* Chapter Three *
* Rachelle's POV *
Nasa restaurant ako ngayon ni Tweenie, dahil dito ko aantayin si Eduard at Carmina, mamamasyal kasi kami at sinabi ko na dito na lang nila ko sunduin para mabisita ko na rin si Tweenie, ilang araw na kasing hindi nagpaparamdam sa akin to'ng bestfriend ko.
"oh anung ginagawa mo dito?" agad na tanong ni Tweenie sa akin.
"syempre dinadalaw ka" sabi ko. " bakit masama na ba ngayong dalawin ka?"
"hindi naman, pero bakit ka nga ba pumunta dito?-- na miss mo ko?" pagbibiro pa niya.
"sira, syempre ilang araw ka nang hindi pumupunta sa bahay, hindi ka rin nagte-text, kahit tawag wala."
"eh kasi naman friend sobrang busy ko ngayon, eh di ba kakabukas lang ung bagong branch ko sa ortigas, kaya eto busi-busihan ang peg ko.- eh teka maiba tayo ano nga ba talaga ginagawa mo dito??"
"aalis kasi kami nina Eduard at Carmina gusto kasing mag-mall ni Carmina at gusto kaming dalawa ni Eduard ang kasama kaya sabi ko sa kanila dito na lang nila ko daanan tutal malapit naman ung office ni Eduard dito."
"ah so may family bonding pala kayo?"
"Family bonding ka diyan." inismiran ko siya.
"eh bakit naman kasi ayaw mo pa'ng sagutin si Eduard? ang tagal nang nanliligaw ung tao sayo at isa pa napakabait, gwapo, mayaman at gustong gusto siya nang anak mo, papa na nga ang tawag sa kanya kulang na lang talaga kayong dalawa."
"Tweenie hindi nman porket mabait, gwapo, mayaman at gusto siya nang anak ko para sa akin ei sasagutin ko na ung tao, syempre it depends on my feelings di ba.?"
"bakit hanggang ngayon wala ka pa rin ba'ng feelings sa kanya?"
"meron, pero bilang kaibigan lang.. hanggang dun lang."
"tatlong taon ka ng nililigawan nung tao pero hanggang ngayon kaibigan pa rin?"
"eh anong magagawa ko, un lang talaga nararamdaman ko sa kanya."
"hay naku, hindi ko alam kung natatakot ka lang magmahal ulit o hindi mo lang nakikita ung katangian ni Frank kay Eduard, kaya wala kang nararamdaman sa kanya."
"bakit napasok na nman sa usapan si Frank? matagal na un tweenie at naka-move on na ko."
"kahit pa gaano katagal na panahon un pero kung ung puso mo nman hindi kayang makalimot, wala rin."
Hindi na ko naka-sagot kay Tweenie dahil bigla ay may naramdaman akong kirot sa puso ko, hindi ko alam kung bakit pero parang nasaktan ako, hindi sa sinabi ni Tweenie kundi nung maalala ko si Frank. Pero bakit?? di ba naka-move on na ko kaya dapat di na ko affected sa kanya."
"Pwede ba wag na ito ang pag-usapan natin." sabi ko sa kanya at mukhang naramdaman niya na hindi ako komportable sa pinag-uusapan namin.
"ah teka bakit wala pa sila?" pag-iiba niya ng usapan.
"malapit na raw sila, baka parating na un."
"eh kamusta nman pala si Carmina dito? nag-eenjoy ba siya?"
"oo enjoy na enjoy nga dito, laging kasama si Eduard tsaka may nakilalang bussines man bago daw niyang kaibigan."
"talaga?!"
"oo, alam mo nman si Carmina di ba mahilig sa wine at marunong gumawa kaya nung nakilala niya ung bussiness man na un, ayon tuwang tuwa kasi meron pala itong wine bussiness at marami siyang natututunan tungkol sa wine."
"ah talaga? buti at may pinagkaka-abalahan siya. teka binata ba? baka may gusto kay carmina?"
"ano ka ba, malabong mangyari un kasi high school friend un ni Eduard."
"ganun ba.. teka san ba nagmana yang anak mo sa pagkahilig sa wine?? eh ikaw wala ka nmang hilig dun."
Natahimik ako, naalala ko kasi si Frank dahil siya lang ang mahilig sa paggawa ng wine at un din ang family bussines nila.
"ano ngang pangalan nung bagong kaibigan ni Carmina?" tanong ni tweenie.
"Frank" sagot ko.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil ngayon ko lang naisip na Frank din pala ang pangalan nung kaibigan ni Carmina at meron din itong wine bussiness. Hindi kaya si Frank at ang Frank na kaibigan ni Carmina ay ........
"Frank?!?" sabi ni Tweenie." wow ah sa dinami-dami ng pangalan sa mundo Frank pa talaga ang pangalan ng kaibigan ni Carmina.? - pero naisip ko lang ah hindi kaya iisa lang ung Frank na kilala ninyong mag-ina?"
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, hindi malabong mangyari un dahil maliit lang ang maynila para hindi mag-krus ang landas nila.
"ano ka ba joke lang un, syempre imposibleng mangyari un no.. ang laki nitong maynila para magkita sila." sabi ni Tweenie.
"hi mom !" si Carmina. dumating na sila.
pagkalapit niya ay nag-kiss siya sa akin. "kanina ka pa?"
"hindi na nman masyado."
"hi tita tweenie." lumapit siya at nag-kiss.
'how are you?" tanong ni tweenie.
"im good."
"si Eduard?" tanong ko nman.
"im here ." sabi ni eduard na nasa likuran ko pala.Lumapit siya at nagkipag-beso sa akin."kanina ka pa?"
"hindi nman masyado.. so ano let's go?"
"tara .." sabi ni eduard
"bye tita tweenie." paalam ni carmina.
"sige Tweenie mauna na kami." sabi ko naman.
"sige ingat kayo.." sagot ni tweenie.
Lumabas na kami ng restaurant at pumunta sa parking lot nang may nakalimutan si Carmina." uhm wait mom."
"bakit?" nagtatakang tanong ko.
"naipatong ko kasi ung phone ko sa table nyo ni tita tweenie kanina, babalikan ko lang."
"oh sige.. bilisan mo ah."
Umalis na siya at naiwan kaming dalawa ni eduard.
"pasensiya ka na eduard kung palagi kang inaabala nitong si carmina."
"okie lang.. basta si Carmina ok lang."
"pero salamat na rin kasi atleast nagkaroon ng Father figure sayo ang anak ko."
"wala un tsaka parang anak na rin nman ang turing ko kay Carmina."
"salamat talaga, utang na loob ko sayo ang mahalin mo ang anak ko na parang totoo mo'ng anak."
"sana nga balang araw maging anak ko na siya." natigilan ako sa sinabi ni Eduard dahil parang may ibig itong sabihin sa akin.
Biglang dumating si Carmina." mom lets go !"
"oh tara na." sabi ni Eduard.
"Rachelle !!!"
Pasakay na ko nang kotse nang marinig ko na parang may tumawag sa akin kaya lumingon lingon ako sa paligid pero wala naman akong nakitang tao kaya naisip ko na baka guni-guni ko lang un kaya sumakay na ko.
* Frank's POV *
Papasok ako nang restaurant ng masalubong ko si Carmina.
"Carmina?"
"tito Frank.."
"anong gingawa mo dito?"
"Wala, kayo anong ginagawa niyo dito?"
"bussines meeting, may kasama ka?"
"yah.. kasama ko si papa tsaka ung mommy ko."
"really nasan sila?"
"un nga ei sayang kasi aalis na kami kaya nasa parking na sila."
"ah ganun ba sayang naman.. gusto ko pa nman makilala ang mommy mo."
"kaya nga po, di bale nxt tym na lang.- sige tito i really have to go."
"sige bye."
umalis na siya. Papasok na ko sa loob nang maalala ko na naiwan ko pala ung files ko sa kotse kaya babalikan ko ito. Pagdating ko sa parking area nakita ko si Eduard at Carmina at ung kasama nilang babae na pamilyar ung mukha sa akin, tinitigan ko siya at bumilis ang tibok nang puso ko dahil si Rachelle ang babaeng iyon.
" Rachelle !!"
Tinawag ko siya at akala ko ay narinig niya ako dahil lumingon siya pero sumakay din siya agad nang kotse. at hindi na ako nag-karoon ng chance lapitan siya dahil naka-alis na ung kotseng sinasakyan niya.
--------------------------------------