CHAPTER 5 * CHATMATE
Vincent's POV
Akala ko nakalusot na ako sa kamalasan ko sa pag-ibig pero hindi pa rin pala. Sa pangalawang pagkakataon, hindi na naman pwede ang babaeng gusto ko. Na-FRIENDZONE ako, masakit! Natupad ko nga ang pangako kong hindi siya sasaktan katulad ng nagawa ko kay Selena noon, pero ako naman ang nasaktan niya ngayon. Ang tagal ko syang sinuyo pero sa huli, sawi pa rin ako.
"Eh baliw ka talaga, hindi ka pa talaga nadala kay Selena? Umulit ka pa. Dapat kasi ako-"
"Subukan mong ituloy 'yang sasabihin mo Albert, makakatikim ka ng suntok."
"Kasi naman, maghinay-hinay ka muna. Baka hindi pa talaga right time. Bata bata mo pa kasi, lumalandi kaagad." Fourth year high school na ako. Bata pa nga.
"Nagmamahal lang naman ako, Albert."
Bigla namang sumulpot ang kabute naming kaibigan na si Marco at inapi na naman si Albert.
"Naku, wag kang makinig d'yan kay bading."
"Hoy mister gwapo slash babaero, tama naman ako. Mga bata pa tayo para magseryoso sa mga ganyang bagay. Lalo ka na! Second year ka pa lang pero kung makapaglandi ka sa mga babae."
"Grabe ka naman magsalita, isa lang naman ang babaeng gusto ko," seryosong sabi ni Marco.
"Sino?" Sabay naming tanong ni Albert.
"Si Janine, siya ang babaeng ihaharap ko sa altar."
"Nako naman! Yan ang sinasabi ko kakapanood ninyo ni Nicole ng mga love stories!"
"Teka, si Janine?" Tanong ko.
"Wag mong sabihing 'yung maganda, sexy, at matalinong Janine sa Star section??"
"Siya nga."
"Wow!!"
"Gwapo ko kasi kaya ayun nakuha ko ang matamis niyang oo!" Pagbibiro niya. Mukha lang babaero si Marco pero kitang kita ko na pagdating kay Janine, seryoso nga siya. Akala ko nagbibiro lang siya noon, totoo palang tinamaan siya. Kaya pala iniwasan na niya ang mga babaeng habol ng habol sa kanya kasi kay Janine na lang nakatuon ang atensyon niya.
"Hindi ba ako gwapo kaya hindi ako nagustuhan ng mga babaeng minahal ko?"
"Drama mo, wala sa kagwapuhan yan," sabi naman ni Albert.
"Hindi ka pa rin ba sinagot ni Nicole?" Takang tanong ni Marco. Umiling lang ako.
"Akala ko pa naman ikaw na 'yung tinutukoy n'yang crush niya dahil gwapo raw, mayaman, maputi at matalino."
"Baka naman ikaw 'yun," wala sa loob na nasabi ko.
"Malabo 'yan 'tol, bestfriends lang kami."
Napaisip tuloy ako. Bestfriend nga lang ba ang tingin ni Nicole kay Marco?
***
"Bes, kain na tayo. May dala akong baon natin! At mayroong mahiwagang cookies!!!" Masiglang sabi ni Nicole. Favorite ni Marco ang homemade cookies ni Nicole. Kahit anong busog, at busy ni Marco basta alam niyang pinaghandaan siya ni Nicole, kakainin at kakainin niya iyon. Pero hindi sa araw na iyon. First time tinanggihan ni Marco si Nicole.
"Sorry bes, ano kasi may pupuntahan kami ni Janine. Dadalhin ko siya sa bahay at ipapakilala ko kila papa."
"Ahh, g-ganun ba? Si-sige, ingat na lang kayo. Ikamusta mo na lang ako kay tita." Hindi ko alam pero kitang-kita ko ang pagpatak ng luha ni Nicole nang umalis si Marco. Kaya ako, to the rescue.
"Para 'yun lang iniiyakan mo na. Oh ako na ang kakain nang lahat ng 'yan tumahan ka na!"
"Eh hindi lang naman dahil dun eh!"
"Eh ano? Dahil kay Janine? Nagseselos ka sa kanila, ganun ba?"
"Oo!"
Natahimik kami pareho. Maging ako, wala akong maapuhap na salita para sabihin sa kanya. Masyadong masakit. Sapul sa puso ko pero binalewala ko na lang.
"Ano, ka-kasi, 'di ba best friends kami pero dahil kay Janine wala na siyang time sa akin, sa atin. Iyon lang 'yon."
Tama. 'Yun lang 'yun.
***
"Uy, tulala! Bakit tulala ka kuya?" Si Lorrine pala pumunta rin dito sa tambayan.
Hindi ako nagkamali dahil close na close nga sila ni Nicole nung nagtransfer siya dito.
Bakit naman kasi lahat na lang ng nagugustuhan kong babae, hindi ako gusto.
"Ano, susuko ka na lang ba?" Tanong na naman ni Marco.
"Eh anong gusto mong gawin ko? Pipilitin ko pa ang sarili ko sa kanya?"
"Hindi mo pipilitin. Ipapakita mo lang na deserving ka para sa kanya. That's it."
***********
"Hi Nicole!" Bati ko kay Nicole nang sumunod na araw. Nakita ko siya sa Old building na nag-iisa. Magkasama na naman si Marco at Janine malamang.
"Oh? Anong ginagawa mo naman dito? At bakit may dala-dala ka pang bulaklak? Feeling mo mapapa-oo mo ako d'yan."
"Ang init na naman ng dugo mo. At pwede wag kang assuming ha. Alam ko namang ayaw mo kaya para na 'to sa mama mo."
"Salamat."
"Wala 'yon," nginitian ko lang siya.
Nagulat naman ako nang hawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako ng matindi; 'yung nakakalusaw.
"Sorry Vincent, kung hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa'yo."
Napabuntong hininga na lang ako. "Ayos lang. Ang mahalaga wag kang magbabago sa akin. Ayaw kong mawala ka sa buhay ko eh. Oo, mahal kita, pero nirerespeto ko rin naman ang desisyon mo. Hayaan mo na lang sana ako sa ganitong sitwasyon. Masaya na ako kahit ganito lang tayo."
"Thanks. Thank you talaga, Vincent. Sobrang bait mo." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay niyakap niya ako.
"Oh wag kang mawawala sa graduation ko ha?" Pag-iiba ko ng topic, naluluha na kasi ako eh.
"Oo naman, tropa tayo eh." Aray.
"Oo nga pala, saan mo ba balak mag-aral ng College?" Tanong ko sa kanya.
"Pinag-iisipan ko pa, kung saan kaya ng budget nila papa."
"Alam mo sa College of St. Gelique, may share ang lolo ko doon. Pwede kitang patulungan sa lolo-"
"Hindi na ano ka ba. Balak kong mag working student pag nasa kolehiyo na ako gaya ng ibang estudyante. Kaya ko naman 'yon."
Isa pa sa nagustuhan ko kay Nicole ay hindi siya mapagsamantala. Mayayaman kaming lahat na kaibigan niya pero hindi niya kami hinihingan ng tulong pinansyal. Hindi naman sa sobrang hirap nila pero tama lang kasi ang kinikita ng papa niya sakto sa pag-aaral niya. Kaya nga hanga ako sa kanya.
"Sige kung 'yan ang gusto mo. Pero sabihin mo sa akin kung saan ka mag-aaral ha? Susundan kita para mabantayan," natatawa kong sabi sa kanya at hinampas niya naman ako ng notebook sa ulo. Brutal talaga ng babaeng 'to.
"Saka na nga 'yan Vincent dahil matagal pa 'yun. Ikaw ba? Anong kurso ang kukuhanin mo sa college?"
"Architecture," tipid kong sagot.
"Wow! Ikaw ang magde-design ng magiging bahay ko ha?"
"Magiging bahay natin," pagbibiro ko.
"Che! Tumigil ka nga d'yan!!"
Nagpatuloy lang ang samahan namin ni Nicole bilang magkaibigan. Kahit ganon masaya naman ako, at least hindi siya nawawala sa paningin ko.
Pagkauwi ko ng bahay nagbukas ako ng Facebook account ko. Nakita ko na naman na may 20 unread messages sa inbox ko. Siya na naman. Stalker.
"Hi Loverboy!"
"Kumain ka na ba?"
"Ako kanina kumain na... busog na nga ako."
"Napagod ka ba sa school? Ano pinaggagawa ninyo? Malapit na ang graduation ah."
"San gaganapin?"
"Kamusta na ang loverboy ko? Gwapo pa rin??"
Yan ang mga laman ng chat niya sa akin.
Tsss. Feeling ko isa sa mga kaibigan ko 'to eh. Alam lahat ng detalye ko eh nakaprivate na nga ako. Tss. Malaman ko lang kung sino 'to, ipapapulis ko 'to.
Tinignan ko na dati ang profile picture niya dahil matagal-tagal niya na itong ginagawa. Routine na niya ang pagtripan ako gabi-gabi. Rose naman ang picture niya so paano ko siya makikilala? Di ba nakakatakot lang?
Ni wala siyang friends, LOVERGIRL ang name. Tsssss. Bakit ko ba iniisip nag-aaksaya lang ako ng panahon. Pero hindi pa rin siya tumigil, nagchat na naman.
"Hi Loverboy!"
"Can you please stop this nonsense?" Hindi ko napigilang magreply dahil naiinis na ako.
"Sorry na kung nagagalit ka. Ahm, crush na crush kasi kita eh."
"Alam mo miss, iba na lang. Wag ako."
"Eh, pero ikaw ang gusto ko."
"Hindi kita gusto, okay? Tigilan mo na ako bago pa ako tuluyang mainis sa'yo."
"Alam ko namang matagal ka ng inis sa akin, sanay na ako."
"What the hell are you talking about??"
"Don't say bad words lover boy."
"Stop it. Nakakadiri."
"Ah... okay."
Then she stopped. Tsss. Yun lang pala ang kailangang sabihin dapat pala matagal ko ng sinabi.
Pero deep inside, parang na-guilty naman ako.
"I-I'm sorry. Ayoko lang kasi ng pinagtitripan ako."
"H-hindi naman kita pinagtitripan. I'm sorry din sa istorbo."
Naghintay pa ako ng mga chat niya pero hindi na siya nag chat ulit. Bakit parang na-miss ko naman siya?
Bigla na naman may nagmessage.
"Pst, Loverboy!" Si Lovergirl na naman. Dahil parang na-miss ko naman siya, nireplyan ko na lang din. Ang bilis namang magbago ng mood n'un? Hindi niya ako matiis.
"Hi, Lovergirl." Sakay ko sa trip niya.
"Oh my gosh! Nagreply ka!"
"Kanina pa naman ako nagreply sa'yo."
"I-I mean, tinawag mo akong lovergirl! I'm so super duper happy!"
"What? Ang babaw mo naman."
"Mababaw na kung mababaw, ang mahalaga sa akin, pinansin mo na ako sa wakas!"
"Sino ka ba kasi? At bakit ganyan 'yung account mo sa Facebook? Poser ka ba? Pangit ka ba?"
"H-ha? Ahm hindi ah. M-maganda kaya ako pati 'yung boses ko! T-teka, tatawagan kita."
"Talaga?" Nakaramdam naman ako ng excitement. Dahil sa pagkasawi ko sa pangalawang pagkakataon, eto ako at pinapatulan ang isang poser. Baka ang ending, mahulog na naman ang loob ko. Tss.
"Ano ba ang number mo?" Tanong niya sa akin.
Nag type naman ako sa keyboard, binigay ko ang cellphone number ko sa kanya. Bahala na si Batman.
Wala pang limang minuto ay nag-ring na kaagad ang cellphone ko. Ang ipinagtataka ko lang, bakit international number? Ang sosy naman ng ka-chat ko.
"Hi!" Sigaw niya sa kabilang linya.
"Kailangan, sumisigaw?"
"Sorry naman, na-excite lang kasi akong kausapin ka, loverboy."
"Psh, Vincent ang pangalan ko. Itigil mo na 'yang baduy mong tinatawag sa akin. Ikaw ba, anong pangalan mo?"
"Lovergirl."
Akala ko makakalusot na ako. Hindi pa rin sinabi ang totoong pangalan.
"Ano bang trip mo at china-chat mo ako?"
"Gusto ko lang. Bakit aangal ka pa?"
"Hindi naman."
"Alam mo ang gwapo mo talaga kahit saang anggulo. Super crush nga talaga kita."
"Psh. You're hopeless."
"Hopelessly devoted to you!"
Kahit gusto ko pa siyang kausapin, hindi ko na itinuloy. Antok na kasi ako.
"Matutulog na ako," paalam ko sa kanya.
"Ha? Ang bilis naman, mami-miss kita!" Ang ingay-ingay niya sa kabilang linya. Parang kinikilig na hindi mo malaman. Mga babae talaga.
"May next time pa naman," sagot ko.
"Y-you mean, meron pang next time? Pwede pa kitang tawagan, kakausapin mo ako ulit, tapos magiging masaya ako tapos-"
"I have to sleep, lovergirl. Sayang din ang load mo, matulog ka na. Good night," binagsak ko na lang ang phone ko sa kama sa sobrang antok. Nababaliw na siguro ako dahil nakikipag-usap ako sa taong hindi ko kilala. Walang magawa eh, gagawin ko na lang past time si Lovergirl pag naboboring ako.
***********
Lorrine's POV
Luwa na 'yung mata ko sa kakahintay sa chat ni Selene. Namimihasa porket tanghali na sa kanila, samantalang dito, madaling araw pa lang. Kung hindi ko lang siya mahal na kaibigan, hindi ako magtatyagang gawin 'to, araw-araw.
"Pssst! Online na ako!" Message niya sa skype ko.
"Oo, obvious nga. Ano ba naman."
Hindi na siya nakatiis at nag-video call na.
"Na-miss kita!" Tili na naman niya. Palagi na lang kapag magkausap kami, hindi mawawala ang tili niya. I admit, sa kanya ako nahawa ng malakas at mahabang tili.
Miss din kitang babae ka! Kaya nga kahit anemic na ako sa kakapuyat, hinihintay pa rin kitang mag-online. Kaso pwede bang bukas na ako mag-report, hindi ko na kay-"
"No! May promise tayo sa isa't isa na everyday kang magkekwento about kay Vincent. I know hindi mo babaliin ang pangako mo." Nag-pout pa siya kaya naawa naman ako. Kung may nahihirapan sa aming dalawa, alam na alam kong siya iyon. Sa tinagal-tagal na ng panahon, si kuya pa rin ang gusto niya. Marami siyang ipinapakitang manliligaw niya pero ayaw niya namang sagutin dahil umaasa siyang magiging sila ni kuya sa tamang panahon. Araw-araw akong nag-rereport sa mga ginagawa ni kuya Vincent, kahit nonsense things, gusto niya pang malaman.
At ngayon nga, sobrang sakit ng kalooban niya nung sinabi kong may nililigawan na si kuya.
"Ano ng balita?" Nawala na 'yung saya ng mukha niya kanina. Naalala niya siguro 'yung mga kwento ko about Nicole.
"Maging happy ka nga!"
"Paano naman ako magiging happy, eh, may nililigawan na 'yung one and only love ko."
"Eh basted naman-"
"Waa! Binasted siya ni Nicole? Oh my God! Pag ako umuwi d'yan sa Pilipinas ipakilala mo ako ha!! Yayakapin ko siya ng mahigpit!!" Masayang-masayang pahayag ni Selene. Akala mo nanalo sa lotto.
Tinitigan ko lang siya.
"Pero alam mo, ang swerte niya no? Siya ang kauna-unahang nagustuhan ni Vincent. Pinaglaanan ng oras, pagmamahal, pag-aalaga. Sana ako na lang si Nicole."
"Ssh! Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Iba ka Selene, I'm sure darating din ang lalaking para sa'yo; 'yung mag-aalaga at magmamahal sa'yo ng totoo."
"Si Vincent lang ang gusto ko."
"Alam mo may solusyon ako sa problema mo!!" Parang may bombilya sa utak ko at tuwang-tuwa ako sa naisip ko.
Tumaas naman ang kilay niya. Nawindang ata siya sa sinabi ko.
"Eh, kung umuwi ka na kaya dito at nakawin mo na ang puso niya! Gawin mo na lahat para makuha siya."
"Hindi ganoon kadali, Lorrine. May tamang panahon para dun."
"Tamang panahon? O ayaw ka lang pabalikin dito ng parents mo?"
"Oo masama ang loob nila noon kay Vincent dahil sa pambubully niya sa akin pero na-realize na nila na normal lang 'yon dahil mga bata pa kami."
"Alam din nilang mahal na mahal ko si Vincent at suportado sila doon. Pero gusto muna nilang matiyak kung deserving nga ba siya para sa akin kaya hinihintay nila ang tamang panahon."
"Hmmm," tanging nasambit ko.
"Pero kahit di na nila tiyakin, alam ko sa sarili kong deserving siya para sa akin. Ako ang hindi."
"Ano ka ba, Selena! Tama na nga ang drama mo! Deserving ka para kay kuya dahil bihira lang ang babaeng katulad mo na magtatyagang maghintay ng ilang taon sa lalaking hindi naman siya mahal pero mahal niya pa rin."
"Aray ko naman!"
"Baliw ka kasi eh, tapos sasabihin mong hindi ka deserving?"
"Eh kung papipiliin ka, si Nicole o ako?"
"Wag mo akong papiliin, si kuya ang mamimili."
"Woo playing safe kang babae ka!"
Nagtawanan kami ng bonggang-bongga.
"Oh, basta balitaan mo na lang ako ha? Everyday, don't forget ha."
"Makapagsalita naman 'to akala mo matagal mawawala, eh, mamaya lang mangungulit ka na naman."
"May aasikasuhin ako kaya hindi ako makakapag chat sa'yo palagi."
"Ano naman 'yun?"
"Basta, para sa pinsan mo 'tong gagawin ko."
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Deretsahin mo na nga ako."
"Wag na, secret ko na 'yun."
"Ganon? Secret na rin 'yung mga pangyayari sa buhay ni kuya."
"Psh! Eto na nga sasabihin ko na!" Natuwa naman ako sa mukha ng kaibigan ko. Ayaw talagang tigilan si kuya. Dapat mag-journalism na lang ako. Nagt-training na ako maging reporter eh.
"Makinig ka! Once ko lang 'to sasabihin
"
"Go on, sabihin mo na."
"Magpapa-surgery ako after graduation," seryosong sagot niya.
***************
Author's Note:
Hi sa mga readers. ;) Salamat po sa pagbabasa. Hehe. I'm sure may idea kayo kung sino si Lovergirl. Hehe. Comment and vote lang. Thank you so much :) :) :)
~~~~~FruityLemon.