Agad akong lumabas ng restroom at naabutan ko pang nagtatakbuhan at naguunahang makaalis ang ilang babae. Sumalubong sakin ang dalawang lalaki na agad ko namang pinaputukan ng baril bago pa nagawang gumawa ng hakbang ang mga ito. Napansin kong agad na nawalan ng tao ang buong bar kung kaya ganoon na lamang ang panghihinayang ko dahil sa pagaakalang hindi ko magagamit ang lakas ko sa gabing iyon.
"Tss! That's the gang who annihilated otosan's group? You're fu***ng kidding me Akira." Palatak ko ng maalala ko ang sinabi ng kapatid ko na ang grupong 'to ang umubos sa grubo ng papa ko.
Kahit na magkahalong inis at pagkadismaya ang nararamdaman ko, bagsak ang mga balikat na isinuksok ko na lang ulit ang hawak kong mga baril at umalis sa lugar na 'yun bago pa dumating ang mga pulis.
"Saan ka sa tingin mo pupunta miss?" nakakailang hakbang pa lang ako ng marinig ko ang boses ng isang lalaki. Iniikot ko ang paningin ko upang mahanap kung saan nagmumula ang boses pero kailangan ko pang hayaang magsalita ito ng magsalita upang masundan ko ang direksyon ng boses nito. Hindi ako nagabalang kumilos sa kinatatayuan ko at hinintay ko na lamang na sila ang gumawa ng unang hakbang laban sa akin.
"Hindi mo ba alam ang kasabihang two is better than one?" gumuhit ang isang ngiti sa sulok ng labi ko sa likod ng maskarang nakabalot sa kalahati ng mukha ko dahil alam ko na kung saang bahagi ng bar naroroon ang nagmamayari ng boses.
"Nah, ako kasi yung tipo ng taong bored manood sa dalawang taong naglalaban so bakit hindi na lang sampu laban sa isa?The more, the merrier!" sabay tawa nito ng malademonyo. Sabay nagpakita ang mga lalaking may kanya kanyang dalang sandata laban sa akin mula sa madilim na sulok ng bar.
I get my knife swiftly and rotate it around my finger then toss it in a blinked of an eye on the dark side corner of the club. Gulat at mabilis na sinundan ng tingin ng mga lalaki ang direksyon ng kutsilyo ko. Alam ko naman ang itsura ng boss nila at wala ito sa mga lalaking kaharap ko ngayon.
Bumalik sakin ang tingin ng mga lalaki at ipinilig ko lang ang ulo ko sabay kibit balikat na nagsasabing, "Who knows if he's still alive?"
"AAAAHHHHHH!!!!DAMN YOU BITCH! YOU'LL PAY FOR THIS! KILL HERRRRR!!!!" Biglang sigaw ng boss nila na lumabas na mula sa lungga nito.
Told yah, he's alive. What a lucky man! I thought. Agad kong binunot ang baril ko at mabilis na pinatamaan ang lahat ng ilaw kaya agad na nabalot ng dilim ang paligid.
"Boss brown out!"
"siraulo! Bulag ka ba?! Yung babae ang may dahilan ng pagbrown out!"
"boss wala kaming makita!"
"Mga Gago! Hanapin niyo ang babaeng yun! Hulihin niyo at ako ang papatay! Magbabayad siya sa ginawa niyang sugat sa leeg ko. Bilis! Kilos kung ayaw niyong kayo ang gilitan ko sa leeg!" nanggagalaiting sigaw ng leader mula sa dilim.
"flash light! Mga bobo maghanap kayo ng flash light bago pa makatakas ang babaeng yun!" sigaw ng isa
Isang ingay mula sa itaas ang narinig ng mga ito at nagkaroon ng liwanag mula sa buwan sa loob ng bar. Tumalon mula roon si Renge habang hawak sa magkabilang kamay ang mga baril niya. Agad naman siyang nakita ng mga lalaki sa tulong narin ng liwanag mula sa labas ngunit bago pa lumapit ang mga ito napuno na ng tunog ng putok ng baril ang buong lugar. Isa isang bumagsak ang mga walang buhay na katawan ng mga lalaki.
Tila nahintakutan ang limang natitira at biglang inihakbang paatras ang mga paa ng humakbang palapit si Renge sa mga ito.
"What's the matter? Is that how coward you are? Wanting to die without even fighting me?" tanong ni Renge sa mga ito ng hindi manlang magawang kumilos ng mga ito sa harapan niya. "babala ko lang, wala akong balak magtira ng buhay sa inyo."nakita niya ang biglang lunok ng laway ng isa sa mga ito sabay bitaw ng armas at kumaripas ng takbo.
Ngunit ang aksyong iyon ay nagpatindi lamang ng galit ni Renge dahil ayaw niya sa taong duwag.
"Anong ginagawa niyo?! Bumalik kayo ditto mga duwag!!! Huwag niyo kong iwan mga gago!" sigaw ng leader sa grupong iyon.
Agad sinundan ni Renge ang lima na naguunahang makatakas. Mabilis siyang tumakbo sabay talon sa isang mesang naroroon sa harapan niya at nagpaikot ikot sa ere kasabay ng pagbagsak sa may exit.
*BANG*
Bumagsak ang katawan ng isa na tinutukan niya ng baril sa noo Habang nangangatog naman ang nasa kaliwa niya na tinutukan niya rin ng baril sa noo.
"Please miss, kung anuman ang nagawa ni bossing sa'yo siya na lang patayin mo huwag ako. SIla lang ang pumatay hindi ako." Pagmamakaawa nito sa harapan niya.
"Hayop ka Gardo! Anong pinagsasabi mo?! Dapat ikaw muna ang mamatay!" galit na sigaw ng tatlong kasamahan nito. May itinatago pang baril ang mga ito at pinaputukan ang tinawag na Gardo. Agad niya namang hinawakan ang katawan nito at iniharang sa sarili niya para makaiwas sa bala. Mabilis niyang binunot ang dalawang kutsilyo sa may hita niya. Itinulak niya ang katawan nito sa isa sabay bato ng dalawang kutsilyo sa dalawa na tumama sa noo ng mga ito. Mabilis niyang nilapitan ang isa ng bumangon ito. Isang suntok sa mukha ang pinakawalan niya sabay suntok ulit sa sikmura na ikinaluhod nito sabay bitaw niya ng huling tira sa leeg nito gamit ang siko niya.
NIlapitan niya ang leader na nakaupo sa may gilid habang sapo ang gilid ng leeg nito. Puno na ng dugo ang kaliwang bahagi ng damit nito mula sa sugat na natamo sa kutsilyo niya. Tiningnan niya lang ito at saka kinuha ang kutsilyo niya nasa likod nito. Tumalikod na siya para umalis sa lugar na iyon.
"Sino ka huh? Anong kailangan mo sa amin?" nanghihinang tanong nito sa kanya pero hindi siya nagbitaw ng kahit anong salita rito. "Don't underestimate our group young lass. Hindi mo alam kung anong pinasok mo. Akala mo ba dito natatapos lahat? Nagkakamali ka dahil—"
"—dahil nagsisimula pa lang ako. Gaano man kaliit o kalaki ang grupo niyo dudurugin ko, gaano man kababa o kataas aabutin ko makuha ko lang paghihiganting gusto ko. Walang kahit na sino sa inyo ang makakapigil sakin isinusumpa ko kapalit ng buhay ko." Sabay alis ni Renge ngunit nagiwan siya ng bagay na magpapakilala sa kanya sa mundo ng mga yakuza. Ang itim na Lotus.
Naiwan namang tulala ang leader sa sinabing iyon ni Renge.
"Ang babaeng iyon, punong puno ng galit ang mga mata niya. Nagaapoy sa galit." Alam niya na totoo ang mga salitang binitiwan ni Renge dahil iyon ang unang pagkakataon na nakaharap siya ng isang taong nagtataglay ng ganoong mata, mga matang hindi mo kakikitaan ng pagaalinlangan sa pagpatay. Nais man niyang malaman pa ang rason sa likod ng mga matang iyon huli na dahil anumang oras ay mawawalan na siya ng hininga. Nakita niya ang isang bulaklak sa may paanan niya. "Black lotus huh?" nakangising usal nito.
Mabilis na sumakay sa sasakyan niya si Renge saka tinanggal ang maskara niya. She let out a deep breath and starts the engine and drive home.
It was past 11 in the clock when she arrives at home. Agad siyang nagshower at nagbihis. Pagkabihis kinuha niya mula sa drawer ang isang maliit na notepad at minarkahan ng ekis ang nakasulat roon. That's her bingo book. A list of persons she needs to kill from the Yoshitomi-gang and one of them were finish. Kinuha niya ang litratong nakaipit sa loob.
"Nagsisimula pa lang ang hide and seek natin Yoshitomi. Keep on hiding from me before your time is up." She said then stabs his face with her own knife.
******************************************