Oy! Bakla ka raw? The Sequel...

By lycheelaoie

32K 1.1K 280

Anong kinahinatnan ng isang araw na aminan at ligawan ni Cian at Nikki? Masaya kaya o mababading na ng tuluya... More

Oy! Bakla ka raw? The Sequel! [One Shot]

32K 1.1K 280
By lycheelaoie

February 13, 2013 yan yung araw na umamin ako kay Nikki at yan din ang araw na naging kami. Mabilis? Wala akong pake, sabi nga ng iba ang pag-ibig ang pinapatagal at hindi ang ligawan. 

April 30 na ngayon so ang ibig sabihin ay mahigit dalawang buwan na kami. Aminado ako na si Nikki na ang pinakamahaba kong karelasyon at mas aminado ako na simula naging kami ni Nikki eh naging clingy nga ako ika ng mga tao.

Clingy? Kadiri. Pambading. Mas maganda yung tawag na responsable. Siyempre girlfriend ko eh kaya nagiging responsable ako.

"Pre, masyado kang clingy kay Nikki. Tigilan mo yan, magsasawa sa'yo agad si Nikki."

"Ulol mo Bogart, hindi ako clingy. Responsable lang."

"Anong responsable dyan? Clingy ka gago! Text ka ng text eh nasa canteen lang si Nikki? Clingy yun gago!"

"Siyempre gusto ko lang malaman kung anong ginagawa niya, na baka may nararamdaman siyang di maganda. Chinecheck ko lang siya."

"Sige, diyan ka masaya eh! Pero ito 'tol ah? Aminin mo simula naging kayo eh masyado ka ng naging maalaga."

"Ha? Dati pa ako maalaga ah?"

"Luks! Anong dati pa? Kaya pala yung huli mong gf bago si Nikki eh 1 or 2 weeks mo lang naging girlfriend? Maalaga ba yun?"

"Eh bakit? May problema ba dun?"

"Wala naman, nakakatakot lang na baka kapag naghiwalay kayo ni Nikki eh magpakamatay ka."

"Ako magpapakamatay? Kalokohan. Tsaka bakit naman kami maghihiwalay? Mahal na mahal kaya ako ni Nikki."

"Nagsalita."

"Ano?"

"Wala sabi ko pakopya ng seat work."

Napaisip ako sa sinabi ni Bogart, bakit naman makikipaghiwalay si Nikki? Pero paano nga kaya kung makipaghiwalay si Nikki? Iniisip ko pa lang na malulungkot siya na wala ako, nalulungkot na ako. Mahal na mahal niya kaya ako.

1 message received.

From: Princess Nikki

Hey, let's talk after class.

Hala tangina. Teka, ba't walang 'I love you' pati 'Prince'?

To: Princess Nikki

Opo, sige po. Love you!

 

 

***

After class lumabas agad ako ng classroom para hanapin si Nikki. Parehas naman kaming course pero nagkahiwalay kami sa last subject. Asar. Hindi tuloy kami magkasama whole day, baka nalulungkot siya.

"Cian, dito." Sabay turo dun sa liblib na lugar. Mabilis ata masyado itong si Nikki? Gusto ko yan!

Pagkalapit namin dun sa lugar tinanong ko agad siya. "Anong pag-uusapan natin? Anniversary natin? Medyo matagal pa yun ah pero ok lang sa akin. Alam mo ba--"

"Cian, let's break-up." Ano raw? Close-up? "Ano? Bakit ka naghahanap ng close-up? Ayokong maging commercial model."

"Cian, hindi close-up! Break-up! Break as in hiwalay."

"Ha?"

"Kasi Cian it's very surreal na tayo agad na parang napaka-smooth flowing. It's too good to be true."

"Ha?"

"Gusto ko munang i-assess itong nararamdaman ko baka kasi nagpapadalos dalos lang tayo eh. Saka parang may kulang sa relasyon natin"

"Yan ba talaga gusto mo?"

"Yes and I hope you understand."

Nauna na akong umalis kay Nikki kasi ayaw pumasok sa utak ko ng mga sinasabi niya. Parang may mali. Bakit parang nagtutubig yung mata ko saka parang dinadaganan yung puso ko? Ang hirap huminga.

Ano pa nga bang kulang sa relasyon namin? Binigay ko na sa kanya lahat, oras at atensyon ko. Ano pa ba? Hirap talaga intindihin ng mga babae!

Pagkauwi ko tinext ko agad si Bogart para mag-inuman, may mali eh. Parang may butas yung katawan ko.

"Oh pre bakit? Parang naghiwalay kayo ni Nikki sa pagmumukha mo ah?"

"Tangina mo ah? Pano mo nalaman?!" Nahulog sa pagkakaupo bigla si Bogart.

"Ano?! Naghiwalay kayo? Bakit mo hiniwalayan?"

"Sana nga ako nakipaghiwalay para hindi ganito mukha ko di ba?"

"Hahahaha! So si Nikki nga? Iba talaga yang si Nikki, tiklop ang dakilang si Cian!"

"Sige tawa pa. Tignan ko lang kung makatawa ka pa sa kabaong."

"Ito naman, fascinated lang ako. Eh ano raw bang dahilan ng pakikipaghiwalay ni Niks?"

"Too good to be true raw yung relasyon namin. Masyado raw mabilisan."

"Anong gusto niya mangyari?"

"Gusto niya raw muna i-assess yung nararamdaman niya."

"Edi hayaan mo. Hintayin mo siya, kung mahal ka talaga niya babalik siya."

"Hanggang kailan?"

"Puta 'tol! Ewan ko. Ako ba si Nikki? Pero pwede sigurong araw, buwan, taon."

"Taon?!"

"Siya nga nakapaghintay simula Grade 3 di ba?"

"Bahala na amp." Tinuloy na lang namin ni Bogart yung inuman namin hanggang sa malasing na ako at makalimutan yang mga kalokohan ni Nikki. Hindi kaya panaginip lang 'to?

***

"Toooooool! Apir! Saludo ako sa iyo, isang linggo na at pang-semana santa pa rin mukha mo. Ano wala pa ring balita?"

"Wala pa pero ang iniisip ko lang eh baka malungkot siya masyado kapag naghiwalay kami ng sobrang tagal."

"Siya talaga dre?"

"Oo. Bakit may iba pa ba?"

"Sa tingin ko, ikaw yung mas patay na patay sa inyong dalawa."

"Lul?"

"Bakit kasi ayaw mo pang aminin na mahal na mahal mo siya? Hindi naman yan nakakabawas ng pagkalalaki eh."

"Bogart, doon nga tayo sa rooftop."

"Joke lang yun 'tol! Oo na si Nikki na yung patay na patay sa inyo."

"Hindi, seryoso ako dun tayo sa rooftop. May sasabihin akong importante."

***

"Ano ba kasing gagawin natin dito sa rooftop? Papakamatay ka talaga?"

"Hindi, pota naiiyak lang kasi ako."

"Dahil?"

"Pare! Pinalitan niya yung relationship status namin sa FB! Pare, di na ako mahal ni Nikki! Anong gagawin ko?"

"HAHAHAHAHAHA! PUTA! SAKIT NG TIYAN KO KAKATAWA! 'Langyang FB talaga yan, minsan nakakasira ng ulo yan eh. Teka, teka... eh di ba dapat masaya ka kasi hindi ka na malulungkot kung malulungkot man siya sa paghihiwalay nyo?"

"Siyempre malulungkot ako kasi mahal ko siya!"

"Mahal mo pala eh, bakit di mo gawan ng paraan?"

"Sabi mo maghintay ako? Ang gulo mo!" 

"Sabi ko maghintay ka pero di ko sinabing tumunganga ka. Siyempre dapat habang naghihintay may ginagawa kang aksyon!"

"Anong aksyon?"

"Manligaw ka ulit!"

"Hindi ako marunong manligaw."

"Yan problema sa inyong mga gwapo eh, lahat nakukuha nyo sa isang kindat lang."

"Pero naghalikan na nga kami tapos manliligaw pa ako?"

"Puta, pare! Spur of the moment lang yun! Hinalikan mo siya edi siyempre gumanti siya. Ang tunay na kaligayahan pinaghihirapan, hindi basta basta lang."

"Tss! Basta patulong ah? Tangina alam mo akala ko talaga wala kang kwenta!"

"Pare, I'll take that as a thank you ah?"

Pagkasabi ni Bogart nun bumaba agad ako. Kailangan kong makausap si Nikki, kailangan kong masabi na handa akong maghintay pero dapat payagan niya akong manligaw. Nikki ko, babalik ka rin sakin!

"Cian!" Nilingon ko. Si Cheska pala 'to, yung kalansay kong ex. Mukha pa rin siyang kalansay, walang pinagbago.

"Oh Cheska bakit?" Nagmamadali na ako, ba yan! Kung kailan naman nagmamadali saka may mga ganitong kakupalan!

"Bili kang tickets sa akin." Sabay pakita ng mga ticket na hawak niya. "Oh, para saan yan?"

"Pageant, kasali ako eh. Bilis bili ka!" Inabot ko na yung ticket. Sasali talaga 'to? Ano bang pageant yun? Pang mga anorexic? "Bilis Cheska! May pupuntahan ako." Inabot niya yung bayad ko.

Pagkalingon ko nakita ko si Nikki na nakatingin sa amin ni Cheska. Masamang masama ang tingin niya. Ito ba yung mga napapanood ko na napagkakamalan ng mga babae na may kalandian yung partner nilang lalaki dahil nakita niyang may kasamang ibang babae yung partner nilang lalaki?

Pustahan kapag lumapit ako biglang tatakbo itong si Nikki. Amp. Typical masyado. 

Ayan, unti unti akong lumalapit at masama pa rin ang tingin ni Nikki. Pagkasabi ko ng Nikki eh sasampalin ako nito sabay takbo. Napanood ko na 'to eh.

"Nikki" *pak!* Yun oh? Tama ako. "Nikki, let me explain. It's not what you think." Akmang tatalikod na siya ng nahawakan ko ang braso niya. "Princess naman, magpapaliwanag ako. Wag mo akong talikuran."

"Wag mo akong ma-princess princess Cian at hindi kita tatalikuran or tatakbuhan. Uupo ako sa bleachers. Alangan dito tayo mag-usap sa daan? Edi nasagasaan tayo. Tara dun baka basagin ko pa mukha mo dito eh!"

Tangina nakalimutan ko nga palang iba si Nikki sa mga babae so napaka-unpredictable niya.

"Ano yung nakita ko kanina? Isang linggo pa lang tayong break tapos may iba ka ng kinikita? Doon ka pa babalik sa babaeng mukhang kakabangon lang sa hukay?"

"Bakit ako magpapaliwanag? Di ba ikaw nakipag-break sa akin? Uyyy, nagseselos ka no?"

"AAAAAAAAAAAAAHHHH! Nakakainis ka! Bakit ka ganyan?"

"Ano gwapo?"

"Bukod dun! AHHHH! Hindi! Mali, mali! Inis, wag mo nga iniiba usapan. Alam mo, nakakainis ka kasi tanga ka."

"Kasi mahal kita?"

"Lech nakakakilig naman pero hindi yun! Tanga ka kasi binigyan na nga kita ng hint bakit gusto ko na mag-break muna tayo."

"Saan yung hint dun?"

"Na may kulang sa relasyon natin."

"Ano ba kulang? Sex? Mahal kita kaya nirerespeto kita. Pagkakasal na lang natin gawin yan, 24/7 pa."

"Oh my gosh! Ang baboy mo! Anong kala mo sa akin kire? Hindi yun. Yung pinakauna."

"Ayan problema sa iyo Nikki eh, lahat dinadaan mo sa hint hint na yan. Pati yung pang-aasar mo sa akin dati na bakla ako. Nikki, hindi ako manghuhula. Kung may gusto ka, sabihin mo. Hindi sa lahat ng oras eh makukuha ko yang mga hint mo. Wala tayo sa Pinoy Henyo."

"Ehhh... kasi naman eh... malay ko ba?"

"Pero ngayon wala na akong pake sa mga hint hint na yan, ako di na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nikki, sa ayaw mo't sa hindi liligawan kita. Liligawan kita para bumalik ka sa akin. Handa akong maghintay basta bumalik ka sa akin."

"Oh? Akala ko ba hindi mo nakukuha yung gusto kong mangyari?"

"Ay, yun ba yung gusto mo? Hindi mo agad sinabi. Si Bogart lang nagsabi sa akin. Lagi na lang si Bogart yung nagsasabi sa akin ng mga bagay bagay."

"Tanga ka kasi leche ka."

"Tanga nga, mahal mo naman. Sige, liligawan kita ah? Kailan mo ako sasagutin?"

"Wow! Iba ka. Manligaw ka muna para malaman mo!"


***

Tatlong buwan na simula ng ligawan ko si Nikki. Amp! Dapat five months na kami eh pero sige mahal ko eh, hayaan ko na para naman mag-ON na kami ulit eh. Yun pala dahilan niya, ayaw niya isipin na easy to get siya. Taragis kasing mga fans ko na haters niya eh, kung ano ano pinagsasabi. 

Ngayon papunta ako sa last subject niya na hindi ko siya kaklase. Kinutsaba ko yung prof nila para magawa ko itong kalokohan ko. Shit! Sana gumana! Nahihiya ako iniisip ko pa lang.

Habang papalapit na ako eh naririnig ko na yung professor nila.

"Class, close your eyes. Ngayon, mag-relax muna tayo. Mag-imagine kayo ng mga bagay na masaya. Hoy Olivares! Ipikit mo yang mata mo!" 

"Kapag may sumilip, bagsak sa seatwork ngayon ah?" Sumilip ako tapos nagbigay na siya ng go-signal niya na pumasok na ako.

Pumasok na ako kasama yung gitara ko. Nagpaturo pa ako sa ate ko, tae drum kasi yung kaya ko eh. Mas romantic daw kapag gitara. Daming alam!

Umupo na ako at nagsimula nang kumanta...

I'll be your dream
I'll be your wish I'll be your fantasy
I'll be your hope I'll be your love
Be everything that you need
I'll love you more with every breath
Truly, madly, deeply do
I will be strong I will be faithful
'cause I'm counting on
A new beginning
A reason for living
A deeper meaning, yeah

Habang nalalapit ako sa katapusan ng kanta eh lumalapit ako sa upuan ni Nikki. Kinakabahan ako pero nawawala yung kaba ko kapag nakatitig ako sa kanya. Ang ganda niya kahit nakapikit. Gusto ko tuwing gigising ako sa umaga, yung mukha niya ang bubungad sa akin.

Oh can you see it baby?
You don't have to close your eyes
'Cause it's standing right
before you
All that you need will surely come

Sakto nasa tapat niya na ako ng makanta ko 'tong part ng kanta na ito. Dahan-dahan niyang binukas yung mga magaganda niyang mata. Taena, kung may laglag panty, may laglag brief! Nakaka-bacon ng brief itong si Nikki. Mahal na mahal ko talaga 'to!

Mangiyak-ngiyak siya. Ramdam ko na tagumpay itong plano namin ni Bogart!

"Nikki, will you be my princess again?" Naiyak na talaga siya. Naiiyak na rin yung mga nakapaligid sa amin pati si Bogart papunas punas pa ng luha eh uhog naman yung tumutulo sa kanya. Ano ba 'to? Parang mga tanga lang.

"Yes, I'll be your princess again prince ko."

Hindi ko na napigilan, hinalikan ko na! Sorry na lang sa professor nila. Ito yung spur of the moment eh pero mas masaya kasi gumaganti rin ng halik si Nikki! 

Sa wakas nagkabalikan na kami. Narealize ko na sa isang relasyon mahalaga pala talaga na kahit hindi kayo nagkakasundo sa isang bagay, kailangan malawak ang pang-unawa niyo sa isa't isa upang maintindihan niyo ang mga pagkakaiba niyo. Si Nikki ang nagturo sa akin na mahalaga na matibay ang pundasyon ng isang relasyon para tumibay at magtagal.

THE END NA TALAGA. 

***

Sana ok lang yan. :)) Bwahahahahaha! Ika nga ni Bogart, spur of the moment lang itong sequel nila. Lerler. :)) 

Continue Reading

You'll Also Like

866K 57.4K 45
Vien, the boy who broke Mara's heart in the cruelest way, returns as a man, now a fugitive hiding in her condo, relying on her mercy to survive. Mayb...
164K 884 43
Sobrang saya ni Havana nang maka-graduate siya ng senior high school na may honors. Malapit na siyang mag-19 years old at ilang buwan na lang at mang...
10.9M 402K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...
Wattpad App - Unlock exclusive features