Halimaw Sa Punong Balete

By iamkenth

1.7M 11.5K 754

What awaits you inside!!!! ***** Warning: This is 100% Kilig-Tawa Series! ****** Halimaw Sa Punong Balete ( C... More

Pt. 001
Pt. 002
Pt. 003
Pt. 004
Pt. 005
Pt. 006
Pt. 007
Pt. 008
Pt. 009
Pt. 010
Pt. 011
Pt. 012
Pt. 014
Pt. 015
Pt. 016
Pt. 017
Pt. 018
Pt. 019
Pt. 020
Pt. 021
Pt. 022
Pt. 022.2
Pt. 023
Pt. 024
Pt. 024.2
Pt. 024.3
Pt. 024.4

Pt. 013

20.6K 381 45
By iamkenth

pt. 013

"Ma!" <--ako! talagang umaapela ako, hindi ito makatarungan no. Oo, alam kong ginamit ko si Borg para hindi ako makagalitan ng buong husay. Pero, ang patulogin si Borg sa aking kwarto na katabi ako? na utang na loob na ang liit ng kama ko no, kahit pa pang dalawang tao iyon, nagpapaikot ikot kaya ako matulog atska hindi siya pwede sa lapag dahil hindi siya magkakasya sa sobrang taas niya at malaking halimaw!!!

"Bakit Koi may problema ba?" <--si Mama, pumasok siya sa mumunti naming kusina...

"Ano kasi Ma---" Urghes! paano ko ba sasabihin na hindi kami pwedeng magtabi no? baka mamaya manyakin ako nitong halimaw na ito eh!! nakatingin ako kay Borg. Napakibit balikat siya.

"Tita, pwede naman akong makitulog sa mga kaibigan ko." Sabi ni Borg.

Ayan tama yan! doon siya matulog sa mga kaibigan niya no!!! urgh.. ang sama ng ugali ko? pagkatapos ko siyang bulabugin sa kaniyang pagtulog eh parang ipagtatabuyan ko siya...

paano naman no? hindi ako handa sa ganito, atsaka.... ngayon palang ako matutulog na may katabing lalaki sa tanang buhay ko!!!!

ang inaasahan kong makakatabi ko ay si Trevor hindi si Borg!!!

"Hindi, dito ka sa bahay matutulog, at sa kwarto ka ni Koi matutulog." Sabi ni Mama. Inaayos niya ang mga plato.

arghes! grabe na ito. paano ba ito... *___*

"Pero, tita, pwede naman akong dito nalang sa sala matulog? sana'y naman akong matulog sa couch o upuan." Sabi ni Borg.

Tama yun!! galing talaga ni Borg!! dapat sa sala siya matulog no!! wala namang lamok dito sa bahay no. Sa sobrang linis ng Mama ko, pati kasulok sulukan nitong bahay, linis na linis.

Pagkatapos maihanda ni Mama ang plato at makakain namin ni Borg. Tumayo siya ng tuwid, tumingin siya sa aming dalawa ni Borg. Napatingin tuloy ang mata ko kay Borg. Parang kalma lang itong halimaw na ito eh! dapat kasi, tumakbo na siya sa labas kanina eh. errrr!!!

"Ano bang problema ninyong dalawa? eh ano kung tabi kayong matutulog, parehas naman kayong lalaki diba?" <---MAMA!!!!

MAY GAD!! PWEDE BANG SUMIGAW AKO AT SABIHIN KONG!!

MAMA! ISA AKONG SERENA! HINDI AKO LALAKI, AT ITONG LALAKI NA ITO? HALIMAW YAN!! BAKA NANGGAGAHASA SIYA NG SIRENA!! AT KATAPUSAN KO NA KAPAG NAGTABI KAMING DALAWA!!!

"Wala naman problema sa akin iyon Tita, baka kasi-- si Koi, ayaw niya akong katabi." <--Borg!! halimaw talaga!! lumapit na siya sa upuan. Kafal ng fes nitong halimaw na ito, feel at home.

at huwaaattt? okay lang daw sa kaniya!! naku ha!! sabi na, may binabalak na masama sa akin itong lalaki na ito eh. humanda talaga siya!! may baseball bat ako sa loob ng kwarto!!

"tara na Koi, kain na muna tayo." <--Borg!!

"Oo nga anak, mukhang gutom na gutom kayo sa ginawa ninyo nitong si Borg eh." sabi ni Mama na parang may something na nangyari sa amin ni Borg sa tono ng pananalita niya!!

tsssseeeeee!!!

wala kaming ginawa!! at wala kaming gagawin. eeeeeeehhkkk! ano ba iyang mga iniisip ko!

nakabusangol ako habang papalapit sa mesa, inilapag ko muna ang bag ko. Hindi na muna ako naghubad ng uniform, parang nakaramdaman na din kasi ako ng gutom.

pwumesto na ako sa tapat ni Borg. Hinawakan ko ang kutsara at tinidor. Nakatingin ako kay Borg.

"Tita, ang sarap ng ulam, luto niyo?" <--Borg!! urghes!!! hindi kaya masarap magluto ang Mama ko, charoterong halimaw na ito!!

"talaga Ijo? ay naku--- itong si Koi, ayaw na ayaw sa luto ko. Napipilitan lang daw siya, kasi no choice, pero alam ko namang masarap talaga ako magluto. Ahahaha! Sige kumain ka pa ng kumain." <---Mama. Tuwang tuwa sa pagcomplement ni Borg sa luto niyang--

ano ba to? iyong totoo? 

Adobo o Minudo? naku ha!!

naku ha! ang dame kumain nitong Halimaw na ito uh!

Kumain na din ako---

nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.Patuloy sa pangchacharot si Borg kay Mama. Tinanong niya si Papa.

Si papa? baka tulog tulugan na iyon sa kwarto.. si Mama lang naman ang di makatulog hanggat hindi ako nakakauwi eh. =___= 

pero, sabi ni Mama, asa kwarto daw, naglalaro ng Angry Birds.

tsseeeeeeeee!!! ano ba tong' Mama ko.

"Ah ako din tita, mahilig maglaro ng Angry Birds." <-----BORG!!!!

eeeeeeeeehhhhhhh!! ano bang usapan to oh' nakain kami, tapos puro birds birds na angry pa ang Topic nila!!!

dapat kasi hindi ko nalang ininstalled sa phone ni Papa ang AB na iyon eh!!!!

"tapos na ako kumain no!!! papasok na ako sa kwarto ko!!" Sabi ko. Tumayo ako. Iniwan ko silang dalawa.

bzz bzz bzz blah blah pa silang dalawa, tapos tawanan sila, umakyat na ako sa kwarto ko.

Pagbukas ko.

URGHES!! bakit naging tatlo ang unan ko? dalawa sa uluhan at isang tandayan? at nakaayos na parang-----

urghes!! pang dalawang tao ang higaan ko? pinaghadaan ba ito ni Mama noong sinabi kong si Borg ang kasama ko??? naku ha!!! Nakakainis naman oh... seryoso na ito!! makakatabi ko si Borg ngayon gabi =___= 

baliw na itong si Mama!

Napansin ko ang Teddy Bear na napanalunan ni Borg sa perya. ay kinuha ko at inilagay ko sa kama.

"Baby, makakatabi natin ngayon ang Halimaw mong tatay." sabi ko kay bear.

Urghes!!! tatay?? tatay?? eh ako nga ang Mommy nitong si Bear eh!!

tsseee!! hindi kami mag-asawa ni Borg no!!!

Makaligo na nga!!!

Inayos ko ang pantulog ko na susuotin, tuwalya. at bumaba na ako.

Pagbukas ko ng pinto. Urghes!! si Borg nasa tabi niya si Mama.

"Anak patuluyin mo na si Borg sa kwarto mo." Sabi ni Mama.

"palabasin nyo muna kaya ako diba? kasi nahaharangan ninyo ang pinto?" sabi ko.

umusod silang dalawa.

"taray ng anak ko no?" <--Mama. nadinig ko pa talaga! urgh!! hindi ko nalang pinansin.

"Kaya nga Tita." <--Borg!! napatingin ako ulit sa kanilang dalawa!!! ayun, pumasok na si Borg sa kwarto ko.

Bumaba na ako.. sumunod sa akin si Mama.

"Koi, bakit ba parang ayaw mong makatabi si Borg? diba kanina pa naman kayo magkasama sa tinutuluyan niya, so what's bothering you?" <--Mama ko.

Huh? paano naman niya nasabi na magkasama kami sa tinutuluyan ni Borg?? ang sabi lang namin, may ginawa kaming project no?

"Nothing bothers me Ma' tska, paano niyo naman nasabing sa tinutuluyan kami ni Borg kanina? Sa bahay ng klasmate niya kami nagpunta no." Pagsisinungaling ko.

"hay naku anak, iyong suot mo pag-alis mo dito kanina, iyan parin ang suot mo, pero si Borg? Parang nakapagpalit na siya ng damit niya? so ibig sabihin, nasa bahay niya siya.. tama ba ako??" <--Mama

May Gad! hindi ko naisip na iyong suot ni Borg ay pangbahay nalang pala? hontonga ko talaga!!!! *___*

"Ay naku Ma' maliligo na ako, ang likot ng utak ninyo sa totoo lang." Sabi ko.

tapos... tawa si Mama. Punta sa kusina.

Urghes!!! pasok na ako sa Mini bathroom namin.

ano na kayang ginagawa ni Borg sa kwarto ko???

naglalaro ng angry Birds? eeeeeeekkk!! ano ba iyang iniisip ko oh!!! hindi siya pwedeng maglaro ng angry birds sa kwarto ko!! hindi!!!!

*____* wala akong Angry Birds apps no!!

* shower mode habang nakanta ng Bizzare Love Triangle

--tsee!! bakit ba iyon ang kinakanta ko!!!

Tapos na ako magshower, pero my gad!!! my gad!!

ang damit ko naiwan ko sa kwarto ko!! at nandun si Borg. Makikita niya ang katawan ko!! urghes!!

naku--- mukhang wala na din si Mama sa kusina, hindi ko na siya nadidinig pa. Umakyat na ata sa kwarto nila ni Papa. paano na ito?

letche oh!!

Buti at meron akong tuwalya--- tapis ko sa katawan ko. Urghes!! tulog na naman sila Mama at papa ata, hindi nila mapapansin na nakatapis ako hanggang dibdib no! ayaw ko ngang makita ni Borg ang dibdib ko. Naku ha!!

labas ako sa banyo akyat sa kwarto ko.

Katok...

tapos-- ughes!! binuksan ni Borg ang pinto. Napatingin siya sa katawan ko. O___O

"Hoy! tumalikod kang halimaw ka! wag kang titingin sa akin no! wala akong suot naiwan ko dito sa kwarto!!" Sabi ko.

ayun napaatras sya at napatalikod. Hindi siya naimik.. Urghes no!!!

dinampot ko sa Kama ang damit ko.

"wag kang titingin ha!!!" Mahina lang pagkakasabi ko kasi-- pader lang pagitan ng kwarto ko at kwarto nila Mama at Papa. although, sementado, pero madidinig pa din pag over sa lakas ng boses ko.

"Opo." <---Halimaw na si Borg.

Nakakainis!! hindi ako marunong magsuot ng panty kapag may tuwalya pa ako sa katawan!!

panty tlaga? wahahaha!!

i have to alis this tuwalya, pero--- itong borg, para tumingin makikita niya ang hubad kong katawan, kung lalabas naman ako? effort pa. Naku ha! dapat itong si Borg ang lumabas eh.. kasu, baka lumabas si Mama at tanungin kung bakit nasa labas si Borg.

"Borg! wag kang magtatangkang tumingin ha! nakahubad ako! sisigaw talaga ako ng rape pagtumingin ka!!!" Sabi ko, pero kontrolado ko ang boses ko.

"Oo na. Sige na magsuot kana, di lang ako nakatalikod, nakapikit pa ako." <--Borg.

yun, tumalikod din ako... inalis ko iyong tuwalya sa katawan ko.

weeeeee!! ang lamig letche! nakatapat pala sa akin ang electifan! naku!

nakapanty na ako, suot ko na pajama ko at pang itaas kong pantulog.

"Yan okay na!" Sabi ko. Lapit ako sa kama...

dahan dahan tumingin si Borg.

naku ha! kinakabahan talaga ako kasi naman, first time ko may makakatabi dito pa sa kwarto ko at isang halimaw pa! tsk!

"Gusto mo Koi, sa lapag nalang ako?" Sabi ni Borg, nakatayo pa siya sa gilid ng kama.

"tsee! hindi ka kakasya sa lapag no, alam mong ang sikip sikip ng lapag eh. Dito kana.. huwag kana umarti no! tska, hindi kita gagapangin, at wag mo din akong gapangin no!" Sabi ko. hindi pa ako nakahiga, nakasandal pa ako sa pader, pero nakaupo ako sa kama ko. Pinupunasan ko ang aking magandang buhok.

"Hmm.. Koi? Meron kabang extra toothbrush?" Umupo si Borg sa edge ng kama, medyo kinabahan ako, kasi-- ito na iyon, hihiga na din ata siya sa tabi ko?

pero, toothbrush? urghes! meron ako, pero ayaw ko ipagamit sa kaniya iyon no. Meron pa akong isang nakatabi na hindi ko pa nagagamit, pero-- sa akin kaya iyon!

pero-- naku! sige na nga!

"diyan sa drawer sa tabi mo, may toothbrush diyan.. hindi pa iyon nabubuksan, ibabad muna sa tubig init sa kusina bago mo gamitin." Sabi ko.

"Salamat Koi." Nakangiti niyang sabi.

Kinuha na niya, tapos lumabas na siya.

dapat kasi, kanina niya pa sinabi iyonno, para habang nagbibihis ako, hindi siya nakatalikod--- napatigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko....

MAY GADDDDDDDDD!!!! NAKATALIKOD SIYA??? PERO NAKAHARAP SIYA SA SALAMIN KO? EH KITANG KITA DIN AKO SA REPLEKSYON EH!!

oh noes!!! halimaw talaga!!! halimaw talga!!!

malamang nasilip na niya ang mahubog kong katawan!!!! *___*

naiinis ako!!! urghes!!! pero syempre, idedeny niya iyon kapag tinanong ko siya! at nakakahiya naman itanong kong nakita niya ang katawan ko. kasalanan niya ito talaga eh!

kung pinilit niya akong sa kaniya sumama, wala sana siya dito ngayon eh!!!

* maya maya pumasok na siya.. tapos, wala na siyang suot na jacket, sando nalang. 

0_0 ganda ng katawan ni Borg. nakakaakit. nakaka-urgggg..

tapos..

"hoy! hoy hoy! anong ginagawa mo bakit mo hinuhubad iyang shorts mo??" tanong ko.

"naka boxer naman ako Koi." <---Borg!!

wala na akong nagawa, nahubad na niya. Tumalikod ako. Letche nakakainis.

nadama kong pumatong na siya sa kama.

"Koi." <---Borg.

"oh bakit?" tanong ko, nakatalikod ako.

"si baby Bear ito diba? katabi mo pala siya matulog lagi." May tono ng ngiti sa boses nya kaya napaharap ako. pagtingin ko, hawak niya si baby bear sa kamay niya, nakataas sa ere.

"Hoy! ibaba mo nga iyan si baby!!" inagaw ko sa kaniya. Niyakap ko. "...pagpasensyahan mo na ang tatay mo, baliw kasi yan eh.." bulong ko sa baby bear.

"tatay? ako tatay niyan?" <--BORG!!! napatingin ako ulit sa kaniya.

"oo, at hindi mo na siya mababawi sa akin no." Sabi ko.

"ikaw ba ang mommy ng baby bear ko?" <--Borg.

"Oo at bakit?" sabi ko.

"anak natin siya??" <---BORG!

HUWATT? ANO DAW!!! inilapag ko si baby muna sa gilid, tapos kumuha ako ng unan, pinalo palo ko kay Borg.

um! um! um!

"tseee!!! tatay ka niya, mommy ako, pero hindi tayo mag-asawa no! heh! basta!!!!"

tapos tawa siya ng tawa. eh, nasapol ko siya sa kaniyang kiliti spot, ang kaniyang tagiliran..

"Koi! tama na, malakas kiliti ko diyan. hahahahha!!!" <--Borg.

"ah may kiliti kapala diyan ah..." <--ako. huwahahaha! hinanda ko ang aking mga daliri.

yaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!! ehkitikkitikitikitik.. waahhhahaha!! tawa ng tawa si Borgy. wahahhaa!!

- MAMA ni KOI POV -

"honey, naididinig mo ba si Koi at Borg sa kwarto? ang sweet sweet nila no? naghaharutan sila." sabi ko sa asawa ko na busy sa paglalaro ng angry birds.

"Boto ka talaga sa lalaking iyon para sa anak natin no?" tanong ni papa sa akin.

"syempre naman no, ang galang galang kaya niya. Honey, tanungin na kaya natin si Koi kung bakla siya, baka sakaling umamin na silang dalawa sa akin na magsyota sila." sabi ko, kinikilig ako para sa anak ko. haaayyy....

"hayaan nalang nating si Koi ang magsabi sa atin. Oh paano iyan Honey. bakla na talaga si Koi? gawa na tayo kapatid niya." <---asawa ko. Bigla niyang inlapag ang phone niya sa drawer at humarap sa akin.

naku ha! itong asawa ko.. mukhangnag-iinit at gusto pang makipagsabayan kanila Koi at Borg.

"ano kaba Hon, nakikiliti ako." sabi ko, humahalik kasi sa leeg ko eh. ano ba!! ^__^

nadidinig ko na biglang nagtahimik si Koi at Borg. naku!! mga bata pa sila, para sa kung ano mang gagawin nila ah! mapuntahan nga sa kwarto. Tumayo ako.

"oh honey, saan ka pupunta?" mahinang tono ng asawa ko.

"sa kwarto ni Koi, patutulugin ko na sila." sabi ko.

"hayaan mo na sila doon honey.. dito ka nalang sa tabi ko, mag loving loving nalang tayo." mapangakit na sabi ng asawa ko.

urrr... hindi nalang ako umalis. may tiwala naman ako sa anak ko eh

- End of Pov ng Mama ni KOi -

- KOI's POV -

natigil na ang kilitian namin, paano pati ako kiniliti na din ng halimaw na ito! sabi ko cease fire!!! wahahaha!

"Koi, sorry ha? kung naabala pa kita dito sa kwarto mo." sabi niya, nakatingin siya sa kisame, nakatagilid naman ako, pero nasa gitna namin si Baby, para hindi makalapit sa akin si Borg.

"hay naku no! hayaan mo na iyon. At matulog na tayo, dahil maaga pa tayo bukas." sabi ko. nakatingin ako sa.. arggghh.. armfit ni Borg. nakaka-akit talaga. Inunan niya kasi ang kamay niyang magkabilaan eh, kaya kita ko ang armfit niya. all the way down to his chest, abdomen, napakaperfect ng hubog.

swerte ng magiging partner ni Borg. Busog, araw araw, gabi gabi pa.

haaayyyy....

tapos.. na boxer pa siya ng spongebob na dilaw. nakakainis kasi-- napatingin ako sa bulge niya. eerrrkkk!!! pero sandali lang no! laki ng hita ni Borg. sarap tandayan, pero.. no way!!

ay naku! ano ba to... makatulog na nga.

"salamat parin sa pagpapatuloy mo sa akin sa kwarto mo." nakangiting sabi ni Borg. Hindi na ako sumagot pumikit nalang ako. Inaantok na din naman kasi ako eh.

hindi ko na alam... basta...

nakatulog na talaga ako.

* TIKTILAOK!!!

PAGDILAT KO NG MATA KO..

urrr.... wala na si Borg. napabuntong hininga ako. may nakita akong note na papel na nasa dibdib ni baby bear..

may nakasulat....

BALIW TALAGA TONG SI BORG EH!! ERRRGGG!!

Continue Reading

You'll Also Like

625K 39.2K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
910K 37K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
177K 3.3K 74
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
17K 938 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...