jerome!" Nagulat siya ng makita ako pero ngumiti siya sa akin at lumapit.

"Bakit nandito ka?"

"Sinupresa ka, gusto kasi kita makita."

"Sweet mo naman, kaso di kita maasikaso naka duty ako ngayon mapagalitan ako ng manager."


"Okay lang, hinatyin kita mag-out."


"Hindi, umuwi ka na hanggang closing ako dito." Napanguso ako sa sinabi, hanggang closing pa siya dito sa Mcdo hindi ko man lang siya makakasama.

"Ganun ba? Pero dito muna ako kakain.Pwede ba yun?" Napangiti si Jerome at tumango.

"Sige ano kakainin mo? Ako na bahala at magbabayad."

"Pati ba ako lilibre mo din?" Napansin ko nawala ang ngiti ni Jerome nung makita niya si Zen.


"Smile ka ulit pre, nandito ako para dalawin ka. Tsaka sinamahan ko si Maga este Mikaela alam mo naman delikado magcommute ang babae." Napatango si Jerome.

"Ganun ba pre? Sige pagkatapos niyong kumain ihatid mo si Mikaela ng maayos ha. Hanggang closing pa kasi ako,may tiwala ako sayo Zen." Hinawakan ni Jerome ang balikat ni Zen dahilan para ngumiti sila sa isa't isa.

"Utang mo ito sakin pre ha." Natatawang sabi ni Zen.

"Sira, wag mo isipin nagpaubaya ako." Nagtaka naman ako sinabi ni Jerome.

"Wag ka mag alala pre, mas lamang ka ng ilang paligo sa akin." Ahhh, gets ko na tungkol nanaman ito paniguro sa akin. Napabuntong hininga na lang ako.

"Buti naman, sige ano ba kakainin niyo? Sagot ko na."

"Nako Jerome! Hindi ako papayag, si Zen magbabayad ng oorderin naming pagkain." Sabi ko kaagad dahilan para mapaubo si Zen.

" Bakit ako?" Nagtatakang sabi niya.

"Di ba gusto mo kong samahan? Kaya libre mo ko." Napakamot na lang siya ng ulo at tumawa si Jerome.

" Napasubo ka Zen." Natatawang sabi ni Jerome.

" Kaya nga e, sige pa order ng BFF Fries tapos ikaw na bahala Jerome kung ano ibibigay mo sa amin.Ako magbabayad ha, wag mo ng ikaltas sa sweldo mo pre.Kapag ginawa mo yun ipapasisante kita sa manager niyo." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Zen,nako kunyari pa siya kahit papaano concern din siya para kay Jerome gusto niya pang idaan sa biro.

"Sige sabi mo yan ha."

"Oo, sige na baka mapagalitan ka pa ng manager. Upo lang kami doon sa gilid ay teka ito yung pera oh yung sukli sayo na."Magsasalita pa sana si Jerome pero tinalikuran na siya ni Zen at ako naman nakangiti lang kay Jerome.

"Keep the change na. Doon lang kami ha." Ngumiti siya sa akin at tumango, sumunod ako kay Zen at umupo sa harap niya.

"Kahit papaano pala concern ka din sakanya." Nakangiti kong sabi sakanya pero tiningnan niya lang ako.

"Ano ba tingin mo sa akin walang puso?"

"Hindi naman, syempre akala ko magiging pa-bad boy ka dahil nga di ba."

"Hindi naman sa porke't gusto kita Maga e babastusin ko na yung taong gusto mo. Oo, nakakaselos pero di naman ako ganung lalaki." Natawa na lang ako saknya.

"Galit ka na niyan?"

"Medyo, hindi ko kasi aakalain ganun iisipin mo sa akin." Natahimik ako sa sinabi niya bigla tuloy ako nakonsensya sa sinabi niya.

"Sorry." Narinig ko siyang napabuntong hininga.

"Hmm, okay." Nanahimik kami ng ilang minuto hanggang sa dumating si Jerome dala yung pagkain.

"Ito na BFF fries, Big Mac tapos chicken with rice at hindi ko makakalimutan ang mahilig sa ice cream." Napangiti ako sa sinabi ni Jerome.

" Yey! Ice cream." Masaya kong sabi.

"Dami naman ng inorder mo Jerome."

"Para busog kayo lalo na si Mikaela, sige na hinihintay na ako doon sa working station ko.Salamat sainyo ha, Zen si Mikaela ha." Napatango na lang si Zen.

"Ingat ka sa pag uwi ha." Pag aalala kong sabi.

"Opo prinsesa ko, ingat ka din lalo na sakanya." Pabirong sabi niya kaya natawa ako.

"Opo prinsipe ko."


"Baka gusto niyo namang makiramdam?" Parehas kaming tumawa ni Jerome sa sinabi ni Zen.

"Ay pasensya na pre,sige na." Winagayway ko ang kamay ko nung umalis na si Jerome at kumain na nakangiti.Kakausapin ko pa sana si Zen pero mukhang nawala sa mood kaya di na lang ako umimik

*********

Pagkatapos namin kumain doon sa Mcdo ,ito kami ni Zen naglalakad pauwi para kahit papaano matagtag ang kinain namin.Sobrang nabusog kasi kaming dalawa.

"Uy Zen,bukas balikan mo kaagad ang kotse mo doon ha."

"Ay oo nga pala, muntik ko ng makalimutan."

"Wow,iba na talaga pag sumisikat na nakakalimutan na lang ang kotse."

"Hindi ah." Hinayaan ko lang siya maunang maglakad sa akin tapos tumakbo ako at sumampa sa likod niya.

"Ooy! Aray ko ang bigat mo." Tumawa lang ako sakanya pero inalalayan niya naman ako.

"Piggyride yey!" Tumawa si Zen.

"Isip bata."

"Hindi ka na galit?"

"Hindi na."

"Pero nagselos ka kanina? sabihin mo yung totoo sa akin."

"Oo,sorry kung di ko mapigilan ha."


"Naiintindihan ko Zen." Bumababa ako sa likod niya at tumingin siya sa akin pero nginitian ko lang siya at nagsimula ako maglakad.

"Maga."


"Hmm?"

"Hindi ka ba napapagod maghintay kay Jerome?"


"Napagod din naman ako kaso ewan ko ba yung nakita ko siya ulit bumalik lahat sa akin."

"Pero kung di siya nagpakita sayo ulit may pag-asa ba ako?" napatigil ako sa paglalakad ko at humarap sakanya.


"Oo."

"Kahit onti ba nagkagusto ka sa akin?" napatitig ako sakanya tsaka umiwas ng tingin.

"Oo."

"Pero mas pinili mong balewalain yun." napayuko na lang ako sa sinabi niya,naramdaman ko na lang yung pagkahawak niya sa pisngi ko at ngumiti siya sa akin.

"Sapat na sa akin na malaman ko na nagkagusto ka saakin, kahit papaano napasaya mo ako Mikaela."

"Pero...." nilagay niya yung hintuturo niya sa labi ko dahilan para di ko matuloy ang sasabihin ko.

"Tandaan mo ito Mikaela, hindi ko parin ititigil itong panliligaw ko sayo hangga't di pa kita nakikitang masaya kay Jerome."

"Z-zen."

"I'll wait for you , the way you wait for him.I will always be here for you, remember that." sabay halik niya sa kamay ko at hawak dito, nagumpisa na kaming maglakad ulit hanggang makaratung kami sa bahay.

"Goodnight Maga."

"Goodnight Zen."

***************

"Grabe naman bestie, ang gulo ng love life mo ha. Baka gusto mo naman akong hatian sa sobrang haba ng buhok mo?"

"Baliw ka talaga Bestie."

"Ako pa binaliw mo? pero bet ko si Zen sayo Bestie. Ito naman kasi Jerome wala pang nagagawa sayo puro ikaw na lang nagawa ng paraan. Lagi ka na lang napunta sa Mcdo pagkatapos ng klase natin para makita siya. Desperada lang Bestie?"


"Sabi niya naman sa akin,babawi siya. Tsaka naiintindihan ko naman kung wala siyang time sa akin, alam kong busy siya sa trabaho niya para sa pamilya niya. Basta lagi lang ako nandito para sakanya."

"Tanga ka talaga bestie,baka maging zuma cum laude ka dyan." inirapan ko si Keith.

"Alam ko naman ang ginagawa ko."

"Sana nga bestie kasi baka maya masktan ka nanaman dyan.Baka maulit nanaman yang heartbreak mo sakanya, wag masyadong umasa bestie."

"Hindi naman sa ganun bestie, nagkaintindihan naman kaming dalawa. At hihintayin ko yung panahon na haharap siya kila papa para ligawan ako."

"Hindi natin masasabi yan bestie, dami pang oras at mag iiba ang takbo ng istorya niyo bestie."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi natin masasabi kung kayo ,kaya bestie wag mo sayangin ang oras mo na ang laman ng utak at puso mo ay si Jerome dahil baka isang araw yung kinasanayan mo ay biglang maglaho."


"Tsss. Ewan ko sayo bestie, hindi yun mangyayari noh." natatawa kong sabi.

"Wag magsalit ng tapos, gasgas man itong linyang ito pero totoo naman."

"Ay ewan ko sayo Bestie, gusto mo hanapan na lang kitang love life? para di ka maistress sa love life ko." inirapan na lang ako ni Keith at humarap na lang sa computer niya para tapusin ang pag eedit ng picture.



==============

VOTE.COMMENT.FAN
(C)AKOSICRAZYGIRL

Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 533K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
7.1M 352K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...