Someone Forbidden

By JFstories

23.1M 589K 134K

"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at... More

SANTI MONTEMAYOR
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Final Chapter
Epilogue
BLACK OMEGA SOCIETY

Prologue

1.5M 24.8K 9.5K
By JFstories

This novel is intended for mature readers only and should not have been read by 18 below.

WARNING: Contains mature scenes, strong language, and disgusting humor. You've been warned.

I write different genres and use different voices.. You may check my other works if you're uncomfortable reading this story.

DISCLAIMER: Characters, places, and events are fictitious.

Unedited raw copy.

THIS NOVEL IS COMPLETE HERE ON WATTPAD.

-------------------------------------------------------


Prologue


INABOT ko ang sintas ng suot kong sapatos. Nakakainis dahil ilang beses ko nang ibinuhol ang tali pero nakakalas pa rin at natatapakan ko. Siguro ang pangit nang pagkaka-ribbon ko. Siguro hindi mahigpit masyado. Ngayon na lang kasi ulit ako nagsapatos. Ngayon na lang ulitako maglalakad-lakad mag-isa.


Naghahalo ang kulay pink at puti sa Barbie rubber shoes ko na napupuno ng glitters. Sa US pa namin ito binili bago kami umuwi ng Pilipinas. Sa wakas naitapak ko na uli ang mga paa ko sa lupa matapos ang ilang buwang nakahiga lang ako sa hospital bed o kaya naman ay nakaupo sa silyang de-gulong.


"Ano ba 'yan!" Natapakan ko naman. Napakamot ako sa ulo saka naupo. "Kakainis namang sintas ito!" Kung alin pa ang paborito kong shoes ay iyon pa ang pasaway sakin ngayon. Binuhol-buhol ko ang sintas pero hindi pa rin umayos. Nahihilo na tuloy ako.


"Need help?" Isang baritonong boses na nagpahinto sakin.


Umangat ang tingin ko mula sa mabalahibong binti ng lalaking nagsalita. Nang tumingala ako ay nakita ko ang isang napakatangkad na lalaking nakangiti. Kasing liwanag ng langit ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin at may kakapalan ang kanyang mga kilay.


"Hindi na po, Kuya," nahihiyang sagot ko.


Hindi ko siya kilala, at ang sabi ng ate ko ay 'wag daw akong makikipag-usap sa mga taong hindi ko kilala, kahit pa mukha itong mabait.


"I'm Santi." Nag-squat siya sa harapan ko kaya nagkapantay kaming dalawa.


Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya, ngayon kasing magkapantay na kami ay saka ko lang napasadahan nang maayos ang mukha niya. Guwapo siya. Matulis ang ilong niya sa perpektong paraan. Makipot at mapupula ang mga labi, na mas mapula pa nga yata sa mga labi ko.


Nanuot pa sa ilong ko ang mabangong amoy niya, mukhang kakaligo niya pa lang. Taga saan kaya siya? Tagarito rin kaya siya sa Hacienda Montemayor o rito mismo sa villa?


"Doon ako nakatira sa dulo. Iyong puting mansiyon." Inginuso niya iyong bahay nila kuya Hunter. Nakapunta na ako roon kahapon pagkagaling namin sa airport. "Ako pala si Santi. Santi Montemayor."


Montemayor?


Montemayor ang apelyido ni Kuya Hendrick, ang mayamang napangasawa ng ate ko. Ang buong hacienda at ang villa na ito ay pag-aari ng mga Montemayor.


Natigilan ako at saka muling napatitig sa mukha niya. Tagarito nga siya! Pero hindi tauhan o manggagawa kundi isa sa mga amo na kagaya nina Kuya Hendrick. Kaano-ano kaya niya ang asawa ng ate ko?


"Ikaw? Anong pangalan mo?" Magiliw niyang tanong. Sinimulan niyang i-ribbon ang sintas ng sapatos ko habang sa mukha ko pa rin nakatingin na tila ba aliw na aliw sa ekspresyong nakikita niya sa akin.


Napalunok ako. Bakit parang may kung anong nanghihigop sa loob ng magagandang mga mata niya? Saka bakit ba siya nakangiti sakin? Mukha naman siyang mabait bagamat may pagkapilyo ang bukas ng mukha niya.


Napakurap ako at napailing. Mukhang hindi na talaga ako sanay sa ibang tao... Palagi na lang kasi akong nakakulong sa bahay o kaya naman ay sa hospital. Ngayon lang talaga ako nakalakad-lakad ng mag-isa ngayong nakauwi na kami sa Pilipinas matapos ng matagalan kong pagpapagamot.


"Ikaw si Kara, 'di ba?" tanong niya nang hindi pa rin ako nagsa-salita.


Paano niya nalamang ang pangalan ko?


"Kapati ako ni Hunter. Nabalitaan ko na umuwi na pala ang uncle ko mula sa Amerika kasama ang napangasawa niya at ang kapatid nito."


Kung ganoon ay uncle niya si Hendrick Montemayor. Kamag-anak nga siya. Pero bakit kaya ngayon ko lang siya nakita?


Maraming Montemayor na um-attend sa kasal nina Ate atKuya H sa Amerika pero wala siya roon. Bakit kaya? Siguro ay busy siyang tao. 


"'Di ba ikaw iyong batang dinala nila sa Amerika para ipagamot? Kumusta ka na?"


"Maayos na po ako..." kiming sagot ko. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako sa kanya, o talagang nakakailang lang siyang tumitig.


Nakikita niya bang mukha akong mahina dahil payat ako? Kaya niya ba ako kinukumusta at pinagmamasdan ay dahil natatakot siya sa kapayatan ko na baka bigla na lang akong liparin ng hangin?


Mula sa kalapit na mansiyon ay lumabas ang ate ko, si Ate Camilla. Siya ang nag-iisang kamag-anak na meron ako. Kumaway agad siya nang makita ako.


"Karissa!" Nagmamadali siyang lumapit at medyo hinihingal pa. Malaki na kasi ang tiyan niya dahil sa pagbubuntis.


"Ate!" Biglang tayo ko. Tumayo rin si Santi.


"Ano ka ba namang bata ka!" palatak ni Ate Camilla. "Mapapa-anak ako sa'yo ng wala sa oras, eh."


"Sorry, Ate... Naglibot-libot lang naman ako." Ganito si Ate Camilla. Hindi sanay na nawawala ako sa kanyang paningin. Na kapag hindi ko siya kasama ay para bang may mangyayari agad na masama sa akin.


"Kara, hindi ka pwedeng mapagod." Napatingin siya kay Santi. "O, Santi? Nandito ka pala sa villa ngayon. Nakilala mo na rin pala ang kapatid ko." Ngumiti siya rito.


Tinanguan siya ni Santi. "Tama sina Kuya, ang cute niyang bata."


"Dalagita na iyan," Tumawa si Ate. "Marunong na ngang magka-crush,"


"Ate!" Ramdam koang pamumula ng magkabilang pisngi ko. Tama bang i-kuwento niya pa angpagkaka-crush ko?


"At sino naman ang crush mo?" Nagulat ako at napalingon kay Santi. Nakangisi siya at ang boses niya ay  nanunudyo.


Tumawa ulit si Ate. "Naku! Maniniwala ka bang may crush sa Kuya Hunter mo iyan!"


"Kay Kuya?" Wala siyang kurap habang nakatingin sakin na halos lumubog na sa kinatatayuan ko.


Nalukot ang mukha ko. "Ate,naman! Wala naman akong sinasabi..." Wala naman talaga akong sinasabi na crushko si Kuya Hunter. Ang sabi ko lang naman ay pogi si si Kuya Hunter na katuladni Kuya Hendrick. Ang totoo, lahat ng nakilala kong Montemayor na lalaki ay mgapogi. Ang mga babae naman ay magaganda.


Tumango-tango si Santi at saka muling ngumiti sakin. Ganito ba talaga siya? Palangiti?


"Eh di pwede mo rin pala akong maging crush?" Tanong niya na lalong nagpamula sakin. "Magkamukha kami ni Kuya, at higit na mas cute ako ron. Available pa, unlike him na married na."


Pabiro siyang tinampal ni Ate sa balikat. Halos mas matangkad pa kasi si Santi kay Ate. "Hoy! Onse palang ang kapatid ko, disi nueve ka na."


"Biro lang."


Biro lang... bakit parang nakakalungkot na biro lang?


Sabagay, eleven palang ako at 19 na siya. Maski ako ay natigilan sa naiisip ko. Nahihiyang napatungo ako, bakit ako nag-iisip ng ganoon samin ni Kuya Santi?


Nang mula sa pinaggalingan ni Ate ay natanaw namin si Kuya Hendrick . Si Hendrick Montemayor na asawa ng ate ko. Nakakunot ang noo nito na normal ng reaksyon ng mukha nito, gayon pa man ay mabait si Kuya Hendrick kahit mukhang suplado.


"Camilla!" Tawag ni Kuya Hendrick.


"Ay, naku! Sandali!" Biglang nataranta si Ate. Tumingin siya sa akin at pagkatapos ay kay Santi. "Pakibantay muna, Santi."


"Sige, at baka mabaliw na si Uncle Hendrick sa pagkamiss sa 'yo."


"Ikaw, wag kang lalayo dito, ha?" baling niya sakin. "Wag kang aalis sa paningin ni Kuya Santi mo, ha?!"


Nang wala na si ate ay tumingin ulit sakin si Santi. Nakangiti lang siya. At sa hindi ko maunawaang dahilan ay napangiti na rin ako sa kanya. Para bang napakaluwag sa dibdib ko na gantihan ko ang pagkakangiti niya sakin.


"Ayan, mas cute ka kapag nakangiti ka," aniya saka pinisil ang aking baba.


Napasimangot ako. Parang hindi ko gusto na cute lang ako sa paningin niya, kasi sabi nina Kuya Hendrick at kuya Hunter ay maganda raw ako. Kahit noong nakakalbo na ako dahil sa chemo ay araw-araw pa ring sinasabi sakin nina Ate na maganda pa rin ako...


Natawa siya habang nakatingin sa nakatulis kong nguso. Parang nahulaan niya na kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Tumuwid siya nang tayo at ginulo ang aking buhok.


"Sige, maganda ka na," sabi niya na tatawa-tawa. Mas guwapo pala siya kapag tumatawa. "Wag ka nang sumimangot kung ayaw mong pumangit ka," dagdag niya pa saka muling ginulo ang buhok ko.


Nang mapagod siya kakangisi ay namulsa siya at tumingin sa dulo ng hardin ng villa. Sumunod ang tingin ko sa tinitingnan niya at ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang makakita ako doon ng swing.


"Gusto mo ba roon?" baling niya sakin. "Ipinagawa iyan ng lolo ko para kapag nagkaroon kami ng bisitang bata."


"Po?"


"Tara? Swing tayo?" Napakagiliw ng boses niya. "Dapat i-enjoy mo ang pagkabata mo. Ano tara?"


Bata... Ulit ko sa isip ko.


Hindi ko na hinintay sa paglingon si Santi dahil tinalikuran ko na siya. Nagtataka naman siya.


"Kara," tawag niya. "Tara magswing tayo!"


"Ayoko..." mahinang sagot ko habang patuloy sa paglalakad pabalik sa mansion nina Kuya Hendrick. "Inaantok na po ako..."


Ewan ko ba pero mula nang magkasakit ako ay ayoko nang maging bata. Gusto ko nang lumaki agad para mas maalagaan ko na ang sarili ko na hindi ako umaasa kahit kanino. Ayoko na kasing maging pabigat sa ate ko.


Buong buhay ni Ate Camilla ay inaalagaan niya na lang ako. Siya na ang tumayong magulang namin. Halos sabay lang kasing namatay sina Mama at Papa. Mula noon, si Ate Camilla na ang palagi kong kasama. Alam ko na nahihirapan na siya sa akin dahil sakitin ako. Mas nahirapan pa siya noong madiagnosed akong may leukemia. Nagkabaon-baon siya sa utang para lang maipagamot ako. Kung hindi pa siya nakapangasawa ng isang Montemayor ay malabo niya akong madadala sa ibang bansa para maipagamot.


Ngayong magaling na ako ay gusto ko nang tuluyang lumakas. Gusto ko nang makalaya siya sa akin. Gusto ko na magfocus na lang siya sa asawa at mga anak niya. Ayoko nang maging intindihin niya pa. Gusto ko nang lumaki para ako naman ang makatulong sa kanya.


"Kara... Ayaw mo talaga?" Hindi pa rin siya sumusuko. "Hay..."


Nakasunod pa pala sa akin si Santi. Hay, ang kulit naman niya. Ayaw ko nga e. Ayaw ko nang maging bata.


Nanghihinayang ba siya na hindi ako pumayag mag-swing kasama siya? O naiinis siya sakin dahil ang bata-bata ko pa ay ang arte-arte ko na?


"Kara, magpagaling ka. Pag magaling ka na tuturuan kitang mangabayo!" Pahabol niya sakin. "Masarap mamasyal sa kaparangan! Ipagpa-paalam kita sa ate mo, promise mag-eenjoy ka!"


Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa kanya.


Ngumiti siya nang ubod tamis at kumaway sakin. "Ano type mong mangabayo? Sige na, makipag-friends ka na sakin! Pangako ipapahiram ko sa'yo iyong kabayo ko sa kuwadra at ipapasyal kita!"


"Talaga?" Nabuhay ang pananabik at interes sa puso ko. Ang pangangabayo ay para sa malalakas lang at hindi pambata. Matagal ko na ring pangarap na makasakay ng kabayo.


Tumango siya sakin. At sa simpleng tango na iyon ay pakiramdam ko... hindi na ako bata ng mga oras na iyon.


Ngumiti ako at gumanti ng pagkaway bilang pagsang-ayon. Ah, hindi ko na mahihintay kung kailan mangyayari iyon...


Ako at si kuya Santi... mamamasyal sa kaparangan sakay ng isang malaking kabayo.


JF

Continue Reading

You'll Also Like

185K 8.7K 30
Captured by a man who despises her, Aiko doesn't know how to escape the situation that she is in. But as she spends more time with Pocholo Saavedra...
2.4M 9.1K 9
| COMPLETED | 10 August 2016 - 20 October 2016 | MR. PERFECT SERIES #3 | I am Heath Laurent and this is my side of the story. P.S. THIS IS NOT A...
14.9M 217K 41
Last part of Marry You. SUPPORT YUMANCE Copyrighted © Pinkyjhewelii, 2014
24.4M 712K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...