Fate of Love.

By blueballoon19

2M 15.9K 4.6K

Is it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? H... More

Fate of Love.
Chapter 1: Thank God I found you
Chapter 2: NOT him.
Chapter 3: Love Messages???
Chapter 4: Crossing Paths
Chapter 5: Starting my life with you
Chapter 6: Text then Call.
Chapter 7: Not a very lucky day.
Chapter 8: Real side?
Chapter 9: I, Warren Gabriel Villaroel, swears not to give you up
Chapter 10: Plan for Love <3
Chapter 11: Friends yung isa, less than lovers din yung isa?
Chapter 12: Parting Ways :((
Chapter 13: Impatient >.<
Chapter 14 (part1): The Date?!!!
Chapter 14 (part 2): The Date?!!!
Chapter 15: Akin ka na lang ha?
Chapter 16: Right and Left.
Chapter 17: Small kisses
Chapter 18: Its not enough :'(
Chapter 19: Trap in LOVE?!!
Chapter 20: May I?
Chapter 21: Valentine <3
Chapter 22 (Part 1) : Alam kong gago ako. ='(
Chapter 22 (Part 2): Alam kong gago ako ='(
Chapter 23 (part 1): Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 23 (part 2) : Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 23 (part 3): Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 24 : Pendant
Chapter 25: Double Date?
Chapter 26: Patrick's past
Chapter 27: Sorry
Chapter 28: Angry Birds
Chapter 29: Meeting Maxene
Chapter 30: Ang kawal.
Chapter 31: Mahal mo ba ako?
Chapter 33: DATI :(
Chapter 34: Patrick's Confession
Chapter 35: Till my heartaches end
Chapter 36 (part 1) : Kung pwede pa ba tayo?
Chapter 36 (part 2): Kung pwede pa ba tayo?
Chapter 37: Fireworks
Chapter 38: Hello and Goodbye
Chapter 39: Standing up for you
Patrick's POV (part 1)
Patrick's POV (part 2)
Chapter 40: Kissing Coach
Chapter 41: Mukhang Badtrip. =____=
Chapter 42: Deeply Madly
Chapter 43 (part 1): A Week of Truth.
Chapter 43 (part 2): A Week of Truth.
Chapter 44: His heart.
Warren's POV
Chapter 45: Empty Beginning
Chapter 46: Pasan
Chapter 47 : Key Chain
Chapter 48: No Rainbow After the Rain.
Chapter 49: My turn
Chapter 50: Always You
Chapter 51: Familiar Face
Chapter 52: Loss Memory
Chapter 53: Reconcile
Chapter 54: Letting him go.
Chapter 55: Departure
Chapter 56: Bitaw
Chapter 57: Birthday Wish
Chapter 58: Remember
Chapter 59: *clash*
Chapter 60: Denial
Chapter 61: Advice
Chapter 62: Understanding
Chapter 63: Semestral Break
Chapter 64: [ Time Out ]
Chapter 65: Quarrel
Chapter 66: Flowers
Chapter 67: Puzzle Pieces
Chapter 68: *promise*
Chapter 69: Red Umbrella
Chapter 70: Angel
Chapter 71: Just forget the world
Chapter 72: Jealousy
Chapter 73: My kissing coach is back...
Chapter 74: Race
Chapter 75: Outburst
Chapter 76: Angst
Chapter 77: I do
Chapter 78: Let's Start Again
Chapter 79: Facing Patrick
Chapter 80: What If?
Chapter 81: Ultimatum
Chapter 82: Final Blow
Epilogue: Forever

Chapter 32: The Answer

21.5K 151 49
By blueballoon19

Hindi ko alam kung anong meron sa mga paa ko at bakit ako papunta sa St Benedict's. Ngayon yung grand presentation ng ballerina dance nila monica at syempre kasama dun si Maxene. Hay ayoko naman talaga pumunta dito eh kung di lang ako sinundo at kinaladkad ni Charles sa bahay namin. Dapat kasama si Sasha eh kaso busy sa quizcon na sasalihan. Ang hirap maging matalino eh. Siguro di naman aabot sa kaladkaran kung ayos na kami ni Warren at okay lang sa akin na anytime makasalubong ko siya dito sa school niya.

Kaso hindi pa rin kami bati. :'(

Hindi niya ako tinetext at tinatawagan. Hindi rin siya dumadaan sa bahay. After that kiss, he was gone like a bubble that popped. Galit ba ako sa kanya? Hindi dahil nasasaktan ako sa kanya. I want an explanation kaso bakit hindi ako makapagdemand. Hindi naman kami eh. 

What's happening to him?

What's happening to us?

Naisip ko tuloy na baka hindi kami talaga para sa isat isa. Pag may magandang mangyayari susunod na agad yung masama. Masyadong natetest kung anong meron kami. Nung una yung past ko kay Charles then yung pakikialam ni Patrick and then now yung love ni Maxene kay Warren. Nakakapagod na. Pero di ko siya kayang bitawan. Mahal ko eh. Kahit naman sino maiintindihan ako. Yun na yung rason ko. Mahal ko siya kaya ang hirap bitawan. Pinaghintay ko din naman siya diba? Maybe its the right time na ako naman ang maghintay sa sagot niya.

"Huy, ngumiti ka naman. Andito tayo sa school ng labs mo oh!" sabi ni charles yan sakin halatang di niya pa alam at ganito pa ang sinasabi. Wala pa akong pinagsasabihan kahit si Sash baka makagulo pa yun sa quizcon niya.

"Medyo pagod lang ako."

"Nabalitaan ko nga na puro ka daw volleyball practice. Tsk, by the end of the school year alam na na ikaw ang mapipiling team captain"

"Nako gusto ko lang talaga maglaro"

Sa totoo lang pinapagod ko talaga ang sarili ko sa volleyball para mawala yung mga hinanakit ko. Effective pala talaga yung mga ganun. Kailangan ko ng distraction kundi puro si Warren lang iisipin ko.

Andito na kami sa tapat ng auditorium. Ang daming tao. Lahat sila sosyalin ang suot eh kami ni Charles naka school uniform lang. Eto ba talaga yung grand presentation ng ballet nila Monica? Eh bakit ang daming tao karamihan pa parang matatanda. Punong puno ng mga bulaklak tapos may red carpet pa. Naka-tuxedo pa yung mga lalaki at formal dress yung mga babae.

"Sure ka bang event to nila Monica?"

"Oo. Ano ka ba siya rin nagaya sayo diba?"

"Oo kaso bakit parang di tayo belong? Baka kasi mapagkamalan tayong gate crasher mukha kasing walang pasok ang mga estudyante ngayon" Wala kasi akong nakikitang naka-uniform lahat naka-ayos.

"Hindi yan no. I have an invitation" pinakita niya sa akin yung invitation niya.

"Charles, Patay!" dun lang nagsink in sa akin na sa kakapilit sa akin ni Charles na pumunta dito kanina nakalimutan ko yung invitation na bigay sa akin ni Monica.

"Bakit?"

"Nakalimutan ko yung ganyan ko"

"Bakit mo kinalimutan? Alam mo namang di ka papapasukin pag wala nun diba?"

"Eh ikaw kasi pilit ka ng pilit sa akin"

"Pano yan Rachel?"

"Go, pumasok ka na sa loob. Girlfriend mo pa rin naman yung sasayaw. Kailangan makita ka niya tsaka baka andyan din family ni Monica"

"Hindi kita pwedeng iwan dito magagalit sa akin si Monica"

"To naman. Kesa naman di ka makakanuod mas magagalit yun"

"Baka pwede bumili ng ticket?"

"Hindi no. Tignan mo yung likod ng ticket mo. Sabi diyan na yung mga dancers lang ang pwedeng magbigay nung tickets at di yun nabibili"

"Pano yan?"

"Eh sa wala akong ticket eh. Uuwi na lang siguro ako"

Pabor sa akin yun. Any moment baka makita ko dito si Warren and worst baka kasama niya pa si Maxene. Anong gagawin ko pagnangyari yun? Di ako mageenjoy sa loob siguro unti lang pagnaka-focus lang ang mata ko kay Monica pero pag kay Maxene nadaplis mata ko. Ewan na lang.

"I have one"

Nung lumingon ako, nakita ko si Patrick hawak hawak at may hawak hawak na ticket. Naka-tuxedo din siya. Formal na Formal. Akalain mong bumagay yung ganung damit sa kanya. Ang gwapo niya tignan ngayon at wala pong halong malisya yan. Halata naman kasi ngayong tinitignan ko siya ngayon di lang ako ang nakatingin sa kanya ngayon. Lahat ata kaming nandito sa labas ng auditorium. Papalapit siya sa amin. Iniwas ko agad yung mata ko. Di ko naisip na pwede ko pala siyang makita dito.

"Pare, pano ka nagkaruon ng ganyan?" sabi ni Charles kay Patrick

"Galing sa manliligaw ko, panuorin ko daw siya"

"Hebegat ka tol. Ikaw pa may manliligaw?"

"Eh di ko naman kasi pinopormahan yun."

"O ayan Ray, may ticket ka na. Papasok na tayo okay?"

"Ahmmm. Ayoko namang gamitin yang ticket na yan. Bigay sa kanya yan ng manliligaw niya" At sinakyan ko daw ung manliligaw thing. Siya na habulin.

"Dalawa binigay sa akin na ticket but not the same girl. So you can have one."

"You mean dalawa manliligaw mo tol?" hangang-hanga si Charles

"Di ko nga talaga alam kung ilan sila eh. Kaya kunin mo na to Elise"

Ano ba yun? Napangiti talaga ako dun. Panong di niya alam? Kaloka talaga to si Patrick.

Nakayuko akong humarap sa kanya.

"Wag na. Okay lang na umuwi ako"

Naramdaman kong lumapit yung ulo ni Patrick sa ulo ko tapos bumulong siya.

"Akala mo di ko nakita na tinignan mo ako kanina? You break your promise again. Take this or you know what will happen"

Ako na naman ang na-blackmail. Kainis naman tong si Patrick eh. Alam niyang ayokong manuod diyan. Alam niya ngang nagseselos ako kay Maxene. Gusto pa atang ipamukha sa akin.

Kinuha ko yung ticket tapos nagsalita ulit siya.

"Lets have practice number two. Act normal when youre with me. When I say normal, look me into the eyes" tapos tinaas niya yung baba ko.

"Huy huy huy. Anong ginagawa niyo?" sabat ni Charles.

Napaayos naman ako ng tayo nung narinig ko yung boses ni Charles.

"Wala lang tol, Napansin ko parang laging puyat tong si Elise. Halatang-halata sa mata eh. Busy ba kayo sa school works?"

"Hindi naman. Patapos na ang sem. Ewan ko ba diyan kay Ray babad sa kaka-practice sa volleyball"

Tumingin sa akin si Patrick. "Finding distractions huh?"

Gets ko na yun. Alam kong alam niya na di kami okay ni Warren. Siya ang bestfriend ni Warren kaya alam kong nasabihan na siya. Nangaasar pa tong mokong na ito. Kainis.

Inirapan ko siya.

Napagilid na lang kami nung marami nang dumadaan sa may red carpet. Lahat ata ng dumadaan dito ngayon mayayaman as in super yaman. Pano ba naman naka-display yung mga alahas nila tapos yung tindig palang alam mo na na elite sila. 

May kumausap bigla kay Patrick.

"Patrick, Iho, Bakit andito ka? Andun si Warren sa dressing room. Sinusundo si Maxene." nagsalita yung matandang babae na nakaredna gown with matching black pearls as accesories niya.

"Kaya na po yun ni Warren tita. Tutal siya naman ang escort ni Max eh"

Tita???

Eto ba yung nanay ni Maxene? HUWAW! Ang ganda naman niya. Matanda na siya pero bakit ganun ang sexy niya pa rin. Elite na elite. May pinagmanahan talaga si Maxene.

ESCORT???

Aray! May kung anong tumusok sa puso ko. So partners pala sila ngayon. Sabi ko na nga ba eh dapat di na ako pumunta dito. Shemaiii. Gusto ko ng umuwi.

"Pat. Akala nga namin walang escort si Maxene eh. Akala ko ng una pinipilit niya lang ang sarili niya kay Warren pero I prove myself wrong when Warren came over sa dinner namin with Maxene and her biological dad. I didn't notice that he liked her too" tumatawang sabi nung matandang lalaki na naka-amerikana. Mas matanda siyang tignan kaysa dun sa babae pero kahit ganun pa man he has manly features and handsome looks.

Napatingin sa akin si Patrick.

"Kahit ako tito nagulat"

"Dear, mamaya na tayo makipagkwentuhan kay Pat malapit na magsimula ang presentation" sabi nung matandang babae dun sa tatay ni Maxene.

"Tama. Patrick pagkatapos nito dumaan ka sa bahay with your.." napatingin siya sa akin "date?" tapos ngumiti ng malaki.

"Patrick, siya ba ang date mo ngayon? mukhang taga-ibang school ah? Alam na ba yan ni Mel?" sabay tapik nung matandang babae sa braso ni Patrick.

"Uhm Tito, Tita.. Youve got it all wrong.." nageexplain na si Patrick

"Oh well kailangan na naming mauna. Iha, sumama ka na ha? Gusto kitang makilala. Parte ka na rin siguro ng barkada nila. Sige una na kami. See you later" hinila nung matandang babae yung braso nung matandang lalaki.

"Sige Iho" sabi nung matandang lalaki kay Patrick.

Napahawak sa ulo si Patrick. 

"Akala ko ba binubugbog si Maxene? eh mukhang ang baet ng tatay niya?"

Tumingin si Patrick sa akin. "Hindi mo ba narinig sinabi niya kanina? Sumama si Warren sa dinner nila Maxene with her parents and his biological dad"

"So yung kaninang lalaki ay."

"His stepdad."

"Panong nangyari yun?"

"Mamaya ko na ikukwento sayo. Ang iniisip ko paano ko sasabihin kay Warren na ikaw ang date ko dito"

"Hindi naman totoo yun at wag na lang tayo pumunta dun sa bahay nila Maxene"

"Hindi pwedeng hindi tayo pumunta dun. Paniguradong andun yung real father ni Maxene. Kailangan present lahat ng barkada."

"Ano ba naman tong gulong napasukan ko?" napa-pout ako

"Ako na ang OP dito pero mamaya niyo na pagusapan yan. Ayan na si Warren oh!" bigla na lang nagsalita si Charles sabay turo gamit ang nguso sa papalapit sa amin.

Tama nga siya.

Its Warren.

Suot niya?

Naka-faded pink siya na long sleeves na top tapos white pants. Bakit di niya suot yung coat niya? Formal dapat ang suot diba?

Nakatingin ako sa kanya ngayon, ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. He was walking with his two hands in his pocket. Palapit siya ng palapit and I know he makes me fall in love with him deeper than before. Napahawak ako sa kwintas na binigay niya sa akin. I cant take this. Napahinto siya bigla when he caught my eye. Halatang gulat siya na nandito ako.  Yung mukha niya na parang nakakaawa ay nagbago into a serious face nung nakita niyang katabi ko si Patrick. Nakatingin lang si Warren kay Patrick na parang nagtataka kung bakit niya ako kasama. Tinago ko sa uniform ko yung kwintas ko sa loob ng damit ko. Natatakpan yun ng kwelyo ng uniform ko. Binalik ni Warren yung tingin niya sa akin tapos halatang papunta siya sa akin nung biglang may tumawag sa kanya..

"Warren"

Its Maxene. Naka-white dress si Maxene with white heels. Ang ganda niyang tignan lalong lumabas ang pagiging maganda niya ngayong naayusan siya.

Dala ni maxene yung coat  ni Warren. 

Napatingin si Warren kay Maxene. The next thing I know tinutulungan na ni Maxene si Warren na suotin yung coat niya. Gustong gusto ko na iiwas yung mga mata ko pero gusto kong makita si Warren. Nakita ko may binulong si Maxene kay Warren then I was heart broken when I saw that...

They hold hands.

Nakangiti si Maxene habang hawak-hawak ni Warren yung kamay niya. Iniwasan narin ni Warren yung tingin ko sa kanya. Palapit na sila ng palapit. Alam kong nakita ako ni Maxene.

Kaya nung dumaan sila sa amin.

"Hi Pat, Hi Charles, Hi Elise. Enjoy the show ha?" naka-smile pa sa amin si Maxene nun habang ako di ko alam paano pakalmahin yung nararamdaman ko. Ang sakit ng ganito. Harap-harapan.

Si Warren? Hindi man lang niya kami nilingon. Nagulat na lang ako nung biglang nagsalita si Charles.

"Warren di mo man lang ba papansinin si Rachel?"

Napahinto si Warren sa paglalakad pero di parin sila nagbibitaw ng kamay ni Maxene.

Hindi siya nagsalita.

Hindi niya rin ako nilingon.

I guess alam ko na ang sagot dun sa tanong ko.

Kinain ko na lahat ng hiya na nararamdaman ko dahil nakatuntong ako sa ibang school. Gusto ko lang talaga i-let go ang nararamdaman ko ngayon kundi any moment sasabog na ako. Ayokong makita akong kaawa-awa ng mga tao dito lalong lalo na si Warren. Sigurado na pala siya sa sagot niya bakit di man lang niya nasabi sa akin yung salitang yun. Nung tinanong ko siya kung mahal niya ba ako.

Hindi.

Yun ang sagot niya dahil yun ang nakikita ko ngayon. Mas pinili niyang hawakan yung kamay ni Maxene kesa puntahan ako.

"Wag mo na siyang abalahin Charles. Tapos na kung ano man ang meron sa amin ni Warren. Ngayon malinaw na ang sagot niya sa tanong ko. Kitang-kita ko pa nga eh"

Napabitaw agad si Warren sa pagkakahawak niya kay Maxene.

"Warren?" tanong ni Maxene sa kanya pero di na yun pinansin ni Warren. Mabilis na siyang naglakad papasok sa audtorium. 

Lumingon sa akin si Maxene at tinignan ako ng parang  inis na inis tapos hinabol si Warren papasok sa auditorium.

Napatalikod ako at naglakad paalis.

"Ray, anong nangyayari?"

Liningon ko si Charles "Kailangan ko lang ng fresh air. Pumasok ka na sa loob hinahanap ka na ni Monica"

"Pero.."

"Dont worry tol. Ako sasama sa kanya" Narinig ko na lang sumagot si Patrick pero wala na akong pakialam.

Naglakad ako palabas ng school hanggang maka-abot ako sa parking lot. 

Itinaas ko yung ulo ko.

Ayokong may luha na tumulo sa akin.

Kung iiyak man ako, gusto ko pagyakap ko na si Wael.

Pero may iba akong naramdaman nung nakalayo na ako sa auditorium.

Parang ayoko na lang i-accept na yun na lang yung nangyari sa amin ni Warren. 

Kung ayos sa kanya yung mag nangyari eh bakit ganun yung mag mata niya nung nakita niya ako. Pati expression ng mukha niya ibang iba.

Kailangan kong lumaban. Ewan ko kung sino nagimpluwensiya sa akin but I guess itong taong sumisigaw ngayon ang inspirasyon ko kung bakit gusto kong malaman yung totoo.

"Hey, dont tell me iiyak ka lang dito at magmamaktol?!!!" Sumigaw si Patrick nun.

"Sino naman nagsabi sayong magmamaktol ako?"

"Sure ka?"

"Diba sabi mo fight for him?"

"Oo nga pero.."

"Gusto ko malaman yung totoo. Kung sila na ba talaga. If that's the case, lalayuan ko na siya."

"Anong balak mo ngayon?"

"Pumasok sa loob ng auditorium at samahan ka sa bahay nila Maxene"

"So your my date for today's event"

"Yes"

Inoffer ni Patrick yung kamay niya sa akin sabay kaming pumasok sa auditorium.

Ayoko na dun sa Rachel na wala ng ginawa kundi umiyak.

Ayoko na dun sa Rachel na lagi na lang piniprotektahan.

Ayoko na dun sa Rachel na laging kawawa.

Dahil gusto kong marinig sa kanya.

Dahil gusto kong malaman yung katotohanan.

Dahil gusto ko sa kanya manggaling.

Kay Warren.

Dun sa taong mahal ko.

_______________________________________________________________________________

COMMENTS PLEASE 

Sorry ngayon lang nakapag-update, Busy talaga.

Dont worry buong weekend maguupdate ako. :')

Makabawi lang.

Nga pala balak ko sana gumawa ng Warren's POV pero baka di bumenta. Tell me if gusto niyo. Pag nakaabot ng 100 votes tong chapter na to. Gagawa ako ng POV ni Warren pero isang chapter lang. Sa tingin ko kailangan na kasi, pero special lang yun ok? =)

Hinabaan ko to. 

MUCH LOVE,

Rain <3

Continue Reading

You'll Also Like

14.9K 375 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
1M 28.7K 15
"How can I move on when I'm still in love with you?"
101K 2.7K 37
"Being your slave is the greatest thing that ever happened in my whole life. I'm very much willing to stay at your side until forever Jane. Kasi maha...
83K 979 16
naranasan mo na ba yung feeling na ma-in love sa kapatid mo? ay este, step-brother pala?! argh! wag mo nang i-try. Kasi mahirap. Ang sakit , puro sa...