Si Ice Tsing ng Cupcake ko (C...

By EMbabebyyy

70.1K 996 311

Crush na crush ni Lifli Lucas si Ice Tsing pero hindi siya kilala nito kahit na batchmates sila. Isang araw a... More

Si Ice Tsing ng Cupcake ko
Prologue
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Dreame

Chapter Two

3.7K 142 55
By EMbabebyyy

Dedicated to @justarlo! Hi, Kuya Arlo! Nag-update ako dahil natuwa ako no'ng nakita ko 'yung comment mo. Simpleng comment lang 'yon pero natuwa ako dahil hindi ka naman magcocomment kung hindi mo binasa. Hihi! Thank you sa pagbabasa, Kuya! :*

Chapter two na ng pagpapakilig ni Ice Tsing. Enjoy!

----------

Chapter Two

Lifli Lucas' Point Of View

"Oh my gosh, bakla!!! Kinain niya for real?! Kyaaaahh!" tili ni Pao habang tinitingnan namin ang instagram account ni Ice.

Pinost kasi ni Ice sa instagram 'yung cupcake at may caption pa na: "Thank you for the cupcakes, Miss. Hope to meet you soon." Tapos 'yung picture ay 'yung tatlong cupcakes na walang icing. Nang makita ko 'tong post niya ay halos magwala rin ako kagaya ni Pao. Sino ba naman kasing mag-aakala na ipo-post niya pa talaga sa instagram 'yon, 'di ba? At sino ba'ng mag-aakala na tatanggapin at kakainin niya 'yon? Grabe lang!

"Dahil d'yan, bakla, anong flavor ang sunod na ipatitikim mo kay Fafa Ice?" tanong sa akin ni Pao.

Nag-isip naman ako kung ano nga bang masarap na isunod sa chocolate cupcake. Nang makaisip ako ay hinila ko na si Pao papunta sa kusina at sinimulan nang gawin ang strawberry cupcake.

"Sayang lang kasi hindi natin nakita 'yung reaksyon ni Fafa Ice habang kinakain niya 'yung cupcake," malungkot na sabi ni Pao.

"Ayos lang 'yon, 'no! Mukha naman siyang masaya base sa post niya, e."

Hindi ko na naman napigilan ang pagngiti nang maalala ko 'yung post ni Ice.

"Naku! Lumalantod ang babae, oh! Hindi mapigilan ang ngiti!" saka ako kinurot sa braso ni Pao.

"Aray naman! Hindi naman ako lumalantod, masaya lang ako. Sino ba namang hindi sasaya kapag tinanggap ng crush mo 'yung ibinigay mo sa kanya, 'di ba?"

"Oo na! Palibhasa wala akong crush sa school, e."

"Hindi mo ba type si John o 'di kaya'y si Angelo o Ryan?"

"Kupo! Ang pangit naman ng mga 'yon! Kung kasing gwapo pa sana sila ni Fafa Ice, baka ako pa mismo ang sumunggab sa kanila."

"Maka-pangit naman 'to! Lakas mo talagang manlait, e."

"Hindi naman, slight lang! Hihi!"

Inilagay ko na sa oven 'yung mga cupcake at habang hinihintay na maluto ay nagkwentuhan muna kami ni Pao.

"Lifli, ano'ng gagawin mo kapag nalaman ni Ice na ikaw ang nagpadala at magpapadala ng mga cupcake sa kanya?"

"Hihintayin ko muna kung ano'ng magiging reaksyon niya bago ako gumawa ng move."

"Paano kapag nagalit siya sa 'yo?"

"Huwag naman! Saka bakit naman siya magagalit? Siya na nga 'tong pinagbe-bake ko ng cupcake, e." Natawa naman si Pao. "By the way, bakla, malapit na ang baking demo exam sa TLE, ah? Handa ka na ba?"

Bigla naman siyang kumapit sa braso ko. "Huhu! Hindi pa ako handang mag-exam!! Last time na tinuruan mo 'ko nasira lang ang beauty ko! I hate cooking talaga!"

"Oh, e ba't nakakapit ka sa braso ko?"

"E, Lifli, mabait ka namang kaibigan, 'di ba? Mag-best friend naman tayo, baka naman pwedeng pagtiyagaan mo na akong turuan?" Nagpa-cute pa siya kaya naman natawa ako.

"Sige, tuturuan kita pero sa isang kondisyon," nagtaas naman siya ng kilay. "Ikaw ang maglalagay ng cupcake bukas sa locker ni Ice."

"Sus! 'Yon lang naman pala. It's so very easy naman. Kering-keri ng beauty ko 'yan!"

"So na nga, very pa?" Nagtawanan na lang ulit kaming dalawa at sakto namang tumunog ang oven kaya kinuha ko na 'yung mga cupcake at inayos na sa mesa.

Kinuha ko na rin 'yung vanilla icing at strawberry na ilalagay ko sa itaas. Inayos ko ang plating saka ko iniharap kay Pao.

"Mr. Paolo Alfaro, maaari mo po bang husgahan ang aking strawberry cupcake with vanilla icing and strawberry on top?" sabi ko na may kasamang pang-aasar.

"Excuse me? I'm not Paolo, I'm Paula." Inirapan niya pa ako pero kinuha niya rin naman 'yung cupcake at sinimulan nang tikman. Hinintay ko ang comment niya pero paubos na 'yung cupcake na ginawa ko e hindi pa rin siya nagsasalita hanggang sa bigla siyang umiyak.

"Uy, bakla! Ba't ka umiiyak?! Hindi ba masarap?" nag-aalalang tanong ko.

"E kasi naman, bakla!! Bakit sobrang sarap nitong gawa mo?! Kung lalaki lang ako baka na-in love na ako sa 'yo dahil sa cupcake na ginawa mo."

Binatukan ko naman siya nang malakas. "Akala ko naman kung bakit ka umiiyak, 'yon lang pala! Naku! Pasalamat ka't best friend kita."

"Thank you!" Akmang babatukan ko ulit siya pero tumakbo na siya palayo habang dala-dala ang isang cupcake. Natawa na lang ako sa kalokohan ng aking best friend.

Habang tinatapos ko ang paglalagay ng icing sa cupcake ay napaisip ako sa mga sinabi kanina ni Pao. Kung si Pao ay may chance na ma-in love sa akin dahil sa mga cupcake na ginagawa ko, e si Ice kaya? May chance rin kaya na mahalin niya ako sa pamamagitan ng mga cupcake na 'to?

***

"Good morning, Ma'am De Guzman. Ipinatawag niyo raw po ako?"

"Yes, Ms. Lucas, maupo ka. May hinihintay lang tayo."

Naupo naman ako sa upuan na nasa harapan ni Ma'am De Guzman. Mayamaya ay may pumasok ulit sa office ni Ma'am.

"Good morning, Ma'am. Bakit niyo po ako pinatawag?"

Lumingon ako sa taong pumasok sa faculty room at gano'n na lang ang bilis nang tibok ng aking puso nang makita ko si Ice Tsing. Lalong nagwala ang puso ko nang maupo siya sa aking harapan. Oh my heart! Kalma ka lang! Alam kong kinikilig ka pero teka lang, mamaya mo na ilabas 'yang kilig mo dahil ayokong mapahiya sa harapan niya.

"Mr. Tsing, mayroon na tayong dalawang baking demo quizzes pero ni isa ay wala ka pang naipapasa. Kaya naman nakapagdesisyon ako na paturuan ka sa isa sa mga magagaling na estudyante ko pagdating sa baking."

"Kanino naman po ako magpapaturo, Ma'am?" tanong ni Ice.

Humarap naman sa akin si Ma'am De Guzman, "Kay Ms. Lifli Lucas."

"Ako po?!" gulat na tanong ko. Oh, Lifli, ang ngiti pigilan muna.

"Yes, Ms. Lucas. Isa ka sa mga estudyante ko na may mataas na grade sa baking kaya ikaw ang napili ko na magturo kay Mr. Tsing. Okay lang ba sa 'yo? Every Tuesday and Thursday mo lang naman siya tuturuan."

Kahit everyday pa po! "Okay lang po sa akin, Ma'am. 'Yon ay kung okay lang din po kay Ice." Tumingin ako kay Ice at hindi ko inaasahan na nakatingin din pala siya sa akin.

Enebe, Ice! Magkakasakit ako sa puso dahil sa tingin mo na 'yan, e! Ahihi!

Isa raw sa mga pinakamasarap na feeling ay 'yung titingin ka pa lang sa taong gusto mo pero siya nakatingin na sa 'yo. Dati naririnig ko lang 'yan, hindi ko naman akalain na mangyayari pala sa akin.

"Okay lang din po sa akin. Tingin ko naman ay matuturuan niya ako nang maayos." Unti-unti siyang ngumiti kaya lumabas ang mapuputi niyang mga ngipin.

Oh my God! Help me! Ang hirap magpigil ng kilig!!!

"Okay, then, every Tuesday and Thursday ay magkikita kayo sa TLE Room. Good luck, Mr. Tsing."

Pagkasabi no'n ni Ma'am De Guzman ay lumabas na rin kami ni Ice. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto at pinauna sa paglabas. Why so gentleman, my Ice? Huwag kang ganyan, baka lalo akong mahulog sa 'yo.

Maglalakad na sana ako pabalik sa classroom namin nang may humawak sa braso ko. Nakaramdam agad ako ng kuryente kaya bigla kong nailayo ang aking braso.

"Sorry. Nabigla ba kita?" tanong sa akin ni Ice.

Oh my God! Totoo ba 'to?! Kinakausap talaga ako ni Ice? As in si Ice Tsing?! Si Ice na crush ko mula first year high school? Si Ice na lalaking gusto ko? Si Ice na pinadadalhan ko ng cupcake? Is this for real?!

"H-Hindi n-naman."

"Sorry ulit. Gusto ko lang kasing sabihin na hindi ako madaling turuan especially in cooking. Wala talaga akong talent d'yan at kahit na simpleng pagpiprito ay hindi ko kaya. Just wanted to say na mahihirapan ka sa akin." Napapakamot pa siya sa batok niya habang sinasabi 'yon, lalo tuloy siyang gumwapo sa paningin ko.

Kahit nahihiya ay ngumiti ako sa kanya. "Okay lang. May isang tao rin kasi akong tinutulungan sa pagbe-bake, 'yung best friend ko, at kagaya mo ay magkagalit din sila ng pagluluto kaya sanay na ako. Saka 'wag kang mag-alala, gagawin natin ang lahat para matuto ka."

Ngumiti rin siya at tumigil na sa pagkamot o paghaplos sa batok niya, para bang naging komportable na agad siya dahil sa aking sinabi. Lumabas na naman tuloy ang mga mapuputi niyang ngipin.

"So, see you tomorrow?"

"Yes, see you tomorrow."

Naglakad na siya paalis at naiwan akong nakatayo sa harapan ng faculty room habang may malapad na ngiti sa aking labi. Nang makalayo na si Ice ay no'n ako nagtititili, inilabas ko talaga ang kilig na kanina ko pang itinatago. Mabuti nga't hindi ako napagalitan ng mga teacher na nasa faculty room.

Shemay naman kasi! Totoo ba talaga ang mga nangyayari? Totoo ba talaga na tuturuan ko si Ice Tsing na mag-bake? Totoo ba na magkakasama kami every Tuesday at Thursday? Sana totoo lahat ng 'to dahil kung panaginip lang 'to, ayoko ng magising pa.

***

Ice Tsing's Point Of View

"Oh pare, may cupcake na naman?" tanong sa akin ni John.

"Oo at may note ulit na kasama."

"Naks naman! Ang gwapo mo talaga, pare! Pahingi, ah!" Kinuha niya sa akin 'yung box at sinimulang kumain ng cupcake.

Narinig ko naman sina Ryan at Angelo na nanghingi rin.

"Ice, oh, tiniran ka pa namin," sabi ni Ryan sabay abot ng box. Pagtingin ko sa box ay 'yung tatlong cupcakes na walang icing ang natira sa akin.

Bakit may tatlo na namang walang icing? Nakalimutan na naman ba niyang lagyan o baka naman sinasadya niya 'to? Pero bakit? Ano'ng dahilan?

Binasa ko ulit 'yung note na nakadikit sa labas ng box.

"When I look into your eyes, I know I've found the mirror to my soul."

Simula bukas ay mag-aaral na ako kung paano mag-bake at tuturuan ako ni Lifli Lucas. Sana naman ay matuto ako at sana'y mapagtiyagaan ni Lifli ang kapalpakan ko sa pagbe-bake. Gusto ko ring matuto dahil adik talaga ako sa cupcake.

Napangiti ako bigla. Stalker ko talaga 'tong nagpapadala ng cupcake dahil alam na alam niya kung ano ang hilig ko. I wonder who she is.

Continue Reading

You'll Also Like

16.2K 477 51
Ano kayang mangyayari kung ma inlove ang isang beki sa isang tunay na babae? Si Malaya ay isang simpleng babae, gusto lamang nya na may isang taong m...
149K 5.6K 198
YG family family! ❤ Scenarios, Jokes, YG ships, craziness overload, deal with the fun, YG rocks! 🤟🏻 Yow! PLAGIARISM, that's NO NO!
3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
10.2K 1.2K 69
SYPNOSIS Lagi nalang syang nakasigaw,akala mo bingi kausap.Lagi nalang nagsusungit,kalalaking tao daig pa ang babaeng may menstrual issues.Kung maka...