Chapter 4: New bestfriends
*Cindy's POV*
*riiiiiiiiing*
*riiiiiiiiiing*
ah -O- anong oras na ba?
4:30? okay. 5 minutes pa!
*riiiiiiiiing*
*riiiiiiiiing*
haaaay ang bilis naman ng 5 minutes! Makatayo na nga! -.-"
obvious naman. First day of school ngayon. Mamayang 8:00 palang ang pasok namin.
siguro nagtataka kayo bakit ang aga kong nagising no? Ganyan na talaga ako since elememtary. haha. di ko nga rin alam kung bakit eh
two weeks na rin pala ang lumipas simula nung araw na samahan ko yung star apple na tarsier na yun. Di ko na siya nakita simula nun. Kahit pa sinabi niya na magka-village lang kami. Di naman kasi ako masyadong lumalabas ng bahay
Nakwento ko na rin sa aking bestfriend ang mga nangyari. At ayun,kinilig! Haha. Tinanong niya nga kung napalitan na ba si Christian sa puso ko. Eh sabi ko naman di ko mahal yun. Ang nararamdaman ko siguro sa kanya infatuation lang no.
Ayaw ko muna ma-inlove. Di pa ko ready! Haha
nakooo tama na nga muna ang daldall! Kakain muna ako ^o^
pagkababa ko nakita ko si Mama naghahanda na ng pagkain.Si ate naman nakaupo na rin dun. At as usual ang aking kuya at ang bunso namin ay tulog pa -.-"
"Good morning Ma. Good morning Ate" bati ko
"Good morning din anak." sabi naman ni mama
"Good morning din JC"sabi naman ni Ate
"Oh maupo ka na at kumain. Gigisingin ko lang muna ang mga kapatid niyo" sabi ni Mama
"Sige po" sabay naman naming sabi ni ate
"Ate, kumusta naman sa school na pinapasukan mo?" tanong ko
"Maganda at maayos naman dun. Doon mo din ba balak mag-college?"
"Oo sana. Tutal doon rin naman kayo ni Kuya eh"
"Mabuti naman"
"Ate may boyfriend ka na ba?" tanong ko na ikinabigla naman ni Ate, halos mabilaukan pa yata siya eh "Ate okay ka lang? Oh eto tubig oh" sabi ko sabay abot dun sa tubig
"Salamat" sabi niya "Diba alam mo naman na wala akong sinasagot sa mga manliligaw ko?"
.
"Opo. Bakit nga ba ate? Ang dami-daming nagkandarapa sayo sa school diba? Dahil ba kina Papa? Kasi ayaw mong maapektuhan ang pag-aaral mo?" tanong ko.
"Hindi naman sa ganun. Gusto nga nina papa, bago man lang ako makagraduate eh may maiharap na akong boyfriend sa kanya. baka daw kasi tumanda akong dalaga. Haha. Tingin ko naman hindi makakaapekto sa pag-aaral ko yun" sagot naman ni Ate
"Oh ayun naman pala ate,wala namang problema. Bakit wala ka pa ring sinasagot?" tanong ko pa
"Eh kasi wala naman sa mga manliligaw ko ang gusto ko" sabi niya tapos namumula pa
"Ayieee si ate may nagugustuhan. Sino ba yun ate? Pupuntahan ko! Aba,sa ganda mong yan, di siya nanliligaw sayo?"
"Baka kasi di naman ako ang type niya no. Kaklase ko siya since high school. Pero di naman kami masyadong nag-uusap. Magkakausap lang kami sa tuwing may groupwork o kaya naman ay pairwork. tapos tingin" kwento ni ate
"Ay ganun ba. Imposible naman atang di ka niya magustuhan ate? Ideal girl ka na kaya no. Tapos campus sweetheart ka pa. Baka naman natotorpe lang siya."
"hay nako. Ewan ko Cindy. Bahala na si Batman! haha. Di naman ako nagmamadali eh" sabi ni Ate
"Oo nga ate. Saka kung kayo talaga ang para sa isa't isa at itinadhana,kayo din ang magkakatuluyan sa huli!"
"Oo nga. Teka. Ikaw ah may nalalaman ka ng ganyan! Inlove ka no?" sabi ni ate tapos tinusok-tusok niya ako sa tagiliran, eh malakas pa naman kiliti ko!
"hahahahaha ate hahahaha tama hahahahaha na! hahahahah ate! Hindi hahahahaha ako hahahahahaha inlove" sabi ko haaaay
"Talaga lang ah?" sabi ni ate. Tinigilan niya na ang pagkiliti sakin
"Oo no. May crush ako, pero ate tulad mo di niya ako pinapansin eh. Pero di ko siya kaklase kaya talagang di kami nag-uusap. pero ate! Malakas ang kutob ko, na makakaklase ko siya this school year!^o^" sabi ko naman
"Nakooo. haha. Dapat kasi kahit papano ayusin mo ang sarili mo. I mean yung sinusuot mo? Yung itsura mo? Maganda ka naman eh. Kaso tinatago mo. Alam kk na! Sa saturday! ime-make over kita! at sana nga makaklase mo siya. Basta balitaan mo ako kung nagle-level up na ang relasyon niyo ah? Haha"
"make-over? relasyon? Ate talaga oh. Opo sige babalitaan kita, basta babalitaan mo rin ako ha?"
"Oo! basta wag ka ng aangal. ime-make over kita! Oo naman sige babalitaan kita"
"Hay. Sige na nga. sige ate maliligo na ko ha"
"Sige sige. Sa saturday ha?"
tumango na lang ako
ayun naligo na ako tapos nagbihis at ngayon nagsusuklay ako ng buhok habang nakaharap sa salamin
"ime-make over daw ako ni Ate. Ibig sabihin nun kailangan kang ipaputol. Haaay" kinakausao ko na naman ang sarili at ang buhok ko (_ _")
"Pero wag kang mag-alala! Papahabain naman ulit kita. haha"
hay nako! Anong oras na ba?
hmmmm? 7:00 na pala? Maaga pa naman.Magba-bike na lang ako ^o^
bumaba na ako tapos nagpaalam kay Mama
"Ma! alis na po ako!" sabi ko sabay kiss sa cheeks niyan.
"Oh ang aga pa ah? di ka ba sasabay kina ate mo?"
"Hindi na po. Magba-bike na lang po ako Maaga pa naman po eh" sabi ko
"Oh sige. Mag-iingat ka ha?"
"Opo. Sige po. Bye po!"
lalalalalalala ~
ang sarap ng simoy ng hangin!
ang sarap magbike! hahaha
..............
ayan nasa school na ako^o^
"Good morning kuya guard!^O^" bati ko
"Good morning din Miss Suarez"
"Nakooo kuya guard, Cindy na lang po :) Kuya guard pakibantay na lang po nitong bike ko ha?"
"Oo sige. pasok ka na"
lalalalala ~
teka nasan na ba yung bestfriend ko?
wala pa siguro siya. maaga pa naman kasi eh.
Pupunta muna ako dun sa garden ^o^
Oo! May garden ang school namin! Ang dami ngang magagandang bulaklak dun eh
kaya nakakarelax. Favorite tambayan ku yun^o^
ayan! Dito ako sa may ilalim ng puno KO! haha. Oo inangkin ko na to! Nilagyan ko nga ng JCS eh. Initials ko ^___^
hay! tamang-tama! Magbabasa muna ako sa wattpad^O^
"Hay. Sabi na nga ba dito lang kita makikita"
"Vanessa?"
"Ay hindi. Vanesso" sarcastic niyang sabi
"Okay. Ang corny ah! Last mo na yun! haha. Bakit ka nga pala nandito?"
"Malamang sinusundo kita. aba! 7:45 na po!"
"ha?!7 :45 na?? Tara na pasok na tayo!!!" sabi ko tapos hinila ko siya
alam ko na yung room namin.
"Hooo! buti nakaabot tayo!" sabi ko dito sa katabi ko na hanggang ngayon hinihingal pa rin
"Ui mako. Pasensya na ah. Akala ko kasi late na tayo. tara upo na tayo" sabi ko
"Ho-okay lang. tara na upo na nga tayo" sabi niya sakin
at ayun umupo na kami
"Good morning class" sabi ng adviser ata namin ito?
"Good morning Ma'am" sabi naman namin
"I'm Mrs. Ynna Cruz, your science teacher and adviser for this school year. Alam ko naman na magkakakilaka na kayo dahil wala naman naalis sa inyo dito sa star section pero merong nga nag-transfer kaya naman kailangang may pumalit sa kanila.Meron kayong mga bagog classmates. heto sila." sabi ni Ma'am "Pasok kayo. Go introduce your self" sabi ni Ma'am dun sa mga pumasok
"Good morning sa inyo ^___^ I'm Angela Lopez from section B. Sana maging magkaibigan tayo" sabi nitong si girl na maiksi ang buhok,maputi at maganda na mukhang may pagkamadaldal. Nakoo! Magkakasundo kami neto! haha
"Good morning din sa inyo. Ako naman si Cristel Gonzalez from section C. Nice meeting you all" sabi naman nung isa girl na medyo mahaba naman ang buhok na medyo maitim pero maganda siya!
"Ui mako,mukha silang mabait no? Makipagkaibigan tayo sa kanila mamaya ha?" sabi ko dito sa katabi ko
"Oo nga. sige sige!" sabi naman niya "MaKo. Tignan mo yung nasa harapan*O*" sabi pa niya na parang di makapaniwala
tumingin naman ako!
syempre slow mo!
ha
ha
rap
na
ako
*O* to-totoo ba tong nasa harapan ko??
"Ma-mako, siya ba talaga yan?"tanong ko na hindi makapaniwala sa kanya
"Oo mako. Siya nga"
"Good morning. I'm Christian Louie Perez from section A." sabi niya
at ayun madami ang nagbulungan. Lalo na ang girls!
madami din kasing may crush sa kanya sa mga classmates ko
pero di kami sumisigaw ah yung tipong parang patay na patay talaga kami kay Christian.
Nagbubulungan lang kami no! ^O^
waaaaaaaaaaaaaaaaaah ^O^ ang crush ko kaklase ko na! hahahaha
"waaaah! sabi ko na sayo eh! kaklase natin siya! waaaah!" sabi ko pero syempre mahina lang sabay hampas ko sa kanya
"Oo-- aray-- alam---aray! pwede ba mako. tigilan mo ang paghampas sakin!" sabi ni best ko. Nakooo napasobra ata ako
"Ay sorry mako! "
"Okay lang. sanay na ko. pero mako,mukha atang kailangan mo ng mag-diet! Bumigat lalo ang kamay mo! ang sakit kaya ng hampas mo no!" sabi niya
"He. tumigil ka nga diyan. haha. ah basta! Ayie! Kaklase na natin si Christian ^O^"
"Oo na. tama na ang kilig"
"Eh--" naputol ang sasabahin ko kasi may biglang pumasok
"Go-good morning Ma'am. Sorry I'm late" sabi ni
O.O omaygassssh asong may pulgas! Bakit nandito ang nilalang na ito!
"It's okay. Tamang-tama lang ang pagdating mo. Magpakilala ka na"
"Ah eh. hello sa inyo! good morning! Ako nga pala si Paul Xander Ramos. Kakalipat lang namin dito. Kaya sana maging magkaibigan tayong lahat! yun lang po" sabi niya tapos nag bow pa
at ayun mas lalong lumakas ang mga bulungan ng mga girls dito.
errrr. Naman eh.
hay good vibes cindy!! Good vibes!!
"Oh bakit mukhang naiinis ka naman ngayon?" tanong ni vanessa
"Eh kasi naman siya yung sinasabi ko sayong star apple na nakilala ko sa park"
"Ha? Talaga siya yun?"
"Ay hindi. Kasasabi ko lang diba? Bingi lang?" pagkasabi ko nun nakatanggap ako ng isang batok mula sa kanya (_ _") naman eh
"aray ko ah. Makabatok ka naman"
"Eh napakapilosopo mo kaya! So siya pala yun? Pogi naman." sabi niya
siguro nagtataka kayo kung bakit ganyan na lang ang reaksyon niya no?
usually kasi dapat nagtitili na siya kaso hindi?
ganyan talaga yan. NBSB yan.
At wala din siyang nagiging crush bukod sa mga artista -.-" di rin naman siya man hater. ay ewan ko diyan. Mas mabuti na rin yun. Baka masaktan lang siya sa love love na yan. ayaw ko kayang nasasaktan ang bestfriend ko no!
"Pogi?! saan banda?" sabi ko
"sus. kunwari ka pa"
natigil ang usapan namin kasi nagsalita na si Ma'am Cruz
"Okay. Tutal hindi muna tayo magle-lesson ngayon. Aayusin na natin ang seating arrangement niyo. Tutal naman nakakasawa na ang nakaseparate ang boys sa girls na arrangement, ang seating arrangement natin ngayon ay alternate. boy-girl-boy-girl. Okay magsimula na tayo"
haaay nakoooo sana naman makatabi ko si christian *O*
ayun tinawag na si Vanessa, at mukhang di niya gusto ang katabi niya
"Miss Suarez doon ka sa tabi ni Mr.Perez"
Mr.Perez daw O.O
diba si Christian yun?????
oh may G!!!!!
yeah boy! whahahahahaha katabi ko siya
"Miss Suarez!"
"Ay sorry po Ma'am"
ayun umupo na ako sa tabi ni christian! Grabeee! edi makakatabi ko siya whole school year??? waaaah *O* ang swerte ko!
"Then Mr. Ramos sit beside Ms.Suarez"
umupo naman si Star Apple sa tabi ko
teka si Mr. star apple ?! katabi ko?!?
TT.TT uwaaah. di pala ako swerte!
ay hindi! swerte ako! Katabi ko naman si christian eh!
wala naman masyadong ginawa...
sinabi lang nila yung mga rules and regulations chu chu
*ting ting ting*
yay! Sa wakas lunch break na *o*
"MaKo! tara lunch break na tayo!" sabi ko
"Wait lang. Pwede bang makisabay satin sina Angela at Cristel?" sabi naman niya
"Aba! Oo naman no! Teka. pakilala muna ako sa kanila." sabi ko tapos hinarap ko na sila" Hello sa inyo ako nga pala si Janderine Cindy Suarez. Pwede niyo akong tawaging Cindy. pero dahil bestfriends na tayo,JC na lang!"
"Bestfriends?" tanong naman netong si Angela
"Oo naman. Tingin ko naman mapagkakatiwalaan kayo eh. So you are?" sabi ko
"Angela Lopez. Gela na lang. Tutal sabi mo naman bestfriends na tayo :)" sabi niya
"Yay! Okay Gela! eh ikaw? Anong pangalan mo?"
"Cristel Gonzales.Tey na lang. Yun kasi nickname ko" sabi niya
"O sige. So let's go? Maglunch na tayo!" sabi ko naman sa kanila
"Wait lang! Star Margarine!" napahinto naman ako dun.
at biglang nag-init ang dugo ko
"Psssh. star margarine your face! ano naman ang gusto mo ngayon Mr.Star Apple?" ~~. naiinis kong sabi
tawagin ba naman akong star margarine! hmmmp!
"A-ano k-kase ..." sabi niya
"Dalian mo na bro! Ang bagal mo naman!" sabi nung katabi niya. actually may tatlo siyang kasama.
"ano ba yun ha?" tanong ko
"pwede bang...
-----------------------------------
ooops! bibitin ko muna kayo! hihihi :">
wala na kase akong maisip! XD
try ko mag-update mamaya o kaya bukas ^O^
Vote.Comment and be a Fan :)
ingat lahat!♥
xoxo
MissJheiiyEm