Rico POV
“wag ka mag alala may pagkain ka na, bakit kasi kay Luigi ka pa nag dedemand nang pagkain? Eh nandito naman ako na bibili sa iyo… at may pera naman ako… nagseselos tuloy ako….
Hindi mo alam kung bakit ko nasasabi ang mga salitang to kay Jamie ahh pero ahaha bigla bigla na lang kasi lumalabas sa dila ko itong mga salitang to…
“teka may hindi ba ako nalalaman dito?
Kaibigan ba siya ni Jamie, parang familiar siya…
Hindi naman nakatingin sa akin si Jam klaro talaga na pinipigil niya ang kilig niya… hindi sa assuming ako ahh pero bakit pa kasi kailangan niyang yumuko kung wala siyang tinatagong smile sa mukha niya…
Diba malay natin naka smile na siya oh di kaya takot siya na makita ko siyang mag blush…
“wala noh!
Sa sobrang lakas nang boses niya natahimik ang canteen at nabaling ang tingin sa amin
Ngumiti naman yung kasama niya… oo yung parang nerd… pero sa tingin ko hindi naman siya nerd no…
“aha.ahah…ahah… wag niyo na lang po siya pansinin gutom lang po siya
Pautal utal niyang sinabi yun…
Kaya nagsibalikan na yung mga tao sa pag order,pagkain at pagkukuwentuhan nila…
“Ric bakit ka nandito?
“hindi mo pa alam?
“ang??
wala talaga siya alam ba… klaseng amo hndi niya alam kung saan pumupunta ang katiwala sa bahay…
“dito na ako nag-aaral
“talaga!!!
Isa pa to!!, napatingin uli ang mga tao sa amin…
Bakit ba ganito, kailangan ba nilang saksihan lahat nang nangyayaring kaguluhan kung sino ang may pinaka malakas na boses…!! Pacontesan ba to!!!!
“sorry po… ipagpatuloy niyo na po ang ginagaw mo..
“IKAW KASI!!! WAG KANG OA!!
Sabay palo sa ulo… nung kaibigan ni Jam sa ulo ni Lui
Tapos tumingin naman yung mga tao sa amin
I sigh from them, mga taga St Joseph na to… ganito ba talaga sila?? Well masasanay rin ako… taga St Joseph na rin ako eh…
Umalis kami nang canteen, si Lui lang pati yung kasama niya ang kumain, si Jam di kumain nahiya kasi nang todo sa akin, kaya hindi na rin ako kumain… bakit kasi nagiging poste o naninigas siya pag nakikita niya ako??
guwapo ba talaga ako?
Ayaw ko naman siyang maging bato pang habang buhay lalo na’t nag aral na ako dito…
Lumabas kami pero tong si Jam walang kibo kaya bahala na sampalin man niya ako… hahawakan ko siya sa kamay baka kasi dito pa siya matumba… wala ako sa tabi niya, ayoko namang ibang lalaki pa ang bumuhat sa kanya… nakakaselos yun nang puso…
Rinah POV
hindi ko alam kung bakit bumait si Luigi eh. Dapat ako sana ang may galit sa taong to dahil, alam niyo na un at isa pa inindian niya si best Memie pero, pagbibigyan ko na lang to, kasi sabi nga nila every people change even in a few seconds
So ito nalilito na ako, parang pina paikot ikot lang nilang tatlo ang kuwento at ako lang ang walng alam…
So ito wala na akong pakialam kahit sabihan nila akong usisera,chismosa at pakialamera…
Ito na sisingit na ako… katabi ko kasi si Jamie na naninigas pa rin for unknown reason…
Pero parang feeling ko, wala ako sa tamang tiyempo para tanungin si Memie nang ganito ang lagay niya…
“Ric si Kathrinah…you can call her Rinah
Nung sinabi ni Luigi yun parang nagulat si Ric, may nalaman ba siya? Kilala niya ba ako? O sadyang may alam siya tungkol sa akin
“pare, mag kakilala kayo…
Tulala pa rin si Ric, haler please naman o… reaction please…
“ahhaha pare… hindi, kamukha kasi siya ni Jess… remember my cousin?
“ahhh… tama, but she’s prettier than Jess…
“ya right!
Tapos kinindatan niya si Luigi
Harap harapang papuri ba to?
Maganda na pala ako sa lagay na to?
Kaya pala patay na patay ang lahat sa kagandahan ni Kath kasi dito pa lang sa face ni Rinah gandang ganda na sila…
“pare bakit ka ba lumipat dito?
“ako… wala para mas malapit ako sa iyo…
“bakla ka ba… UY! Ladlaran na?
“gago… hindi no… alalay mo ako kaya hindi puwedeng wala ako sa tabi mo..
Alalay siya ni Luigi?? Sa lagay na nakakaaral siya dito?
“hoy ikw katok ka ah!
Sabay batok kay Ric
“bakit ba!
“bakit mo ako ginagago kagabi ahhh!,inlove ka ba?
“hindi noh.. O/////O
Hindi daw per nag blublushhhh nga ohh
Sabay iwas nang tingin kay Luigi…
Nakakainis naman no!, alam niyo kung ano ang nasa utak ko?
Ganito ohh
à ??? ahhh??? Ano daw???? BAKIT??? SINO????
Puro tanong… lahat sila puro tanong kaya please sabihin niyo na!!!
Kaya yun nag paalam ako kay Luigi na aalis kami ni Memie pati rin doon sa parang admirer nang bestfriend ko…
Pero ano ba to ahh??? Girlfriend lang ang PEG??? Mag papaalam sa kay Luigi???
So bura bura to my mind na here I come na magtatanong na ako sa bestie ko…
“Jamie!!
Inalog alog ko yung katawan niya…
Para kasi magising na…
So yun ginawa ko lahat nang technique para magising siya pero alam niyo WALEY PA RIN kaya ito na lang ang alas ko pag di pa niya ako papansinin iiwan ko na talaga siya…
“ayaw mo pala gumsing ahhh ibubuhos ko na lang tong tubig sa iyo…
ONE
TWO
THREE
“wag!!
Tapos pinigilan niya kamay ko…
“hay nako kung hindi ka pa bubuhusan nang tubig hindi ka pa jan kikibo ahh.. ikaw ba ang pinunta nang Ric na yun?
“si Ric? Si Rico? hindi no! hindi ko yun crush at higit sa lahat wala talaga siyang gusto sa akin!!! O/////O, hindi ko nga yun pinapansin eh kasi nakakainis siya!!!, at… at…sa.. tuwiing nakikita ko siya umiinit ang ulo ko!!!!. Uhhmm… sa kanya!!, alam mo yun? Yung kahit anong iwas mo nandyan pa rin siya!!!… kaya nga minsan hindi na lang ako kumikibo kasi nakakabuwisit na baka matrending pa ako sa youtube at makulong pa ako dahil baka hindi ko mapigilan at mapatay ko siya!!
Wow ah! Tinanong kita kung siya ba ang sadya ni Ric dito, kung anu anu na ang sinabi niya… ok lang ba siya? O affected lang siya?
At nag blublush pa siya ang pinaka matindi pautal utal pa siya at nag hahand gestures siya!!!
Mukhang totoo talaga ang instinct ko ba!!!
“hoy! Naggdadate na ba kayo…
“ahh anong nag…
Tinakpan ko yung bunganga niya
Expected nobela nanaman yang sasbihin niya
“ikaw babae ka sabihin mo na kasi yung totoo hindi yung defensive ka masyado…
Sabihin mo na kasi… secret lang natin…
“kasi… mmhhh
Pinidot pindot ko yung dun banda sa side na may kiliti siya…
“ahaha!! Wala!... wala…
“anong wala!!
Pinipindot ko pa rin yung kilit niya
“ano ah??
“ahaha!! Wala Rinah!!
“sige ka hindi kita titigilan!
“oo na!!!! sasabihin ko na kaya wag mo ko kilitiin nakikiliti ako!! ehh pero secret lang natin yun…
Kinuwento ni Memie lahat at natawa, kinilig at nainis ako all in all im happy for Memie, at habang kinukuwento niya yun yung kilay ko kumukunot!! Kung hindi naman tumataas bigla ahaha!! Nakakatawa ang facial expression ko, pero sa lahat nang kinuwento niya sa akin ahaha feeling ko kahit hindi pa sila parang sila na talga…
Pati nga yung date nila kinuwento niya rin…