I Wish I Never Met You (EDITI...

Par BonitaBabyy

1.4M 15.4K 1.2K

Minsan kailangan nating palayain ang nag iisang bagay na nagpapasaya sa atin para mawala ang nag iisang dahil... Plus

I Wish I Never Met You
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24.1
CHAPTER 24.2
CHAPTER 24.3
CHAPTER 25
CHAPTER 25.2
CHAPTER 25.3
CHAPTER 26
CHAPTER 27 - SHOWTIME
CHAPTER 28
THE CHARACTERS
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31 - TWIST
CHAPTER 32 BREAKDOWN
CHAPTER 33 LOVE VS. ANGER
CHAPTER 34 REWIND
CHAPTER 35 SWEET REVENGE
Her Evil Side (IWINMY2)
Cherish (IWINMY2)
PMS? (IWINMY2)
A Date with Tiffany (IWINMY2)
Mystery (IWINMY2)
Unexpected Gift (IWINMY)
Dopple Ganger (IWINMY2)
It's too late (IWINMY2)
That Should Be Me (IWINMY2)
Face Off (IWINMY2)
Home Sweet Home (IWINMY2)
The End (IWINMY2)
EPILOGUE

Chapter 37

20.8K 209 16
Par BonitaBabyy

CHAPTER 37 RESERVE

 

TIFFANY'S POV

 

Nagpunta kami sa Gerry's Grill para kumain ng lunch at sobra kung maka-interview si Maggie if I know matapobre talaga siya, yung ngiti ko nga paralyze na. I can't stand her. Damn! Gustong gusto ko na siyang sakalin pero sabi nga ni Rubi dapat kinakaibigan ang kaaway para madaling saksakin.

Isang tanong, isang sagot lang kami mag-usap. I hate her! Yung ngiti ko pilit na pilit lang talaga kasi gigil na ako sa kanya. After a few hours nang pakikipag plastikan at last makakauwi na din ako, hindi na ako sumama sa bahay nila at baka makasunog lang ako ng wala sa oras alam ninyo naman nararamdaman ko, kahit anong oras pwede akong sumabog.

At dahil sa ayoko pa talagang umuwi nagpunta na lang muna ko sa basketball court para tumambay. Naupo ako sa bench at nanuod ng mga naglalaro ng basketball tapos may kumalabit sa akin. Paglingon ko si Andie pala, ngumiti siya at umupo din sa bench pero 3 inches apart kami.

Nginitian ko din siya at parehas kaming tahimik na nanuod ng mga naglalaro. After a long minute of silence siya ang unang nagsalita.


"Masaya ka ba ngayon?" ngiting tanong niya habang hindi nanonood pa rin sa basketball court.

"Ha?" nagtataka kong tanong. Hindi ko naman akalain na tatanungin niya ako ng ganoon.

"Ang tanong ko ay masaya ka ba ngayon?" pauulit niya.

"Bakit mo naman natanong?" ngayon lang ulit kami nakapag-usap at iyon agad ang ibubungad niya.

"Wala naman. Gusto ko lang makasiguro kung masaya ka kay Caleb." kibit-balikat niyang saad at tumawa.

"Paano kung sabihin kong hindi, anong gagawin mo?" seryoso siyang tumitig sa akin na para bang tinitimbang kung seryoso rin ako sa sinasabi ko.

"Aagawin kita sa kanya. Look Tiffany, sobra ko talagang pinagsisihan noong nag-break tayo. I'm so sorry."

"Wala na sa akin yun Andie." I smiled sweetly.

"I really miss you so much Tiffany. Sana hindi na lang kita nasaktan." napangiti ako at hinawakan ang kamay ni Andie. Kitang-kita naman kasi sa kanya na nagsisisi na siya sa nangyari noon sa amin.

"Kalimutan na natin yun." imbes na ngumiti ay ginulo lang niya ang kanyang buhok kaya naman natawa ako. Anong problema niya?

"Nakakaasar. I realized na mahal na mahal pa din pala kita. Sayang may iba ka na." natawa na ako ng tuluyan at pabiro siyang hinampas sa may braso.

"It's too late." napailing ako at tumawa.

"How do you say so?" nagulat naman yata siya sa tanong ko kaya naman agad siyang nag-seryoso.

"What do you mean Tiffs?" tanong niya.

"Andie any minute pwede kaming mag-break ni Caleb."

"I can't understand you. May problema ba kayong dalawa? As I can see okay naman kayo."

"I really don't know."

"So meaning?"

"Hintayin mo ako na maging single ulit."

"Trip ba to? Papatulan ko talaga Tiffs."

"Hindi. I'm giving you a second chance." Bigla akong niyakap ni Andie.

"Thank you Tiffs. Maghihintay ako kahit gaano katagal. This time ako naman ang magpapakatanga para sa ating dalawa."

"Okay lang ba sayo Andie?" Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin.

"Pero anong problema ninyo ni Caleb? Niloko ka ba niya? Sinaktan?"

"No. Trust me before June wala na kami." pangako ko sa kanya at pinisil ko ang kamay niya. I need a fall back. Para kung sakaling masaktan man ako sa sarili kong desisyon ay may sasagip sa akin.

"Hindi ko talaga maintindihan."

"Just trust me Andie." Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa noo. Wala akong maramdaman na kahit na ano sa kanya ni walang kilig o ano pa man, siguro nga hindi ko na talaga siya mahal. Baka naman matutunan ko pa ulit, after all ay siya ang first love ko.

"I'm so happy Tiffs. Thank you." Pwede na siguro akong bigyan ng award na 'The Most Liar Person'. Sh*t tama naman ba 'tong ginagawa ko? Nandamay pa ako ng ibang tao. Ang dami kong masasaktan na tao. Ang sarap lang iumpog ng ulo ko. Nababaliw na nga yata ako. Hindi ko na alam yung mga ginagawa ko. Feeling ko hindi ako si Tiffany.


TROY'S POV   

Officially nag d-date na kami ni Dessa kaya naman hindi na talaga ako tumitingin pa sa ibang babae. Si Dessa na lang talaga ang  apple of the eye ko.

Ang daming nagbago pagkatapos ng Batangas vacation namin. Si Alex pagkatapos mabusted ni Gail ayun at balik sa pagiging babaero kung sino-sino na naman yung babae, akala pa naman namin tumino na. Si Nica at Albert laging nag-aaway, akala mo mag asawa na eh ayaw naman sabihin kung ano yung dahilan tapos si Clavs naman ayun It's complicated daw ang buhay niya, siyempre naman ang favorite loveteam ng barkada si Pareng Caleb at Tiffany bago umalis ng Batangas langya di mo mapaghiwalay eh malapit na nga silang maging magkamukha.

Masama ang kutob ko sa dalawang yun pag magkasama. 

Parang kapatid ko na kasi si bossing kaya wag na silang magtaka kung over protective ako sa kanya. Lahat naman ata gustong  protektahan si Tiffany, siya kasi yung matapang pero iyakin. 

Pagkatapos naming mag mall ni Dessa ay tumambay muna kami sa park.

"Dessa gusto mo ng inumin? Bibili ako."

"Sige"

"Hintayin mo lang ako dito."


Sabi sa inyo eh madaming nagbago kita naman,  hindi man lang ako sinungitan pero under pa din ako sa kanya kahit sabihin pa nating di na siya suplada. Ang mga babae pa naman walang sabi-sabing magiging halimaw. 

Naglakad na ako para humanap ng maiinom ayokong mauhaw si Dessa ko.

Nagpunta pa ako sa basketball court dahil nandoon yung vendor, pabalik na sana ako kaso may maliit na pamilyar na babae akong nakita sa may bench at siyempre basta maliit si Tiffany na yun. Bakit mag-isa lang yata siya?

Lalapitan ko na sana siya kaso biglang may umupo sa tabi niya, anak ng teteng at si Andrew pa pala. Langya bossing lagot ka niyan kay Pareng Caleb at tignan mo 'tong malanding kabote na 'to tumatawa pa. Tss. Naupo din ako sa bench pero malayo sa kanila. Mukhang may ginagawang kalokohan si Tiffany.

Niyakap sya ni Andrew at hinalikan pa! Ganoon? Gaguhan pa ang alam niya.

Kaibigan ko ang ginagago niya. Mas close kami ni Tiffany pero naman gumagawa siya ng kalokohan. Takot pa naman ako dati kasi baka saktan lang siya ni Caleb kasi noong una ay may pagka-playboy yun pero ano? Kabaligtaran pala. Bumalik na ako sa park at hindi ako makakibo. Walangya talaga bakit ako pa ang nakakita.


"Bakit ang tagal mo Troy?" nagtatakang tanong ni Dessa.

"Ah.....eh.....W-wala."

"Bakit parang nakakita ka ng multo? Namumutla ka."

"H-hindi ah. Ahmmm...Dessa hatid na kita."


Hinatid ko na si Dessa sa bahay nila tapos dumiretso ako sa bar,  kailangan kong iinom 'to. Tinext ko na din sina Alex at Albert at dahil mga problemado din sila sugod naman agad ang mga bugok.

Problemado? Bakit ko nga ba pinoproblema si Tiffany at Caleb aba'y bahala sila sa buhay nila pero naman kasi parehas ko silang kaibigan at akalain mong si Caleb pa yung dehado. Disappointed  talaga ako ngayon kay Tiffany.

Yung barkada na yung parang pamilya ko kaya parang ayoko namang masira.

Ayokong may mawala at umalis. P*tangina!

Takot akong iwanan eh.


 TIFFANY'S POV

 Pag-uwi ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko tapos nagtutumbling ako sa kama, kung hindi ko lang mahal yung maganda kong ulo malamang inumpog ko na ng walang lubay sa pader.

Kailangan ko ng makakausap pag wala, naku po baka matuluyan na akong mabaliw sayang naman ang kagandahan ko kung mababaliw lang. Tinawagan ko si Clavs ang nagmamaganda este maganda kong bestfriend.


(Tiffany nagmulto ka yata?)

"Clavs!"

(Makasigaw naman! Bakit ba?)

"Mababaliw na ata ako bebz."

(Aba'y huwag! Sayang naman yang ganda mo kung sa mental hospital mo lang irarampa.)

"Clavs naman eh!" Ano ba may mapapala ba kong sagot dito? Grabe laking tulong nya.

(Gusto mo pumunta ako dyan para live yung talk show natin?)

"Oh sige. Dalian mo ah."

(Nagmamadali? May lakad ka 'te? Ito na di na nga ako maliligo.)

"Dugyot ka talaga!"

(Wag kang maarte diyan! Ikaw nga thrice a week lang dati kung maligo)

"Hoy ang kapal mo hindi ah!"

(Weh nagka boyfriend lang everyday ng naliligo.)

"Dalian mo na nga!" Grabe babaeng 'yon. Everyday talaga akong maligo. Nagpagulong-gulong ako sa kama at..........aray nahulog ako sa kama! Bigla akong napabangon sa sahig nang marinig na tumunog ang cellphone ko.


From: Andie

Good evening my angel.

I love you.


Feeling ko ang two timer ko pero ang mahal ko talaga ay si Caleb. Si Andrew ay reserba ko lang.

Dumating na si Clavs after jurassic years at hindi naman siya handa kasi nagdala pa siya ng snacks baka daw kasi gutumin kami.


"Oh ano na yang problema mo?"

"Mahaba eh."

"Okay lang yan kahit dito pa ako  matulog." dakilang tsismosa talaga pero bilib ako diyan wala talagang makakaalam ng secret mo once na ikwento mo sa kanya yun nga lang baka naka record.

"Unang una gusto ko lang aminin na....."

"Na ano? Na maganda ako?"

"Tse!" Ano ba naman 'tong kausap ko maya't-maya naman ang nguya akala mo nanunuod lang ng teleserye.

"Wag mo kasi kong binibitin."

"Bebz yung isla ahmmmm yung isla kasi....."

"Ah yung isla!!!"

"OO! OO! Yung isla!"

"Sa July 6 pa kaya yung showing ng Temptation Island." Ha? Anong Temptation Island naman kaya yun?

"Gaga! Isinuko ko na!" ilang beses pang kumurap-kurap si Clavs bago yata naproseso kung ano ang itinutukoy ko.

"G-girl? Isinuko mo ang mahiwagang p-perlas?"

"Na gets mo din! Bebz!" sabay kuha ko sa kamay niya upang makipag appear

"Precious Tiffany Javier!!!" sabi na't magagalit siya syempre bestfriend ko yan. Iyon nga lang ay tumili siya kaya naman napaamang ako.

"Ano masarap ba? Masakit daw yun sa umpisa eh totoo ba? Dali ano masarap?"  Nalaglag  na yata ako sa kama. Akala ko naman galit ang bruha kasi isinuko ko agad yung passport to heaven aba't tinanong pa kung masarap.

 "Ano na?" Hala na-excite siya masyado.

"Saan ang kaganapan? Sa madilim, malamig at tahimik na lugar ba?"

"Hoy kailangan pa ba talaga i-describe? Sa Batangas." nakayuko kong saad at halos pabulong ko na lang na nasabi. Nakkaahiya kaya!

"Paano kayo nakapuslit?" kinikilig-kilig na tanong ni Clavs habang ako naman ay nagmistulang-kamatis na yata sa pagkapula.

"Ano nga palang problema mo doon Tiffs? Mahal ninyo na naman ang isa't-isa diba?" nagtataka niyang tanong. Humugot muna ako ng hangin bago tuluyang sumagot.

"Makikipagbalikan na ko kay Andrew."

"ANOOOOOO!!!!" wow! Ngayon siya galit na galit sa akin.


Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

7.4M 86K 43
[WATTYS 2018 WINNER] Eight years have passed yet Wendy can't move on from the guy who dumped her years ago. But when a twisted situation forces them...
3.1M 82.4K 58
C O M P L E T E D R E P O S T E D --- Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice president ng Balajadia Industries, ang komp...
Diary ng Assumera (Completed) Par L

Roman pour Adolescents

53.8K 1.5K 73
(Completed) Halina't makichismis sa buhay ni Zyra, ang babaeng assumera!