Once Upon a Time

By dancingskyblue

4.9K 263 107

Once upon a time, I fell in love.. One shot stories. :) More

Once Upon a Time
Once Upon A Song
Don't Jump Into Conclusion
You're a Liar so, I Hate You
M Love
Valentines Special: Sweet Tea
Valentines Special: Last Prom
11:11
Take The Joke...
Letter For You

Summer Special: Phone Number

102 4 0
By dancingskyblue

"Parang nakaramdam na nga agad yung puso at tiyan ko eh. Ang bilis ng tibok ng puso ko at kung anong paru-paro ang paikot ikot sa tiyan ko."

Summer Special: Phone Number 

"Kukunin ko number ni Josh."

"Ha? Nakakahiya." To namang best friend ko. Mabubuko pa ako neto eh.

"Basta! Ka-church ko yung isa niyang classmate, kaclose ko yun! Ako nang bahala." Wala rin naman akong magagawa kaya hinayaan ko na lang siya. Pero lumayo ako. Baka mahalatang ako may kailangan ng number niya eh.

Iba na talaga panahon ngayon. Kahit babae ka, okay lang na ikaw yung gumawa ng first move.

Ayoko naman talagang hingin number niya. Natatakot nga akong magpakilala eh. Ni i-add siya sa fb di ko magawa. Kaya lang etong best friend ko mapilit. Pambawi daw niya sakin kasi dahil sa kanya hindi ako nakapunta sa family day namin na once a month lang namin nagagawa kasi busy parents ko pero sabi ko okay lang naman. Mapilit talaga siya eh. Babawi daw siya. Eto na nga yung pambawi daw niya. Souvenir ko na rin daw dahil malapit na ang summer. Hindi ko na masisilayan si Josh para at least makakatext ko daw. Kaya ko nga ba siyang itext?

Ako si Brooklyn. Crush ko? Ayun, si Josh. Ang pogi niya talaga. ~ Magaling 'yang sumayaw. Yun nga ang nagustuhan ko sa kanya. Attracted kasi ako sa mga lalaking magaling sumayaw.

Hala! Dali dali akong nagtago. Lumingon dito sa side na to si Josh. Nakita niya kaya ako? Bat ba siya lumingon?! Binuko na ba ako ng best friend ko? Best friend naman dalian mo~

Hindi ko na kaya! Baka makita ako ni Josh. Dahan dahan akong umalis nang hindi nila nahahalata. Hihintayin ko na lang siya sa room.

"Best! Ba't mo naman ako iniwan don?!" Ayan na pala ang may sala kung bakit kanina pa ganito takbo ng puso ko. "Akala ko nawala ka na." Inirapan ko lang siya at nagbasa kunwari ng libro. "Pansinin mo akooo~" Hindi ko pa rin siya pinansin.

*beep beep* "May nagtext sayo!" Hindi ko pa rin siya pinansin at tinignan kung sino yung nagtext. "Happy?"

Dahan dahan ko siyang tinignan sabay, "Thank you!" na may kasamang hug.

"Wala na akong utang sayo?"

"Wala na!" Tinignan ko yung phone ko. Number ni Josh.

"Ikaw naman ngayon ang meron."

"Ha?!" Nganga kong tanong sa kanya. Bat ako nagkautang?

"Iniwan mo ko! Ilibre mo ko ngayon din." Hindi na ako nakapalag dahil hinila na niya ako papuntang canteen. *shrug* Sige na nga. ~

Summer na. Fourth year na kami next school year. Malapit na akong gumraduate. Ang bilis ng panahon. Pero kahit anong bilis non, hanggang ngayon gusto ko pa rin si Josh. Nakasave pa rin sakin yung number niya pero ni minsan hindi ko tinext. Nahihiya ako. Hindi ko alam sasabihin ko.

Nakatingin ako sa phone ko kung saan nasa screen number ni Josh. Kung mabubura ko to, wala ring saysay. Kabisado ko na eh. Pero hindi ko maitext.

Tama! Gagamit na lang ako ng ibang number. Yosh!

Bumaba ako para hiramin phone ng kapatid ko. Nakipaggera nga muna ko para mapahiram ko eh. At ang kapalit, yung phone ko. Bahala nga siya. Itext niya kung sino gusto niyang itext. Wala namang load yun eh.

Eto na. Itetext ko na siya. Eh, ano naman sasabihin ko?

Ang tagal kong nag-isip ng dapat kong itext but I ended up with '.'. Dot. Yun ang text ko sa kanya. Wow lang diba?

*beep beep* Shiz! Muntik na akong mapatalon sa gulat. Siya kaya to? Dahan dahan ko in-open yung message. Siya nga!!!!! Homaygash.

Sino to? 

Maygash! Napipicture ko na sa utak ko yung hitsura at boses niyang habang sinasabi ang dalawang salitang yun~ Grabe. Kinikilig ako. ~

Nanghula lang ako ng number. Anong pangalan mo? 

What a palusot, Brooklyn Vera Cruz! Sana kumagat siya~ Malapit ko ng maubos kuko ko dahil sa kakagad sa paghihintay ng reply niya. Impernes. Mabilis siya magreply.

Ahh. Ako si Vance. Ikaw? 

Vance? Ganun ba gusto mo, Josh? Ibahan ng pangalan, ha? Sige ba. Game ako dyan!

Cloud pangalan ko. Babae ka? 

Mihihihi. Kinikilig ako. ~

Lalaki. Ikaw?

Babae ako. Nice meeting you? 

Kunwari hindi ko siya kilala at hindi ko siya crush at hindi ako kinikilig sa kanya.

Nice meeting you. :) Tagasan ka?

Homaygash! Siya nag-iisip ng topic. Nagsmiley face na emoticon pa siya! Kilig to the highest level na talaga!

*insert lugar here* Ikaw ba?

*insert lugar here* din ako. San ka nag-aaral? 

Hala. Sasabihin ko ba? Mabubuko ako! Baka maalala niya yung nanghingi ng number niya. Halaaaaa.

Sa *insert name of school here*. Dun ka din ba?

Sa *insert school name here* ako eh. 

Yung school na public yung sinabi ko para hindi halata eh.

Ahhh. Mayayaman daw nag-aaral dun ah? Hehe.

Hindi naman. Haha. Ang liit nga ng school namin eh. Kumpara sa school niyo. 

Ganun lang kami. Tanungan lang. Getting to know each other~ Mga 3 hours din kami magkatext. Inuutusan daw kasi siya ng Mama niyang bumili. Malayo layo yun. Kaya bye for now daw muna. Next time na lang. Hooh! May next time pa!

Tinext ko ang best friend ko at nagpapasalamat ako sa kanya. Hindi ko sinabi yung dahilan. Naguguluhan nga siya kung para saan daw yun pero hindi ko sinabi. Basta kako salamat. Gulong gulo nga siya pero sumuko na lang siya.

Madalas kong makatext si Vance. Nasanay na akong Vance ang tawag sa kanya. Bat ba kasi yun yung sinabi niyang pangalan? Pero, okay na din yun. May na. Malapit na ang pasukan. Ang alam niya, Cloud ang pangalan ko. Hindi naman siguro niya ako kakausapin sa school dahil hindi niya alam na ako to. Ang alam niya, sa kabilang school ako nag-aaral. Hindi nga niya ako kilala, diba?

Madalas kong makatext si Vance. Hindi lang makatext. Minsan kasi tumatawag siya. Late night convos are always the best. Lagi akong natutulog ng may ngiti sa labi nang dahil sa kanya. Iniinterview na nga ako ng kapatid ko kung bakit lagi kong hinihiram phone niya. Tama na siguro to. Sinabi ko sa kanyang nagpalit ako ng number kasi gusto ko lang. Masyado na akong inuusisa ng tsismosa kong kapatid eh.

Days went by. Gustong-gusto ko na talaga si Vance/Josh. Napakajolly niya. Ang kalog. Akala ko nung una mayabang siya, hindi pala. Ang bait bait niya. Naiinlove na ako sa kanya. ♥ ~

Pasukan na. Makikita ko na naman si Josh. 2 months ko din siya hindi nakita. May nagbago kaya sa kanya? Sakin wala naman. Hindi naman ako palaayos eh.

"Hala. Tayo na lang tao. Mag-6 na pala eh." Tss. Hindi kasi marunong maglinis mga kaklase namin. Family day namin ngayon tas late pa akong uuwi. Hayst. "Uy, sorry. Family day niyo ngayon. Ako na naman ang dahilan kung bakit late ka." Hindi kasi ako cleaner ngayon. Sinamahan ko lang siya. Hindi ko siya pwedeng iwan. Malayo bahay nila. Wala siyang kasama.

"Okay lang yun. Makakahabol pa naman ako eh." Nilock na niya yung pinto ng room namin saka kami bumaba.

"Si Josh!" Pasigaw na bulong niya sakin. Kung meron mang ganon. Pero kahit hindi niya sabihin, nakita ko na si Josh. Parang nakaramdam na nga agad yung puso at tiyan ko eh. Ang bilis ng tibok ng puso ko at kung anong paru-paro ang paikot ikot sa tiyan ko. Bigla akong kinabahan. Isa lang ang dapat kong gawin. Wag magpahalata.

"Tara na." Dadaan kami sa harap ng barkada niya. Well, yun yong daanan eh.

"Ang baho." Sabi niya sabay takip ng ilong. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, nakikita ko yung ginagawa niya. Nagmemake face siya. "Baho talaga." Nagpaypay pa siya ng kamay. Parang inaalis yung amoy na naamoy niyang mabaho. Wala naman akong naamoy. Nakakayamot. Hindi ko yun pinansin at binilisan ko na lang paglakad ko.

"Okay ka lang? Sorry ha?" Nginitan ko lang ang best friend ko. Bakit ganun si Josh? Ano ba talaga totoo niyang ugali? Hindi naman siya ganun pag katext ko siya.. Nagpapaturn-off ba siya kasi alam na niyang crush ko siya? Hayy.

Late ako sa family day namin. Hindi rin naman ako ganoong nakisaya. Wala ako sa mood.

Ang bait bait ni Vance. Pero, gusto ko talaga si Josh. Ano bang totoo niyang ugali?

Summer na naman. Graduate na ako. Si Josh, may 1 year pa. Bakit ko ba siya iniisip? Makakalimutan ko din siya kasi lilipat na ako ng school. Pero paano ko siya makakaimutan kung hanggang ngayon katext ko pa rin siya?

*beep beep*

Pwede bang magkita tayo? 

Bigla akong kinabahan. Hala. Paano to?

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi ko pa rin siya nirereplyan.

Hanggang sa nagriring na yung phone ko. Pagtingin ko, si Vance ang tumatawag. Sinagot ko kahit kinakabahn ako at hindi ko alam ang sasabihin ko.

H-hello? 

Nagstammer pa ako.

Bat di ka na nagreply? Haha.

Galing akong cr. Babasahin ko palang sana yung text mo kaya lang tumawag ka na. 

Hay. Reyna ka na ng palusot, Brooklyn.

Cloud, 

Yun talaga ang tawag niya sakin. Well, hindi naman niya alam eh.

Pwede ba tayong magkita? 

Ayan na. Wala na akong takas. Anong sasabihin ko?

Kelan ba? 

Hayaan na.

This week. Okay lang?

Naku, hindi pwede eh. May out of town kami this week. Baka mga 5 days kami sa Baguio. Next week na lang. Okay lang? 

Hindi yun palusot. Family day namin yun.

Sige. Text mo na lang ako kung kelan ka pwede.

Sure. Bye na. May inuutos mama ko eh. 

Palusot again. Nahahalata kaya niyang iniiwasan ko siya?

Sige bye. 

Hindi na ako nagsalita. In-end ko agad yung call at huminga ng malalim.

Pwede bang hindi na dumating ang next week?

Park tayo. Yung tabi ng church. 1pm. Nakastripes akong red and white.

Eto na yung pinakakinatatakutan kong araw. 9 na. Mamaya na ako gagayak. Magpapalate ako. Sandali lang naman.

Sabi ko nakablouse akong blue. Pero hindi. Nakablack akong tshirt. Asan ba siya? 1:20 na. Wala pa ba siya? Wala akong nakikitang nakastripes na red and white. Niloloko ba ako nun?

"Andito ako." Napalaki ang mata ko sa narinig ko. Muntik na akong mapatalon sa gulat. Andito pa naman ako sa taas. Yung part na may fountain. Dahan dahan ko siyang nilingon. "Hi." Hindi siya si Josh.

"Magkakilala ba tayo?" Ako naman siguro kausap niya noh?

"Ikaw si Cloud diba?" Siya yung katext ko?

Tinignan ko siya. Hindi siya nakastripes. Naka-camouflage siya. "Vance?" Mahina at mabagal kong tanong.

"Ako nga." Oh gosh. "Kilala kita, Brooklyn."

"Ha?" Paano niya nalaman ang totoong pangalan ko? Sino ba siya?

"Barkada ako ni Josh." Talaga? Hindi ko kasi kilala mga barkada ni Josh. Sa kanya lang kasi ako nakatingin. "Nung hiningi ng kaibigan mo yung number ni Josh, number ko yung binigay niya." Best friend, medyo palpak plano mo. "Hindi ko alam ang tungkol dun. Absent ako nun. Kinabukasan, sinabi sakin ni Josh yung tungkol sa number ko. Syempre, nacurious ako sayo. Inalam ko kung sino ka. Nung nakita kita, naalala kita. Ikaw yung dinala ni Kuya Nikko sa room namin dati." Si Nikko ay kaklase ko. Isang taong abnormal. Nanghihiram lang naman ako ng walis nung time na yun dahil cleaner ako pero ang ginawa niya, ako na daw kumuha ng walis sa loob ng room nila Josh. Close kasi niya sila. Pumasok ako then hindi na niya ako pinalabas at tawag ng tawag kay Josh. Yun ang dahilan kung bakit nalaman ni Josh ang feelings ko towards him. "Naghintay ako ng text mo pero walang dumadating. Hanggang last year, summer. Nagtext ka. Kahit na sabihin mong Cloud ang pangalan mo, alam ko ikaw yan. Mas lalo kong napatunayan na ikaw nga yun dahil sa boses mo." Woah. Kilala niya boses ko? Boses nga ni Josh na crush ko hindi ko alam boses. Hindi ko alam na hindi pala si Josh kausap ko. "Nung una, sabi ko pampaalis lang ng boredom. Pero nung tumagal, nahulog na ako sayo."

"Wut?" As in wut talaga ang pagkabanggit ko dahil sa pagkagulat ko.

"Ano?"

"Wala, wala. Tuloy lang. Hehe." Ang awkward, pakshet.

"Yun nga. Nagustuhan na kita. Brooklyn. Patawad kung ngayon ko lang sinabi sayo."

"All this time, akala ko ikaw si Josh. Alam mo naman nararamdaman ko sa kanya diba?" Tumango siya. "Hindi ko tuloy alam kung kanino ako kinikilig nung mga time na yun." Sabay irap sa kanya.

"Hindi naman ako nagmamadali eh. Kung kelan ka ready. Maghihintay naman ako sa sagot mo eh."

"Nagtanong ka ba? Ba't ako sasagot?"

"Cloud naman. Wag mo naman akong pilosopohin." Natatawa niyang sabi. Cloud? Isang taon din kami magkatext. At sa isang taon na yon, Cloud ang lagi niyang tawag sakin kahit na kilala niya ako sa totoo kong pangalan.

Huminga ako ng malalim. "Alam kong hindi ikaw si Josh." This time, siya naman ang napanganga. Gantihan lang yan. fre~ "Nung una, hindi. Akala ko kasi ikaw talaga si Josh. Pero, nakikita kong iba ang ugali niyo ni Josh kaya nagduda rin ako. Inalam ko ang number ni Josh at nakita kong malayong-malayo ang tunay niyang number sa number na nakasave sa phone ko at nakakatext ko." Kay Nikko ko kinuha ang number niya. Binigay naman niya. Syempre, natuwa ako sa sarili ko kasi tama ang hinala ko. Pero, nalungkot din ako dahil hindi pala talaga si Josh yun. "Wala akong idea kung kaninong number ang binigay ni Josh. At hindi ko alam sa sarili ko kung bakit pumayag akong makipagkita ngayon sayo at kung bakit patuloy pa rin kitang tinetext. Napag-alaman ko, attracted lang ako kay Josh. Nahulog naman ako sayo, Vance."

"Yan ba ang sagot mo?" May sparkle pa ang mga mata niya at may malapag na ngiti.

"Wag kang makulit. Hindi ka nagtatanong kaya wala akong sinasagot."

"Gusto mo ako? May gusto ka sakin? Ayan, tanong na yan." Pagmamayabang niyang sabi.

"Oo. Gusto kita. Masaya ka na?" Sabay halukipkip.

"Sobrang saya ko, Cloud!" Nagulat na lang ako nung bigla niya akong niyakap. Kainis naman to! PDA! Dami kayang tao dito sa park. "Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya."

"Welcome." Yun na lang ang sinabi ko. Hindi ko ipinapakita ang totoo kong nararamdaman dahil pasungit effect muna ako. Maarte eh.

Inaya niya akong magdate. Hindi ako pumayag. Kaya lang mapilit. Hindi daw yun tanong kaya hindi ako dapat sumagot. Utos yun na kailangan kong sundin. Aba, sino may sabing amo ko siya para sundin?!

Sandali pa lang kaming nagkakasama pero may natutunan na agad siya sakin. Tsk tsk.

THE END.

Continue Reading

You'll Also Like

391K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
62.1K 3.2K 25
Porcia Era Hart x Chrisen
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
3.5M 153K 144
Collection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.