Passport to Lurve (Love) [Com...

By MsQarlaDiokno

97.6K 1.3K 159

Ang "Passport to Lurve (Love)" ay isang original "contemporary novel" tungkol sa isang babae from Cainta, Riz... More

INTRODUCTION
STAR IN LOVE
CHAPTER 1 of 15: "Passport"
CHAPTER 2 of 15: "Behind Bars?"
CHAPTER 3 of 15: "Coffee Please"
CHAPTER 4 of 15: "Contract"
CHAPTER 5 of 15: "Love Team"
CHAPTER 6 of 15: "The Concert"
CHAPTER 7 of 15: "Fans and Haters"
CHAPTER 8 of 15: "Big Night"
CHAPTER 9 of 15: "Torn"
CHAPTER 10 of 15: "The Ball"
CHAPTER 11 of 15: "Personal Assistant"
CHAPTER 13 of 15: "White Lie"
CHAPTER 14 of 15: "Arrival Area"
CHAPTER 15 of 15: "Dexter" (Finale)
EXTRA CHAPTER: "Si Francis Suarez at si Melody Fagar" (New Book)
EXTRA CHAPTER: "Miss Ganda Sarmiento Lang" (New Book)

CHAPTER 12 of 15: "Family"

3.9K 74 11
By MsQarlaDiokno

Naguluhan ata ako sa mga sinabi ni Zonya at Dexter.

"Anung 'a bit of romance involved' ba pinagsasabi mo dyan? Kahapon mo pa ako inaasar eh." Tanong ko kay Dexter na nakangiti pa rin, at nakatayo sa pinto.

Medyo inusog ni Zonya ang kanyang wheelchair, at tinanong ako. "Bakit ate? Kahapon ka pa ba inaasar?" 

"Oo.. Sabi niya kahapon he likes me, pero.." Sinubukan kong ikuwento kay Zonya yung sinabi ni Dexter kahapon sa ball.

Pero bago ko pa maituloy ang kuwento, eh naramdaman ko na humawak si Dexter sa sandalan ng upuan ko.

"Oh tapos? Kumpleto ba yang kuwento mo Ed? Ikukuwento mo rin ba sa kapatid ko na nanginginig ka sa sobrang kilig kahapon?" Pagsingit ni Dexter na lalong lumaki ang ngiti.

Kahit kagigising niya lang, at walang t-shirt, eh ang bango-bango niya, just in case you're wondering.

"At ikukuwento mo rin ba sa kapatid ko na tayo ang first 'couple hug' sa ball?"

Tiningnan ko si Dexter.. "Ikaw na kaya mag kuwento.."

Pero bago ko pa maituloy ang sasabihin ko, eh nilapit ni Dexter ang mukha niya sa mukha ko.

"I really, really like you Ed. Napaka honest mo."

Ngumiti siya, sabay lakad papuntang pinto.

Pero bago pa siya makalabas ng kuwarto.. Eh may pahabol siyang sinabi..

"Bagay tayo." 

"Ate.. Huy, ate.. Huy.. Are you okay?" Tanong ni Zonya na humawak sa likod ko. 

Nagulat ako kasi medyo malayo pa ang wheelchair niya kanina sa kinauupuan ko.

"Oh. Zonya. Sorry. Nandiyan ka na pala sa likod ko." Sagot ko naman.

"Oo, hindi mo kasi ako pinapansin. Paglabas ni kuya nakatitig ka na sa pintuan. Mga one minute. Haha."

Nakakahiya. 

Napansin ata ni Zonya na hindi ako agad naka-react sa sinabi ni Dexter na 'bagay' daw kami. Hindi ko kasi maintindihan yung statement na yun. 

Bagay daw kami? Na mag alin? Mag on, like BF-GF? Or like Personal Assistant-Boss?

Ang gulo di'ba?

"Alam mo ate. Halata naman na hindi ka lang fan ni kuya. I mean, you like him. Not because he's a good singer or an actor. But you like him personally." Paliwanag ni Zonya na nakangiti.

Hindi na ako nag deny kay Zonya. Tutal, medyo malapit naman na kami sa isat isa. 

This week na rin kasi aalis si Zonya at Tito Boy papuntang Amerika. Mauuna sila dun, at maiiwan si Dexter. Not unless ma-expedite yung pagdating ng replacement passport ni Dexter, at sasabay siya.

So, kahit aminin ko kay Zonya na may feelings na talaga ako kay Dexter, eh wala rin namang mangyayari. 

Who am I naman para ma-fall si Dexter, di'ba? Hindi naman ako delusional. Nakadikit pa rin ako sa realidad na hindi magiging kami, at wala kaming happy ending.

Pero bago ko pa aminin kay Zonya ang true feelings ko towards Dexter, eh nagsalita na siya..

"Ay ate, diba sabi mo you'll teach me how to cook? Tutal pilay ako, ikaw magluto ng lunch natin. Papanoorin kita."

Tinulungan ko si Zonya na makalabas ng kuwarto niya. Ipinuwesto ko ang kanyang wheelchair malapit sa lutuan, bago ako nagpaalam na halughugin ang kitchen nila para maghanap ng ingredients. 

Makalipas ang ilang minutong paghahanap, may dumating na maid. Kasama daw ni Dexter si Manang Luz. On-call daw siya. Pumupunta siya dito sa condo pag nasa Pilipinas si Dexter.

"Ay Manang Luz, wag na po. Ako na lang po magluto. Okay lang po." Sabi ko naman. 

"Ay sige. Maglilinis na lang ako ng kuwarto ni sir Dexter." Pagpapa alam naman niya.

Napagdesisyunan ko na sinigang na baboy na lang ang lulutuin ko kasi yun ang perfect sa mga rekadong nakita ko sa refrigerator. 

"Wow, sinigang. My favorite. Na miss ko din yan." Sabi naman ni Zonya na pinapanuod akong maghiwa-hiwa, at mag ayus ng kung anu-ano.

Habang nagluluto ako, nagtanong si Zonya kung kumusta na ang mga magulang ko.

"Patay na tatay ko eh. Yung nanay ko naman, nasa bahay lang. Laing in a bottle ang business niya." Kuwento ko naman.

Tinanong ni Zonya kung anu kinamatay ng tatay ko. Kinuwento ko naman.

Last year, na hit and run si tatay. Pero hindi siya on the spot na namatay, nadala pa siya sa hospital.

"At dun siya namatay? Ang lungkot naman ate. Pero naabutan mo ba siyang buhay sa ospital?" 

"Hindi eh. Si kuya at nanay lang." Sagot ko naman.

Pero bago ko pa makumpleto ang kuwento eh dumating si Tito Boy, "anu yang niluluto niyo?" Tanong niya.

"Dad, nagluluto si ate ng sinigang na baboy. Favorite natin." Sagot naman ng dalaga.

Ngumiti si Tito Boy. "Naku, sana pag nag asawa kuya mo magaling din mag luto gaya ni Ed."

Itong si Tito Boy naman, halatang inaasar din ako. Ngumiti siya sa akin, ngumiti din naman ako, at tinuloy na ang pagluluto.

"Si kuya mo pupunta dun sa network niya mamaya. May interviews siya at mga shows na bibisitahin. Sasamahan ko na lang." Kuwento ni Tito.

"Ed, samahan mo na lang si Zonya dito ha?" 

"Opo, wag po kayong mag alala. Ako bahala kay Zonya." Sagot ko naman.

Ngumiti si Zonya at si Tito Boy sa akin.

"Pero bago kami umalis, kakain muna kami ni Dexter dito. Mukhang masarap yang niluluto mo."

Kinabahan tuloy ako. Sana masarap ang kinalabasan ng sinigang ko. Yung sinigang mix lang kasi ang ginamit ko. Oh well, bubudburan ko na lang ito ng pagmamahal. Chos.

Tinulungan ako ni Manang Luz na ayusin yung pagkakainan namin. Sa bakanteng upuan daw sa tabi ni Tito Boy uupo si Dexter na naliligo pa, at kami naman ni Zonya magkatabi. Medyo magkalayo nga lang kami dahil sa wheelchair niya. 

For the first time, kaharap kong kakain si Dexter. Sana masarapan naman siya sa luto ko. 

Nakaupo na kaming tatlo ni Zonya at Tito Boy sa dining table. Tinawag na ni Manang Luz si Dexter na nasa kuwarto pa.

After a minute, dumating na siya, basa pa ang buhok pero nakabihis na. 

"Dadaan muna ako sa salon dad. Kailangan ko magpagupit." Pang bungad ni Dexter.

"Wow, sino nagluto neto? Si Manang Luz? Ang bango ah." 

Tumingin si Zonya kay Dexter. 

"Kuya, si ate Ed ang nagluto."

"Masarap ba to?" Tanong naman ni Dexter na tumabi na sa kanyang ama. Si Dexter ang naunang kumuha ng kanin, at nag salok ng sinigang. 

Kumuha na rin ng kanin si Tito Boy, at nahalata ko na nahihirapan si Zonya na abutin yung kanin -- pero bago ko pa matulungan si Zonya na kumuha, eh nauna na si Dexter.

"Kawawa naman si Zonya, yan kasi nangyayari pag minadali ang pagpapa-payat. Kaya nga inimbento ang elevator." Sabi ni Dexter habang nilalagyan ng kanin ang plato ni Zonya.

Nagulat ako bigla.. Kasi.. Si Dexter.. Nilagyan din ng kanin yung plato ko. 

Napatingin tuloy ako kay Zonya, nakangiti siya kasi nakita niya rin yung ginawa ni Dexter.

May ulam na silang lahat. At gaya dun sa kanin, si Dexter ang naglagay ng ulam sa plato ng kapatid niya. 

At nagulat nanaman ako kasi nilagyan rin niya ng ulam yung plato ko.

Kinilig nanaman ako. 

Lord anu ba 'to.. 

Bakit may ganito pang moments.. 

Ang problema, madaming kanin at ulam yung nilagay ni Dexter sa plato ko. Nakakahiya kung di ko maubos. Sana pala hindi ako nag agahan kanina sa bahay para gutom na gutom ako.

Nakatingin ako kay Dexter. Inaantay ko na mag-react siya sa niluto ko. Pero nganga (walang reaction). Kumain lang siya ng kumain, pero walang reaction paper.

Tapos na kumain si Dexter at Tito Boy, "oh mauna na kami. Dadaan pa daw magpa ayos si Dexter." 

Nagpaalam na sila. 

Nauna pang natapos si Zonya kumain. "Ate pag di mo na kaya, wag mong pilitin. Napansin ko nga na maraming nilagay si kuya," sabi niya, sabay tawa.

Seryoso. Hindi ko talaga naubos yung pagkain ko. Nakakahiya. Naaalala ko kasi yung sinabi ni tatay nun, masama ang hindi umuubos ng pagkain.

Si Manang Luz na lang daw ang mag aayos ng pinagkainan kaya nagpahatid na si Zonya sa kuwarto niya.

Nagkuwentuhan kami ni Zonya. 

Kinuwento niya sa akin yung mga eksena sa Amerika. Yung mga classmates niya dun. At yung crush niya. 

"Ibang iba talaga ang culture nila. Pero nakapag adjust naman na ako." Paliwanag niya. "Sayang lang kasi hindi na naabutan ni mama." 

Naisip ko tuloy na tanungin si Zonya tungkol sa nanay nila ni Dexter -- at kung anu ang totoong ikinamatay niya.

Ang kuwento ni Zonya, "Chronic Pneumonia daw" ang ikinamatay ng nanay nila. 

Mas nasaktan daw si Dexter kasi hindi niya napagamot ang nanay nila. "Parang sinisisi niya ang sarili niya, ganun.. Sabi naman ni Dad kay kuya, ganun talaga ang life."

"Napabayaan talaga ni kuya yung work niya, hanggang sa nawala lahat sa kanya." Dagdag pa ni Zonya.

"Pero hindi siya sumuko, tingnan mo naman.. Kuya is now on top of his game."

Ngumiti ako kay Zonya. Nakaka-inspire ang kuwento ni Dexter. On the outside, mukha siyang astig o maangas, pero deep inside, he's just a normal son. He's a mama's boy. 

"Pero ate, yung dad mo. Paano ang nangyari? I mean, bakit siya na hit and run?"

Tinuloy ko ang kuwento na naputol kanina. 

Ang naaalala ko, kagagaling pa ni tatay sa trabaho. Sa Commonwealth Avenue. Dun siya nasagasaan.

Hindi ko na naabutan si tatay na buhay sa ospital. Ang kuwento ni nanay, may binili daw si tatay na bulaklak para kay nanay, pero nasira na dahil sa aksidente.

"Wow, ang sweet ate. Up to the last minute, ang dad mo eh naipakita pa rin niya sa mom mo ang love."

"Pero speaking of flowers ate. May kuwento pala ako. Naaalala mo yung bulaklak na galing sa fan na binigay sa'yo ni kuya last concert?" Tanong ni Zonya.

Kinabahan ako. Akala ko nakalimutan na ni Zonya yung nangyari.

Tumango ako. "Oo naman," sabi ko. 

"Ate buksan mo yung aparador ko. Tapos kunin mo yung blue box na nasa ibaba." 

Binuksan ko yung box. May nakita akong libro. Sabi ni Zonya, nakaipit daw sa mga leaves ng libro yung mga flowers na yun.

Ang kuwento ni Zonya, inuwi daw ni Dexter yung bulaklak sa condo bago sila pumunta ng Tagaytay.

"Akala ata ni kuya sasama ka sa Tagaytay kaya niya inuwi." 

Sinagot ko naman si Zonya, baka inuwi lang niya yun kasi nanghinayang siya. 

"Kung sabagay." Sagot naman niya. 

"Pero marami nang pera si kuya para manghinayang sa bulaklak. Nung umaga nga bago yung ball, may binili pa siya eh. Pero naiwan din dito sa bahay, hindi naman niya dinala sa ball. Akala ko ibibigay niya yun sa'yo."

Kinilig nanaman ako. Pero nagtaka ako kasi hindi naman binigay ni Dexter sa akin.

"So, nasaan na yung flowers?" Tanong ko.

"Inuwi ni Manang Luz, sayang daw kasi." Sagot naman niya.

MAKALIPAS ANG ILANG ORAS..

"Huy gising.." 

Tinatapik ako ni Dexter sa balikat. Nakatulog pala ako sa computer desk ni Zonya.

Tiningnan ko yung kama, nakahiga na si Zonya. Naaalala ko na inalalayan ko siya kaninang humiga. 

Siguro inantok din ako, kaya nakatulog ako sa desk.

"Ay sige, uwi na ako." Pagpapaalam ko kay Dexter.

"Ihatid na kita."

"Ay hindi na. Okay lang. Dala ko yung kotse ko." Sagot ko naman. 

Um-oo naman siya, ngumiti, at nagpaalam.

Wow, hindi man lang ako ihahatid sa baba. Kainis. At wala man lang "ingat ka" o di kaya, "ingat sa pagmamaneho."

Actually, nagulat ako kasi hanggang pintuan lang ng unit niya ako hinatid.

Pagbaba ko sa kotse, eh biglang sumagi sa isip ko yung kuwento ni Zonya. Bumili daw ng bulaklak si Dexter. Siguro ibibigay niya yun kay Maureen. Siguro, gusto niyang magka-ayos sila, at ma-maintain ang friendship. 

Pero ang mas naaalala ko eh yung inuwi ni Dexter yung flowers. Kinilig ako dun. Hindi ko na muna kinuha yung mga petals, medyo hindi pa tuyo eh. Mas maganda yun pag mas matagal. Sabi naman ni Zonya ibibigay niya sa'kin yung book. 

Oh diba? May dried flower petals na ako, may na-arbor pa akong book.

Pero may problema. 

Ayaw mag start ng kotse ko!

Pagtingin ko sa phone ko, alas nuwebe na ng gabi. Nagugutom na ako.

Nahihiya naman ako na tawagan si Dexter. Ang yabang ko kanina na hindi magpahatid, tapos hihingi ako ng tulong sa kanya? 

Naisip ko na lang tuloy na iwan yung kotse, at mag commute na lang. Tatawag na lang ako ng mekaniko bukas ng umaga. 

Paglabas ko ng kotse, naglakad na ako. Pero bago pa ako makalayo sa sasakyan ko, may tumawag sa phone ko.

Si Dexter.

"So, ano? Maglalakad ka papuntang Cainta? Yung kotse mo sinusukuan ka na."

"Teka paano mo nalamang mag-cocommute ako?" Tanong ko naman.

"Kitang kita kita dito oh, fifth floor lang ako. So, anu maglalakad ka nga?" Tanong naman niya. 

Napatingin tuloy ako sa condo building at hinanap si Dexter.

Nakita ko siya, nakatayo sa bintana ng condo unit niya. Kumaway siya nang makitang nakatingin ako.

Oh my God.

.......

Ang sabi ni Dexter, antayin ko ang kotse niya sa harapan ng condo. Doon daw siya dadaan.

Makalipas ang ilang minuto, dumaan na yung kotseng ginamit namin nila Zonya at Tito nung nag mall kami. 

Pagbukas ko ng pinto, si Dexter yung nagmamaneho. Naka ayos siya. Nagpalit pala siya ng damit.

And take note, ang bango niya. Amoy na amoy ko siya mula sa kinauupuan ko.

"Salamat po sa paghahatid." Sabi ko.

"Hindi ka pa kumakain. Saan mo gusto kumain?" Pambungad na tanong sa akin ni Dexter. 

Hindi agad ako nakasagot. Kinilig nanaman ako. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya sinabi na lang niya na siya na ang bahala.

Nag ikot ikot kami. Lahat ng restaurants na pinupuntahan namin, puro puno. Yung iba naman, kahit hindi puno, ayaw ni Dexter kasi baka daw kuyugin siya ng fans. Ang gusto niya, yung wala talagang tao. Eh saan naman kami maghahanap ng restaurant na maganda, na walang tao? Diba?

Narealize ko tuloy na mahirap kasama ang mga sikat na artista. 

Mag te-ten na ng gabi. Aaminin ko gutom na ako. Hindi pa kasi ako kumakain. Hindi ko sigurado kung kumain na siya. Biglang tumunog yung tyan ko.

"Anu ba yan.. Haha.. nag-cocomplain na yung tyan mo!" Pang-aasar ni Dexter.

"Huwag na lang tayo kumain sa labas. Magpunta na lang tayo sa bahay niyo. Tapos, order tayo online." Dagdag niya. 

Hindi na ako nakatanggi. Kasi inisip ko na matutuwa si nanay at kuya pag pumunta si Dexter sa bahay.

Ay, speaking of kuya, night shift ata siya ngayon. Hindi ako sure. 

Pagdating namin sa bahay, tumingin muna kami sa paligid. Wala namang tao maliban dun sa mga nakatambay sa kanto. Dahan-dahan kaming pumunta sa harap ng bahay.

Medyo pabulong akong nagsalita habang dahan-dahan na kumakatok. "Nay, nay.. Pabukas ng pinto."

Pagbukas ni nanay ng pinto, medyo tinulak ko agad si Dexter papunta sa loob. Nagulat si nanay, pero nung nakita niya na si Dexter ang kasama ko, bigla siyang ngumiti.

"Oh, Dexter. Anung ginagawa mo dito?" Pambungad na tanong ni nanay.

Kinuwento ko kay nanay na sinubukan naming maghanap ng makakainan. Pero halos lahat puno, at yung ibang restaurants eh ayaw ni Dexter..

"Hindi naman sa ayaw. Baka kasi pagkaguluhan ako." Paliwanag naman niya.

"Eh bakit dito pa kayo kakain? Nakakahiya ang ulam namin. Dun na lang sana kayo kumain sa bahay niyo, Dexter. Mas masarap ang mga pagkain." Sabi naman ni nanay na halata naman na nahihiya.

Maya-maya pa bumaba si kuya, naka pang opisina na at ready nang pumasok.

"Aba, aba aba.." Sabi niya, pero mas marami siyang "aba" na sinabi, hindi ko na nabilang.

Pinaliwanag ko naman kay kuya kung bakit nandito sa bahay si Dexter.

"Order na lang po tayo ng pagkain sa internet or phone. My treat." Sagot naman ni Dexter.

"Ay ako na lang o-order, pero bayaran mo ako." Sabi naman ni kuya. 

"Baka kasi pag nalaman nila na ikaw umorder eh may sumugod nanaman na isang barangay dito sa bahay. Sira na nga ang mga paso ni nanay sa harap ng bahay," dagdag pa niya.

Natawa si Dexter, at binigyan ng pera si kuya. Nakangiti naman si kuya na tinanggap yung pera at nagpasalamat. "Alam mo na, para sa ekonomiya ng Pilipinas." Pabiro pa niyang sinabi kay Dexter.

Andami nilang inorder na pagkain. Hala, at kumain din si kuya na alam kong late na. 

Sabi niya hindi na daw siya papasok, minsan lang daw sa buhay niya na may artistang kumakain sa bahay. Nagtawanan tuloy kami. Pero mas malakas tawa ni Dexter.

Napatingin ako kay Dexter na tawa pa rin ng tawa. Pero nung tumingin siya sa akin, umiwas ako ng tingin.

"What?" Tanong niya. "Nakakatuwa kasi dito sa inyo. Lalo na kuya mo. Ang galing magpatawa." Sabi niya.

"Eh kumusta na kayo ni Maureen? Ha? Pasensya na at natanong ko." Pagsingit naman ni nanay habang kinakain niya yung isang malaking slice ng pizza.

"Ay, wala na po kami. Sila na po ata ni Daryl." Matipid naman niyang sagot.

"Oo nay!" Sagot naman ni kuya. "Hindi mo ba nababasa mga diyaryo, at hindi ka ba nanunuod ng TV? Balitang balita dun." 

Nagtinginan kami ni Dexter. Sumabat na rin ako. "Matagal na daw na nagkakagustuhan si Daryl at Maureen."

"Oh diba sabi ko sa'yo eh." Sabi naman ni nanay na nakatingin sa akin. 

"Pasensya na Dexter ah, pero matagal ko nang sinabi kay Edna na may gusto sila sa isat isa."

"Okay lang po yun nay." Sagot naman ni Dexter.

Nagtinginan kami ni kuya kasi tinawag ni Dexter na "nay" si nanay. Hindi ko binigyan ng malisya yun. Siguro gumagalang lang talaga siya sa matanda.

"Pero, paano niyo po napansin na may gusto si Maureen kay Daryl?" Tanong naman ni Dexter.

Ang paliwanag ni nanay eh 'halata naman daw', at saka matanda na daw siya. Alam daw niya kung nagkakagustuhan ang dalawang tao.

"At saka pag iniinterview silang dalawa. Mararamdaman mo na meron talaga." Dagdag pa ni nanay.

Matapos ang ilang oras na kuwentuhan, kainan at tawanan. Mag aala una na pala. Hindi na namin napansin. Nagpaalam na si Dexter.

Pagkasara na pagkasara ni nanay ng pinto, hinila agad niya ako.

"Anak. Wag ka masyadong mag iisip ng kung anu-ano. Ayokong masaktan ka. Baka kasi umasa ka mahirap na." Paliwanag niya. Nakatingin lang si kuya sa amin habang kinakain pa niya yung natirang slice ng pizza.

"Opo nay. At saka hindi naman ako assuming. Hindi magkakagusto si Dexter sa'kin." Sagot ko naman.

Pagkatapos ko maligo. Umupo ako sa kama ko, at pinunasan ang basa kong buhok. Naaalala ko ang lahat ng nangyari ngayong araw. 

Mula dun sa bulaklak na iniuwi pala ni Dexter sa condo niya, hanggang sa pag tambay ni Dexter dito sa bahay. Kahit siguro sinong babae ang nasa sitwasyon ko, kikiligin, at maloloka. 

Siguro, kung ibang babae lang ang nasa pusisyon ko ngayon, nainlove na ng todo kay Dexter. Guwapo, check! Mayaman, check! Mabait naman, check! At kung anu-ano pa.. Andaming check!

Pero hanggat maari, pinipigilan ko naman ang sarili ko. Pero minsan hindi ko talaga maiwasan na lalong ma-develop. Tao lang po ako.

Pag-gising ko kinaumagahan, napatingin ako sa phone ko. Andaming text messages.

Galing lahat kay Dexter.

Kaninang madaling araw pala, nagtext siya sa akin..

......

1. "Just got home. Thanks sa pagbabantay mo sa sister ko. And to your mom and brother, sabihin mo thanks din."

2. "Hey, wala man lang you're welcome?"

3. "Hmm. Wala ka bang load?"

4. "Wow. I didn't know na hindi ka pala mahilig mag text. Okay.."

5. "Binilin ko na sa isang security guard yung car mo. First thing in the morning may darating para mag ayos.."

6. "Snob ka pala."

7. "Gising si Zonya. Tinatanong ka niya. Sabi ko umuwi ka."

8. "Good night. Kahit wala kang reply."

.......

Napaupo ako bigla. Anu to? Na delayed ata lahat ng messages niya sa akin.

Nakakainis. 

Sayang. 

Baka iniisip niya snobbish ako, and hindi ko siya gusto.

Pero, gusto ba niya ako? Parang gusto niya ako. 

Ah ewan. 

Malalaman ko sa mga susunod na araw. At least may mga ebidensya na ako. 

Pero baka naman bored lang siya? Wala kasi siya masyadong friends, tapos yung friends pa niya, si Daryl and Maureen, may conflict.

Hindi ako assuming. Kaya ko 'to.

Rinig na rinig ko ang ingay sa baba. Si nanay at kuya nagtatawanan.

Nagsuklay lang ako, bago bumaba.

"Good morning guys!" Pambungad ko. Pero hindi lang pala si nanay at si kuya ang nasa baba.

"Anung ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Dexter.

Lumapit siya sakin. Nahiya ako kasi hindi pa ako nakapag mumog, kaya medyo umatras ako.

"Hinatid ko yung car mo. Di ba I texted you kaninang madaling araw na ipapa ayos ko. Wala kasi akong gagawin today. At pilay si Zonya, kaya ako na lang naghatid." Paliwanag niya.

Naisip ko tuloy. Puwede naman niyang utusan yung driver o bodyguard, o kung sino. 

"Teka lang, sige upo ka muna dyan. Maghihilamos lang ako at magmumumog. Kagigising ko lang eh." Sabi ko naman.

Pagpasok ko sa C.R., dun ako nag wall-ing (nagpasadsad sa dingding). Maka-arte lang.

OMG. Lord. Eto na ba yun? 

Apparently, ang tagal ko sa CR. Nag hilamos ako. Nagsusuklay-suklay. Nag toothbrush, dalawang beses ata. At naghilamos ulit. 

Naku, buti na lang may baby powder dito sa CR. At least maitatago ko yung konting sumpa sa mukha ko.

Paglabas ko ng CR, umupo agad ako sa harap ng dining table.

"Buti hindi ka pinagkaguluhan diyan sa labas?" Tanong ko kay Dexter na nakaupo sa sofa sa sala. Si nanay at kuya nasa sofa din. 

Maliit lang naman ang bahay namin. Kitang kita ko siya mula sa kinauupuan ko.

"May naisip kasi akong idea kung paano ako makapagtago." Sabi niya, sabay labas ng maskara. Isang kabuki mask

"Hindi kasi ako makatulog kagabi coz I'm a night person, tapos nakita ko to sa movie na pinanuod ko. Naalala ko kung paano tayo pumasok kagabi dito sa house niyo. Nakakatawa." Paliwanag niya. 

Ngumiti naman ako. 

"Ay teka lang po, nay, kuya Royal. I forgot something sa car ni Edna." Sabi ni Dexter. Bigla niyang sinuot yung kabuki mask at saka lumabas.

Nagtinginan kami ni nanay at kuya. 

Nagugutom ako, kaya sinimulan ko nang kumain.

Pagpasok ni Dexter, may dala siyang isang bouquet of red roses.

Lumapit sakin si Dexter, sabay tanggal ng maskara niya.

"For you." Sabay abot ng bulaklak sa akin.






Continue Reading

You'll Also Like

63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
3.1M 131K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
395K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...