Say You Love Me

By dizzy-gurl

6.5K 162 96

The Irony: Dash has been chasing her first love of 5 years, Chase Conrad Villegas. Ginagawa niya ang lahat ma... More

Say You Love Me
CHAPTER 1: High School Love
CHAPTER 2: Hello Mahal, I Exist!
CHAPTER 3: Hindi Ako Stalker!
CHAPTER 4: #OplanMakeChaseFallInloveWithMe
CHAPTER 5: Contract Signing
CHAPTER 6: Servant Duties
CHAPTER 7: Meeting Kyle
CHAPTER 8: Size Doesn't Matter!
CHAPTER 9: Failed Stalker!
CHAPTER 10: 1-on-1 with the (Future) Brother-in-Law
CHAPTER 11: My Ideal Guy
CHAPTER 13: Ai - "Love"
CHAPTER 14: Someday
CHAPTER 15: Emotions
CHAPTER 16: Unanswered Questions
CHAPTER 17: Kuya Headphones
CHAPTER 18: Gayuma
CHAPTER 19: Amazed
CHAPTER 20: Make Him Jealous
CHAPTER 21: Effort
CHAPTER 22: Best-est Day
CHAPTER 23: Cynical
CHAPTER 24: Ruckus
CHAPTER 25: One Time Big Time

CHAPTER 12: Dash's Male Version

229 4 16
By dizzy-gurl

/===== START OF TEXT =====/
Rise and shine, Chasie my love so sweet. I love you everyday!
/===== END OF TEXT =====/

Chiiii~ As usual hindi na naman siya nag-reply sa text ko. Pero okay lang, sanay na naman din kasi ako *cries internally*

Anak ng patola! Pagtingin ko sa orasan, narealize kong male-late na ako sa first subject namin! Dali dali kong kinuha ang baon ko pati ang lunch na niluto ko para kay Chase. Kung mamalasin ka nga naman o. Halos liparin ko mula sa amin papunta sa school wag lang ako malate!

Bago pumunta sa first class ko, dumiretso muna ako sa classroom ni Chase para iabot sa kaniya yung lunch niya. Sa kasamaang palad, ayaw makisama ni Ted Hannah. Wala pa si Chase ng makarating ako sa classroom nila. Aww, akala ko pa naman makikita ko siya this morning. Buo na sana ang umaga ko. Sadness++

Ipinatong ko yung lunch box sa table niya at nagiwan na din ng note. Kung hindi lang super aga ng first class ko, hihintayin ko na sana siya eh. Ako pa mag-aabot ng baon niya ng personal. =_=

Wala talagang pakisama tong si Ted Hannah oh. I just wanna see my inspiration, you know?! *sobs*

Paalis na ako ng classroom nila ng nakasalubong ko yung isa nilang kaklase na laging may suot na malaking earphones. Grabe, ang aga naman niyang pumasok. Mamaya pa class nila eh. Nakatutok ito sa cellphone habang busy siyang nakikinig sa music kaya hindi niya namalayan na nandoon ako sa classroom nila.

Shoot, late na talaga ako! Waaaah!!!

"Na-gets mo ba yung tinuro ni Sir Lagdameo kanina, Dash?" tanong sa akin ni Daiki, classmate ko sa minor subject.

"Syempre ako pa!" I said with a big smile.

"Na-gets mo?! Ituro mo nga sakin tong equation na to!" nilagay niya yung notebook sa table ko at umupo sa tabi ko. Naka-ready na din ang mechanical pencil niya at calculator.

"Syempre hindi! Ano ka ba naman Daiki, akala ko ba close tayo? Dapat alam mong hindi ko din na-gets yung tinuro ni Sir Lagdameo!" natatawa kong sagot sa kaniya.

At dahil sa reply ko, nakatangap ako ng isang malupit na batok mula sa kaniya. "Sira ulo ka talaga Dash. Pinaasa mo ko!"

"Aray ko masakit yun ah! Hampas ko sayo tong gigantic scientific calculator ko eh!" kinuha ko yung scientific calculator at akmang ipapalo ko na sa kaniya ng bigla kong marinig ang phone kong nagring. "Hep! Time first! Sasagutin ko lang yung call ko. Stay put Daiki!"

Magsasalita pa lang ako sa kabilang linya ng bigla kong narinig ang matinis na boses ng best friend ko. "Tiffy!!! Ang tagal mo naman gutom na ako! Bilisan mo! Nandito na ako sa pav tapat ng building niyo. Bumaba ka na, no ifs no buts! Bye!"

Hindi pa ako nakakapagsalita ng bigla niyang binaba yung phone. Jeebus. Excited talaga kumain yung kaibigan kong yun.

"Oi, pasalamat ka at tumawag yung best friend ko. Anyway, bababa na ako at mukhang mamamatay na sa gutom yung best friend ko." ang sabi ko kay Daiki na busy pa din hanggang ngayon sa pagpipindot ng calculator niya.

Madali kong shinoot yung mga nagkalat kong gamit sa bag ko. Ayaw pa naman sa lahat ni Mischa ay yung pinaghihintay siya ng matagal.

"Sabay na ako sayo bababa." humihimas pa ito ng tyan habang naglalakad palapit sa akin.

"Patay gutom ka talaga Daiki =_=" ang nasabi ko na lang sa kaniya.

Pagkababa ay naabutan namin ang nakasimangot na si Mischa. Nyay! Patay! Nakapameywang pa ito habang hinihintay niya kami makalapit sa kaniya. Oo, mainit ang ulo niya. Shet na po!

Muntikan ka na ngang ma-late sa first class, hindi mo pa nakikita si Chase, nabatukan ng makapal na notebook, tapos ito naman ngayon ang best friend ko na mainit ang ulo sa akin. Kung hindi ka nga naman talaga minamalas oh.

Hindi ko na hinintay na magsalita si Msicha. Mahirap na dahil once na nagsalita siya, wala na itong tigil (tulad ng sa phone call kanina). "Sorry Mischa! Nag-extend kasi ng 15minutes yung prof namin kanina!! Di na mauulit!" Nag-bow pa ako sa harap niya para naman masabi niyang sincere talaga yung sorry ko.

"Hmp, forgiven. Sa isang condition," sabi nito habang nakataas pa ang kanang kilay niya. "Bibigyan mo ko ng share ng baon mo!"

Ah, I knew it. Pagkain lang ang solusyon para mapakalma ko na ulit ang kaibigan ko.

"Oo naman! May extra akong cookies dito."

"Yehey!"

See, good mood na ulit ang gutom kong kaibigan. Kung pagkain lang ang solusyon sa mga problema, edi sana ay wala ng war sa mundo.

"Ehem," lumapit sakin si Daiki at bumulong sa tenga ko. "Baka gusto mo kong pakilala nang di ako ma-OP dito?"

"Akala ko ba sasabay ka lang sakin bumaba? Nandito ka pa pala." walang buhay kong sagot sa kaibigan ko.

"Biglang nag-iba ang ihip ng hangin eh. Gusto ko na sumabay sa inyo kumain. Pakilala mo na ako!" panay pa ang kalabit nito sakin. Ang kulit!

Umupo ako sa tabi ni Mischa at sumunod naman sa akin si Daiki. "Mischa, papakilala ko pala sayo yung friend ko. Mischa, this is Daiki."

Ang laki ng mga ngiti ni Daiki habang nagpapakilala ito kay Mischa. "Hi Mischa! I'm Daiki del Valle. Blockmate ako ni Dash and madalas ka niyang naikekwento sa akin hehehe. Nice to meet you. Let's be friends!" hindi pa din nawawala ang ngiti sa labi ni Daiki matapos itong magpakilala sa maganda kong bestfriend. Nag-offer si Daiki ng handshake kay Mischa, ngunit tinignan lamang siya ni Mischa at nagpatuloy na ulit sa pagkain.

"Yeah, nice to meet you too." walang buhay na sagot ni Mischa kay Daiki.

Napakamot na lang ng ulo si Daiki dahil sa nangyari. Weird ni Mischa dahil normally, friendly naman siyang tao. Pero ang taray ng pakikitungo niya kay Daiki, samantalang first time lang naman nilang magkita.

Buong lunch break, puro boses lang ni Daiki ang naririnig namin. Sobrang daldal niya at ang dami din niyang mga kwento. Natatawa na lang ako sa mga kwento niya, pero si Mischa parang iritable pa din. Ni hindi nga din niya pinapansin si Daiki kahit todo papansin na ito sa bestfriend ko.

Habang nasa gitna ng pagkekwento ni Daiki, bigla akong tinapik ni Mischa sa balikat ko, "Tiffy, diba si Chase yun?"

Tinuro niya sakin ang direksyon kung saan niya nakita si Chase. Shoot, si Chase nga at kasama niya sina Art at Joshua!

"Chasie!!!" agad kong sinigaw ang pangalan niya pagkakita ko sa kaniya.

Nakita kong kinalabit siya ni Joshua at tinuro ang direksyon ko. Tumingin naman siya sa kinaroroonan ko, pero agad din niyang binawi ang tingin niya sa akin. Boo :<

"Tiffy, papunta sila dito!"

Pagkasabi nun ni Mischa ay agad akong nag-ayos ng sarili ko at nagpabango! Chineck ko sa salamin kung may tinga ako. Mahirap na at baka mailang siya sakin habang kausap niya ako. Ma-turn off pa siya sakin.

"Ui Ms. Chaser, mukhang masarap yung pagkain mo ah!" nakita kong nakaturo si Joshua sa lunchbox ko. "Nagutom tuloy ako lalo."

"Hindi pa ba kayo kumakain? Eto o, kuha kayo ng cookies ko," inabot ko sa kanila yung box ng cookies ko at isa-isa silang kumuha.. aside kay Chase. Boohoo. Ignoring again my cookies. *cries internally*

"Si Chase lang naman ang nakakain sa amin. Kinain niya na yung lunch box na dala mo. Nainggit nga buong klase sa kaniya eh, diba Art?" ang sabi ni Josh habang kumukuha ng cookies sa baunan ko.

"Oo nga nakakainggit talaga! Actually papunta pa lang kami ng canteen to buy our lunches," sagot ni Art habang ngumunguya pa ito ng cookies. "Grabe, wala pa din papatalo sa cookies mo, Cookie Girl! Ang sarap!"

"Thanks, Art!"

"Nako, hinay hinay lang at baka may love potion yang cookies na kinakain niyo kaya masarap. Bwahahaha!"

Guh, nawala sa isip ko na nandito pa pala si Daiki! Ughhh. Ang daldal at FC pa naman nitong si Daiki (actually kaya kami naging close kasi FC nga siya! Hehehehe).

"Kasama niyo yan?" nakita ko ang pagkairitable ni Art kay Daiki. Tinuro pa nga niya si Daiki na para bang ayaw niya itong lapitan. Halaaaa.

"Ah, sorry nakalimutan ko pakilala sa inyo yung mga kaibigan ko. Yung chiks na kumakain, siya ang bestfriend kong si Mischa. At siya naman si Daiki."

"Hi, nice meeting you three. Hindi na kayo kailangang ipakilala ni Tiffy dahil lagi niya kayong naikekwento sa akin." nakangiti si Mischa habang nakikipag-usap sa mga kaibigan ni Chase. Iba sa reaction nung pinakilala ko siya kay Daiki. Aww.

Biglang nagkaroon ng sigla sa mukha ni Art ng kausapin sila ng bestfriend ko. Akala mo parang hindi iritable kanina e.

"Hi Mischa! Hindi man lang naikwento sa amin ni Dash na may maganda siyang bestfriend. Nice meeting you ha?" nakipag-shake hands pa si Art kay Mischa sabay kinindatan niya. Landi lang!

"Ako naman si Joshua. Just call me 'Josh'" nakipag-shake hands din si Joshua kay Mischa. Nakangiti namang nakipag-hand shake si Mischa sa kanilang dalawa.

"Hi! Nice to meet--" biglang singit ni Daiki, pero agad naman siyang pinutol ni Art.

"Daiki right? Yeah, nice meeting you." bumalik na naman ang iritableng boses ni Art. Bakit ba ang sungit sungit niya ngayon? Nakakapanibago!

"Yo." neutral naman ang reaction ni Josh kay Daiki.

"So if you are Art, and you are Josh, I assume na yung lalaking kanina pa hindi umiimik ay si Chase. Tama ba?" walang muwang na tanong ni Daiki sa kanilang tatlo. Jusmiyo, ang daldal talaga!!!

Tinignan lang siya ni Chase. Halata sa kaniya ang pagkabagot at walang pakialam sa lalaking kaharap.

"Yup, siya si Chase. Hehe"

Umakbay sa akin si Daiki at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Aha! Kaya ka pala nagba-blush!" then he keeps poking on my face!! Hindi na niya ako tinantanan sa pang-aasar niya. Nakaka-dyahe dahil nasa harap pa namin sina Chase! >_<

"Daiki! Wag ka ngang magulo!" pinilit kong tinangal yung braso niyang naka-akbay sa akin pero may lahing ahas ata to eh. Grabe kung makapulupot, di ko siya malayo sa akin!

Hindi din niya tinantanan yung pisngi ko. Kung kanina namumula ako dahil kay Chase, ngayon, namumula na ito dahil sa kakapisil niya sa mukha ko! Nakaka-quota na talaga sakin tong si Daiki!!

"*coughs* Guys, we have to go. Kanina pa tayo hinihintay ni Queenie sa canteen. Baka magalit na sa atin yun,"

For the first time, narinig ko din sa wakas ang boses ni Chase. Cold, pero sobrang manly. Nakakakilig!

"Ay naku oo nga! Lagot na naman tayo nito kay Queenie. Hui Arthur, malakas ka doon diba? I-text mo na on the way na tayo!" biglang napakamot si Josh sa ulo niya. Ganun ba kalaki takot nila kay Queenie?

"Una na kami Dash ha? Bye Mischa, nice meeting you. See you soon, I hope. *winks*" at nagawa pang mam-breezy ni Art sa kaibigan ko. Tsk.

"See you later, Chasie~ Hahatiran kita ng masarap na baon ulit next time ha!" I gave him my sweetest smile... the smile that he chose to ignore. *cry me a river* *cries internally*

Aruy, ignored-zoned na naman ako sa kaniya. Mukhang nagmamadali na nga talaga siyang umalis dahil halata na sa expression niya ang pagkainip at irita eh.

"Bye guys! Nice meeting you!" ang sabi naman ni Daiki habang naka-smile itong kumakaway sa kanila.

Ayun, ignored. Hindi siya pinansin nung tatlo at tuloy tuloy lang sila sa paglalakad.

Umalis na sila ng hindi man lang nakapag-byebye sa akin si Chase. :(

Oh well, hindi naman dito magtatapos ang lahat eh. Hindi ako susuko. Balang araw makukuha ko din ang mga ngiti niya! At balang araw, ako na din ang magiging dahilan ng mga ngiti niya! Bigla ko tuloy naimagine na magka-HHWW kami ni Chase sa isang park habang nakangit kami sa isa't-isa. Kilig!! Hihihihi.

"O, nangingiti ka na naman jan mag-isa. Para kang baliw. Eww"

Sa isang iglap. Parang bulang biglang naglaho ang panaginip ko. Dahil sa boses na yun, bigla akong nagising sa katotohanan. At dahil din sa boses na yun, bigla ko naalala na may isang lalaking kanina pa kumo-quota sa akin.

"Daiki," I smiled.

"Yes, Dash?" he smiled.

"GO DIEEEEE!!!!"

Tinangal ko yung kamay niya na kanina pang naka-akbay sa akin at ipinulupot ito sa likod niya. Hindi niya magawang makaalis sa pagkakahawak ko sa kaniya dahil sa sobrang sakit ng pagkakapulupot ko sa kamay niya. Aba, yellow belter ata ito ng taekwondo! Nyahaha.

"ARAAAAY!!! MASAKIT DASH!!! TAMA NA PLEASE!!!" halos maiyak-iyak ang boses ni Daiki habang nagmamakaawa ito sa akin. "BITAW NA DASH SUKO NA AKO ARUYYYY!!!"

"Ano bestfriend? Bitawan ko na ba to?" tinanong ko si Mischa na ngayon ay nakangising nanonood sa amin.

"In one condition," nakangisi niyang sagot habang nakatingin ito kay Daiki.

"Ano yun? Ano yun? I'll do everything basta ikaw!" sabay kumindat pa ito kay Mischa. Aba! At nagawa pa niyang kumindat habang kahit nahihirapan na! Mas hinigpitan ko pa nga ang pagpipilipit ko sa kamay niya.

"Basta ba libre mo kami ni Tiffy ng Ice cream." Sagot ni Mischa.

"Oo ba! Yun lang pala eh!" pinilit ni Daiki na hindi mapiyok sa pagsasalita. Talaga namang nagpapa-impress siya sa kaibigan ko! Mas lalo ko pa hinigpitan yung paghawak ko sa kamay niya. "Araaay Daaaash!!!"

"For one week."

"Eh?! One week?!" gulat na tanong ni Daiki.

"Bakit? Mukha bang nagjojoke bestfriend ko? Mukhang ayaw mo yata kaming ilibre eh." Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakapulupot ko sa kamay niya. Grabe, kahit pa na mas malaking tao sa akin si Daiki, kayang kaya ko pala siyang pataubin. Ang lakas ko talaga woo!

"Oo na! Oo na sige na payag na ako! Awat na!!!" halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Daiki.

At dahil naawa na ako, pinakawalan ko na si Daiki. Bwahaha! Nakakatawa itsura niya kanina habang pinipilipit ko yung mga kamay niya. Siya eh. Kanina pa kasi niya ako binubully sa harap nina Chase. Gantihan lang!

"Ice cream?" Mischa flashed her sweetest smile at Daiki. At itong si Daiki, kung makangiti kay Mischa eh akala mo parang hindi nasaktan sa nangyari kanina. Ah, pag-ibig nga naman...

"Ice cream it is!" then there goes his pamatay smile.

Damn, lakas talaga ng tama nito sa kaibigan ko. Napailing na lang ako eh. Ewan ko lang kung napapansin ni Mischa yung mga pasimpleng damoves sa kaniya ni Daiki. But that smile he showed? Isa iyan sa mga pamatay smile ni Daiki that's making all the girls in our class getting gaga over him.

Kaya kami close ni Daiki dahil minsan nakikita ko ang sarili ko sa kaniya. You see, Daiki also have this unrequited feelings sa bestfriend ko. Masaya yan ngayon dahil after ilang months ng pangungulit niya sa akin, nakilala na din niya finally si Mischa. And like me, gagawin niya ang lahat para lang mapansin and mapasaya niya ni Mischa. Kahit pa na mag-mukhang tanga, ayos lang as long as mapansin lang ng crush niya.

Daiki's like my male version. Clingy na makulit, pero sweet! Cute pa. *winks*

[ CHASE's POV ]

"Dude, nakita mo kung paano kumapit yung Daiki na yun kay Dash?" kahit na kumakain, hindi pa din mapigilan ni Art ang mag-rant tungkol sa Daiki-person na yun. "Sobrang lapit niya kay Dash!"

"At kung makipag-usap sa atin, FC. Akala mo matagal na nating kakilala" kalmado namang sinabi ni Josh.

"Pero Bro, di ko pagkakailang ang ganda ng bestfriend ni Dash. Mischa diba?"

"Oo, Mischa nga! Ganda nga Pare. Crush ko na yata!"

"Mischa? Daiki? Who are they? Friends niyo?" biglang dumating si Queenie na may bitbit na tray ng pagkain. Umupo siya sa tabi ko at tumingin siya sa akin. "Sino sila?"

I just shrugged at her. Wala naman kasi akong pakialam sa pinaguusapan nila. I just want to eat. Pero ewan ko ba sa dalawang ito, mas pinili pa nilang pagusapan yung Daiki na yun kesa ang kumain.

Sumingit na din si Queenie sa usapan nung dalawa. "Josh! Sino ba yang pinaguusapan niyo? Care to explain?"

"Well, Mischa is Dash's super beautiful and sexy bestfriend," sagot ni Josh sa katanungan ni Queenie.

"And Daiki?"

"Well Daiki is Dash's one hell of annoying friend. Ugh, naalala ko na naman siya. Naiirita na naman ako!" iritableng sagot ni Arthur.

Well, who cares.

"Bakit ba asar na asar ka kay Daiki? Aside sa FC siya which is yeah, kind of annoying, wala naman siyang ibang ginawang masama sayo." tanong ni Josh kay Arthur.

"Well, I hate the way he touches our friend. Hindi mo ba nakita kung paano siya maka-akbay, makadikit ang katawan, at pisilin ang mukha ni Dash?! Aware naman pala siyang crush ni Dash si Chase, pero bakit kailangan niya gawin yun sa harap natin? Lalo na sa harap ni Chase!" Sa sobrang irita ni Arthur, napapataas na boses niya. Hindi na nga niya masyadong nagagalaw yung pagkain niya dahil sa sobrang pagkainis nito.

Weird guy. Getting angry over such trivial things.

"Ikaw ba Chase, hindi ka ba naiirita sa lalaking yun?!" again, with his rants. Dinamay na din pati akong nananahimik na kumakain dito.

"Who cares,"

Well, I don't really care. Pakialam ko kung sinong lalaki pa humawak o umakbay sa kaniya. Pakialam ko naman kung sinong lalaki pa ang mapalapit sa kaniya? It doesn't matter to me.

"Really? You don't care?" parang nagulat pa si Arthur sa sagot ko. Nanlaki bigla mata niya eh. "Eh diba may gusto sayo si Dash? So okay lang sayo na gawin sa kaniya ni Daiki yun? Na maging touchy and close sila?"

"Feeling close din sa atin." dugtong naman ni Josh.

"Grabe din kung maka-akbay kay Dash si Daiki. Kung ako ang nasa kalagayan mo Chase, mabu-bwisit talaga ako kay Daiki!" sa sobrang gigil ni Arthur, halos hindi na makain yung Lemon Pie na inorder niya dahil durog na durog na ito. Poor Lemon Pie, siya sumasalo sa init ng ulo ni Arthur.

"Then that's exactly the point!" biglang natahimik ang dalawa ng nagsalita si Queenie. Kanina pa tahimik na nakikinig sa dalawa si Queenie kaya nawala sa isip namin kasama pala namin siya. "Kung may gusto si Chase kay Dash. Eh kaso wala siyang gusto kaya wala siyang pakialam kahit sino pa ang lalaking lumapit sa kay Dash. In short, wala siyang pakialam kay Dash!"

"Pero diba respeto naman din? Aware naman si Daiki sa situation pero bakit-"

Agad na nagsalita si Queenie ng hindi man lang niya pinapatapos si Arthur sa pagsasalita. These people.. di ko maintindihan kung bakit affected sila sa presence ni Daiki. They are arguing and debating, while I'm just here, busy eating my Oreo cheescake while watching them.

"Hindi ba baliktad? Aware naman pala si Dash na nasa tabi lang niya si Chase, pero bakit hinahayaan niya lang na dikitan siya ng kaibigan niya? Hindi ba dapat siya ang umiiwas in the first place dahil siya ang naghahabol kay Chase?"

"Hmm... may point," Josh agrees. 1 point for Queenie.

"I don't agree! Hoy Chase! Anong masasabi mo?!" and now Art's asking me. Hmm... what should I answer him?

CHASE: *shrugs* *continues eating*

Queenie: 1

Art: still at 0

"Ugh Chase, napaka-cold mo talaga kahit kailan kay Dash. Alam mo, hindi sana dumating ang panahon na pagsisisihan mong tine-take for granted mo yung feelings sayo ni Dash."

"Right, whatever." I answered.

"Wala nga siyang pakialam diba? Wag niyo na ngang kulitin yung tao! Mabuti pa at kumain na lang tayo. Let's just talk about other stuff," says Queenie na ngayon ay busy na sa pagbubukas ng bag of chips. "Chips, anyone?"

And with that, natapos din kami sa topic na yan. Akala ko buong araw nilang pagdedebatehan yun eh. What a boring topic kung sakali.

Nagrerefill ako ng water sa drinking fountain ng napansin ko yung dalawang pamilyar na tao na naglalakad papuntang Quadrangle.

Right. They're close. Nakita ko kung paano hawakan ni Daiki si Dash sa braso habang naglalakad sila, and Dash is laughing like there's no tomorrow. They both looked so happy. Crazily happy. At habang naglalakad, naghahampasan pa sa braso yung dalawa. Ganun silang ka-close dalawa.

"Bro, baka gusto mong umalis na sa fountain? Umaapaw na yung tubig sa baso mo oh," nabigla akong ng bigla akong nakaramdam ng tapik sa balikat ko. Si Josh lang pala.

"Sorry,"

"Ano ba kasi yung tinitignan mo at kanina ka pa jan nakatayo?"

Bago pa ako asarin ni Josh, naisipan ko na ang umalis at bumalik sa table namin. Pero hindi ko inaakalang mabilis ang sense of sight niya. Nakita niya agad kung ano ang tinitignan ko kanina.

"Affected ka na?" he asked with a sly smile.

"Nope. Never. Pero bagay sila. They both look stupid and crazy."

"*scoffs* right. Says the man na affected sa dalawang 'crazy' creatures na yun."

Seeing them together doesn't really affect me. Like come on, who cares kung sino man ang mga taong magiging close ni Dash? Pakialam ko kung sino ang mga taong madalas niyang makasama at makausap? As if I care.

Well fine, medyo affected ako. Because they look stupid. Napa-cringe ako habang pinapanood ko silang magkasama. Sino ba namang normal (which I assume ay hindi sila) tao ang maglalakad ng pa-hop habang magkalingkis kayo ng braso?! Hindi na sila bata para gawin yun.

Bagay sila. Parehong baliw.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 53.8K 71
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
1.9M 93.4K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
245K 16.4K 79
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.1M 18.3K 26
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...