Angela's POV
Inhale.
Exhale.
Inhale.
Exhale.
Haaaay, kinakabahan ako.
Ngayon kasi ang DATE namin ni Ced.
Pero para sa akin, friendly date lang to.
*bzzzt
Fr:Steffanie
Hey Angela! goodluck. Enjoy your day with Ced.
Siya lang ang may alam na may date ako.
Parang siya na talaga ang bestfriend ko hindi na si Giselle.
To:Steffanie
Salamuch! ^^
Sending message..
Message sent
Kanina pa ako nakabihis. Simpleng dress lang na color yellow and naka doll shoes.
*ding *dong *dantes
Nandiyan na siya!
Si Ced kasi ang magsusundo sa akin.
Binuksan ko na ang pinto.
Wow! bakit ang gwapo niya ngayon? *O*
"good evening Angela"
"good evening din"
Lumabas na ako at sumakay sa shiny black car niya. Pinaandar na niya ito.
Walang nagsasalita, tahimik lang kami sa loob. Biglang may pinatugtog siya.
"mabuti pa sa lotto, may pag-asang manalo
di tulad sayo imposible
prinsesa ka, ako'y dukha
sa tv lang naman kasi may mangyayari"
Naalala ko nung niligawan ni Paul si Giselle.
Nasaktan ako nun, tinitignan ko lang sila.
Biglang kumanta si Ced.
"at kahit mahal kita
wala akong magagawa
tanggap ko 'to aking sinta
PANGARAP LANG KITA"
Bakit niya nilakasan yung PANGARAP LANG KITA?
Pabayaan mo na nga.
Ced's POV
Ang gwapo ko ngayon! at ang ganda ni Angela.
Grabe, di ko na makaya ang katahimikan sa loob ng sasakyan kaya napag-isipan kong magpatugtog ng 'Pangarap lang kita'
Oo, sinasadya ko para malaman ni Angela na matagal ko na siyang gusto.
Tinry kong kantahin ang chorus.
"at kahit mahal kita
wala akong magagawa
tanggap ko 'to aking sinta
PANGARAP LANG KITA"
Nilakasan ko yung 'pangarap lang kita'
Nakita kong ang mukha niya. Para bang nagtataka. Angela naman!
Nandito na pala kami.
Pinark ko na ang kotse ko at lumabas na kami.
Pumasok na kami sa isang resto.
Nagpareserve ako kanina pa.
Umupo na kaming dalawa.
"uhm.."
Di ako makapagsalita!
Natotorpe na naman ako!
Lakasan mo ang loob mo Ced, kaya mo yan!
"Angela, I'm sorry for what happened last last night"
"okay lang.. lasing ka kasi eh"
Nagsimula na siyang kumain.
"Angela"
Tumingin siya sa akin.
"bakit?"
"I r-really l-like y-you"
"huh?"
Kinakabahan ako at pinagpapawisan!
"I really like you"
Pagkasabi ko nun, nanlaki mata niya.
"uhm Ced"
"bakit?"
Pls Angela! sabihin mo rin na gusto mo ako!
"I'm sorry"
Ano daw?
"I'm sorry pero di ko nararamdaman ang nararamdaman mo sa akin"
Ouch.
Nasaktan ang puso ko dun.
"w-why?"
"kaibigan lang ang turing ko sayo at alam mo yun. Please understand Ced"
"bakit hanggang kaibigan lang? di ba pwedeng maging tayo?"
Hinawakan niya ang kamay ko.
"I'm very sorry. Alam mo, marami pang iba diyan at hindi lang ako. Wag mong pilitin ang sarili mo sa isang tao, di mo alam na maraming nagmamahal sayo, nasa paligid mo lang kaso di mo pinapansin"
"sino naman?"
"wag mo akong tanungin. Alamin mo at sundin mo ang nararamdaman ng puso mo. Gamitin mo ito pati na rin ang isip mo"
"pero ikaw ang tinitibok nito!"
"alam ko Ced pero hindi lang ako yan"
"anong hindi?"
"alam kong may nagugustuhan ka pang iba pero hindi ka sigurado"
Di ko na mapigilan ang paglabas ng luha ko.
Nasasaktan talaga ako.
Tumayo na ako at pinunasan ang mukha ko.
"tandaan mo Angela, gusto kita at hindi magbabago ang nararamdaman ko sayo!"
Pagkasabi ko nun, tumakbo na ako.
Pumasok ako sa aking kotse at dito na lang umiyak.
Nakakahiya kasing umiyak ako sa harapan niya lalo na lalake ako.
Bakit di mo ako kayang mahalin Angela?
Bakit di mo magawang maramdaman ang nararamdaman ko sayo?
Bakit?
Paul's POV
Saan kaya pumunta si Angela?
Sino itetext ko?
Gab?
Ced?
Jam?
Giselle?
Andrea?
Steff?
Ayun! si Steff na lang.
This past few days kasi napapansin ko na close na sila sa isa't-isa.
Nalaman ko rin na nagbati na sila.
To:Steff
Steff! alam mo ba kung nasaan si Angela?
Sending message..
Sending failed
Anak ng?! ang dami ko pang load!
Sending message..
Sending failed
WTF?!
Wala palang signal dito eh!
(a/n:Tutok mo sa kili-kili mo, magkakasignal yan)
Itinutok ko sa kili-kili ko.
Sending message..
Sana gumana!
Message sent
Galing mo author! I love you!
(a/n:Sinabi mo pa!)
*bzzzt
Fr:Steff
Di mo ba alam na may date sila ni Ced ngayon?
DATE?!
Bakit di man lang nila sinabi?
Ang daya!
Magtatampo ako kay Angela!
Ano kaya ang nangyayari sa kanila ngayon?
--------------------oOo--------------------
Dun sa kili-kili thingy, di ko pa yan ginawa! yung mga ibang kaklase ko kasi ginagawa yan. Gumagana naman so ibig sabihin may *ehem* sila? xD
Pakibasa nga po pala yung new story ko! 'Life as a EXO's assistant' salamuch ^^
VOMMENT po *U*
-Miss G