HATBABE?! Season1

hunnydew

885K 20.3K 4.2K

*NO SOFT COPIES © hunnydew 2013 All Rights Reserved No part of this story (except for brief quotations) may... Еще

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
END...
Published by Life Is Beautiful (LIB)

Twenty-One

15.2K 389 50
hunnydew

Hindi na ulit nakitulog si Louie sa amin simula nung salakayin siya ng flying ipis, hehehe. Kapag naaalala ko, natatawa pa rin talaga ako.

Tapos sa dinami-dami ng pwede niyang yakapin, si Mason pa talaga. Eh halos makapatay ‘yun kung may sumubok kumurot sa pisngi niya. Buti talaga hindi niya sinungitan si Louie non. Kung sabagay, binilinan nga naman silang lahat na pakisamahang mabuti si Louie kaya siguro natiis niya. Nako, tingin ko naghilod pa si Mason nung naligo ‘yon kinabukasan, hahahaha.

At dahil sa pangyayaring ‘yon, nalaman tuloy namin ni Chan-Chan ang weakness ni Louie. Akalain mo, ‘yung bully na ‘yon, takot sa ipis! Hahahahah.

Gusto ko talaga siyang asarin lalo na sa Biology, kasi ‘yung topic namin tungkol sa Arthropods. Kailangan naming magdala ng insekto na may tatlo hanggang apat na pares ng paa. Kinuntsaba ko pa nga si Mason na manghuli ng flying ipis para idala ko sa school kinabukasan para makita ulit namin ni Chan-Chan kung pa’no magtititili si Louie.

Pero as usual, sinungitan na naman ako ni Mason. Alam ko na nga raw na takot ‘yung bespren ko sa ipis, tatakutin ko pa raw lalo. Pa’no na lang daw kung atakihin sa puso ‘yung kaibigan namin? Kargo de konsiyensiya ko pa raw. Tss. Edi hindi na lang.

Pumunta na lang ako sa sementeryo at nagpatulong dun sa tagabantay na manghuli ng salaginto, hehehe.

Lunch time nun at katatapos lang nung Biology class nila Chan-Chan. After lunch, yung klase ko naman ang nasa Bio Lab. Nagkasundo kaming magpakitaan ng dalang insekto.

“Oyyy!!!” sigaw ko habang patakbo sa table kung saan naghihintay na ‘yung dalawa. “Tignan niyo, tignan niyo! May dala akong salaginto, hehehe. Ang ganda ‘no?” pagmamalaki ko at inilapag sa mesa ‘yung garapon na puno ng dahon. Isinandal ko pa talaga ‘yung baba ko sa mesa para panoorin ‘yung makinang na color green na salagubang.

“Mas maganda ‘yung sa’kin,” sabi naman ni Chan-Chan at maingat na binuksan ‘yung bag niya. “Butterfly!” pagmamayabang niya. Tapos nilapag ‘yung garapon na tulad nung sa’kin, may mga dahon din at oo nga, nandun ‘yung kulay black and pink na paru-paro.

Natawa ako nang malakas. “Butterfly?! WAHAHAHA. Bading na bading ka talaga Chan-Chan! Hahahaha.”

Habang si Louie naman, napasinghal. “Ang lame mo pa rin, Chan-Chan. A butterfly? Seriously, dapat babae ang nagdadala ng ganyan. Ay oo nga pala, it perfectly suits you,” dagdag pa niya na may halong ngiting-aso.

“Ibibigay ko ‘to kay Destiny mamayang uwian,” paliwanag naman ni Chan sabay behlat samin. Sinusuyo niya kasi ulit si Krystal nun dahil nga galit pa rin sa kanya. Gusto raw kasi niyang ipakita kay ‘Destiny’ niya na hindi lahat ng lalaki, nananakit ng babae. Gusto ko sana siyang tuksuin na tama ‘yung sinabi ni Chan dahil babae rin siyang na-trap lang sa katawan ng lalaki, bahahaha.

“Tss. Sige na, sige na. Puro ka destiny.” Tumingin naman ako kay Louie. “O, nasan na ‘yung pet mo? Patingen! Andaya mo naman! Dali na! Ano na ‘yung dala mo?”

Malapad ang ngiti ni Louie habang kinalkal ‘yung bag niya. “I brought an Argiope also known as St. Andrew's cross spider.” At inilapag niya ‘yung garapon na may dahon-dahon din. Pero mas kapansin-pansin ‘yung malaking gagambang may stripes na black at yellow sa likod.

 

Nangisay  ng konti si Chan-Chan at lumayo sa’min bago inabala ang sarili na litratuhan ‘yung paru-paro niya.

“Waaawww!” manghang-mangha kong sambit at hinawakan ‘yung garapon. Tinitigan ko talaga ‘yung gagamba na hindi gumagalaw. Dun lang kasi ako nakakita ng ganung klaseng gagamba.  Kinatok-katok ko pa ‘yung garapon pero wala talaga siyang ginagawa.

Hindi naman kasi ako takot dun. Sa katunayan nga, nakikipagsabong pa ako ng gagamba dati. Talagang nanghuhuli kami ni Mason ng mga gagamba sa kung saan-saan, tapos ilalagay namin sa kahon ng posporo, ‘yung may mga parti-partitions pa para mas maraming gagamba ang malagay namin.

“Alam mo ba ang tawag diyan sa Tagalog?” pagtuturo pa ni Louie at umiling ako habang titig na titig pa rin dun sa gagamba. “Gagambang Ekis. Kasi kapag nasa sapot siya, naka-form na parang X ‘yung mga galamay niya. Kung minsan, makakakita ka rin ng korteng X sa sapot niya.”

Tumango-tango ako. “Ilabas mo nga, gusto kong makita kung pa’no siya gumalaw, hehe,” excited na mungkahi ko sa kanya at kinuha naman ni Louie sa’kin ‘yung garapon. Sa sobrang excited ko, tinabihan ko pa talaga si Louie para mas makita ko nang malapitan.

At iyon nga, pinakawalan niya ‘yung gagamba at nilaro-laro sa mga daliri niya.

Sobrang na-amaze ako at pinagmasdan ko lang yung mabilis na paggalaw nung insekto sa mga kamay niya.

Hanggang sa…

TUMALON ‘YUNG GAGAMBA SA UNIFORM KO.

Sa sobrang gulat ko, napatayo ako. “L-LOUIE!!! LOUIEEEEEEE!!! TANGGALIN MO SIYA!!! TANGGALIN MO!!! MA-MAMAAA!!! PAPAAA!!! KUYAAAA!!! WAAAHHH!!!” palahaw ko habang nagtatatalon dahil gumagapang na yung gagamba papunta sa leeg ko.

Hindi ko na alam kung anong nangyari pagkatapos non kasi iyak ako nang iyak.

Nilagnat din ako kinabukasan.

At simula nun, nagka-phobia na ako sa kahit anong uri ng malalaking gagamba.

Продолжить чтение

Вам также понравится

One Shot Stories (Compilation) call me sennsei 💅🏻

Подростковая литература

8.7K 281 16
Mostly gores and realisms.
Tulog Na Lena

Ужасы

6.8K 301 7
"Hindi ka ba makatulog? Gusto mong patulugin kita? Habangbuhay..." ________________________________ All Rights Reseved Lena0209 July2015
Bawat Piyesa Hope

Подростковая литература

469 120 29
Asiel Hirata, a psychology student, faces the challenge of looking after hidden mother, who battles mental illness. Despite his expertise, he struggl...
Always Have Been, Always Will Be letterL

Подростковая литература

28.4K 1.4K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...