MAIN CHARACTERS
-ALIYAH DEIN DE VERA
- IAN OCAMPO
-JOHN KURT RAMIREZ
SUPPORTING CHARACTER
-CHRISTINE JOY PINEDA
-SHAIRA CRUZ
-PINKY ALEJANDRO
-JUSTINE FRIAS
Ako nga pala ni Aliyah Dein De Vera, seventeen years old. Simpleng babae, mahiyain, minsan tahimik, pag tinopak naman sobrang kulit ^_^ . Fourth year high school na ako ngayon. Ang bilis nga ng panahon ee, parang dati naglalaro pa ako ng Chinese garter ,ngayon isang taon nalang gagraduate nako ng high school ^_^. Tapos next year magkacollege naman na. Pero sabi nga nila high school life is the best , kaya dapat sulitin ko to. ^_^.
"omg! Omg! , Aliyah look oh .. ang gwapo nya! " kinikilig na sabi ni Joy sa tabi ko.
" ha? Asan? " sabi ko habang hinahanap ang sinasabi nya.
" hahaha, ui si Aliyah, gusto ng gwapo. Hahaha " natatawang sabi naman ni shai.
"hahaha, oo nga eh. Nung sinabi ko na gwapo, hinahanap din. Hahaha" pahabol pa ni Joy.
" Sabi nyo kasi gwapo eh, edi syempre titignan ko kung gwapo nga >.< " pagdedepende ko.
" Oo nga naman Joy, wag mo nga kami igaya sayo haha" sabi naman ni Shai.
" So ganun, porket may boyfriend ako ganyan na ha? " ani ni Joy.
"hay naku, tara na nga at umakyat na tayo sa room tapos na ang break time ohh.. iba pa naman ang sitting arrangement natin. " ani ko.
Umakyat na kami sa taas, eto naman kasing mga friends/seatmate/classmates ko ay ang kukulit. Ako nalang ang laging napagtitripan. Nung una nga kaming nagkakilala ayaw pa nilang maniwala na NBSB ako! Alam mo yun, mukha naba akong nagkaboyfriend ng limampu? Huhu. Pero bawing bawi naman nung sinabi nila yung line na " sa ganda mong yan di kapa nagkaboyfriend? " , oh diba bawing bawi hahaha. Okay minsan lang, pagbigyan nyo nako hahaha. Yung crush ko kasi eh, nasa ibang section na! classmate at seatmate ko pa naman yun nung third year haha, kaya nga close kami eh. Ang galing kasi nun sa math. Samantalang ako, eto walang kabuhay buhay na pag-aralan ang math. Sana nga ngayong forth year , tumaas naman yung grade ko sa math. Sana lang, haha mahirap umasa eh.
" Aliyah! , tara na dito dali. " sabi naman ni Pinky.
"Eto talaga oh.. excited na naman na makatabi ako haha"
"Ganun talaga, favorite seatmate kaya kita " ani nya.
"Naku! Ako nga tigil tigilan mo Pinky, at wala akong piso" sabi ko naman.
" hahaha di ko naman need ng piso eh. Pero speaking of piso, sino ba yung nanghihingi sayo ng load yung sa kabilang section? Sabi nya pa, na sabi mo daw na bibigyan mo sya.. ikaw ha. Ako nga di mo maloadan tapos sya loloadan mo? May something kayo nuh! " sabi nya na natatawa.
" Sana nga may something nalang eh. " sabi ko naman.
' Anong sabi mo? Gusto mo sya? Sino ba yun?" tanong naman nya.
" Sya si Justine Bieber,hahaha joke. Sya si Justine Frias naging classmate ko sya nung first year at nung third year. Naging seatmate ko sya nung third year kaya siguro ayun naging crush ko sya. Pero yung sa sinasabi mo sa load ? naku, illusyon lang nya yun. Hahaha "
" Ah matagal nadin pala kayong magkakilala, pero gusto ka din daw ba nya? " paguusisa pa ni Pinky.
" Ewan. Minsan feeling ko gusto nya din ako minsan naman hindi. Tsaka hayaan mo na yun, mukha namang bakla yun haha, pano ba naman kasi ang lambot lambot ng katawan. Hahaha" pagkwekwento ko pa.
" Ang tangkad kaya nya.. tapos bakla ? "
" Wala akong sinabing bakla sya nuh, ang sabi ko lang PARANG , parang bakla! "
" Sino ang parang bakla? Pinky at Aliyah? " biglang tanong ng teacher namin.
" uhm.. mam wala po hehe" sabi ni Pinky.
" Mamaya na kayo mag-usap tungkol sa bakla na yan. At may nagrereport pa sa harap." Sabi pa ng teacher namin.
" Opo mam" sabay naming sabi ni Pinky"
-------
" Sorry. Aliyah napagalitan tuloy tayo ni mam " sabi ni Pinky.
Pauwi na din kami , tapos na kasi ang klase namin ngayon. Medyo madilim na nga din ang kalangitan. Sana may masakyan pa ako.
" Ano kaba okay lang yun.. di din naman tayo masyado napagalitan eh" sabi ko habang naglalakad na kami palabas.
" Buti nalang kamo taga record ka ni mam kaya hindi tayo masyado napagalitan " sabi nya pa.
" Hay naku! Wag mo na nga isipin yun. Sige na dito na ako Pinky, bye bye Joy, Shai bye din ^_^"
"Aliyah, ayaw mo ba sumabay samin? Kaya lang maglalakad lang kami. " pag-aaya ni Joy.
" Hindi na. Next time nalang, may masasakyan naman na ako eh. Sige bye.. bukas nalang ulit ^_^ "
"Sige, bye ingat "
Gusto ko sana sumabay sa kanila pauwi, kaya lang natatakot ako. Wala na kasi akong makakasabay pagpasok ko sa subdivision sa amin. Gabi nadin mamaya may mangharang sa akin eh haha.
Ang dami dami pa naming assignment ngayon, ganun ba talaga pag fourth year na? Project doon, project dito. Ang dami ko na ngang nagagastos na colored paper eh haha.Pero worth it naman sa grade :)
" oh.. aga mo ata ngayon.? " pagtataka ni Shai.
" Oo eh. Sana nga late nalang ako pumasok. Tignan mo mag-aantay pa tayo sa mga cleaners " sabi ko naman.
" Ay naku, ikaw talaga oh.Ayaw na ayaw na nag-aantay."
"Bakit naman kasi ako mag-aantay, kung pwede namang hindi mag-antay haha"
"Speaking of antay Aliyah, lagi ka daw inaantay nun oh. "sabi nya sabay turo sa baba.
" huh? Sino yan.?" Pagtataka ko naman.
" Duh! Di mo sya kilala ? Taga ibang section yan. Sya si Niko, Sa pagkakaalam ko may gusto daw yan sayo eh."
" Hay naku, sa pagkakaalam mo lang yun nuh. Tumigil ka na nga dyan. " sabi ko naman.
"Totoo ang sinasabi ko nuh! Tignan mo nakatingin sya dito oh. OMG! Tinitignan ka nya " kinikilig na sabi ni Shai.
" Hay naku! Ako nga tigil tigilan mo. Tara na pumasok na tayo sa room. "
" Eto naman oh.. pasilayin mo naman yung tao sayo hahaha, para hndi ka na maging NBSB ! " sigaw ni Shai.
" NBSB ka ? " Biglang tanong naman nung kaklase kong lalaki. Na hindi ko alam ang pangalan.
" Oo, NBSB sya.. bakit? Type mo hahaha" sagot ni Shai sa kanya.
"ahh uhmm.. sige dito na ako" sabi nung classmate ko at umalis na.
" Weird talaga nun ni Ian"
"Ian? Ian ang name nya? " pagtatanong ko.
"Oo, naku wag mong sabihing hindi mo kilala?"
"Hindi ko nga kilala..pero kilala ko sya sa mukha"sabi ko naman.
"Hay naku.. pag famous talaga oh. Hahaha. Feeling ko type ka nun lalo na nung nalaman nya na NBSB kapa hahaha" pang-aasar pa ni Shai.
"Ako nga tigil tigilan mo Shaira, Ako na naman ang aasarin mo ha "
"Hay naku, bat di ka na kasi magboyfriend! Ang dami dami dyan oh."
"Gusto ko kasi pag nagka boyfriend ako, yung sya na talaga. Alam mo yun para , sya ang first and last ko <3"
"Ay naku, sige na bahala ka.. pero tignan mo si Ian oh. Nakatingin na naman sayo hahaha. Speaking matangkad sya at diba sabi mo gusto mo yung magaling sa math? Magaling yan sa math.. ayan oh, tutunawin ka na sa titig"
Lumingon ako sa likod, at ayun nahuli ko syang titig na titig sa akin..
"Baka sya na ang maging first and last mo friend!" pahabol pa ni shai.
Napailing nalang ako, at sinimulan ng nilabas ang mga notes ko para sa first subject namin.