Until I found you.

By asterisk30

76 0 0

Masama daw makipagrelasyon sa kapwa mong babae. pero pano kung sakanya mo lang naramdaman yung tunay na pagma... More

Until I found you.
chapter1
chapter2
chapter3
chapter4
chapter6

chapter5

11 0 0
By asterisk30

so ayun na palagi na kami magkatext ni kim. Palagi ko sya niloloadan (desperada kase akong makatext sya) Minsan nga pakiramdam ko naiinis na sya sakin. madalas pa kase sa pagbubunganga ng nanay ko ako magtext sakanya. Hihi. Pero sige parin ako. wala akong pakialam basta katext ko sya. Nagagalit nga sa akin yung mga kaibigan ko kase nagmumuka na daw akong tanga pero tuloy padin ako. Anong magagawa ko. Gusto ko na kase sya talagaaaa. :) 

Isang araw nalang hindi na sya nagrereply sakin. Yung isang araw na yun naging isang linggo. Naging isang bwan. Masakit. Parang nahihiya na ko magtext sa kanya. Siguro nga nakukulitan na sya sakin.. kapag nakikita ko tuloy sya sa school umiiwas ako. (di ko alam kung nahahalata nya)

Minsan nakasalubong ko si Captain namin. Kasama nya si Kim. Classmates sila kase. Tapos magkabarkada pa. Kaya yumuko ako. nahihiya kase ako kay Kim.

"cy! Si kim ohh" sabi ni capt. sheeet. Baka alam na ni captain na may gusto ako kay kim. kung ano ano kase pinagtetext ko kay kim nung nagrereply pa sya sakin.

"hehe. oo nga captain. kita ko nga sya" alanganin akong ngumiti. nakakahiyaaaaa.

"Cyress, text mo ko mamaya ha. Sinoli na ni ate yung cellphone ko. Sorry di ko nasabi agad. Hiniram kase. uhm Namimiss na kita" si kim.

Yung alanganin kong ngiti ngayon totoong ngiti na. Laslas na. hihi. ano? Tatalon na ba ko sa building? Magsisisigaw naba ko? Kase yung kilig ko hanggang langit naaaa. shheeeeet!

"ahh ganun ba? Osige. Mamayang uwian nalang" sagot ko. todo ngiti padin ako.

"ehem, may hindi ba ko alam?" singit ni captain.

"wala pa." sabi ni kim  "magkukwento naman ako kapag meron na eh" sabi nya ulit sabay ngiti.

namumula na ata ako.

"Cyress. 10mins nalang anjan na si ma'am" si Bea. Bestfriend ko.

Oo nga pala. Recess lang namin hindi lunch break. Kaya nagpalaam na ko kila kim at captain.

Pagpasok ko palang ng room, nakapamewang na sakin si Bea. Alam ko na to. Nagagalit na naman. Ayaw nya kase sa mga same sex relationship. Kaya pinapalayo nya ako kay Kim. Eh kaso, hindi naman kami ni kim. Kaya di ko sya nilalayuan. Hihi

"Ano na namang ginawa ko?" tanong ko agad kay bea. katabi nya sila Kathleen, Maxinne at Lorraine. Mga kabarkada ko sila.

"Ano yung nakita ko? siguro nagpapaligaw ka dun sa kim na yun ano? Cyress Babae din yun!" sabi ni Bea. pinapagalitan na naman ako.

"agad agad? hehe. hindi po nanay. kateam ko sila sa volleyball diba? syempre close close kami" giit ko. Half meant naman eh. Ang di nila alam sobrang gusto ko yung si kim.

"Ang oa mo naman bea. Pag nakikipagusap sa tomboy nakikipagligawan agad?" si Maxinne. Pinagtatanggol Ako. My ever supportive kabarkada. May pagkaboyish din yun. Pero di namin alam kung tomboy Hihi

Uwian na. Excited na ko. Itetext ko na kase si kim ko. Hihi bakit may KO? wala lang nagfifeeling lang ako. haha

"Kim?" text ko sakanya.

after 5mins nagreply sya agad.

"cyress :) kamusta school?" sabi nya.

"okay naman. sana maghapon nalang yung klase sa school natin noh?" reply ko. Half day lang kase kami. Ewan kung bakit ganon.yun yung ginawang patakaran nung principal namin. Edi sana maghapon ko nakikita si kim.

"ou nga" maikling sagot nya.

"may sassabihin sana ako.." text nya ulit.

"ano yun?" reply ko. Sana liligawan nya na ko.. Hihi.

Bigla kong naging gusto na maging kami  netong si Kim. Hihi pag nagkataon Lagot ako sa barkada. Lalo na kay Bea..

----

-asterisk30

Continue Reading

You'll Also Like

61.7K 1.8K 51
What will you do if you end up in someone else body?
4.6M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
370M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
506K 19K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...