STASG (Rewritten)

faithrufo tarafından

499K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... Daha Fazla

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata LVI

4.7K 182 45
faithrufo tarafından


"Her smile was my favorite part about her. Sometimes I would say stupid things just to see it. I swear, the entire fucking room lit up. I know that sounds like cheesy bullshit, but you realize all that cheesy bullshit is true when you actually fall hard for a girl."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Sunday ngayon at nasa may kwarto lang ako, tinatapos 'yung assigment na kailangan na ipasa bukas. Nasa bahay lang ako buong araw at wala nanaman ako sa mood na kausapin ang kahit sino sa mga kaibigan ko. Pinabayaan ko lang na ma-lowbat 'yung phone ko kaninang tanghali at hanggang ngayon ay hindi parin ako nag c-charge.

"Adrian," rinig kong tawag ng pinsan kong si Von mula sa labas ng kwarto ko. "May bisita ka!"

Nangunot ang noo ko. "Sino?" tanong ko habang dahan dahang bumabangon. Hindi tumatahol si Whitey kaya imposibleng si Asher ang nasa labas.

Binuksan ko 'yung pinto at nakita si Von doon na nagkakamot ng sentido niya. "Hindi ko kilala e. Basta tropa mo na maputi."

"Maputi?" kunot noo na tanong ko bago ko siya lagpasan para makapunta sa may sala. Sumilip ako sa may bintana at mas naguluhan nang makita ko si Jared na naka upo sa may labas ng gate. 'Yung kamay niya naka shoot sa gate para mahawak hawakan niya si Whitey. Tinignan ko ng masama 'yung pinsan ko, "Ba't 'di mo pinapasok?"

"Malay ko ba kung bati kayo nyan o ano? Mamaya papasukin ko ta's gusto mo pala na sapakin ko."

Inirapan ko 'yung pinsan kong ugok bago ako ag martsa palabas ng bahay. "Huy," sabi ko nang alam kong maririnig na ako ng kaibigan kong nasa labas. "Anong ginagawa mo dyan?" Lumapit ako sa may gate at binuksan 'to para sakanya. Tumayo na si Jared at pinagpagan 'yung pwetan niya dahil nadumihan 'to. "Umupo upo ka dyan e tumatae minsan 'yung aso ng kapitbahay jan."

Namilog ang mga mata ni Jared at namula ang kanyang mga pisngi bago niya mabilis na tinignan 'yung pinag upuan niya. "Wala naman e..." rinig kong sabi niya bago niya ulit ako tignan. Hindi ako nagsalita at matagal tagal din kaming nag tinginan. Itinaas niya 'yung isang kamay niya at hinimas 'yung batok niya. "Uhm.. Hi."

Napangiti ako, "Hello," bati ko pabalik para lang sakyan siya. Hinila ko pabukas 'yung gate para makapasok. "Lika, pasok ka."

Kami lang ni Von ang tao sa bahay ngayon dahil pinuntahan ni Ate Sky at Tita si Mama sa Maynila. Sasama nga sana ako kung wala lang pasok bukas. Nag-retreat na si Von sa kwarto ni Tita, rinig na rinig sa sala ang korni niyang patugtog tungkol sa mga gangster sa kalye. Bigla akong nahiya sa itsura ng bahay namin. Makalat. May t-shirt pa na marumi sa may couch tapos may mga buhok buhok 'yung sahig.

"Pasensya na makalat ah?" sabi ko kay Jared habang nagdadamot ng kung anong bagay na wala naman dapat sa sala. "VON! 'YUNG JENGA MO NGA LIGPITIN MO DITO!" Dinampot ko 'yung maliliit na bloke na nakakalat at halos ibato na 'to kay Von nang lumabas siya ng kwarto.

"Ay," ang sabi niya lamang bago nagsimulang mag ligpit. Nakita kong napatingin siya kay Jared. "P're," bati niya dito. Hindi ko na tinignan kung paano siya binati pabalik ni Von. Pagkatapos na pagkatapos magligpit, itinulak ko na 'yung pinsan ko paalis.

"Bakit ka ba naglilinis?" tanong ni Jared. "Ayan ba ginagawa mo before I came? Or you're just doing that because i'm here?"

"Malamang," sagot ko sakanya bago ibagsak 'yung sarili ko sa tabi niya sa may couch. "Yung pangalawa. Nakakahiya kaya, alam ko namang 'di ka sanay sa ganito."

Sumimangot siya, "Saan?"

"Sa ganito," iginesture ko 'yung mga kamay ko sa bahay namin. "Makalat, maliit." Sinipa ko 'yung hibla ng buhok na natapakan ko papunta sa ilalim ng couch. "Marumi."

"Is that what you think?" tanong niya bago siya tumawa. "You should see the house I grew up in."

"Huh?"

"Ano tingin mo sakin? Rich kid?"

Halos mahulog 'yung panga ko, "Bulag ka chong? Kita mo 'yung mansion niyo? Saan ka ba lumaki? England, America. Hindi ba rich kid ang tawag doon?"

Bumuntong hininga siya, "It's really not all black and white. But that's a story for another time."

 "Well, okay. Ano pala ipinunta mo? Sasabihin mo ba sakin na ikaw si spiderman? O gusto mo lang talaga akong makita?"

"Abigail broke up with me."

• • • • • • • • • •

Nanginginig si Beatrice sa galit kinaumagahan. Nasa pila kami para sa flag ceremony at paulit ulit niyang sinasabi na mananapak siya. "Pigilan mo ako bes," sabi niya sakin. "Pigilan mo ako."

"Ok."

"Pigilan mo ako."

"Pa'no?"

"Basta pigilan mo ako."

"Ako na," lumitaw si Henry sa likuran ni Tris at mabilis niya 'tong hinead-lock. "Ganito ba?"

"Aray, aray 'yung ugat ko! Anak ng tilapia!" Binitawan ni Henry si Tris na agad siyang inatake nang makawala na siya. "Ang sakit naman nun!" Sinapok niya 'to.

"Sabi mo pigilan ka."

"Ikaw na ba si Adrianna ngayon?"

Napahalukipkip ako habang pinapanood si Henry at Tris mag sagutan. Natutuwa ako na nagka ayos na sila at hindi na awkward pero ibig sabihin nun ay maingay na ulit ang grupo dahil sa sagutan ng dalawang 'to.

Tumayo si Ethel sa tabi ko, "Anong sabi ni Asher?" Tanong niya. "Tungkol kay Gail at Jared."

Bumalik ang simangot ko sa pagka banggit ng pangalan ng babaeng 'yon. "Wala naman, sabi niya lang expected niya na." Tinignan ko si Ethel. "Ganyan daw talaga si Gail, tignan mo nga siya oh, ang sarap sapakin." Parehas naming tinignan si Abigail na nakikipag tawanan lang sa mga kaibigan niya na para bang walang nangyari.

"Hindi pa naman pala siya handa maki pag relasyon, pinaasa niya pa si Jared."

Agad siyang hinanap ng mga mata ko at nakita sa may dulo ng pila ng mga lalaki, nakikipag usap kay Angelo. Para bang na-sense niya na nakatingin ako, agad siyang lumingon sa direksyon ko at nag tama ang mga mata namin. Ngumiti siya at nakita ko nanaman ang paboritong dimple ko.

Ibinalik ko atensyon ko kay Ethel, "Mukha namang okay na siya."

"Alam mo naman 'yan si Jared, pala ngiti naman 'yan kahit nasasaktan na."

"Ano meron?" hinihingal na tanong ni Kei na kadarating lang.

"Break na si Jared at Abigail," sagot ko.

Napa awang ang bibig ni Kei, "Bakit daw?"

Nagkibit balikat ako, "Hindi pa daw handa si Gail maki pag relasyon."

Sumama ang ekspresyon ni Kei, "Eh gago pala siya e."

"Nakaka gigil noh?" sabi ni Ethel.

Huminga akong malalim, "Naku, kung 'di lang ako pinag sabihan ni Asher nung kinwento ko sakanya 'yung nangyari, sinugod ko na 'yang babaeng 'yan."

"Ano ba sabi ni Asher?" tanong nila.

Sumimangot ako, "Na pabayaan ko nalang daw. Maski nung sabado, nakita ko sila nag aaway sa harbor point. Pinigilan din ako ni Asher kahit gusto kong murder-in si Gail doon kasi sinasaktan niya si Jared."

"Ano? Sinong nanakit?!" sigaw ni Tris habang itinataas 'yung sleeves ng uniform niya.

"Oh 'yung ilong mo lumalaki lalo," kumento ni Henry na nakatayo sa likod niya kaya naman sinabunutan niya 'to.

"Ano ba, away kayo ng away." Inis na sabi ni Ethel sakanila. "Asan na ba si Kris?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mabanggit ang pangalan ng taong tinataguan ko. Baka mamaya ay maalala niya pang may itatanong siya sakin.

"Anyway," pagbalik ni Kei sa topic kaya naman nakahinga ako ng maluwag. "Sigurado naman na hindi din matutuwa si Jared kapag inaway natin si Gail."

"Ayun pa," pag sang-ayon ko. "Mahihiya si Nathaniel sa kabaitan ng puso nun."

"Ba't ganyan si Jared, noh?" tanong ni Henry at ako lang ang nanahimik dahil alam ko.

Pasikreto akong napa ngiti dahil sa tanong na 'yan, na-realize kong ako palang sa aming magkakaibigan ang nakakakilala kay Jared ng lubos.

• • • • • • • • • •

"Gusto mo na ba umuwi oh okay lang sa'yo na dumaan muna sa shop?" tanong saakin ni Asher pagka uwian.

"Okay lang naman, daan muna tayo."

Tumango si Asher at nginitian ako bago niya kinuha 'yung kamay ko at pinag intertwine ang mga daliri namin. As usual, naka tambay sa may labas ng shop si Ralex. Naka uniform pa siya pang college at 'yung panyo niya ay naka sabit sa may balikat niya. Nasa shop na rin si James at Enrico, si Troy panigurado ay nasa may cheeseburger-an na, ang bago niyang raket.

"Pasindi nga," rinig kong sabi ni Asher. Walang sabi sabi ay kinuha ko 'yung sigarilyo niya sakanya at binali bago ko siya binigyan ng isang pilit na ngiti at dumiretso sa loob ng shop.

As usual, madilim sa loob at ang natatanging ilaw lang ay 'yung mga galing sa monitor. Nasa may counter si Hero at nginitian niya ako nang makita niya ako. "Mag co-computer ka?" tanong niya.

"Hindi," sagot ko bago nangalumbaba. "Nakakamiss makita 'yung gwapong mukha ni Kiko jan sa counter."

"Mas gwapo naman ako dun," aniya. "Tignan mo mukha ko oh." Tumango tango ako at sabay kaming napatawa. "Miss ko na nga din 'yun," pag amin niya. "Bihira na tuloy ako makalabas. Wala ng bantay dito."

"Ako palit sa'yo ngayon gusto mo?" Pag-offer ko. "Andoon sila Asher sa labas."

"Talaga?" tanong niya pero nakatayo na siya. "Sige, upo ka lang dito oh ta's tawagin mo lang ako kapag may problema."

"Bayad na ba sila?" itinuro ko 'yung mga customer niya. "Ano gagawin kapag tapos na time nila?"

"Wala, okay na 'yun. Basta eto 'wag mo pindutin. Ta's eto." Itinuro sakin ni Hero 'yung mga importante bago siya lumabas ng shop.

Agad akong nag-online pag alis niya. Hindi na din kasi ako masyado maka pag net kapag nasa bahay dahil palaging pinapatay ni Ate Sky 'yung wifi. Nag log-in ako sa facebook, twitter sabay instagram kung saan may mga ilan akong follower request.

HannahEncio wants to follow you

Napatitig ako doon sa huling tao. Kilala ko 'tong babaeng 'to. Bakit niya ako finollow? Binuksan ko 'yung account niya at nakitang puno lang naman 'to ng pictures niya sa photoshoot niya or mga night out niya tsaka mga selfie. Agad na bumaba ang self-esteem ko dahil sa ganda niya. May picture pa nga siya ni Kiko, "I'm gonna miss you O'Connor!" pa ang caption dito tapos may kiss emoji. Tinignan ko ang iba pang picture niya at bumalik nanaman ang pagka inggit ko sa buhay at itsura niya hanggang sa narating ko na 'yung dulo ng feed niya.

Hay, napaka stalker mo talaga Adrianna.

Bumalik ako sa taas ng account niya at in-accept 'yung follow request niya at finollowback na din siya. Kung alam ko lang na ire-regret ko din pala 'to someday...

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

29.5K 402 139
[COMPLETED] Tourism student Mesha Austria almost flunked her grades after a devastating break-up with her ex, so she asked for the help of her indiff...
5.9K 896 64
Nickelle Atienza and Chester Sy have been best friends since they were kids. Chester is the average boy best friend, who is overly protective of Elle...
850K 19.7K 33
Twenty one year old, Patricia is desprate to be pregnant. Kaya kinunchaba nito ang Kaibigan na may ari ng Clinic na iyon. Nag buntis siya at ipinanga...
381K 11.1K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...