Si Ice Tsing ng Cupcake ko (C...

By EMbabebyyy

70.1K 996 311

Crush na crush ni Lifli Lucas si Ice Tsing pero hindi siya kilala nito kahit na batchmates sila. Isang araw a... More

Si Ice Tsing ng Cupcake ko
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Dreame

Chapter Three

3.5K 157 75
By EMbabebyyy

Dedicated to @majaneboooo, thank you po sa pagbabasa. :D 'Yung ugali ni Lifli Lucas sa story, 'yung kung paano siya kiligin ay ugali ko talaga, pero kagaya nang sinabi ni Ate Lif, parang siya nga raw talaga 'yung nasa story. Hindi ko akalaing magkakaparehas kami sa ganoong ugali. Hahahaha! Anyway, thank you po ulit!

Special thanks to pareng google dahil tinulungan niya ako sa chapter na 'to. Haha! Enjoy reading! :*

----------

Chapter Three

Lifli Lucas' Point Of View

"Lifli, ang ngiti pigilan. Mahahalata ka niyan," sabi ni Pao.

"Ehhh! Keshe nemen, ehhh!"

"Aba. Pumupulupot na rin ang dila mo ngayon?"

"Gano'n talaga. May mga bagay na akala natin hindi natin kayang gawin pero magagawa naman pala natin."

"At humuhugot ka na rin ngayon?"

Hindi ko na pinansin si Pao at itinuloy ko na lang ang pagtitig kay Ice na ngayon ay kasalukuyang kinakain ang cupcake na ibinigay ko. Pangatlong araw na 'to ng pagbibigay ko sa kanya ng cupcake nang palihim at ngayon ay Thursday kaya naman magsisimula na kami mamaya ng baking lesson namin.

Kagabi ko pa nga iniisip kung ano ang mangyayari sa pagtuturo ko sa kanya. Sana hindi ako maputulan ng dila kapag kasama ko na siya. Gusto ko ring ipakita sa kanya ang galing ko sa pagbe-bake. Syempre pagkakataon ko na 'to para magpa-impress, 'no! Kailangan ko ng sulitin ang mga araw na makakasama ko siya.

Sabi nga nila, habang may oras ka at habang nand'yan pa, gawin mo na ang dapat gawin. Sulitin mo ang bawat minuto dahil maaaring hindi na 'yon maulit pa.

Habang nakatitig ako kay Ice ay bigla siyang napatingin sa gawi namin at nginitian niya ako. Oh my goooosh!! Nginitian ako ni Ice!!!

"Is it real? Is it real? O imagination ko lang na tumingin dito si Fafa Ice saka ngumiti?" tanong ni Pao.

Tiningnan ko siya at sa tingin ko pa lang ay na-gets na niya ang sagot ko sa tanong niya. Bigla naman siyang tumili kaya napatingin sa table namin 'yung ibang estudyante.

"My God! Lumelevel up na kayo, 'te!"

"Sshhh! Ano ka ba?! Baka may makarinig sa 'yo, saka anong level up ka riyan? Pinapansin lang ako no'n dahil may kailangan siya sa akin. Pagkatapos ng lesson namin back to zero na naman ako."

"Sus! Kunwari ka pa, e alam ko namang nagpipigil ka lang din ng ngiti."

Bumulong naman ako sa kanya, "Halata ba?"

"Ay 'te, bilang best friend mo kabisado na kita."

Impit akong tumili at sinabayan pa ako ni Pao. Oh my Ice Tsing... Ano ba 'tong ginagawa mo sa akin?

***

3 P.M. na at kasalukuyan akong naghihintay sa pagdating ni Ice. Sisimulan na kasi namin ang tutorial sa pagbe-bake. Sa totoo lang hindi ako makapag-focus kanina sa klase dahil naiisip ko 'yung mga maaaring mangyari ngayon. Kinakabahan nga ako dahil baka pumalpak ako. Ayoko namang mapahiya sa harapan ni Ice.

"Hey. Sorry, I'm late." Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Ice na nakangiti.

Nginitian ko rin naman siya. "Okay lang. Simulan na natin?" Tumango naman siya kaya nagsuot na kami ng apron at inihanda ang mga gagamitin pati na ang mga ingredient. "Panoorin mo na lang muna ako, ha? Kung gusto mo mag-notes ka rin para matandaan mo."

Sinimulan ko ng gumawa ng cupcake. Old fashion lang muna ng baking ang ituturo ko kay Ice para hindi siya mahirapan agad. Una ay sinet ko muna ang oven sa 325 degrees Farenheight. Nag-line up na rin ako ng mga baking cup sa isang cupcake pan saka ko itinabi sa gilid. Pinagsama-sama ko sa isang bowl ang cake flour, all-purpose flour, sugar, baking powder at salt.

"Kailangan tamang-tama lang 'yung sukat ng ingredients na ilalagay mo, baka kasi kapag sumobra ay maging pangit ang kalabasan. Masama ang sobra pero masama rin ang kulang kaya dapat 'yung tama lang." Tumangu-tango naman si Ice at nakita kong naka-focus talaga siya sa panonood. Nailang tuloy ako. Pakiramdam ko'y kailangan lahat ng gagawin ko ay tama.

Hinalo ko nang hinalo 'yung mga ingredient at pagkatapos ng tatlong minuto na paghahalo ay nagdagdag na ako ng panibagong ingredients hanggang sa pwede na siyang ilagay sa mga baking cup.

"Dapat 2/3 lang ang ilalagay mo sa bawat baking cup. Hindi pwedeng sumobra para kapag umalsa na ay hindi tataas ng sobra sa baking cup. Pagkatapos no'n ay ilalagay na sa oven at lulutuin for about 17-20 minutes."

"Bakit gano'n? Kapag nanonood ako parang ang dali-daling gumawa pero kapag ginagawa ko na ay hindi ko magawa ng tama?" tanong ni Ice habang inilalagay ko sa oven 'yung mga cupcake.

"Baka hindi tama 'yung sukat ng mga ingredient mo? O 'di naman kaya'y napapabayaan mo na kapag nasa oven na?" Nagkibit-balikat lang siya at no'ng isara ko ang oven ay parang sinilip pa niya 'yung mga cupcake. "Dapat kasi hindi mo pinapabayaan 'yung niluluto mo. Parang sa pagsasaing, kapag hinayaan mo lang maaaring masunog. Kahit nga sa rice cooker ka magsaing, masama pa rin kapag sumobra ang pagkakaluto. Gano'n din sa pagbe-bake, dapat lahat ay nasa tama lang. Bawal sumobra at bawal ding magkulang."

"Dapat pala talagang mag-ingat kung gusto mong magawa ang isang bagay."

"Hugot ba 'yan?"

"Pwede rin." Natawa kami pareho.

Habang hinihintay naming maluto 'yung mga cupcake ay tinuruan ko naman siya kung paano gumawa ng icing. Pagkatapos naming gawin 'yung icing ay tuwang-tuwa siya dahil magde-design na raw siya ng cupcake. Hanggang design lang daw kasi talaga ang kaya niya.

Pagkatapos ng 20 minutes ay kinuha ko na 'yung mga cupcake at para bang nagningning ang mga mata ni Ice pagkakita niya sa mga 'yon. Napakaadik niya talaga sa cupcake. Sa akin kaya, kailan siya maaadik?

Naghintay pa kami ng tatlong minuto para lumamig 'yung mga cupcake. Kapag kasi inilagay agad ang icing ay maaaring tunawin lang 'yon ng init. Pagkatapos ng tatlong minuto ay pinalagyan ko na kay Ice ng icing 'yung mga cupcake at masasabi kong magaling siyang mag-design. Na-perfect niya 'yung ipinagagawa kong design.

"Yes! Tapos na 'yung mga cupcake! Pwede na tayong kumain?" excited na tanong ni Ice. Tumango naman ako at agad siyang kumuha ng isa. Pinagmasdan ko kung paano siya kumagat, ngumuya, lumunok... at pakshet! Na-in love ako lalo!

Mayamaya pa'y tumingin siya sa akin nang seryoso, para bang galit siya o ano. Seryosong-seryoso kasi talaga 'yung itsura niya. Kinabahan tuloy ako. Hindi kaya masarap 'yung nagawa kong cupcake? Naku po! Huwag naman sana. Pero habang gumagawa kasi ako kanina ay kinakabahan talaga ako dahil naka-focus sa panonood si Ice. 'Yung totoo? Mas kinabahan pa ako no'ng si Ice ang nanonood kaysa no'ng mga oras na teacher ang nanonood sa akin.

Ganito ba talaga kapag nasa harapan mo ang taong mahal mo? Hindi ka makapag-focus sa ginagawa mo? Kaya pala maraming magulang ang nagagalit kapag nalalaman nilang may boyfriend o girlfriend na ang anak nila. Nakakawala kasi ng focus.

Nabigla naman ako nang yakapin ako ni Ice. Oh my God!! Totoo ba 'to? Yakap-yakap ako ni Ice?! O.M.G!!!! Huwag mo 'kong bibitawan, Ice, para kapag hinimatay ako, masasalo mo 'ko agad. At sana kapag tuluyan nang nahulog sa 'yo ang puso ko ay masalo mo rin.

"Lifli, naiiyak ako."

"H-Ha? Bakit?"

"Ang sarap kasi nitong cupcake na ginawa mo. Bakit ganito kasarap 'to?! Anong powers ang ginamit mo?! I-share mo naman 'yan!"

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin. Sayang! Hindi ba pwedeng mag-extend? "Baliw ka! Akala ko naman kung ano na dahil may payakap-yakap ka pa riyan! Pinakaba mo 'ko, ha!"

Tumawa naman siya nang malakas. "Sorry! E ang sarap naman kasi talaga nitong ginawa mo. Pakiramdam ko dinala ako sa langit, e."

"Wow, ah! Over reaction na 'yan." Nagtawanan lang ulit kaming dalawa at pagkatapos ay sinimulan na niyang gayahin 'yung ginawa ko. Dinidiktahan ko pa siya nang gagawin niya kapag hindi na niya alam kung ano'ng susunod.

Sa unang bake niya ay palpak ang kinalabasan. Sumobra kasi ang inilagay niyang harina, halata kasing kinakabahan si Ice kaya hindi niya masukat nang maayos 'yung mga ingredient.

"Argh! Palpak 'yung gawa ko! Ang alam ko tama naman 'yung inilagay kong harina kanina, e," reklamo ni Ice pagkatapos naming tikman 'yung ginawa niya.

"Ayos lang 'yan, ganyan naman talaga sa simula. Lahat naman ay nagkakamali sa umpisa. Saka pwede ka pa namang sumubok ulit."

"May isang pagkakataon pa, Ms. Lucas?"

"Oo naman, Mr. Tsing. Meron pa at hindi lang isa, maraming pagkakataon pa!" natawa naman siya.

May lumipad tuloy na mga paruparo sa aking tiyan. Ang sarap pala sa feeling kapag napapangiti mo 'yung taong mahalaga sa 'yo at kapag napapasaya mo ang taong mahal mo.

"Ang dami palang dapat tandaan sa baking. Palibhasa puro kain lang ang alam ko." Napakamot pa siya sa ulo niya.

"Okay lang 'yan, nagsisimula pa lang naman tayo. Let's try again?" Tumango naman siya at sinimulan nang gumawa ulit.

***

Ice Tsing's Point Of View

Natapos ang mahigit dalawang oras na tutorial namin ni Lifli at tanging icing lang yata ang na-perfect ko. Bakit ba parang ang hirap gumawa ng cupcake?

Binuksan ko ang aking locker at kagaya ng inaasahan ko ay may kahon na naman sa loob nito. Binuksan ko 'yung box at this time ay isang pure chocolate cupcake ang aking nakita. Mayroon na namang tatlong cupcakes na walang icing at design. Sinasadya ba talaga 'to ng nagbibigay sa akin?

Binasa ko 'yung note: "One of the greatest joys in my life is making you smile."

Kumuha ako ng isang cupcake at kinain 'yon. Habang ngumunguya ako ay may napansin ako. Bakit parang kagaya ng lasa ng cupcake na 'to 'yung lasa ng cupcake na ginawa kanina ni Lifli?

Continue Reading

You'll Also Like

2M 72.1K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
384K 11.2K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
9K 273 21
I'm just a simple girl with a big dream. Siyam na taong gulang pa lamang ako nang may lalaking nangako sakin ng kasal. At dahil naniniwala ako desti...
524 140 54
Paano kong ang isang alagad ni Barbie ay mapunta sa lungga ni Eva ? Ano kaya ang mangyayari...marerape ba sya ?.. Makakahanap ng kaibigan ? o di kaya...