Si Ice Tsing ng Cupcake ko (C...

By EMbabebyyy

70.1K 996 311

Crush na crush ni Lifli Lucas si Ice Tsing pero hindi siya kilala nito kahit na batchmates sila. Isang araw a... More

Si Ice Tsing ng Cupcake ko
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Dreame

Chapter Four

3.5K 146 88
By EMbabebyyy

Mag-uupdate ako nang mag-uupdate habang hindi ako busy. Kapag naging busy na ako baka lumagpas ang isa o dalawang linggo bago ako makapag-update ulit. XD

Dedicated to @xMAJDMx, thank you sa pag-add nitong SITCK sa reading list mo. Sana magustuhan mo. :) Thank you rin po sa mga nagbabasa nitong SITCK. Highly appreciated lahat ng votes at comments niyo. Kahit i-flood niyo ako ng mga comments, gora lang! Enjoy reading! :*

----------

Chapter Four

Lifli Lucas' Point Of View

"Talaga, bakla?! Oh my God!! Magsisimula na ang love story ng Ice-Li love team!!" sabi sa akin ni Pao pagkatapos kong ikwento sa kanya 'yung mga nangyari kahapon.

"Baliw! Ni hindi ko nga alam kung magkaibigan na kami tapos ikaw love story agad ang iniisip mo? Ang advance mong masyado, 'te!"

"Ehhh!!! Sorry na! Excited lang. Hihi! Pero naitanong mo man lang ba kung single siya? O may nililigawan siya?"

"Hindi, e. Nakakahiya, 'no! Saka hindi pa naman kami close para magtanong ako sa kanya ng gano'n."

"Sus! Pakipot ka pa, e sigurado naman ako na gustung-gusto mo ring itanong sa kanya 'yon."

Hindi ko na sinagot si Pao at ipinagpatuloy na lang ang pagkain ng lunch. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakasama ko ng halos tatlong oras si Ice. Parang dati lang nangangarap ako na makasama siya pero kahapon ay nangyari na talaga 'yon.

Pagkauwing-pagkauwi ko ay nagkulong ako sa kwarto saka nagtititili. Doon ko inilabas ang kilig na aking nararamdaman. Hindi ko rin makalimutan 'yung huling sinabi sa akin ni Ice bago kami maghiwalay.

"Mag-ingat ka sa pag-uwi, Lifli. Thanks for the day."

Sino'ng hindi kikiligin do'n, 'di ba? Oh my goooooooosh!!!!

"Well, well, well, well..."

"Naka-ilang well ka, 'te?" tanong ni Pao sa babaeng dumating sa gilid ng mesa namin, si Laila.

"Apat. Oh, 'di ba, nabilang ko?"

Pumalakpak naman si Pao saka tumawa nang sarcastic. "Wow! Tumatalino ang boba!"

Inirapan naman ni Laila si Pao saka ibinaling sa akin ang tingin niya. "Kamusta ka naman, ex-best friend?"

"Wait lang, Lif. Huwag kang sasagot, ako'ng bahala sa bruhang 'to," sabi naman ni Pao. "Hoy, bruha! Kami'y nananahimik dito, tahimik kaming kumakain ng masarap na lunch kaso no'ng dumating ka nawalan na kami ng gana. Panira ka talaga, 'no?"

Umirap na naman si Laila. "Mapapabagsak din kita, Lifli. Maghintay ka lang," saka sila umalis ng mga kaklase niya.

Si Laila Aguirre, ang ex-best friend namin ni Pao. Ex dahil nakaraan na. Hindi namin alam kung ano ba'ng nagawa namin sa kanya, basta isang araw ay hindi na niya kami pinansin at naging kaaway na namin siya. Hindi ko naman siya pinapansin dahil si Pao lang ang magsalita ay tumitiklop na siya.

"Naku! Nasisira ang beauty ko dahil sa bruhang 'yon!"

"Huwag mo na lang kasing pansinin."

"Hindi naman kasi ako makapapayag na basta-basta na lang niya tayong nilalait, 'no! Ka-imbyerna, e!"

"Hi, Lifli!" Lumingon kami ni Pao sa tumawag sa akin at parang biglang nagkaroon ng mga paruparo sa tiyan ko. O baka gutom lang 'to?

"H-Hello, Ice!"

"Pinapasabi nga pala ni Ma'am De Guzman na araw-araw mo na raw akong turuan dahil baka hindi tayo umabot sa 2nd grading."

Hindi ko napigilang hindi ngumiti dahil sa sinabi niya. "T-Talaga? Sige, o-okay lang."

"Pa'no, see you later?"

"Y-Yeah."

"Bye, Lifli. Take care." Napakaway na lang ako kay Ice.

Pagkaalis na pagkaalis nila ng mga kaibigan niya ay hinila ko si Pao papunta sa ground ng school at doon nagtititili. Pinagtitinginan ako ng ibang estudyante pero wala akong pakialam, ang mahalaga ay mailabas ko ang kilig na aking nararamdaman.

"Oh my gosh! Oh my gosh! Bakla, hindi ko kinekeri ang mga nangyayari sa buhay pag-ibig mo!!" sabi sa akin ni Pao.

Araw-araw ko nang makakasama si Ice. Araw-araw... Oh my Ice Tsing! Malalagyan ko na ba ng icing ang isa sa mga tatlong cupcake?

***

"Alright! Sa wakas ay nagawa ko rin nang tama!" sabi ni Ice pagkatapos niyang gumawa ng isang cupcake.

Naging maayos ang unang subok niya ngayon. Medyo kulang pa sa 'sarap' pero masasabi kong may improvement siya. Nagkaroon ng lasa ang ginawa niyang cupcake ngayon, hindi kagaya kahapon na walang-wala talaga.

"Ngayong alam mo na kung paano mag-bake ng old fashion, tuturuan naman kitang gumawa ng mga cupcake na ginagawa na sa panahon natin ngayon."

Sinimulan ko na ang pagpapakita sa kanya kung paano gumawa ng vanilla cupcake. Gusto ko sanang panoorin niya muna ako pero nagpumilit siya na tutulong daw siya at kung maaari ay mas marami siyang gagawin kaysa sa akin. Hinayaan ko na lang siya dahil nakikita ko na gusto niya talagang matuto.

Nang mailagay niya sa oven 'yung mga cupcake ay sinimulan na niya ang paggawa ng icing at habang gumagawa siya ng icing ay hindi ko inaasahan na makikipagkwentuhan siya sa akin.

"Hilig mo ba talaga ang pagbe-bake?"

"Yup! Parehong chef ang mga magulang ko kaya mahilig talaga akong magluto, hindi lang baking ang ginagawa ko."

"Wow! Kaya naman pala. Palibhasa business man at woman ang mga magulang ko kaya wala silang oras para turuan akong magluto. Ang swerte mo naman pala."

"Kung wala man silang oras sa 'yo, pwede ka namang mag-aral sa sarili mo."

"Pero iba pa rin kasi kapag may magulang na gumagabay, hindi ba?"

Sabagay, may point naman talaga si Ice. Hindi ko akalain na gano'n pala ang relasyon niya sa kanyang mga magulang. Stalker ako ni Ice pero never akong nakarinig ng kwento tungkol sa mga magulang niya.

"May point ka riyan. Pero kung wala talaga silang oras at gusto mo talaga, mag-aral ka na lang sa sarili mo. Sa totoo lang, 13 years old pa ako noong huling beses na tinuruan ako ng mga magulang ko."

"Ha? Bakit?"

"Patay na kasi sila. Namatay sila sa car accident noong 13 years old ako."

"Oh. Sorry about that."

"Naku, ayos lang 'yon! Alam ko namang masaya na sina Mama at Papa kung nasaan man sila ngayon."

"Eh sino ang kasama mo ngayon sa bahay niyo?"

"Doon ako nakatira sa bahay ng best friend ko na si Paolo. Best friends din kasi ang mga magulang namin kaya ayun, sila ang umampon sa akin."

Napangiti si Ice. "You're lucky to have them."

"Oo naman!"

Natahimik kami sandali pero mayamaya ay nagsalita ulit siya.

"Lifli, may gusto nga pala akong itanong sa 'yo."

Tinikman ko 'yung icing na ginawa ni Ice, ang sarap! Kasing sarap niya rin kaya ang icing na 'to? Oh mind, shut up.

"Ano 'yon?"

"May pinagbibigyan ka ba ng cupcake?"

Nagulat ako sa itinanong niya. Teka, nahuhulaan na ba niya na ako ang nagpapadala ng cupcake sa kanya? Wait!! Hindi niya ako pwedeng mahuli. Hindi pa ngayon.

"H-Ha? W-Wala."

"Ah, sabagay. Sino nga ba naman ako sa 'yo para bigyan mo ng cupcake, 'di ba? Baka nga hindi ikaw 'yon."

"B-Bakit mo naitanong?"

"May nagpapadala kasi sa akin ng cupcake mula noong Tuesday at nang matikman ko 'yung luto mo kahapon ay halos magkapareho ng lasa. Pero hindi rin naman ako sigurado kung home made ba 'yon kasi ang sarap talaga. Parang 'yung gawa mo, parang pastrier talaga ang gumawa."

Nakaramdam naman ako ng kilig dahil sa sinabi niya. Enebe, Ice! Heweg keng genyen. Ang dami ng paruparo sa tiyan kooo!

"A-Ah. B-Bakit hindi mo tanungin kung sino siya?"

"Gusto ko nga sana kaso hindi ko alam kung paano. Hindi ko rin naman siya mahuli kapag naglalagay na siya ng cupcake sa locker ko. Ang galing niyang magtago, e."

Tumawa na lang ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin. Pero deep inside ay napapaisip ako na kailangan ko na pala ng mas dobleng ingat ngayon dahil baka magulat na lang ako na alam na ni Ice na ako ang nagpapadala ng cupcake sa kanya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na ang vanilla cupcake with vanilla icing and sprinkles on top na ginawa ni Ice. Ginawan pa niya ng plating 'yung pagpe-present sa akin at humanga na naman ako sa kanyang ginawa. Ang galing niyang mag-design, no wonder na ang galing niya sa drawing.

"Tadah! Heto na po ang vanilla cupcake with vanilla icing and sprinkles on top, Ms. Lucas. Maaari niyo na pong tikman at husgahan ang aking luto," sabi ni Ice habang may malapad na ngiti sa kanyang labi.

Napangiti na lang din ako. Kinuha ko 'yung teaspoon at sinimulan nang kainin 'yung cupcake. Pagkatapos kong ubusin ay nag-thumbs up ako sa kanya.

"Better!" Napa-yes naman si Ice at humirit siya na gagawa pa raw siya pero 'wag ko na raw siyang tuturuan. Kaya naman pinanood ko lang siya habang gumagawa ng chocolate cupcake.

"Lifli," tawag ni Ice.

"Hm?"

"Thank you. Pangalawang araw pa lang natin 'to pero natuto aagad ako. Ang galing mo pala talaga. Thank you."

Nginitian ko naman siya. "Basic pa lang 'yang itinuturo ko. Marami ka pang matututunan kaya 'wag ka munang magpasalamat."

Napakamot siya sa batok niya at parang may gusto siyang sabihin pero nahihiya lang siya. "Ahm, Lifli..."

"Yes?"

"S-Sana kahit matapos 'tong tutorial natin maging magkaibigan pa rin tayo."

Pinigil ko ang ngiti na gustong lumabas sa aking labi. "Oo naman. Walang problema sa akin 'yon."

"Friends?" Inilahad niya sa aking harapan ang kanyang kamay para makipag-shake hands at tinanggap ko naman 'yon.

"Friends!" Nakaramdam naman ako ng kuryente nang magdikit ang aming mga palad. My God! Ang lambot ng kamay niya! Teka lang, Ice, 'wag mo munang bitiwan ang kamay ko. Pa-extend pa, please?

Pagkatapos ng shake hands namin ay nagsimula na ulit kaming gumawa ng mga cupcake. Hinayaan ko munang i-enjoy ni Ice ang paggawa ng vanilla at old fashion cupcakes. Ako naman ay gumawa ng cupcake para kay Pao. Gusto kong i-share sa kanya ang blessing na natanggap ko ngayong araw dahil sabi nga nila, share your blessings!

Pero sa lahat ng blessing na natanggap, natatanggap at matatanggap ko ay si Ice Tsing lang ang hindi ko ishe-share. Akin lang siya dahil siya lang ang bagay sa cupcake na kagaya ko.

***

Ice Tsing's Point Of View

"Banana cupcake? Wow!"

Namangha ako sa flavor ng cupcake na ibinigay sa akin ni Miss Cupcake. Paano kaya gawin 'to? Sa totoo lang gusto ko na talagang makilala ang taong nagpapadala sa akin nito at gusto ko na magpapadala rin ako sa kanya ng cupcake. Gagawin kong way ang cupcake para makilala siya.

Kanina no'ng itinanong ko kay Lifli kung may pinadadalhan ba siya ng cupcake ay umaasa ako na oo ang sagot niya. Ewan ko ba, parang gusto ko na si Miss Cupcake ay si Lifli. Pero baka naman dahil lang 'yon sa pareho silang magaling gumawa ng cupcake.

Kukuha na sana ako ng cupcake nang may mapansin ako. 12 cupcakes 'to at sa 12 na 'yon ay may dalawang cupcakes na walang design. Dati tatlo 'to, ah? Bakit ngayon dalawa na lang? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga cupcake na walang design? May gusto bang sabihin sa akin 'yung taong nagpapadala nito? Pero ano naman 'yon? Bakit hindi niya sabihin sa note niya?

"Every day I spend with you is a blessing for me."

Kailan ba kita makikilala, Miss Cupcake?

Continue Reading

You'll Also Like

656 297 58
Echo Monterrey, a simple guy with a simple life. He has a best friend named Twilight, and he secretly likes her, but sadly, Twilight already has a bo...
11.8K 338 28
Sa hindi inaasahan, isang parusa ang kanilang haharapin at yun ay ang lumang eskwelahan, sa lumang gusali na ilang taon ng hindi binabagabag. Sa hind...
524 140 54
Paano kong ang isang alagad ni Barbie ay mapunta sa lungga ni Eva ? Ano kaya ang mangyayari...marerape ba sya ?.. Makakahanap ng kaibigan ? o di kaya...
149K 5.6K 198
YG family family! ❤ Scenarios, Jokes, YG ships, craziness overload, deal with the fun, YG rocks! 🤟🏻 Yow! PLAGIARISM, that's NO NO!