Kinuha ko ang handbag sa desk at nag punta sa shelves para kuhain ang isang dokumento. Nag madali na akong lumabas ng opisina ko ng bigla akong sinalubong ng sekretarya kong si Diane.
"Ma'am, nagkaroon po ng biglaang problema with Ms. Maniego's wedding gown." Halos habulin niya ang hininga niya habang sinasabi iyon saakin. Halatang kinakabahan.
Mabilis akong tumango. "Oo, doon nga ako papunta." Sabi ko at dire diretsyo ng nag lakad hanggang sa marating ko ang parking lot.
Pinatunog ko kaagad ang sasakyan kong maayos nakaparada at pumasok sa loob. Binuksan ko na ang makina at nag rindi nalang ang tainga ko ng marinig ang kalaskas at hirap nitong makina.
"Fuck!" Hinampas ko ang manibela at sinubukan ulit paganahin ang sasakyan ko.
Mariin akong napapikit ng patuloy lang ang kalaskas nito hanggang sa palakas ng palakas at bigla nalang namatay ang makina.
Tangina.
Marahas kong kinuha ang handbag ko at lumabas na ng sasakyan. Irita kong pinasadahan ang buhok ko gamit ang kamay ko. Umaalingawngaw ang tunog ng takong ko sa semento ng parking area dahil sa pag mamadali ko.
Hinubad ko ang suot kong coat ng makapasok sa elevator. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ng personal driver kong si Mang Ison.
"Kuya, nasaan ka banda?" Panimula ko pagkasagot niya ng tawag.
(Ma'am Ysabel, narito po ako sa probinsya?) Dinig ang pag aalinlangan nitong sagot saakin.
"Probinsya?" Nag tataka ko rin sagot at maya maya lang ay napahilamos ako sa mukha ko ng maalala kong nag paalam nga pala itong mag leave ng tatlong araw para bisitahin ang pamilya niya sa Bataan.
"Si Mang Jun?" Mahinahon ko parin na tanong.
(Nasa BGC po, kasama ang kapatid niyong si Saiffer.) Halos mag diwang ako ng marinig ang sagot ni Mang Ison sa akin.
"Okay, thank you." Binaba ko na ang tawag at sakto naman ang pag bukas ng elevator.
Tinawagan ko narin kaagad si Mang Jun para sunduin ako rito. Around BGC lang rin ang boutique ko kaya't mabilis lang niya akong nasundo.
"Anong ginagawa rito ni Saiffer?" Tanong ko sa kalagitnaan ng biyahe namin papuntang Tagaytay.
Tumingin saakin si Mang Jun sa rearview mirror at muling itinuon ang mga mata sa kalsada. "Kasama niya po ang mga kaibigan niya sa Wolfgang's." Anito.
Hindi na ako sumasagot at binaling ang mga mata ko sa bintana. Sandali kong tinanaw ang dinaraanan naming kalsada at nabalik ang tingin ko sa cellphone ng tumunog ito at gulat akong makita ang pangalan ni Audie.
I rolled my eyes and sighed before answering her call. Iyak kaagad niya ang nadinig ko.
Napasandal ako ng ulo ko sa headrest ng kotse habang hinihilot ang sentido ko.
"Everything's will be fine. Stop crying, papunta na ako." Pilit kong kinalma ang boses ko.
Sumasakit na ang ulo ko mag mula kanina sa dami ng mga hindi inaasahang mangyari.
(What do you mean 'everything's will be fine', Ysabel? This is my wedding day and my wedding gown now is a mess!) Muli siyang umiyak.
"Wait for me, Audie. Magagawan natin ng paraan ito." Napapikit ako at patuloy ang pag hilot sa sentido ko.
Nag iisip ng paraan para sa wedding gown niyang hindi na mag kasya. I already told her many times to maintain her weight dahil hindi pwedeng ma alter ang gown niya't lalo na kapag last minute.
"Can I talk to your maid of honor, instead?" Sabi ko ng hindi ko na siya sumagot at puro iyak nalang ang naririnig ko.
(Sorry, her maid of honor is not here at this moment. This is Selene--one of her bridesmaids.)
Napadilat ako ng marinig ang babaeng nag salita sa kabilang linya. Napaayos ako ng upo at sandaling natahimik. Inaalala ang huling beses kong nakita si Selene.
"This is Ysabel Cortez, I'm the designer of Ms. Audie's wedding gown." Pag papakilala ko.
(Oh... Ysabel...) Aniya na parang nakilala kaagad ako.
Tumikhim ako. "Nasaan ang maid of honor?"
(Kakalabas lang niya para sunduin ang parents ni Audie sa lobby)
"Can you pass my message to her?" Napailing ako at tinignan ang relos ko.
"Kung wala pa siya, tell her make up artist to redo her make up and hair. Also, put her wedding gown to the bridesmaid room."
Sandaling natahimik ang linya. Balak ko na sanang ibaba ng mag salita siya.
(Audie didn't tell me na ikaw pala ang designer ng gown niya) She said.
Simula ng mag punta sa akin si Audie, from measurments, parating si Rozelle ang kasama niya, iyong maid of honor niya hanggang sakanyang final fitting. Hindi narin naman ako nag abala tanungin pa ang mga bridesmaids niya o kung bakit hindi niya ito sinasama.
"Meet me at the lobby." Sabi ko bago binaba ang tawag.
Napatingin muli ako sa labas ng kalsada at pinaglaruan ang ibabang labi ko gamit ang thumb at index finger ko.
Ang mga alaala na lumipas ng ilang taon, tila nanumbalik saakin na parang kahapon lang ito ngyari.
Bumaba ako ng sasakyan at nag diretsyo ng pumasok sa loob ng hotel habang walang tigil ang pag ta type ko ng text para kay Diane.
Tinawagan ko nalang ito para mas maging madali ang pag uusap namin. Napababa ang tingin ko sa hawak kong handbag ng mapansing wala ang dala kong documents!
"Punyeta!" Inis akong napasigaw at napahinto sa pag lalakad.
Malakas ang naging tunog ng takong ko ng mabigat ang naging huling pag apak ko sa purong puting tiles. Mariin parin akong nakapikit at walang tigil ang pag hugot ng buntong hininga dala ng frustration.
Nang imulat ko ang mga mata ko, bahagya akong nagulat ng makita ang lahat ng tao na nakatingin saakin ngayon sa lobby. May ilan na napahinto sakanilang ginagawa katulad nalamang ng receptionist na naawang ang mga labi habang nakatingin saakin.
"Ms. Cortez," a tall woman approached me.
Her hair was overflowing through her shoulders wearing her highwaisted white shorts and beige halter top. Suot suot ang kanyang dorsan flats, nakangiting lumapit si Selene saakin. Mabilis kong napansin ang mapuputing ngipin niya dahil sa mauve na kulay ng kanyang lipstick.
"The wedding gown is already in the bridesmaid's room." She reminded me.
Tumango ako at hindi napansin ang sarili kong matagal na palang nakatitig sakanya. Inaanalisa ang naging itsura niya sa loob ng mahigit limang taon naming hindi pag kikita.
Limang taon na pala ang lumipas. Hindi ko inakalang ganoon nalamang kabilis ang panahon.
"Thank you," I slightly smile before walking towards the front desk.
"Hi, good morning. I believe my secretary has a reservation here under my name." I took out my card wallet from my handbag and gave my valid ID to the receptionist.
"Yes, Ms. Cortez, your secretary Ms. Diane reserved executive suite. The sewing machine and satin cloth that has been requested is also in your room."
Nakangiting sabi niya at maagap na tinanggap ito sa kamay ko pero binalik rin kaagad.
Tumango lamang ako ng nakangiti. "It's our pleasure that you picked our hotel for your stay." Hindi nawala ang ngiti sakanya.
Nalipat ang tingin ko sa bandang kaliwang dibdib nito kung saan naka sabit ang maliit na name tag. Her name is Jian. Binigay niya ang key card at bahagya akong ngumiti bago ko kinuha at mag lakad papunta sa lift.
"How is she?" I asked Selene while I'm busy texting Diane.
"They are now doing her make up. She's fine but she can't stop asking where you are." She chuckled.
I rolled my eyes and put my cellphone inside my handbag. "I told her many times to maintain her weight." I said in a monotone.
"Super na stressed kasi siya nitong mga nakaraan dahil sa delayed na souvenirs and hindi sila magkasundo ni Rein because of their families. Kaya ang ngyari nag back out yung wedding organizer and they had to find another one again." Kwento niya.
"Still." Tanging sagot ko at lumabas na ng elevator.
Sa pinaka dulo ang executive suite pero nag punta muna kami ni Selene sa room ng bridesmaid para kuhain ang gown. Nag patawag narin siya ng housekeeping para dalhin ang gown sa room ko.
"I'll just deliver the gown before 12:30PM." I said to her.
Tumango siya at ngumiti. "Okay, I will tell Audie that you're now fixing her gown. Para mawala na ang inaaalala niya." Sabi niya.
I nodded at nag pasalamat ulit bago isarado ang pintuan. Malalim na buntong hininga ang ginawa ko at napailing sa kung ano anong ideyang pumapasok sa utak ko.
Humarap ako sa wedding gown na ngayon ay nakasuot sa isang mannequin. Pumamewang ako at inikutan ito habang taimtim na tinitignan ang kabuuan niya.
"I need wine," nag diretsyo akong mag punta sa mini bar at nag bukas ng isang bote para lagyan ang wine glass bago sumimsim doon.
Nakatingin parin ako sa wedding gown bago tignan ang relos ko. It's 11:15 in the morning and the wedding starts at 2pm.
Muli akong sumimsim sa wine glass ko bago iyon inilapag. Inipit ko na ang hair clamp sa buhok ko para matali at hindi maging sagabal. Nag simula ko ng tanggalin ang gown sa mannequin at halos sumakit ang balakang ko dahil sa bigat nito.
Maingat ko siyang inihiga sa queen size bed at kinuha ang safety pins na kasama sa sewing machine na pinrovide ng mismong hotel.
Sinabit ko ang tape measure sa leeg ko at kinuha ang phone ko. "Send me the sketch gown of Audie's. I left it in my car." I said while talking to Diane on the phone.
Nag simula ko ng gupitin ang white satin cloth at gumawa ng dalawang mahabang maihahalintulad sa sintas. Kinuha ko ang iron para i-flat ang mga ito at sinumulang tahiin.
Laking pang hihinayang kong inalis ang zipper sa likuran ng gown at ginupit ang organza cloth at lace sa train gown. Since, royal ang style ng kanyang wedding gown, binawasan ko 'yon ng kaunti para idagdag iyon sa likuran para hindi mahalata ang pag kakatanggal ng zipper bago ko lagyan ng tig sampung holes.
Napatingin ako sa wall clock habang maingat kong tinatahi gamit ang sewing machine ang body part. Ginawa kong corset ang likuran ng wedding gown at ginupit ang nakapaloob na crepe fabric para ang lace nalamang ang maiiwan.
"Fuck!" Napadaing ako ng bumaon ang karayom sa daliri ko. Mabilis akong lumayo sa gown sa takot na mapatakan iyon ng dugo.
Dali dali akong nag punta sa loob ng CR at hinayaan ang tubig na dumaloy sa daliri ko ng buksan ko ang sink. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko dahil sa sakit at damang dama ko ang walang tigil na pag labas ng dugo.
Inabot ko ang tissue at inirolyo iyon sa daliri ko. Naging malalim ang sugat kaya't walang tigil ang pag dudugo. Muli akong nag rolyo ng tissue sa daliri ko at sinilip ang wedding gown.
Malapit na mag alas dose, kaunti nalang at matatapos ko na. Bakit naman biglang nagka ganito pa? Binalik ko ang tingin sa daliri ko pero mas nagtagal ang tingin ko sa kaharap kong salamin.
Namumutla, namumuo ang pawis ko sa noo. Nakasukbit ang tape measure sa leeg ko at ang lapis ay nakaipit sa buhok ko. Gulat akong makita ang dugo sa suot kong puting long sleeves at mahinang napamura.
Ano pa bang kamalasan ang hindi ko pa natitikman ngayong araw?
Tinapos ko ang wedding gown ngunit mas naging mabagal nga lang dahil sa sakit ng daliri ko. Nadinig ko na ang katok sa pintuan kaya't napatingin ako sa wall clock. Alas dose y medya na.
Nabalik ko sa mannequin ang gown at inayos ang train nito. Hindi na gaanong halata ang naging bawas ko kanina. Sana lang ay magustuhan ni Audie ang mga naging changes lalo na sa body part.
Binuksan ko na ang pinto at inayos ang sarili ko. Nilugay ko ang buhok ko at tinanggal ang pencil sa buhok ko. Hinagis ko iyon sa kama bago buksan ang pinto. Sinuot ko narin ang coat ko para matakpan ang blood stain na nasa long sleeves ko.
Kinuha na ng housekeeping ang wedding gown papunta sa bride's room. Nakasunod lang ako sakanila hanggang sa pag pasok sa loob. Nakita ko kaagad si Audie na napapaligiran ng kanyang bridesmaid habang si Rozelle ay hinihimas ang kanyang likod. Tila pinapakalma ito.
Lumiwanag ang mata ni Audie ng makita ang papasok niyang wedding gown hila hila ng dalawang housekeeping. Umalis siya sa pag kakaupo niya sa director's chair at nag punta sa wedding gown.
"Oh my freaking gosh!" Maluha luha niyang sabi at napakapit ang isang kamay sa bibig.
"You did this in just 1 hour?!" Nanlalaki ang mga mata ni Rozelle na tumingin ng pabalik balik sa gown at sakin.
"Do you like it?"
"NO!"
Tumaas ang kilay ko.
"I LOVE IT!" Hiyaw niya.
I knew it.
Malaki ang kumpyansa ko sa sarili ko kaya't alam kong this would turned out well. Kung mas mahaba nga lang ang oras ko at may materials para sa gown, mas mapapaganda ko pa ito.
"Sukatin mo na," ngiting sabi ko.
Nag mamadali naman ang mga bridesmaid para pagtulungan itong tanggalin sa mannequin at sumunod kay Audie para sukatin iyon.
Sumunod din ako sa fitting room para makita kung tama ba ang pag kakasuot. Halos maiyak si Audie habang suot suot ang kanyang wedding gown habang tinatali ko ang likuran.
"I can't believe that this is happening!" Naiiyak niyang sabi.
"Just trust me, Audie. I am very hands on into this and don't worry, you're not the only bride who had this kind of problem." Pag papakalma ko sakanya ng maitali ko ang likuran.
Ang hindi ko makakalimutang sa tagal na pagiging wedding gown designer ko ay 'yong natapunan ng bridesmaid ang kanyang wedding gown sa mismong araw ng kasal kaya nag kanda urong urong ang oras ng kasal dahil sa pag pili niya ulit ng bagong gown na kasama sa collection ko.
"Buti nalang at ikaw ang hinire ko kahit sobrang busy ng schedule mo. Pasensya kana sa katigasan ng ulo ko napa stressed eating ako for one week. Ikaw tuloy ang naabala ko." Pag hingi niya ng paumanhin.
"It's okay. Ang dapat mo nalang isipin ngayon ay ang maayos na pag lalakad mo mamaya. Now, go, practice and slay your gown. Mag pi-pictorial ka pa." Tinapik ko ang balikat niya.
Humarap ito saakin at niyakap ako. "Thank you so much, Ysabel! I'll pay you double don't worry!"
Tumugon ako sa yakap niya. "No, it's fine." I said.
Bumalik na ako sa kwarto at inayos na ang mga kalat doon. Kinuha ko ang naiwang wine sa mini bar at sumimsim doon. Sinabihan pa ako ni Audie na mag stay pero sinabi kong kailangan ko narin bumalik dahil sa naiwang trabaho.
Nang maubos ko ang isang bote ng wine, tinawagan ko na si Mang Jun para sunduin ako rito.
Hawak hawak ang key card, pinindot ko ang button sa tabi ng elevator pababa. Nang bumukas iyon ay halos mapaatras ako. Nakalimutan ko rin atang huminga.
Isang pamilyar na lalake ang bumungad sa harapan ko. Malamig ang mga mata niya ng umangat ang tingin niya saakin. Ni hindi man lang makitaan ng pag kagulat na makita akong narito at nakatayo.
Limang taon.
Iniwas ko ang tingin sakanya ng mapansing pasarado na ang pintuan ng elevator pero pinindot niya ang button sa gilid para bumukas ito ulit.
Nakita ko ang pag baba ng tingin niya sa damit ko. Nang mapagtanto ko kung ano ang tinitignan niya, mabilis kong tinakpan iyon ng coat ko at sinarado ang butones.
Sa pag apak ko sa loob ng elevator, pakiramdam ko'y mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Ni hindi ko maramdaman ang mga paa ko.
Sa lahat ng pwedeng lugar na makita siya, dito pa sa elevator. Dito pa sa kaming dalawa lang. Natatakot akong marinig niya ang bilis ng tibok ng puso ko, malamig naman sa loob pero pinag papawisan ako.
Hindi na ako nag abala pang tignan siya sa gilid ng mata ko pero hindi naman maiwasan ng ilong kong maamoy ang pabango niya.
He's still using the same perfume. Funny how someone's perfume can bring back old memories.
"What floor?" He asked.
Napatingin ako sakanya ng mag salita siya. Tumingin ako sa button numbers sa harap. Hindi ako sumagot. Kahit ayokong makita ang floor na pag bababaan niya, nakita ko pa rin dahil same floor lang ang bababan namin. Ang basement parking.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko pagkatapos dahil nasa 28th floor kami at matagal tagal pa 'yon. Ayoko ng ganito, ayoko ng sobrang tahimik.
Ayokong nandito kasama siya.
To: Lean
Fuck, my ex's here!
Hindi ko na mapigilan at tinext na si Lean. Hininaan ko pa brightness ng phone ko dahil baka masilip niya kung ano ang pinag te-text ko rito.
Muli akong napatingin sakanya ng makita siyang ngumisi. Tumingala pa ito at bumaba ang tingin sakanyang sapatos. Pinamulsa niya ang mga kamay niya sa suot niyang trousers. He stick his tongue inside his cheek para mapigilan siyang matawa.
What is his problem?
"What?" Taas kilay kong sabi at tumingin ito saakin.
He shook his head and with a ghost smile that's evident to his face.
Napababa ang tingin ko sakanyang kamay ng ilabas niya ito sa pagkakasuksok sa slacks niya. Tila kurot sa aking puso nang makita ang singsing sakanyang ring finger.
Yeah, right.
Well, ang laking improvement nito sa relasyon nila, ah? Sabagay, sa limang taon ba namang lumipas wala bang magiging improvement?
Good for them. Buti nalang hindi ako si Selene. I smirked at that sudden thought.
Hindi na naman dapat ako nag nabigla na makita siya dito dahil nandito si Selene.
Dahan dahan kong iniwas ang tingin doon. Tumunog na ang elevator, hudyat na nasa basement parking na kami. Hindi na mapakali ang mga paa kong makalabas dito.
Pagkabukas ng elevator, inihaya niya ang kamay niya. "After you--"
Dumiretsyo na ako ng lakad at hindi siya pinansin. Sa tahimik at kulob na basement parking, ang maingay na takong ko lang ang siyang umaalingangaw.
Sa bawat pag tapak ko, dinig ko din ang sakanya sa likuran ko.
Halos magulat pa ako nang mag ring ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Lean kaya't pinatay ko muna ito at hindi sinagot.
Nakita ko nadin si Mang Jun na nakatayo sa Alphard na kulay itim kaya't lumakad na ako papalapit sakanya. Kinuha niya ang bag ko at siya narin ang nag bukas ng pintuan.
Hindi na ako nag abala pang tignan kung nasaan na si Ace, nag kunwari nalang akong abala sa cellphone ko hanggang sa sumarado na ang pintuan ng sasakyan.