Diary of My Girl (COMPLETED)

By antan_hannya

27.9K 543 87

I can see, but I shouldn't be seen. I can speak, but I shouldn't be heard. I can touch, but I shouldn't be... More

Diary of My Girl
Chapter 1: The Boss
Chapter 2: Gangster-Millionaire
Chapter 3: Isang Basura! Basura nga ba?!
Chapter 4: Treat Me
Chapter 6: We Meet Again
Chapter 7: Be With Me
Chapter 8: I'll Prove You
Chapter 9: I am Here
Chapter 10: Who Is She?
Chapter 11: Dilemma
Chapter 12: Hi-yup!
Chapter 13: My Diary
Chapter 14: I Have Her
Chapter 15: I'll Save You *For Editing
Chapter 16: Gone *For Editing
Chapter 17: Day One
Chapter 18: My Choice
Chapter 19: Servant's Loyalty
Chapter 20: I Met Him
Chapter 21: The Puppy Story
Chapter 22: My First Love's First Love
Chapter 23: The Sea of Pain
Survey
Chapter 24: Paalam, Allen
Chapter 25: Free
Author's Note

Chapter 5: Work For Me

1.1K 20 2
By antan_hannya

VOTE or COMMENT! If you won't, then DON'T READ >:)

SULLI'S POV

"P-pwede mo na akong ibaba." nahihiya kong sabi sa kanya. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao sa daan.

"You sure?"

"Yes." mahina kong sagot.

Nagbend sya until naka-luhod na sya at saka ako bumaba. Nadumihan tuloy ang puti nyang pantalon.

Nagpasalamat ako sa kanya and he smiled in reply. Gulp. ANG GWAPO! >_<

Umiwas na ako ng tingin sa kanya, para hindi na rin nya ako titigan.

He's charming and all, pero creepy din syang tumingin! Yung parang mabubutas ako sa tindi nyang tumingin!

"S-so, saan mo gustong kumain?"

Nakita ko from my peripheral vision na nag-shrug sya bago sabihing "anywhere" sa bored na tono.

Napalunok tuloy ulit ako. I'm suddenly feeling uncomfortable. He's still a stranger after all! And this is not right! I shouldn't be talking to him!

Rule 1: Do not meet new people.

Rule 2: Do not touch other's life.

Pero...kasi...

BASTA ililibre ko lang sya and after that...tapos na ang ugnayan namin ni...ni...I don't even know his name!

Itatanong ko ba? o hindi? YUNG PANGALAN NYA! ANO BA?!

"Uhm...ano..."

Humarap sya bigla saakin at ngumiti. Saka hinawakan ang wrist ko at marahan na hinatak ako papunta sa McDonalds.

Nakapasok na kami sa loob ng McDonalds nang bigla nya akong niyakap. Halos ingud-ngod na nya ang mukha ko sa dibdib nya!

What's this freak's problem?!

Tinutulak ko sya, pero ang firm ng pagkakayakap nya. Mas lalo pa 'yung humigpit ng magsalita sya ng pabulong. "Let's get out of here. Sa iba na lang tayo kumain."

At ayun nga. Naglakad kami palabas, nakatago pa din ang mukha ko sa dibdib nya. Rinig ko ang bilis ng tibok ng puso nya.

Ano kayang problema ng lalaking 'to?

"Good evening Sir, Ma'am!" may bumati saamin. Guard ata sa panibagong fast food chain na kakainan namin? Hindi ko kasi makita ang paligid dahil nakatago pa din ang mukha ko sa dibdib nya >///<

"sh*t" mahina nyang mura. "Sa iba na lang tayo kumain." dagdag nya in a pissed tone. Natakot tuloy ako at hindi na pumalag kahit pa pagod na akong maglakad.

Nakailang ganun kami. Papasok sa foodchain, tapos lilipat ng ibang makakainan! Nasusuffocate na nga ako sa tindi ng pagkakasubsob ko sa dibdib nya! Pero in fairness mabango sya. Sosyal nga e, alam ko kasi ang amoy na 'yun! Lacoste 'yun e! Ganun kasi ang perfume na inirigalo ko noon sa Manager ko. So...mayaman pala sya? Pero nagpapalibre sakin? Ano kaya 'yun? Kuripot much?!

Nung napuntahan na yata namin lahat ng pwedeng kainan, pinakawalan na nya ako. SA WAKAS! Isinandal nya ako sa wall habang ang dalawang kamay nya ay nasa may balikat ko at naka-lean sa wall.

Nakatungo sya kaya hindi ko maaninag ang reaksyon ng mukha nya, maliban sa noo nyang tila nakakunot.

"Aish! Sorry ah?" Sabi nya sabay gulo sa buhok nya. Ok. He is pissed while saying sorry. Kaya kahit naiinis rin ako sa pinaggagawa namin, tumahimik na lang ako. Parang mas lumala rin kasi yung black aura sa paligid nya. Katakot kaya!

"S-so pano na ang d-dinner?" nahihiya-slash-nangangatal sa kaba kong tanong. Bigla tuloy nag-dart pabalik sakin ang mga mata nyang parang walang sigla.

Bigla akong nakaramdam ng takot sa pagkakatitig sa mga mata nyang kulay itim na parang walang buhay.

Nahalata siguro nya ang takot na nararamdaman ko, kaya lumayo sya ng konti. At saka pinakalma ang sarili bago muling lumapit sakin.

Mapusyaw na ang kulay ng mga mata nya ng bumalik sya sa aking harapan. "Sorry. At uhm Miss...ano nga palang pangalan mo?"

"Ahm...uhm..."

Lagooot. I can't tell him my real name! pero...ayoko din namang magsinungaling sa kanya pagkatapos nyang sagipin ang buhay ko kanina.

"Ok. You don't want to tell your name to a stranger?"

"P-PANO MO....?"

"Nabasa ang nasa isip mo?" Tumawa sya bigla. "I just caught you. Halata kasi sa reaksyon mo. So ayaw mo ngang sabihin ang pangalan mo sa akin?" Nakatitig sya saakin kaya mas lalong umurong ang dila ko!

"Fine. Then. I'll just call you...

Melchora." Naka-smirk nyang sabi. Na-ubo ako ng marinig ko 'yun! This guy is so unbelievable! AKO MELCHORA?!

"Mukha ba akong matandang bayani?!" naiirita kong tanong.

"Not really. Ang ganda mo nga e. Kaso 'yun ang unang pumasok na pangalan sa utak ko." he said na parang wala lang sa kanya na sinabihan nya akong maganda.

Pero nag-blush pa din ako dahil sa komento nyang 'yun. Matagal na kasi noong huling may nagsabi na maganda ako. Syempre noon sa showbiz, may mga fans ako na pumupuri saakin.

Nahalata nya yata na namula ako kaya mas lalong lumapad ang ngiti ng lalaking 'to!

"S-Sulli."

I gasped. Omo! Bat ko sinabi sa kanya ang tunay kong pangalan?!

"Sulli?" He asked with matching taas ng kilay.

Tumungo ako at kinagat ang labi ko wishing na sana hindi nya ako makilala.

"Sulli. May pangalan palang ganun? It's just so unique." Inilagay nya ang daliri nya sa baba ko at itinaas ang mukha ko para magtama ang mga mata namin. "Nice to meet you, Sulli." nakapang-aakit nyang sabi.

I gasped again. What did I say? Nakapang-aakit?! Eeewww that is so not me!

*kriiiiiing*

Both of us bolted. Nagkatitigan pa tuloy kami! At palapit ng palapit ang mukha nya sa mukha ko!!!

*KRIIIIIING!!!!!!*

Kumunot ang noo nya at inilayo na ang mukha nya sa akin. Badtrip nyang kinuha ang cellphone nya mula sa kanyang bulsa.

Nung makita nya ang caller, bumilog ang singkit nyang mata. Tumingin sya sa akin at saka tumingin ulit sa cellphone nya.

"Girlfriend mo? Sige sagutin mo muna." Sabi ko na nagpangiti sa kanya.

Sa gwapong 'yan?! I'm 100% sure na may girlfriend yan! Baka nga hindi lang isa e! Baka kada kanto meron 'yang girlfriend.

Tumungo na lang ulit ako kasi...ang uncomfortable. Pano kung malaman ng girlfriend nya na may kasama syang ibang babae(who is no other than me?!) Baka mag-away pa sila! Ayoko na ng magulong buhay!

Rule 25: Don't start fights.

Pero hindi nya sinagot yung phone nya. Instead, "Cellphone mo?" demand nya sa akin. Baka nalowbat na sya? So iniabot ko kagad sa kanya ang phone ko na walang tanong-tanong naman nyang kinuha.

*click*click*click*click*

Iniabot nya ulit 'yun sakin. Bakit nakitext lang ata sya? "May load pa naman ako, pwede mo syang tawagan." I offered my phone back to him.

Kumunot ulit ang noo nya bago sya tumawa ng mahina. "Pfft. May load din ako, Miss. Ah. Sulli nga pala."

Edi sya na nga ang ma-load.

Hinagod nya ang batok nya tsaka huminga ng malalim. "Hmn, It's just...ah, right. Sorry, something came up. Kelangan ko nang umalis. I saved my number on your phone, and I already got yours. So, next time mo na lang ako i-treat? Or...ipagluto mo na lang siguro ako? and I'm Allen. Ok? Don't forget my name. Hanggang sa muli, Sulli." He beamed a smile and before I knew it, nakaalis na sya.

I hastily checked my phone. Nagmiss call pala sya sa phone nya kaya hiniram nya ang phone ko. Nakasave na nga din ang number nya dito. Allen (treat me!) ang name na naka-save.

I frowned. Hindi tama na patuloy akong makipagugnayan sa kanya.

Rule 3: I should not be part of other people's life.

Without hesitation, I removed my sim card and threw it away.

"I'm sorry Allen."

LEN'S POV

Itinapon ko ang polo ko para nakasimpleng tshirt na lang ako pagpunta ko sa hideout namin.

Makakatikim yang si Jin sakin kapag hindi importante ang itinawag nya sakin. Letse naman kasi! Pagkakataon ko nang makausap 'yung babaeng weirdo e!

Pagkadating ko, bakit walang tao sa hideout namin?! Sinabi nang bawal iwan ng walang tao tong hideout e! Parurusahan ko ang mga 'yun pag nakita ko!

*pok*

-___- may mga basurang makukulay na bumaba mula sa itaas.

"HAPPY BIRTHDAY BOSS!!" sigaw nila. Agad rin akong inakbayan ng mongoloid kong kanang-kamay.

"Na-surprise ka ba Boss? Feel free to cry! Hahaha!"

"Psh." tinanggal ko ang akbay nya at saka naupo sa aking trono sa pinakasulok ng lungga namin.

Birthday ko pala? Tae! Nakalimutan ko e!

Kaya siguro dinelay nila Chino at Gavin ang pagsasabi sakin ng info about dun sa babae para kunwari birthday gift nila. Mga kuripot talaga.

Napa-face palm ako ng maisip na baka kaya umuwi sila Kuya Leo at Chloe sa Pilipinas dahil rin sa birthday ko. Malamang may social gathering na naman silang inihanda para sa akin! Anak ng tokwa! Mas napapagod pa ako sa pag-attend ng ganun kesa sa pakikipag-basag ulo e! Puro kaplastikan lang naman kasi ang nangyayari sa mga event na ganun. Haaaay. That's the difference between gangsters and socialites. Ang mga gangster totoong tao, samantalang sa nasa high society, pagalingan sumipsip sa mga makapangyarihang tao.

Nakakainis naman. Mukhang walang nangyaring tama ngayong araw!

Letse naman kasi kanina! Bat kasi sa Mandaluyong pa ng babaeng 'yun naisipan tumira? Hindi ko kasi balwarte ang Mandaluyong. At sa bawat kainan na pinasukan namin, may mga Demon Saints gansters akong nakita. Pati nga 'yung gustong mang-rape sa isang weirdong tulad nya e kabilang din sa grupong 'yun! Kapag nalaman nilang ako, si Lenard Manalo--the Ruthless Boss of King-Cross, ang nanggulpi sa kanila, magkakaroon ng riot sa pagitan ng dalawang grupo at maraming buhay na naman ang masasayang!

Napatayo ako ng maisip iyon.

Hindi pa man lumilipas ang pagluluksa sa kamatayan ni Mark Gonzales, baka dumanak na naman ang dugo!

Letse! ALLEN SONG! Ano bang problema mo?! Dahil sa pagliligtas mo sa babaeng weirdo na 'yun baka dumanak na naman ang dugo ng grupong pinoprotektahan mo?!

Ano bang pumasok sa isip ko at iniligtas ko sya?! Mamatay na rin naman sya e!

Wala naman talaga akong balak na sagipin sya kanina. Pero...nung makita ko syang hinahawakan ng gagong 'yun kanina at umiiyak dahil sa sobrang takot, hindi na ako nakapagpigil na manood na lang.

Kainis.

Ang mas lintik into! Kahit nailigtas ko na sya, hindi ko matanggal ang kaba sa dibdib ko. Dahil Demon Saints gang ang pinag-uusapan dito. Hindi imposibleng hanapin sya ng mga 'yun para gantihan. Hindi ko na gustong isipin ang napakadaming posibilidad na masamang gawin nila sa walang kalaban-laban na babaeng 'yun!

"May hinihintay kang tawag Boss?" Seryosong tanong ni Jin na nagpakunot ng noo ko. "Kanina mo pa tinititigan yang cellphone mo Boss e." nakangisi na naman sya ng nakakaloko.

Hindi ko pansin na oo nga, kanina ko pa pinagmamasdan ang cellphone ko. Nag-aabang ng text o tawag mula sa babaeng 'yon. O mula sa isang gang na naghahamon para bawiin ko ang babaeng 'yun! Tang*na naman! ANO BANG KATANGAHAN ANG NANGYAYARI SAKIN?!

"Lenard, birthday na birthday mo nagluluksa yang itsura mo." inabutan ako ng beer ni Jin. Pero hindi ko 'yun tinanggap.

"Still living a healthy lifestyle, Boss? Mag-chillax ka naman kahit minsan." Hindi kasi ako umiinom ng alak kapag ako si Lenard Manalo. Mahirap na, dapat lagi akong alisto kapag nasa katauhan ako ng isang gangster.

Napaupo ulit ako sa aking trono at isinandal ang aking ulo.

Ginulo ko ang buhok kong gulo-gulo na talaga. "Jin, sa tingin ko...nakita ko na ang sagot sa bangungot na dala ni Jason."

Nanlaki ang mata nya. "Pero...hindi ko sigurado." Pagbubuntong hininga ko.

Tinapik nya ang balikat ko, "Walang masamang sumubok, Len. Kaya anong pinoproblema mo?"

"Dahil isa syang babae."

napa-face palm na naman ako. Bakit ko ba 'to sinasabi sa ugok na ito?! Asar lang aabutin ko sa kolokoy na 'to e! Nyemas!

"BABAE, LENARD?" Inaalog pa nya ang balikat ko. I knew it! Basta babae, sinusumpong ito ng mental disorder nya!

"YOOoHOoO King-Crossers! Let's cheer! This is official! May chikka babe na si Boss!"

Samut-saring nakaiiritang cheer ang narinig ko mula sa muntanga kong kagrupo.

"Siraulo ka talaga Jin Bartolome Almendras." walang gana kong sita sa kanya. Nakakasawa nang magalit sa hung-hang na lalaking ito. Wala naman kasing epekto. -___-

"HAHA! Hindi mo na kailangang ipaalala Boss!"

Inubos nya ang 2 beer na hawak nya. Bago nya ako muling kinausap.

"Hindi ko na naman siguro kailangang ipaalala sayo na delikado ang buhay nya kapag nalaman ng ibang gang na sya ang babae mo, di ba?"

"TSK" Nagulat ako sa reaksyon ko. Nasipa ko kasi ang mesa sa harapan ko.

Ok. Kalma lang Allen. Kalma. Isa kang Ruthless Boss. Walang kahinaan. Walang kinatatakutan.

"H-i-n-d-i k-o s-y-a b-a-b-a-e, Jin. Sa tingin ko lang ay nasa kanya ang sagot na tatlong taon ko nang hinahanap." Paglilinaw ko. I don't want him to confuse that I have affection towards that weirdo.

"Sure. Sure. Hindi mo sya babae. Pero hindi naman alam ng ibang grupo na iyon lang ang dahilan sa paglapit mo sa babaeng 'yun, Lenard. Delikado pa rin. Ipagpaubaya mo na sya sakin, Boss. Ako na ang bahalang magbantay sa kanya."

Hindi ko alam kung bat bigla akong nawala sa katwiran. ning bumalik ako sa katinuan, higit-higit ko na ang collar ni Jin at nakaambang susuntukin ko sya gamit ang aking kamao.

Natigil ang kasiyahan at nabaling ang atensyon sa amin ni Jin. Ako man nabigla sa ginawa ko.

"Chill lang, Len." taas kamay na nakasuko nyang sabi. Agad kong binitawan ang collar nya.

Ano bang nangyayari sakin?! The thought of Jin looking out for her, just made me like that! Paano pa kaya kapag mabalitaan kong dinukot na si Sulli ng mga kaaway ko?! Baka may mapatay na talaga ako?

SH*T! Ganito ba ako kadesperado na matapos na ang gabi-gabi kong bangungot dahil kay Jason? Pano kung hindi naman si Sulli ang sagot na hinahanap ko?

*kriiiing* napalundag ang puso ko sa kaba.

*KRIIIIIING!!!*

Wag nyong sabihing...

"Len, nagriring ang phone mo." paalala ni Jin. Tinitigan ko pa sya bago ako natauhan na sagutin na ang tawag na iyon.

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang boses ni Kuya Leo mula sa kabilang linya. Pinauuwi na nya ako sa mansion, para sa inihanda nilang birthday party ko.

Umalis ako sa hideout ng tahimik. Sumunod pala sa akin si Jin hanggang sa labas. "Lenard, alam kong malakas ka at kaya mong protektahan sya. Pero nandito lang kaming King-Cross handang tumulong. Sabi mo nga, walang iwanan di ba? Ang isang tunay na kaibigan, hindi marunong mang-iwan."

Tumango na lang ako. "Salamat Jin."

"No problem, Boss." yumuko sya na parang 'yung butler ko. At saka bumalik papasok ng hideout.

Naiwan akong nakatayo doon at nakangiting pinapanood syang maglakad.

You're always giving out hints, Jin. Kelan mo ba sasabihin sakin ang totoo?

JIN'S POV

(Flashback 3 years ago)

"Agent Schweitzer. May ipagagawa ako sa'yo." agad akong yumuko bilang paggalang.

"Anything you want, Master."

Ngumiti sya na nagpabata sa kanyang itsura.

May iniabot syang folder na naglalaman ng litrato at profile ng isang tao.

"What is my task, Master?"

"Ikaw na ang bahala sa kanya, Jin." nakangiti nyang sagot.

Agad kong naintindihan ang gusto nyang gawin ko. Pinag-aralan ko ang kilos at pamumuhay ng subject ng misyon ko, bago ako humarap sa kanya at kinuha ang kanyang tiwala.

------

JIN'S PHOTO on the right! He is Kim Hyun-il (Ray) of C-Clown

a/n: may secret identity si Jin! Sino kaya ang Master nya? At ano kaya ang task na iyon? "Ikaw na ang bahala sa kanya." Is it good or is it not?

Next chapter: We Meet Again

TW:4-26/27-13 P4-28-13 E:9-22-13 E:2-4-14

Continue Reading

You'll Also Like

745K 26.5K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
198K 3.7K 21
Dice and Madisson