One Shots

By raingeremillo

334K 4.1K 939

This is a compilation of short stories. Kung wala ka sa mood magbasa ng novel or busy ka or kailangan mo ng p... More

Even Though
Jiro
Vandalism
The Road Not Taken
Count 1 to 10
Just A Day
Just Another Day
MY FIRST
Happy New Year
Her
Birthday Gift
Akin ka lang! Umepal paslang!!
New Compilation

Katahimikan

5.7K 107 11
By raingeremillo



"How to know if a girl likes you."

Bigla akong napa alt+tab dahil binasa ni Tephy ang binabasa ko sa google. Hindi ko naramdaman na may tao na pala sa likod ko.

"Uy Franc, ano yan ha? How to know if a girl likes you ka pa ah! hahahaha" She poke me on my waist kaya napaliyad ako. Nasa office pa ako, overtime pero pauwi na rin at naisipan mag search muna dahil mag isa na ako dito pero hindi ko alam na nadito pa rin pala sya.

Sya si Stephany, Tephy for short, kabatch ko sya dito sa opisina kaya sya ang pinaka kaclose ko dito.

"Sino ba ha? Baka alam ko kung may gusto sya sayo. hahahaha. You know, girl knows girl." Takte. Nakakahiya naman.

"Akala ko umuwi ka na." Pag iiba ko ng topic.

"Naiwan ko yung wallet ko eh, binalikan ko lang." Pinakita nya sakin ang wallet nya. in-off ko na ang PC ko at nagsimulang mag ayos ng gamit. Sana hindi na nya maalala yung topic kanina, madali kasing ma divert ang focus nya lalo na sa mga kwentuhan. Kailangan mo lang mag open ng panibagong topic tapos make-carried away na sya.

" Tara, sabay na tayo." tumayo na ako bitbit ang backpack ko. She agreed. Tamik kaming naglalakad papunta sa may elevator which is very unusual. Eto yata ang first time na tahimik kami pareho. Nakakapanibago. Nakakakaba.

"Alam mo Franc..." Napatingin ako sa kanya nang bigla syang magsalita. Nasa 22nd floor pa lang kami. 47th naman yung office namin.

"Ano?"

"Imbis na si google yung tanungin mo, bakit hindi na lang sya mismo? Yun malalaman mo agad yung sagot kesa manghula ka kung tama ba yung sinabi ni google sayo." Seryoso nyang sabi.

"Ano, tatanungin ko sya kung may gusto ba sya sakin? Hindi ba parang ang kapal naman yata ng mukha ko kapag ginawa ko yon? " Humalakhak sya dahil sa sinabi ko. Natawa na rin ako kahit na seryoso yung tanong ko. Nakakahawa kasi sya sa tuwing tumatawa sya ng malakas.

"May point ka naman." Sabi nya pero natatawa pa rin sya. Nakangiti akong nakatingin sa kanya habang busy sya sa pagtawa nya.

Tumingin ako sa bandang taas para tingnan kung saang floor na kami.

11th floor.

Kumakalma na sya sa pagtawa nya. Pinupunasan nya ang luha nya sa mata gamit ang mga daliri nya. Ganyan kasi yan eh, mababaw ang luha. Bukod sa pag iyak dahil sa sakit o lungkot, naluluha rin sya kapag tumatawa, inaantok, natatakot, tsaka kapag kinikilig. Paano ko nalaman?

Isang beses kasi may pinapanuod sya sa office namin during break time tapos nakita ko na namumula yung mata nya at medyo naluluha sya.

"Umiiyak ka?" Nag aalalang tanong ko. Hindi ko pa alam noon na may pinapanuod pala sya. Lumingon sya sakin na nakangiti habang nagpupunas ng luha.

"Hindi, kinikilig kasi ako eh. kainis kasi tong pinapanuod ko grabe magpakilig." Sagot nya na parang baliw dahil todo ngiti sya pero namumula naman ang mata at ilong nya.

Nacutan ako sa kanya that time. Wala lang. Ang cute lang.

"May gusto ka ba sa kanya?" Tanong ni Tephy after nyang mahimasmasan.

"Ha?"

"Eh kasi gusto mong malaman kung may gusto sya sayo eh, may gusto ka ba sa kanya?"

Tumingin ulit ako kung nasaan floor na kami.

5th

"Meron. Matagal na." Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Dyahe.

"Ahhhh. Edi imbis na itanong mo kung may gusto sya sayo. Sabihin mo na lang na may gusto ka sa kanya." Ngumiti sa sakin. Para bang ine-encourage nya talaga akong umamim.

Ting!

Bumukas na ang elevator.

"Sige, Franc ha. Una na ko. Bye!" She wave at me while smiling.

I just nod at her and smile back. Agad naman syang tumalikod sakin at naglakad palabas ng building namin.

Hindi ko alam kung bakit ako mapakali, parang may kung anong naglalaro sa sistema ko kaya hindi ako makapag desisyon sa susunod kong gagawin.

Lalakad na ba ko papunta sa parking lot?

Hahabulin ko ba sya para mag offer na ihahatid ko na sya?

O sasabihin ko sa kanya na gusto ko sya?

Hindi ko naman sya gusto agad.Oo, maganda sya. Pero hindi kasi ako yung tipo ng lalaki na manliligaw o magkakagusto sa babae dahil sa maganda sya.

Unti unti ko syang nakilala at nakakasundo dahil lagi kami ang magkasama at magkausap. Naging madalas din kaming magkatext after ng team building namin sa Palawan. Nakwento ko kasi sa kanya yung tungkol sa ex ko at mga dahilan kung bakit hindi kami nag work out. Simula noon, mas naging close na kami at lagi na ako sa kanya nagkwe-kwento ng mga bagay bagay tungkol sa buhay ko. Sa sobrang close namin, late ko na na-realize na may gusto na pala ako sa kanya. Iba na yung concern ko pagdating sa kanya. Iba na yung ngiti ko kapag kasama at kausap ko sya. Iba na yung tibok ng puso ko kapag tungkol na sa kanya.

Napapaisip na lang ako... Gusto nya rin ba ako?

Sa sobrang close naming dalawa, naramdaman nya kayang espesyal din ako sa kanya?

Iba rin kasi eh. Sabi nga ng ibang officemates ko sakin..

"Franc, may something kayo ni Stephany 'noh?"

Ang sagot ko.. wala.

Alangan namang sabihin kong meron, eh ang alam ko pa lang yung side ko.

Alam kong gusto ko sya. Pero hindi ko alam kung gusto nya rin ba ako.

Damn it, Franc. Kumilos ka na.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Stephany!" God, inabutan ko sya! Pasakay na sya ng taxi bago ko sya tawagin.

"Oh, Franc?" inosenteng tanong nya. Tumakbo ako palapit sa kanya kahit medyo hinihingal pa ko dahil sa pagtakbo ko palabas.

"Ihahatid na kita."

"Ha?" Kunot noong tanong nya. Kinuha ko ang kamay nya na nakahawak sa pinto ng taxi at sinara ang pinto nito.

"Sorry manong ha. Ihahatid ko na lang po sya." paghingi ko ng paumanhin kay manong. Medyo nainis sya pero wala rin syang nagawa kundi tumango at umalis na.

"Ano yon?" Natatawang tanong nya sakin pero halatang naguguluhan talaga sya sa nangyayari.

"Ihahatid na kita." Nakangiting sagot ko sa kanya. Kinuha ko ang bag nya na kinagulat nya pero binigay pa rin naman nya. Hindi mawala yung ngiti sa labi nya pero hindi rin mawala yung question mark sa mga mata nya.

"Anong meron, Franc? I mean. What's with hatid hatid?" Hindi pa rin kami umaalis sa pwesto namin.

"May sasabihin kasi ako sayo." Nakangiti kong sabi. Sa totoo lang, kinakabahan ako.

"Ano? Hindi ba pwedeng ipagpabukas yan? Or text, tawag, or something else? Look at you." Nagulat ako sa ginawa nya. Pinunasan nya yung noo ko na alam kong may pawis.

"Pawis na pawis ka. Tumakbo ka ba?" She asked after nyang punasan ang noo ko. Kumuha sya ng tissue sa bag nya tsaka nagpatuloy sa pagpunas ng pawis ko.

Hinuli ko yung kamay nya na dumadampi sa mukha ko. She looked at me with wider eyes.

I shook my head, answering her question. Binaba ko ang kamay namin without releasing her and on my grip.

" I like you." Buong puso kong sinasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Nakatingin ako sa mga mata nya na parang unti unting nababasa. May nakita rin akong maliit na kurba sa mga labi nya. It seems na pinipigilan nya ang ngiti nya. Mas lalo akong kinabahan dahil sa naging reaction nya.

Naluluha sya.

Ano yon?

Nalungkot ba sya? Naawa sya? Natakot sya? Natawa sya?

"Shit." I curse silently.

Kinilig sya?

God, damn it!

Nasa kalagitnaan ako ng kabaliwan dahil sa naisip ko at sa lakas ng tibok ng puso ko nang ngumiti sya ng malaki. Para bang pinakawalan na nya yung ngiting kanina pa sya pinigilan dahil sa sinabi ko sa kanya.

Naiiyak ako. Magsalita ka na please.

"Akala ko itatanong mo sakin kung gusto kita eh." Hindi nya mapigilan yung mga ngiti nya.

"Baka kasi isipin mo ang kapal ng mukha ko." Tumawa sya ng malakas. Hindi ko na rin mapigilan ang pag ngiti ko dahil nakakahawa talaga sya.

"Okay lang yon. Oo naman ang isasagot ko eh." Napanganga ako dahil sa sinabi nya.

Oo naman ang isasagot ko eh .

"Oo?" Halos pasigaw kong pagkukumpirma sa kanya. Hindi ko intensyon na sumigaw o maglakas ng boses pero hindi ko lang talaga mapigilan. Sasabog ako, tangina. Sorry. Napapamura talaga ako.

"Oo. Gusto din kita."

"Shit! God, Damn it! Arghh!!" Wala akong masabing matino. Pinagtatawanan na lang nya ko dahil sa ginagawa ko. Nagtatatakbo ako dito sa labas ng building namin habang nagmumura dahil sa sobrang saya! Hindi ko alam kung paano ko hihinto sa kung ano anong pinaggagawa ko. Tumatalon na ko, sumisigaw ako, pero hindi pa rin maubos yung kilig sa katawan ko.

"Franc!" Doon, napatigil ako. Tumingin ako sa masaya nyang mukha. Lumapit sya sakin tsaka humawak sa mga balikat ko.

"Ang ingay mo." Natatawang sabi nya.

"Para matahimik ka...."

Bigla nya akong hinalikan sa labi.

Natahimik ako.

Nilayo nya ang bibig nya sa bibig ko tsaka nakangiting tumingin sakin.

"Edi natahimik ka." pang aasar nya. Ngumisi ako sa kanya at hinapit sya papalapit sakin.

"Tatahimik na po." Then I kissed her.


Mahaba habang katahimikan ito. ;)





- End.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 32.6K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...
69.1K 3.4K 25
Porcia Era Hart x Chrisen
10.6K 574 57
Kristina Love Aquino. A successful woman, well-known as the Queen of All Media of the Philippines and a great mother to her two sons. However, when h...
10.7K 373 42
UNICORN SERIES#1 (COMPLETED) This story is about a gay who firmly believes that he will never fall in love with a girl but everything changes when he...