The Sosyalerang Maid

By ehhSon

21 1 0

Ang maid na hindi kagandahan (kumbaga panget), pero sosyalera, feelingera, ambisosya, laitera. H'wag na natin... More

CHAPTER 1

21 1 0
By ehhSon

CHECHE's POV

(Wow ha? Kapal ng nagsabinun. Maganda ka? Gwapo ka? Patingin. Wala. Wala kang mukha. Wala ka ring puso.Hindi ka tao. Dura ka!)

So let's back to reality...

"Ang baho! Ano ba yon,Cheche? Bunganga mo?" Sabi ng kaibigan kong bansot. Siya si Tina. Shortfor Bansotina. Ang babaeng pinagkalooban ng sangkatutak na kabansutan. Dwende.Pandak. Bansot. Maliit. Smurf. Chipmunks. Panget. Panget. Panget. Tsaka panget.Pero madalas kong itawag dyan ay Dwendy. Para emphasize na emphasize yungkaliitan niya.

"Hininga mo yon.Pagpasok mo kasi, bunganga mo agad ang unang bumuka kaysa sa mga hita mo."Sinisi pa ko sa salang siya ang may gawa.

"Watibir! Enywi, mayparte parte dyan sa kanto mamaya. Wi well gu der."

"Ano na namang isusuotmo? Wag mo sabihing hihiram ka na naman sa'kin? Ay. Pwede ba, ayoko na.Pinahiram ko sa'yo ng puti, ibabalik mo sa'kin na mas maitim pa sa singit mo.Magtigil ka, Dwendy."

Sa tuwing may party kasi okahit na saang lakaran, lagi siyang nanghihiram sa'kin ng isusuot niya.Palibhasa, kahit labhan yung damit niya, ganun at ganun parin ang kulay. Hindina magbabago. Kung ano ang kulay pagkatapos niyang gamitin, ganun parin angresulta kahit labhan. Ang tindi ng kapit ng libag ng babaeng to. Kaya kahitako? Hindi ko dinidikit ang sarili ko sa kanya. Aba, mahirap na, baka kumapitsa'kin yung kayamanan niya.

"Si Cheche naman, paranghindi tayo magkaibigan niyan."

"Hindi talaga tayomagkaibigan, muchacha kita, amo mo ko. Wag kang ambisyosa."

"Nakaka-hirt ka ngpilengs." At nag-pout pa ang bruha. Jusko. Magunaw na sana ang mundo.

Hindi ko na siya pinansin.Lumakad na ko papuntang kusina. Kukuha ko ng makakain. Uuuuuy. Sino yung nakitakong maganda? Humakbang ako ng dalawa pabalik at nakakita nga ko ng maganda.Hindi pala, dyosa ng kagandahan. Nag-pose ako ng parang model sa harap ngsalamin. Pak! Pak! Pak! Ganern! Para sa economy ng Philippines. Shetttt.Amzooosexeee. Pwede na siguro akong maging cover magazine ng FHM.

"Anong ginagawa mo,Cheche? Pfft. Para kang butiking tinatanggalan isa-isa ng paa." At tumawapa ang pesteng babae.

"Modeling ang tawagdito. Napaka-ignorante mo talaga." Inayos ko na sarili ko.

"Ahhhh. Akala kopostiring. Alam mo yun? Pusting nag-pupus?" At tumawa pa habang nakahawaksa tiyan.

"Korni." Atnagtuluy-tuloy na ko para kunin ang kukunin ko. Pero inunahan pa ko ng isangto.

"Gerl, anong brikpasmo?" Kapal ng mukha. Nakidayo pa ng kakainan.

"Tingnan mo saref."

"Ha? Wala ka namang ripa?"

"Tanga ka talaga. Ediwalang pagkain. Lumayas ka na nga, nakakasira ka ng maganda kong umaga. Pandak.Shoo. Shoo." At winagaswas ko ang kamay ko na parang nagtataboy ng aso.

"Alam mo, Cheche, butipa yung umaga mo maganda no?" Tinuro muna ko saka nagsalita ulit."Ikaw panget." At nagtatakbo habang tumatawa.

Pesteng bansot.

------

"Cheche, napakatagal monaman! Kanina pa ko atat na atat makipag-parte-parte dun." Ayan,binubwisit na naman ako ng pandak kong kaibigan. Ayoko naman talagang pumunta.Ano naman kasing gagawin ko don? Makakakita lang ako ng mga hipon at bisugo naumahon mula sa dagat. Ghadd! Ma-eexpose na naman ang kagandahan ko. Magkakagulona naman sila.

"O yun naman pala e. Edimauna ka na."

"Ano ka ba? Wala akongkasama. At karamay."

"Karamay? Karamaysaan?"

"Sa pang-aapi. Duh.Ayokong ako lang ang pagti-tripan dun. Maganda kung dalawa tayong sasabihangpanget. Hahahaha."

"Hoy. Sa'ting dalawa,ikaw lang ang panget. Maganda ako, for your info." Saka ako nag-flip hair.Ganda ko kasi.

"Lagi ka bang gutom?Siguro oo, wala nga palang pagkain dito sa bahay mo kaya kung anu-ano nanaiisip mo."

"Ikaw, lagi ka bangtanga? Siguro oo, wala nga palang laman yang ulo mo. Tara na, atat na atat nakong makitang inaapi ka habang tumatawa ako sa harap mo." Lumabas na ko sabahay ko. Ayoko ngang hilahin siya. Remember, meron siyang kayamanangipinagkakaloob sa sinuman o anumang madikit sa kanya.

SA PARTY...

"Geshh. Eng demengtee." Arte. Panget naman.

"Geshh. Eng ertemegshelete. Penget nemen." Sabi ko nang may panggagaya sa accent niya.

"Anong sabi mo,Cheche?" Tingnan mo tong pandak na to.

"Panget, tanga, bingi?Pili ka."

Inirapan lang ako. Pestetalaga sa buhay ko to. At iniwan pa ko. Pag nahabol ko to, sasabunutan ko tohanggang maubos ang buhok.

Susundan ko sana siya, nangmay biglang humarang sa daraanan ko.

"Oww, look who'shere." Sabi nung impaktang babaeng luwa ang boobs. Kulang na lang,salu-salo nung dalawa pang impaktang babae yung boobs niya.

"Ang babaeng feelingmaganda, super panget naman." Dagdag nung isa pang impaktang babaengmalaki naman ang ilong.

"Yahhh! Super duperpanget panget, to the highest highest level." Sabat naman nung isa pa.Luwa naman mata niya, bukod dun, makapal din labi niya. Pero hindi kissable,yuck lang, alam niyo itsura nung pwet ng baboy? O tama kayo, yun yon.

So inshort, ang papangetnila. Pero wala ng mas papanget pa sa kaibigan kong si Dwendy.

"Talagang kapagnagsalita ang isa sa inyo, sunud-sunod na kayo no? Aba wow, tinolang walangsabaw. Scripted ba yan? Ghed. Ang papanget na nga, ang tatanga niyo pa. Alamniyo, bago kayo manglait sa kapwa niyo, tingnan niyo muna mga sariliniyo."

"Yes, nagsalita angmaganda." Sabi ni Luwabubs. Saka nakipag-apir dun sa dalawang natitirangimpakta.

"Hahahahahahahaha..."Tawa naman ng tawa yung dalawa.

Anong nakakatawa sa sinabiniya? Ang bababaw nila, seriously.

"Haha. Kaya nga, myghad! Cheche, alam na namin yang kasabihan na yan. At ang gumagamit lang ngganyang linya e yung mga magaganda talaga. Tulad namin." Sabi naman niLuckylong. Saka sila nag-apiran ulit. At tumawa.

"Joke ba yan? Tumatawakasi kayo e. So nakakatawa pala yun? Wait, i-rready ko lang yung tawa.Nakakahiya naman kasi sa inyo, nagpapatawa pala kayo hindi ako tumatawa. Gesh.Hindi ako na-informed." Sabi ko, in maarte way. Wala lang, gusto ko langsilang inisin.

"Tch." Saka akoinirapan ni Luwabubs.

Magsasalita pa sana siLuwabubs, kaya lang may bigla kasing tumawag sa napakaganda kong pangalan.Hinanap ko kung sino yun.

"Cheche!" Wait, maykumalabit sa'kin.

"CHECHE!" Ay, siDwendy pala. Kaya pala hindi ko makita.

"Oww, andito din palaang ubod na panget, saksakan ng bansot, at ang pinaka mabahong nilalang nakilala ko." -Luwabubs.

"Oww, andito din palaang babaeng tatlo ang pwet. Isa sa likod." Tinuro ni Dwendy yung likod niLuwabubs. "At dalawa saharap." Sunod niyang tinuro yung boobs ni Luwabubs saka isinunod yungmukha niya. "Yung totoo 'te? San dyan ang pwet? Ako'y gulung-gulong-gulong-gulo."May tono yung last sentence niya, yung ano.. Basta kanta yun. Hulaan niyonalang.

"Panget ka na nga,bastos ka pang kausap. Hindi ka ba na-enporm na dapat hinaharap ang kausap? Ay.Alin nga dyan ang pwet?" Dagdag pa ni Dwendy. "Ano ba yan, usapangpwet ba to? Kaya pala ang baho." Sabi ni Dwendy.

"Oh ano kayo?Ngangey." Kami naman ni Dwendy ang nag-apir at tumawa habang naglalakadpalayo sa kanila. Anong reaksyon nila? Ayun. Inis na inis. Umuusok ang ilong sasobrang pagkapikon.

"Ikaw naman, Cheche,hindi ka man lang nagsabi na wala ka na pala sa likod ko. Dada ako ng dada,wala pala kong kausap." Biglang sabi ni Dwendy habang naglalakad kami.

Bwisit namang mga taong to.Ang sikip. I can't breathe. Kung makapagsayaw para wala ng bukas. Ikakamatay bakapag hindi nakapagsayaw ng hindi iwinawagayway ang buhok at kamay?

Sa sobrang inis ko,itinutulak ko kung sino man yung mahawakan ng napakalambot kong kamay. Yan,sige, yugyog pa.

Tumigil ako sandali, hindi natalaga ko makagalaw sa sobrang sikip. Ang baho. Kainis. Mga naliligo ba tongmga taong to? Bakit ganto amoy nila? Mukhang kakaahon lang sa lupa. Mga amoylamang lupa.

Asan na si Dwendy? Nawala nanaman. Teka nga, ang harot nitong babaeng to. Tinulak ko, isinubsob ko yungmukha dun sa kaharap niyang lalaki. Yan, sige, dyan ka sa boyfriend mongmukhang paang puro ingrone ang mukha.

"ANO BA??!!!" Hiyawnung ate. Hashtag BEASTMODE. Take note, hindi lang yung ugali niya angbeastmode, pati rin pala mukha.

Tinaasan ko lang siya ngkilay. Na may kasamang smile.

"ANONG PROBLEMA MOBA???!!" Hala. Galit na nga.

Pinagtitinginan na kami ngtao. Ay mali, hayop pala.

"Tinatanong mo ako kunganong problema ko?" Tanong ko ulit sa kanya. Hindi ba kasi niya na-ggets?

"HINDI, TINATANONG KOKUNG BAKIT MAY GLOBAL WARNING SA MUNDO???!!!"

"Warming yun,tanga." Sabi ko sa kanya. "Ano ba naman yan, pati yan tina--"

"ANONG SABI MONG PANGETKA??!!"

Nagulat ako kasi nganakasigaw siya. "Uy, panget daw. Ikaw lang nakikita kong ganun." Sabiko dun sa malapit sa kanyang babae. "Ate, wag kang sumigaw. Nandito langako o, wala ako sa kabilang baryo. Lakas ng bunganga mo e, nakalunok ka ba ngmic?"

"Ate, bakit naman kasisinusubsob mo siya sa'kin?" Sabi nung lalaking ingrone ns tinubuan ngmukha.

"Ayy, ako ba ang nagsusobsob?Hindi ba siya ang nagsusobsob sa sarili niya sa'yo?" Maang-maangan kongtanong.

"Mag-sorry ka nalang." Sabi nung lalaki. Seryoso na siya samantalang yung babae, ayun,beastmode pa rin ang mukha.

"Ako? Mag-ssorry? Ututmo, koya." Sabi ko.

"HAYOP KANG BABAEKAAAAA!!" Hiyaw nung babae tapos lumapit siya sa'kin at pinaghahaltak angbuhok ko.

"WALANGHIYA KANG BABAEKA! NAPAKAPANGET MONG HAYOP KA!" Hiyaw pa rin nung babae habangsabu-sabunot yung napakabango ang napakalambot kong buhok.

Hinaltak-haltak ko din yungbuhok niya. Aba, ayoko ng ako lang ang nasasaktan. Dapat siya rin. Dinidiin koang paghila, yung tipong bawat paghila ko may kasamang buhok niyang matigas pasa buntot ng kabayong hindi pinapaliguan. Nag-sshampoo ba ang babaeng to? Eparang alambre sa tigas ang buhok e.

Yung lalaki namang ingrone natinubuan ng mukha, inaawat na kami. As if namang kaya niya kami. Bawat paghawakniya sa'kin, hinihila ko rin buhok niya. Nilalayo naman niya yung sarili niyasa'min. Ha! Awat pa, sige. Sa susunod mukha mo na hihilahin ko.

At yung mga tao naman, hayoppala, na nakiki-usyosyo, ayun may kanya-kanya ng mundo, pinagpupustahan kamingdalawa kung sinong mananalo. Mga hayop talaga tong mga taong to. Ano kami,manok? Nagsasabong? Excuse me, sa ganda kong to? Manok? Swan ako, hindi manoklang. Eto namang kasabunutan ko, hindi yan manok, dragon yan. Dragonang pangetpara medyo sosyal.

Nakakuha na ko ng tiyempokung paano ako makakawala sa kamay ng dragonang panget na to. Lumapit ulit yunglalaking ingrone na tinubuan ng mukha, nagtangka na namang awatin kami, eto nayung chance ko. Bigla kong hinaltak yung buhok nung lalaking ingrone natinubuan ng mukha, inaabot ko rin yung buhok nung dragonag panget na to. Teka,saan na? Asaan ang buhok? Naubos ko na ba? Hindi ko kasi makita, nakayuko kasiako para hindi ko masyadong maramdamang masakit yung pagkakasabunot niya. Yan,nahablot ko na. Sige na, pag-uuntugin ko na kayong mga panget kayo.

Pinag-untog ko nga silangdalawa.

"OUCH! ARAY KO!"Sabi nung dragonang beastmode na babae.

Yung lalaki naman, napahawakna lang sa ulo habang hinihimas.

"Ngayon ka lang nag-ouchsamantalang kanina pa tayo nagsasabunutan. How pathetic." Boring kong sabihabang inaayos ko yung buhok ko. Madali naman tong ayusin, kahit suklayin molang ng kamay ayos na. Nag-rejoice ako e.

"O ano, lalaban kapa?" Tanong ko dun dragonang beastmode na babae. Inambagan ko na parangsusuntukin ko siya. Sa takot niya, napalayo siya sa'kin. Takot naman palangmasuntok e. Pero okay lang, pabor sa napakalambot kong kamay yon. Hindimagagasgasan ang kamay ko ng mukha niyang panget.

"O kayo? Magkanonapagpustahan niyo? Malaki ba? Mga hampaslupang to. Umalis kayo sa daraanan kokung ayaw niyong basagin ko yang mga pagmumukha niyo. Bwisit." Sigaw kodun sa mga hayop na usyusyero.

Naglakad na ko paaslis don.Kainis. Dapat kasi hindi na ko sumama kay Dwendy, napa-trouble-trouble-troubletuloy ako. Saan na ba yung pandak na yon?

*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiingggggggggggg

"Ay kabayongpandak!" Badtrip naman tong telepono ko. Sino naman kaya to?

"Yes, TelecommunicationCompany. How may I help you?" Ganyan ako kapag badtrip. De, trip ko langganyan.

"Ha? Wrong number ataako." Sabi nung nasa kabilang linya. Si Nanay na naman, ano naman kayangdalang problema ni Nanay sa'kin?

"Nay, joke lang. Ako to,si Cheche. Bakit kayo napatawag?"

"Ahh. Ikaw talagang bataka. E ano kasi, yung lupa kasing sinasaka namin, nagbawas ng tao."Panimula ni Nanay.

"Tapos isa ka sanatanggal? Kaya wala ka ng trabaho? Tapos ano pa? May sakit ang isa sa mgakapatid ko? Kailangang operahan kasi malala na?" Dugtong ko dun sapanimulang kwento ni Nanay. "Tapos ano? Kailangan ko ng magtrabaho kasinga sa sitwasyon niyo ngayon? Kalalabasan ko working student, pinag-aaral ko nasarili ko, tinutustusan ko pa kayo kasi nga wala na kayong trabaho? Nay, naman,napanood ko na yung ganyang eksena e.Bagu-bago naman, oy."

Hindi nagsasalita si Nanay.Wag niyang sabihing--

"Nay, di nga? Tama ako?No way. Patayin niyo na lang ako!"

"Masyado ka namang OAanak. Patapusin mo muna kasi ako." Sabi ni Nanay.

"Ah, ganun ba, Nay.Osige, continue."

"Yun nga, nagbawas ngtao. Kasi nga, humihina na ang produksiyon. Kailangan magbawas ng tao. Mapaladnaman ako at hindi ako kabilang sa mga natanggal. Buti sana, anak, kung yunlang ang gagawin nila. E bukod sa pagababawas ng tao, pati sweldo naminbinawasan. Halos yung sweldo ko, anak, kasyang-kasya lang dito samin sa bahay.Hindi ko na kayang tustusan ang pag-aaral mo diyan. Kaya kung okay lang sa'yo,tumigil ka muna ng pag-aaral mo. Tulungan mo muna ko dito sa probinsya.Pasensya ka na, anak, yun lang ang kaya kong isuhestiyon sa'yo. Kung hindi langtalaga nangyari to, hindi ka naman titigil." Kwento ni Nanay.

"Nay, naman e. Ganun dinkinalabasan e. Magtatrabaho pa rin ako." E tama naman ako kanina di ba?

"E hindi naman kasing OAna nagkasakit pa ang mga kapatid mo." Sabi ko nga.

"E, Nay, ayokong humintong pag-aaral ko. Yun lang ang kayamanan ko bukod sa kagandahan ko. Akongbahala. Gagawa ako ng paraan." Sabi ko. Ayoko talagang huminto, yun na ngalang ang meron ako e, bukod sa ganda ko, wala na kong maipagmamalakibalang-araw.

"O sige, anak, ikawang---"

Ay peteng-ene!Hdjsiwjwbcushsjskid!

"HOY GAGO! IBALIK MOTELEPONO KOOOO!" Hiyaw ko dun sa snatcher. Hayop na snatcher yan! Ako panananakawan.

Hinabol ko siya! "HOYMABAHONG NILALANG NA GARAPAL! IBALIK MO YAN! PAG NAHABOL KITA, BABASAGIN KOYANG NABUBULOK MONG NGALA-NGALANG HAYOP KA! HOOOOOOYYYYY!" Nagsusumigawako sa daan habang hinahabol ko yung lintik na snatcher na yon. Lintik din tongmga taong nadadaanan ko, walang pakelam. Pag nakuha ko telepono ko, ihahampasko tong heels ko sa pagmumukha ng taong to. Babalikan ko kayo, tamo.

Nakita kong huminto yungsnatcher. Buti naman. Lagot ka sa'kin ngayon.

"Hayop ka. Pinagod moko." Hinubad ko yung heels ko. "Lagot ka sa'kin, isasaksak ko satenga mo tong heels na to. Magkakaroon ka ngayon ng instant earphone!"Akmang ihahampas ko na sa kanya yung heels ko ng bigla siyang may inabot.

"Oh." Sabi niya.Nakita ko yung hawak niya. Cellphone ko. Ibinabalik? Bakit? Ano to? Trip lang?Hayop.

"Panget ng cellphone mo.Nagagamit pa ba to? Pa-graduate-in mo na to. Hindi na ko nagtatakang panget angcellphone na to. Panget din pala ang may-ari." Sabi niya habang iniaabotsa'kin yung telepono ko.

Nakatunganga lang ako.Tiningnan ko lang yung snatcher habang naglalakad palayo. Hayop talagangsnatcher yan, nakuha pa kong laitin matapos akong pagnakawan. Gago.

Pinabayaan ko na lang. Nasaakin naman na yung telepono ko e. Sumakit lang ang paa ko sa kanya. Kainis. Anopang masasakyan ko ngayon? Dis oras na ng gabi. May bumabiyahe pa bang taxidito? Joke. Nag-ppedicab nga lang pala ako.

Bwisit. Ang sakit ng paa ko.Nahihilo pa ata ako. Hindi nga pala ko kumain. Diet nga kasi.

Naglakad na ko pabalik, teka,san nga ako dumaan? Parang umiikot na paningin ko. May nakita akong parang ilawng sasakyan. Lumapit ako dun. Tapos...

CwoHRW^c|oB��

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 7 19
I just trying to make a Guy story puro na lang kasi mga girls eh ^^ I hope you enjoy this one. Pa alala po mga kaibigan mature scenes will occur kaya...
42.2K 219 101
Hi guys ^-^... Marami pong spoiler dito. Pero please! please! please! basahin nyo pa din yung story. Wag po kayung ma-discourage sa mga negative com...
23K 832 51
"TSF-2 BOOK-2 FINN" "I have a question, what's with the back of the moon?" she didn't take her gaze to the beautiful full moon. "What the hell is yo...
119K 3.7K 62
Apat na magkakaibigan ang bagong nakatuklas ng libro. Please follow me before you read this para di po kayo mabitin :) Only followers can read this...
Wattpad App - Unlock exclusive features