This is OURS [KathNiel] ~Comp...

By wander_world

13K 197 12

LOVE... Not an alien word to all of us but is alien to Kathy. What will you do when "love" gets in between y... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
HER story
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
HIS story
CHAPTER 14.1
CHAPTER 14.2
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
EPILOGUE
Author's Note
mechanics for giveaway

CHAPTER 7

329 5 0
By wander_world

wiee!! Dahil good Vibes ako magbibigay ako ng Update :))

Happy 92 reads pala sakin/satin...

Madaming reasons to celebrate kahapon and ngayon kaya ako nag-update ^_^

____________________________________________________________________________________________________

Chapter 7

Angelo's POV

Ilang araw ng sumasama samin si Andrea. Ilang araw nadin siya dikit ng dikit sa'kin.

Feeling ko nga may gusto siya sakin eh, ndi naman ako manhid para ndi ko mahalata diba?

Parang ngayon lang. Break time kasi namin and the usual, magkakasama ang barkada tas si Andrea? Andito sa tabi ko nakakapit sakin -________-

Napapalayo na nga din ako kay pandak eh, ndi na kami masyadong nagkaka-usap o nagkakasama kasi kung may chance man? Kasali LAGI si Andrea. Nakakainis! Ba't pa ba kasi siya napunta dito sa Pinas?!

Pero naisip ko siguro bigyan ko ng chance si Andrea. Para naman kahit papaano makalimutan ko ang nararamdaman ko kay pandak ng pa unti-unti. Alam ko naman kasi na the feeling is not mutual samin ni pandak at ako lang 'tong umaasa -____________-

Ang bakla pakinggan Angelo! Ano ba!! -_______-

"Gelo, your not making eat with your food. You want me to make subo sayo?" sabi ni Andrea.

Eto pa! Ginawan niya ako ng palayaw which is Gelo, o'diba? Girlfriend ang peg ng loka! may pasubo-subo pang nalalaman! Nakakairita pa ang accent niya!!

Sarap hambalusin eh! Hoy Andrea! Ndi kita girlfriend noh tsaka AYOKO, NEVER!!! Susubukan ko lang idate ka. Idate? Si Andrea?? Siguro?

Para makalimutan si pandak, ndi naman sa ginagamit ko siya pero gusto niya naman eh. Halata kaya!!

"Andrea" tawag ko sa katabi ko.

"Yes?" sabi niya sabay tingin sakin.

"Gusto mong lumabas tayo bukas? Wala namang pasok eh kasi Sabado" sabi ko.

Kathy's POV

"Gusto mong lumabas tayo bukas? Wala namang pasok eh kasi Sabado" sabi ni panget kay Drea.

"Sure. I'm doing nothing naman tomorrow eh" sabi ni Drea.

"*cough* *cough" nabilaukan ako bigla.

"Kathy, ok ka lang?" Julia.

"Jace, tubig oh" Neil.

"Pandak! Dahan dahan kaya, takaw mo talaga" sabi ni panget. Tumingin ako sa kanya pero umiwas din naman agad.

"Thanks Neil" sabi ko kay Neil at kinuha ko ang tubig na inalok niya sakin.

Ba't ganun? Ba't parang may kumirot sa puso ko nung inaya ni panget si Drea magdate bukas?

Teka! Date nga ba? Wala namang sinasabi si Panget na date ah? Baka GTKY lang bukas? Friendly date, ganun.

Teka nga!!! Ba't ko ba iniisip? Ba't ba ako nangingielam?? Aish!! Tama na nga yan Kathy, naloloka ka nanaman eh!!

"Masakit ba?" tanong ni Kiray sakin.

"Masakit? Ang alin?" tanong ko pabalik. Sensya na, ndi ko na gets eh.

"Yang puso mo girl! Masakit bang makita yung mahal mo na unti-unting nalalayo sayo at napupunta sa pinsan mo?" bulong niya sakin.

"Bakit naman? Tsaka bestfriend ko lang si panget, alam niyo yan. Wag niyong gawan ng malisya yun tsaka bagay naman sila diba?" sabi ko sabay tingin kay panget at Drea na nag-uusap.

"Alam mo InDenial ka talaga palagi eh! Kita naman kasi sa mukha mo na nagseselos ka, ndi mo lang maamin amin sa sarili mo 'yun" dagdag niya pa.

"Kung selos man ang tawag dito bilang kaibigan lang 'yun. Nauubos na kasi yung oras ni panget kay Drea eh, nakakalimutan niya na ako tsaka kung pagmamahal man tong selos na'to? Wala akong karapatan dahil bestfriend niya LANG ako at halata naman na gusto nila ang isa't-isa eh. Tignan mo nga oh!" sabi ko sabay nguso sa dalawang tao na nasa harap ko.

"Alam mo Kathy. Ang bibig nakakapagsinungaling pero ang mukha at puso? Ndi, ndi mo sila mapipilit magsinungaling dahil pinapakita nila ang tunay na nararamdaman ng isang tao. Wag mo ng itago, halatang-halata na eh" sabi niya.

Naiiyak ako :( , ewan ko lang pero miss ko na si panget. Miss ko na yung ako lang lagi. Yung closeness namin, miss ko na ang bestfriend ko :'(

Tumayo ako sa pagkakaupo dito sa canteen at kinuha yung bag ko.

"Alis muna ako guys. Kita nalang tayo sa room mamaya" sabi ko at tumalikod. Pinunasan ko yung luhang biglang tumulo galing sa mata ko at tumakbo papalayo.

Dumiretso ako sa garden ng school, wala kasi masyadong tao dito eh. Nilapag ko ang bag ko sa damuhan at umupo katabi nito tsaka ako umiyak.

"Bakit ba kasi andaya? *sobs* Ano ba talaga 'tong nararamdaman ko? *sobs* Diba dapat masaya ako kasi inlove na ang bestfriend ko at *sobs* ang maganda sa pinsan ko pa. *sobs* Pero bakit ganun? *sniff* Bakit ganito? *sniff* Miss ko lang talaga *sniff* siguro siya *sniff* Miss na miss ko na *sob.sniff*" sabi ko habang umiiyak pa rin.

May taong lumapit sakin at inabutan ako ng panyo. Kinuha ko ito, pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ako tumingala para makita ang mukha niya.

"QUEN......"

Kiray's POV

"Kirs, anong nangyari dun?" tanong ni Diego nung umalis na si Kathy.

"Ewan ko, kinausap ko lang naman eh tsaka sinabihan ko ng totoo. Anong masama dun?" sabi ko sabay kain ulit.

"Teka lang guys. Sundan ko lang si pandak, baka kasi mapagdesisyunan niyang magpakamatay eh mahirap na" sabi ni Angelo at umalis na bigla. Naiwan kaming lahat dito, nagkibit balikat nalang kami at kumain ulit.

Pero from my peripheral vision si Andrea ay nakatingin sa gawi ni Angelo na ndi na nakikita. Nakatingin siya ng masama dun at tila may iniisip, ndi siya kumain ulit nakatitig lang talaga siya dun.

Problema niya?? Weird talaga ng Andreang ito, simula nung dumating siya sa barkada namin? Lagi nalang tahimik ang maingay na si Kathy at ndi na masyadong kinakausap ni makulit na Angelo yung bestfriend niya.

Parang lumalayo ang loob nila sa isa't-isa, ganun.

Andrea's POV

Gelo and I are having fun ng biglang umalis si Kat. What's her problem?

I can sense na Gelo likes me too :) , we will be going out on a date tomorrow. Kelangan kong magprepare.

He should see na Im the one for him para mahalin niya din ako.

In a short span of time? I can say na Gelo is such a nice guy. All his attention nasa akin na, as planned.

Umalis si Gelo to follow Kat, ewan ko but I wasn't able to stop him. I know he has this feelings for my cousin and the feeling is mutual towards Kat, kaya ko nilalayo si Gelo kay Kat.

Even though ndi aminin ni Kat na mahal niya din si Gelo dati pa, obvious naman eh. The way she stares, talks, laughs, smiles whenever Gelo is around. But sorry dear couzy kasi late ka na eh.

You're too manhid kasi. Ndi mo narealize before I came and until now you're still clueless sa nararamdaman mo for him kaya nauunahan na kita sa line.

I'm sorry Kat but you know na I'll do everything to get what I want and WHO I want kahit na i-risk ko ang life ko makuha lang si Gelo from you.

My plan is working well, very well. *insert evil smile here*

Enrique's POV

Kasama ko si Kathy ngayon. Naglalakad lang kasi ako kanina then I saw her na parang umiiyak kaya nilapitan ko and inabutan siya ng panyo.

I'm Enrique Gil nga pala. They say na kami ni Albie ay mga manyak at walang respeto sa girls well, that's not true.

Malaki ang respect namin sa girls sadyang playboy lang talaga kami but I can be the good guy naman eh.

"Tahan na Kathy. Pwede mo namang ishare para medyo gumaan yang loob mo" sabi ko sa kanya habang hinahagod ko yung likod niya.

"Bakit ganun Quen? *sniff* Bakit masakit? *sniff* Eh friends lang naman kami eh *sniff*" sabi niya at umiyak ulit.

Kathy is the kind of girl na dapat iniingatan. I stopped being a playboy dahil sa kanya, ewan pero nung nakilala ko siya tumino ako.

Ndi nga lang nawala yung PLAYBOY description sa name ko sa school records -______-

"Alam mo Kathy, kahit ndi ko gets ang mga pinagsasasabi mo? Isa lang masasabi ko sayo... EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON" sabi ko at niyakap ko siya. Iyak pa rin siya ng iyak.

I helped her stand up at umupo kami dun sa may bench. She's so fragile, dapat ndi siya saktan dahil sensitive siya.

Madali siyang maapektuhan sa emotions niya but sometimes tinatago niya lang.

"Sssshhh.. Tama na ang drama, kayanin mo. Prove to that person na your someone na ndi siya deserve kasi malakas ka at stop being so emotional. Sayang ang ganda mo" sabi ko sa kanya.

Kumalas siya sa yakap at pinunasan yung mga luha niya tas hinampas ako sa braso.

"Loko ka! *sniff* Binobola mo'ko eh *sniff*" sabi niya sabay tawa.

"That's better. Smile ka lang or if not, tawanan mo yung problema mo. It will get better somehow" sabi ko sa kanya. Niyakap niya ako ulit.

"Thanks Quen. Your nice din naman pala eh, hahaha. Kahit papaano nawala saglit yung problema ko. Thanks for comforting me" sabi niya habang yakap-yakap parin ako.

"No problem. Malakas ka kaya sakin" sabi ko at niyakap ko din siya. Magkayakap lang kami for about 30 seconds ng may umepal -________-

"Ahem" kumalas kami sa yakap at lumingon sa taong nag-uubo effect.

"Dude! Sige, samahan mo na siya. Iyak ng iyak eh, I need to go na rin. Sige Kathy, see you around and remember to keep wearing your smile" sabi ko bago ako tuluyang umalis.

Kelangan ko ng umalis kasi dumating na si Angelo eh, mainit pa naman ulo niya sakin lalo na kapag lumalapit ako kay Kathy. Tss!!

"Bye Quen! Thanks for staying with me kanina" sabi niya. Nagmock salute ako sa kanya at umalis na.

Angelo's POV

Andito nako sa tabi ni pandak. Umalis na din si Enrique kanina pa.

Naka-upo lang ako sa tabi niya, walang nagsasalita saming dalawa.

*silence*

Nakakabingi na kaya I decided na ako na ang unang magsalita.

"Bakit ka umiyak?" tanong ko pero ndi ko siya tinitingnan.

"Wala" tipid niyang sagot.

Spell awkward? K-A-M-I!!

"Pandak, may problema ba...... TAYO?" tanong ko sa kanya. Tiningnan ko siya pero sa kawalan pa rin siya nakatingin.

"Bakit panget, may TAYO ba? Eh magbestfriends lang naman tayo diba?" sabi niya na ndi pa rin nakatingin sakin pero ako nakatitig sa kanya at kitang-kita ko sa mga mata niya na naiiyak siya.

"Tungkol saan ba toh pandak?" tanong ko.

"Anong tungkol saan?" tanong niya pabalik sakin.

"Akala mo ndi ko halata? Lumalayo ka sakin eh" sabi ko sabay yuko.

"Ndi naman eh. Sadyang busy lang ako at ikaw busy na rin sa ibang TAO at nakakalimutan mo na ang bestfriend mo" sabi niya. Napatingin ako sa kanya at agad niyang pinunasan yung luhang tumulo galing sa mata niya.

"Pan - " pinutol niya ako sa pagsasalita.

"Una nako Panget, may gagawin pako eh" sabi niya at umalis na sa garden.

Ano ba talagang nangyayari Kathy?? Bakit?? Bakit ka lumalayo sakin??

Kathy's POV

.................

Buong araw kaming walang kibu-an ni panget. Mas mabuti na rin siguro toh kasi kelangan kong mag-isip, naguguluhan na talaga ako eh.

Kakadating ko lang sa bahay at umakyat agad ako sa kwarto ko.

"Hi siss - Oh? Problema mo? Ba't ganyan ayos ng mukha mo?" tanong ni ate Kim nung nakasalubong ko siya sa may hagdan.

"Wala te. Kwarto muna ako" sabi ko at pumasok na sa kwarto ko.

Humiga agad ako sa kama ko at tinakpan ang mukha ko ng unan. Pinipigilan kong maiyak ulit kasi parang super babaw ko na ata? Miss ko lang siya tas iyak na agad??

"Kat, ano ba talaga ang problema mo? Sabihin mo na, baka makatulong ako" sabi ni ate sabay upo sa kama ko.

Umayos ako ng upo at tinignan siya. Ndi nako nakapagsalita, niyakap ko na agad si ate at umiyak nalang.

"Nadaanan ko din yan Kat. Sa ngayon naguguluhan ka pa jan sa nararamdaman mo pero balang araw malalaman mo din ang sagot. Mabuti pang wag mo na muna lapitan o kausapin si Gelo, kelangan mo ng space away from your bestfriend. Para naman makapag-isip isip ka din para sa sarili mo, tsaka mo na siya kausapin ulit kung ready ka na" sabi ni ate. Tumango nalang ako.

"O'sha tahan ka na. Tara sa baba, kain ka ng meryenda tas sabay tayo gumawa ng mga assignments dun sa study room. Dating gawi lang, ano? Tara?" yakag ni ate.

Kumalas ako sa yakap namin at nagpunas ng luha. Ngumiti ako kay ate at nagbihis muna tas sabay na kaming bumaba.

Dati kasi nung ndi pa College si ate sabay kami lagi niyan. Close kami nung maliit pa at bumalik yung closeness habang nagmamature ako, ganun ata talaga eh.

Tama si ate, kelangan ko muna ng space. Simula bukas, iiwasan ko muna si Panget para makapag-isip ako ng maayos.

____________________________________________________________________________________________________

Waaahh!! Nakaraos din ako sa Chapter na'to!! :)

Bakit ba parang pasakit toh eh masaya naman ako?! Sabihin niyo nga? Wahahaha!!!

Ok, baliw nako..

Simula na ng iwasan ni Kathy at Angelo. Simula na rin ng CONFLICT ^_^

Maganda na'tong next chapters kasi wala ng KV moments :))

P.S: If you want a dedication, Comment lang po o message me on my message board :D

So, how was my update? Medyo sabaw ng konti? Dont worry, I'll work on it sa next chapters.

Read. Vote. Comment. Follow me.

Support po, thanks :)

Continue Reading

You'll Also Like

6.1K 373 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
9.9K 574 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
22.7K 1.5K 32
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴